Color Charting Kung Walang-Wala

Color Comb 1

May gusto akong gawin na cake.  Hindi naman sya tutuong cake kasi styrofoam ang laman nya.  Dummy cake ang tawag sa kanya.  Hindi sya pwedeng kainin – not unless gusto mo ng lasa ng styrofoam na may nakabalot na fondant.  And layunin lang ng cake na ito ay pang-display.

Nagkakaproblema lang ako kasi, lahat, as in, LAHAT ng gamit ko iniwan ko sa Canada.  (Mother, gamitin mo muna sila habang wala ako dahil babalikan ko pa rin silang LAHAT).  Sabi ni Bossing ko, bili na lang daw kami, sagot ko sa kanya, “Are you serious? Balak mong mag-invest ng ganun kamahal sa business ko?”  Ganun na ang halaga ng mga gamit ko – tinitipid ko pa sarili ko nun, ha.  Kasi nga poor ako.

Color Comb 2

So anyways, chinallenge ako ni Teacher Joanne.  Sabi nya, dun lalabas ang creativity mo, kapag salat ka sa gamit.  So nag-isip ako ng mga bagay na andito pa sa akin sa Baltimore or kabibili ko lang para sa ibang pinagraraketan ko.  And sure enough, may naisip na ako na design.  Gudlak sa akin talaga!

Ang isang namimiss ko sa mga gamit ko eh yung mga food coloring at dusts ko.  Sus, dun ako nabubuhay kasi lahat ng dapat na kulay na kailangan ko andun or at least nagagawan ko ng paraan.  Pero dahil nga balik ako sa basic food coloring at kailangan ko ng dramatic na kulay para sa dummy cake ko, kailangan mag-research ng matindi.  And sure enough, may naresearch ako sa Food Network na coloring ng icing using only 4 basic colors – Red, Blue, Yellow and Green.  Ay, sobrang saya!  Eto na ang sagot sa pangungulila ko sa food coloring ko.  Ang dusts, wala akong magawa, kailangan kong bumili ng isa o dalawa.  Keribels na yun.

Kailangan simulan ko na ito this week. Actually excited ako. Dalawa kasi ang balak kong gawin.  Isang wedding ang design, isang pang-debut.  Para saan? Wala lang. Practice lang. hehehehe

And for the curious, eto ang color chart ng Food Network.  Click nyo lang yang image na yan and it will bring you to their page. It’s not all the colors of the rainbow, but it definitely helps… A LOT!

Above Icing Smears Courtesy of Food Network

At ang pinakaimportanteng balita – Zambas Philippine Oriental Redefined, a very, very, very good Filipino-food restaurant is featuring my cupcakes this Sunday.  Kung wala kayong gagawin at curious kayong malaman kung ano ang lasa ng mga cakes ko, be there this Sunday and have lunch there!  I guarantee you, masarap ang pagkain nila and you won’t be disappointed with the cupcakes I will be serving.  So I will see you all there!  Punta kayo ha.  Eto ang address nila:

8019 Philadelphia Avenue, Rosedale, Baltimore, MD 21237

View Larger Map

(Nakita 110881 beses ng 19886 bisitors)

Digi-Scrapping And More

Rovil Tupas-Villas

Isang buwan na akong nakakabalik galing Canada.  Tatlong linggo na rin akong naghahanap ng trabaho – minimum requirement: maximum distance – within the 15-mile radius around the White Marsh area. Ayoko na ng malayo kasi parang gusto kong may magawa pa pag-uwi ko galing trabaho.  Kapag malayo ang trabaho mo parang dun na lang nauubos ang oras mo.

Ay, meron pala.  I’ve returned to digi-scrapping.  And I’ve discovered, ang mga freebie kits ngayon, ang gaganda na.  Kaya di na ako bibili ng scrap kits (as much as I can help it).  Kumbakit naman kasi naiwan-iwan ko ang external hard drive ko sa Calgary eh nandun ang mga kits ng She’s Full of Scrap ni Greta at Patring.  But I’ve done so many na hindi

My Lola

mo aakalain puro freebies lang sila.  I’ve been scrapping about my friend’s daughter, Rovil (who passed away recently because of leukemia) and my lola (who also passed away a few months ago because of old age – 97 na sya nung mag-goodbye sa amin).  Pero magdidigi-scrap din ako ng ibang tao sa mga susunod na araw.

There’s something very therapeutic about scrapping.  Mas lalo na kung in the zone ka, parang wala kang worries in the world kasi ang iniisip mo lang, paano mo pagagandahin yung page.  Plano ko na rin baguhin yung childhood albums ko.  At ibang karir yun kasi physical scrapbooks na yun.  Pero who knows… (Good luck, Matet!)

Rovil at Two Years Old

Pero I have to do some more things aside from digiscrapping.  Yung mga bagay na di ko magawa dati kasi nga wala akong time.  At ngayon na may time na ako, dapat isip-isipin ko na kung ano-ano yung mga yun na gusto kong gawin.  Ang problema, di ko maisip kung ano-ano sila.  Kakaloka, diba?  Teka… alam ko na, mag-attempt ulet gumawa ng macarons, umpisahan na ang business plan para sa gusto kong business at umpisahan na ang layout planning at costing para sa kitchen renovation.

Lolang Maganda

So I guess, I have to start on those now.  Gusto ko nang magtayo ng sarili kong party supplies business, gusto ko nang makagawa ng perfect macarons para sa desert tables na business at kailangan ko ng bagong kusina para mas masarap ang baking ko.  Kaya I leave you with all these other LOs.  Marami pang magiging pinsan yang mga yan in the days to come.

Hasta la vista, masahista!

My Sister-Friend Cristy
Mercy, Rovil's Mom
Julia, Rovil's Sister
Saskia, Rovil's Cousin and Cristy's Daughter

(Nakita 107067 beses ng 20113 bisitors)

First Video Blog

Before anything else, for those who want to know, update on my niece, Chynna:  Every 10 days na lang ang chemo nya.  Yayyyyy!! And she’s as normal and as cheery as ever.  She has her moods but for the most part she’s still very brave and always smiles.  Where else will I ever draw my strength but from her, right?  So Thank you so much, Lord!! Thank you, St. Jude.  Thank you, St. Peregrine.  Thank you, Mama Mary.  Thank you, St. Therese. Thank you for all your continued prayers. We will fight cancer till it’s gone! :)

So on to the video blog.  Ang labo talaga ng naging  problema ko.  Watch the video :)

(Nakita 129020 beses ng 23702 bisitors)

Wonderful News!

Pakiusap ko po, kung mababasa nyo ito at kaibigan ko kayo sa FACEBOOK,  please, I really request that your comments be discrete there.  Pasensya na po… I don’t think I have a lot of followers anymore sa blog ko so this is the only avenue I have to write what I feel.  Kaya dito na lang po kayo mag-comment sa blog ko.  We’re still trying to control the people who know of it dahil nga po may lola pa po ako na 91 years old na at hindi alam ang nangyayari.  Eh 91 na naman po kasi sya… Kahit nga po ang uncle ko sa Pilipinas na nag-aalaga sa kanya, walang alam.   Sana po, maintindihan ninyo…
Thank you po…

————————————–

I have been so happy and thankful and ecstatic and teary-eyed since yesterday…

Pagkatapos kong mag-rosaryo kahapon nakatanggap ako ng email galing kay inang.

GOOD NEWS!!!!!

Ate’s tumor almost gone!!! THANK YOU LORD!!! Pero (sic) may konting bad news , staying in the hospital cause of bloodclot so she’s taking bloodthinner now cause daw ito ng chemo at piccline nya so may gamot sya para d maapektohan ang heart .continue praying. Facetime mosya now love u

Ate Chynna, Day 22

Umiyak talaga ako sa laki ng pasasalamat ko kay Lord. I knew He would listen to all our prayers. Hindi pwedeng hindi kung parang Vatican twing Linggo sa dami ang nagdadasal para kay Chynna. Nagpadala agad ako ng private message sa mga kaibigan namin na alam ang nangyayari at alam kong pinagdadasal kami one way or another. I know they would all be happy to hear this good news.  After almost a month, wala na ang tumor ni Ate.  Thank you talaga, Lord!!

Ate doing her quilt

Nung makausap ko si Patring, one (1) cm na lang nga raw ang tumor ni Ate at hahayaan na ng doctor na ang katawan na nya ang magfu-flush out nito. Wala na rin yung pamamaga ng kidneys nya. She still has to undergo chemo kasi nandun pa raw ang cancer cells nya, but I would take ANY good news now as a blessing. She has to take heparin shots for the blood clot and she now has a porta cath inside her upper chest kasi dun na padadaanin ang chemo nya. In a way, maganda yun kasi freely nang makakagalaw si Ate. Swimming pa kung gusto nya.

Binalita sa akin ni Ate na pwede na nyang makita si Bruce, yung alaga nyang aso. Pinayagan na sya ng doctor nya makita si Bruce. Kinailangan kasing ipagbakasyon muna si Bruce kina Wowa kasi nga unstable pa nun ang conditions ni Ate. Hindi pa sya makakauwi pa rin kina Ate pero pupunta na sila sa Bragg Creek this Monday for a few hours. Bonding time silang mag best-friend.

Lalabas na si Ate ngayon sa hospital after her heparin shots.  On Tuesday, balik chemo sya and, this time, 4 days a week for about two weeks.  Pagkatapos nun, isho-shorten na yung occurence ng punta nya for chemo depende kung ano ang findings ng mga doctors.  I know, hindi sya binibitawan ni Lord.  Ate is getting well.

Si Patring with Chynna and Coco at the park

Nakapag-Facetime pa kami kahapon while she was in the hospital.  Ang una nyang sabi sa akin, “When are you coming here?”  I know may surprise sya sa akin kasi nga akala nya hindi ko alam kung kelan darating si Greta eh may secret sila ni Greta na surprise ang dating nya.  Eh lagi kong jino-joke sa kanya na walang money kasi si Greta kaya nag-iipon pa ng money na pamasahe sa plane.  Natatawa sya.

She was telling me kung anong klaseng wig ang kukunin nya, atsaka anong kulay.  Niloloko ko nga sya na dapat blonde na ang kunin nya katulad nung binili ni Wowa sa Singapore.  Tawa sya ng tawa.  She said she needs a wig kasi they don’t allow caps in school.  Yes, she is going to attend school.  She needs the normalcy.  It will do her emotions and mind good to still have a normal routine.

She also told me na ang taba ng cheeks nya (which I noticed but didn’t want to let her know that I do until she mentioned it).  And that her cousin, Sef, was happy kasi pareho silang puro pisngi.  Pero sabi nya, pag hindi na sya umiinom nung steroids nya, babalik na sa dati ang face nya.  Sabi ko, wawa naman si Sef, sya na lang ang big cheeks.  Tawa rin sya ng tawa.

On retrospect, nagpapasalamat pa rin ako.  Ang dami-dami ko pa ring dapat ipagpasalamat.  Ate is winning the big fight against cancer.  I have nothing else to ask for kay Lord.  Recently, I have read a news on a childhood friend’s facebook page na pumanaw na ang 11 years old nya na anak.  Nung mabasa ko yun, dun ko narealize sobrang sakit pala nun talaga.  I realized because of what has transpired in my life for the past month, no matter how much pain I feel for her loss and it won’t still be as much as what she is experiencing right now,  masakit mawalan ng mahal sa buhay.  Mas lalo na kung anak.  Eto nga lang na pamangkin ko na muntik-muntikan na, halos maloka na ako… paano pa sya?   Wala… walang kasing sakit.

We really have to love life… cherish each day we see the sun rise.  Be thankful for all the blessings.  At kung hindi man obvious ang mga gifts, hanapin… halughugin ang buong buhay.  Sigurado at siguradong makakahanap at makakahanap ka ng maraming bagay na dapat ipagpasalamat at ikasaya.

Kasi ganun talaga ang buhay…

Ate Chynna and Bestfriend, Bruce

(Nakita 145525 beses ng 25987 bisitors)

Even Heroes Have The Right To Bleed

Pakiusap ko po, kung mababasa nyo ito at kaibigan ko kayo sa FACEBOOK,  please, I really request that your comments be discrete there.  Pasensya na po… I don’t think I have a lot of followers anymore sa blog ko so this is the only avenue I have to write what I feel.  Kaya dito na lang po kayo mag-comment sa blog ko.  We’re still trying to control the people who know of it dahil nga po may lola pa po ako na 91 years old na at hindi alam ang nangyayari.  Eh 91 na naman po kasi sya… Kahit nga po ang uncle ko sa Pilipinas na nag-aalaga sa kanya, walang alam.   Sana po, maintindihan ninyo…

Thank you po…

————————————————————————–

Sometimes fate has a way of challenging you and testing what you’re made of. Minsan hindi mo alam kung ano ang gustong palabasin.

Previous to this, when I would go to Mass on Sunday and pray, it will most always be a prayer of gratitude. Except for the few times I pray for my husband’s and my health problems, mostly, laging pasasalamat. Salamat sa patuloy na biyaya ng magandang trabaho, hindi lang para sa aming mag-asawa kundi sa buong pamilya ko. Pasasalamat sa patuloy na dagdag sa buhay ng lola kong 91 years old na. Pasasalamat sa lahat ng blessings na binibigay ni Lord sa amin. Na may mga problema man kami, laging may solusyon lahat.

Ate Chynna

Pero this time, my family and I are facing a challenge that we have to fight as one. Three weeks ago, my niece, our one and only princess, our 10-year-old sweet, innocent little girl, was diagnosed with Lymphoblastic Lymphoma. It’s a cancer of the lymphatic system.   How did she get it?   Hindi namin alam and with cancer, who really knows how you get it?.  She was getting the on-and-off fever, she was losing weight, and to cut the story short, she was brought in for an x-ray and they found a lump on her lung the size of a dinner roll.  And that’s when our whole world turned upside-down. 

Sabado nun at papunta ako sa Toronto.  On a stopover, tumawag lang ako nun sa kapatid ko dahil alam ko nga na nagpa-x-ray si Ate, aalamin ko lang kung kamusta ang X-ray.  Hindi na nya sinasagot ang phone nya, hindi na rin sinasagot ng nanay ko ang kanya.  Tumawag ako kay Papi, ang bayaw ko, dun ko nalaman lahat.  Nagsasabi sa akin ng mga details si Papi, ang tanong ko puro na “bakit?”  May parts na akong hindi ko maintindihan kaya nag-speaker phone na ako para marinig ng asawa ko.  Kasi marami na akong hindi naiintindihan.

“Ano’ng lymphoma?  Diba, cancer yun?”

“Anong stage?” 

“Paanong nangyari yun?  San daw galing? Paano nagsimula?”

Hindi ko makausap ang kapatid ko.  Ayaw akong kausapin.  Si Ate, kinausap ko.  Alam ko scared sya.  Pero maganda ang boses ko, maayos.  Ayokong marining nyang ngarag ako.  Basta sabi ko lang, “Ate, be strong, ok?  You know what, you’re in a very good hospital and the doctors there are very, very, very good.  They will make you well whatever it is you’re sick of.  And we’ll pray to Papa Jesus, ok?  I love you so much!”

Ano pa ba ang masasabi mo? 

Sumunod, tinawagan ko ulet ang mommy ko, tinawagan ko ang tiyahin ko.  Puro iyakan.  Yung takot, yung kaba, yung lungkot, yung uncertainty, in the real meaning of the word – nakakaloka ang mga emotions namin.  Without her saying it, I understand na hindi kaya ng kapatid kong kausapin ako. Totally, naintindihan ko yun. Kailangan huwag syang magpakita ng pagkapraning kay Ate kasi takot si Ate, confused.  At kapag nagpakita ng laglag na emotions ang kapatid ko, hindi yun kakayanin ni Ate.  Ang hirap ng kalagayan ng kapatid ko nun.  I don’t even think I could’ve mustured half the strength she had at that moment.  From either Papi or her, hindi ko kakayanin yung strength nila during that time.

At the end of the trip from Baltimore to Toronto, medyo may idea na ang buong pamilya, magmula Canada, Amerika at Pilipinas, sa side ni Pia at sa side ni Papi, on what’s going on, and more or less, what treatment Ate has to go thru immediately.  Hindi pa confirmed ang ibang details but basically, alam na namin na Stage 3 Lymphoma ang cancer ni Ate at kailangan nya ng steroids para lumiit yung mass na nasa lungs nya.  Marami pang test ang kailangan gawin to know kung ano pa ang affected.  But what we know was enough for the meantime.

Alam nyo yung “state of disbelief” – na feeling nyo nananaginip lang kayo?  Na ang wish nyo, pagbukas ng mata nyo, tapos na ang masamang panaginip?  Tutuo pala yun.  Tutuo palang nararamdaman ng tao yun kapag may mga balitang ganito.  Pilit kong pinipikit ng mahigpit ang mga mata ko, nagdadasal na pag-buka nito, gising na ako at iba ang realidad ko.  Hindi pala yun pang-telenovela lamg. Nangyayari pala yun sa tutuong buhay.   Yung tinatanong mo ang Diyos ng “bakit??”, yung nakikipag-bargain ka sa Kanya na sana ikaw na lang,  yung pilit mong iniisip kung nakuha ba ito sa genes nyo o sino ba sa inyo ang nagka-cancer na ng ganito.  Yung sinasabi mo ng paulit-ulit, “hindi ko kaya ‘to!”  Akala ko, masyado nang stereotypical na pang-soap opera yung ganun.  Pero guess what, tutuo pala.  Without me knowing or being aware, at that point in time, walang panama si Ate Vi sa drama ko.  Hindi ako hysterical, pero dire-direcho ang iyak ko. 

Pero alam nyo, despite that, hindi ko nagawang magalit sa Kanya.  Naisip ko, bound na mangyari ito sa amin.  At dahil alam ng Diyos yun, ginawa Niya ang lahat para mas maging madali sa amin na daanan ang crisis na ito.  Nasa Canada sina Ate, nasa Alberta, kung saan nandun ang isa sa pinakamagaling na hospital na pangbata sa buong North America.  Sabi nga nila, a center of excellence in pediatric healthcare.  May magandang healthcare insurance si Papi, maraming health and financial benefits na maibibigay ang province of Alberta at ng bansa ng Canada.  Na nasa magandang katayuan kaming magkakapatid para at the drop of a hat, mabibisita namin agad-agad si Ate, para aliwin sya, aliwin si Coco ang kapatid nya at irelieve si Pia at Paolo sa mga gawaing bahay para mas maalagaan nila si Ate.  Na nasa Canada ang nanay at tatay ko at ang tiyahin namin.  Na si Mama Noli, ang nanay ni Papi, nasa Amerika at madaling makausap si Papi.  Na ang kapatid nyang si Ina, doktor, naeexplain kay Papi ang mga ginagawa kay Ate.  Silang lahat, napakalaki ng tulong at suportang binibigay sa pamilya ng kapatid ko.  

Kung hindi ito tulong ng Diyos sa amin para mas madala namin ang problema, hindi ko na alam kung ano pa.

Nung makausap ko si Gretch, may mga insights sya na tinanggap kong tama. 

Hindi kami dapat magtanong bakit si Ate pa?  Kasi, bakit hindi?  Ano naman ang espesyal sa amin na hindi kami pwedeng dapuan ng ganitong klaseng karamdaman?  Masyado naman kaming magpapaka-arogante kung iisipin namin na hindi kami pwedeng magkasakit ng grabe.  Tao lang, diba?  Kung magkakasakit, ganun talaga ang buhay.  Atsaka, ang sakit na nararamdaman namin, hindi mo naman gugustuhin na maranasan ng ibang tao – kasi, yun nga, masakit.  Ang selfish kung iisipin mong sana ibang tao na lang. 

Hindi rin ako naniniwalang bigay ng Diyos ang karamdaman.  Tao nga kasi, diba?  Hindi perpekto, may mga sakit sa mundo, evolution yun… biology. Pasalamat na lang ako na si Ate nabuhay sa isang panahon na leaps and bounds na ang discovery tungkol sa cancer.  At hindi porke’t stage 3 sya, ending na.  Mas lalo pa ang lymphoma.  Napakaraming bata na ang gumaling sa klase ng cancer na ito.  Stage 3 sya kasi ibig sabihin lang nun, mas marami lang ang dapat na gawing gamutan sa kanya para gumaling sya.  At dito ako naniniwala, na hangga’t hindi ka bumibitaw, hangga’t patuloy kang naniniwala sa kapangyarihan Niya, walang impossible.  Na tutulungan ng Diyos ang mga duktor nya na malaman ang nararapat na gamutan para kay Ate.

Tutuo nga ang kasabihang “lahat ng Santo tatawagin mo” kasi ginagawa ko yan ngayon.  Si St. Therese of the Child Jesus, si St. Peregrine na patron saint ng mga may cancer, si St. Jude, ang patron ng mga impossible, ang Divine Mercy, ang Lady of Medjugorje, lahat yan, dinadasalan ko.  Ang rosaryo ko, tumaas ang mileage ng gamit ngayon.  Pero hindi na ako katulad ng una na parang natataranta na ako kung ano ang uunahin ko.  May schedule na sya – si St. Jude twing Linggo dahil dun kami nagmimisang mag-asawa, ang Divine Mercy na maiksing dasal twing alas 3 ng hapon kasama ng ibang kaibigan ko.  Ang rosaryo ko at sa Lady of Medjugorje, twing nagbyabyahe ako sa Annapolis, kasama na dun si St. Peregrine.  Si St. Therese, hawak ko ang stampita nya palagi.  Si St. Francis, kapag naaalala ko, dinadasalan ko rin siya.

Sure enough, dahil sa dami ng nagdadasal para kay Ate, lumiit na ang mass sa lungs nya.  At wala pang isang linggong gamutan yun.  She still continues to take steroids and she has to undergo chemo once a week.  I have no other reason not to be positive.  Right now, Ate still is functioning very well and normal.  Medyo mataba ang pisngi nya dahil sa steroids, pero despite that, gumagana ang steroid sa katawan nya.  And however she is right now, blessing na sa amin yun.  Enough to thank God for everything. 

At yan ang buhay ko ngayon.  Unti-unti, binabalik ko na sya sa normal.  Kumukuha na ako ulet ng order ng cakes.  Pinipilit kong isipin na ok lang ang lumabas kasama ang mga kaibigan kasi kailangan ko ng sense of normalcy para mas maging matapang ako kapag kausap ko si Ate sa Facetime.  Nagtetext na kaming magkapatid, nagkausap minsan sa Facetime pero siempre hindi dramatic.  And I don’t want that.  Magkaiyakan man kami,  kapag personal na lang akong nagpunta sa Calgary sa August. 

Matagal pa ang byahe namin until gumaling si Ate.  Kaya naman, patuloy akong nagpapasalamat sa lahat ng nagdadasal para sa amin.  Sa lahat ng kumukumusta… sa lahat ng dumadalaw sa bahay ng kapatid ko sa Calgary, maraming, maraming, maraming salamat po.  Now we realize na kapag sinabing “pinagdadasal namin kayo,” nafi-feel talaga namin ang value nya, lumalakas ang loob namin.  Ang pakiusap ko lang po, kung dadalaw kayo, medyo itaon nyo po na weekend para tapos na ang chemo ni Ate at malakas sya.  At kung pwede pong wag po maramihan, para po medyo hindi naooverwhelm si Ate.  Kung hindi po namin nasabi sa inyo kaagad ang nangyayari, sana po, pagpasensyahan nyo na.  Kasi kailangan po naming maging malakas muna at maging matatag bilang isang pamilya para naman po pagdalaw ninyo, ma-appreciate ni Ate yung masayang vibes na dala ninyo para sa kanya.  And again, thank you very much for EVERYTHING.  For even the smallest thing you extend to us, we appreciate it a lot.  Ate appreciates it so much.

God bless us all…

(Nakita 5544 beses ng 1924 bisitors)

Kapamilya Beauty, Kapuso!

O eto, hindi dahil sa nasa bakuran nila ang syupatiders ko, pero for some reason iba ang projection ng mga Kapamilya stars sa TV kesa sa Kapuso.  Paano ba i-e-explain…

Kung napapanood nyo ang Channel 2 at Channel 7, parang iba ang quality ng registration sa screen ng mga artista ng Channel 2.  Paras mas pino, mas may glow ang mga mukha.  Quality ba ng broadcasting? Pero bakit sa Eat Bulaga, na nasa Channel 7, gandang-ganda ako kina Julia, Pauleen at Pia?  Dahil ba outside production ang Eat Bulaga?

Tulad na lang  ni Iza Calzado.  Maganda naman sya talaga.  Crush nga ata ni Mylabs ko yun eh.  Pero parang mas gumanda sya nung lumipat sya ng Channel 2.  Parang naging sosyal ang aura.

Si Jessica Sanchez kaya? Kapamilya o Kapuso?

Pero ha hindi lahat ng artista sa Dos eh uma-aura.  May mga artusta sila na hindi ko talaga feel kahit na nga ang ganda ng quality ng broadcast nila. Mas lalo na yung mga bagets na walang K.  Nganga!  At may mga magagaling naman na mga artista sa Siete.  Yung magkakapatid at magpipinsan na galing sa angkan nila Cherrie Gil, Mark Gil at Michael de Mesa – yan gusto ko sila.  Si Alessandra de Rossi, gusto ko.  Si Lovey Poe, gandang-ganda ako.  Marami din…

Altho, aminado, mas magaganda ang storya ng mga tele-novela sa Kapamilya network.  Hindi ko sasabihing sobrang wala nang maipipintas sa mga storya at dialogue ng mga soap opera nila, kasi may mga flaws din ang mga istorya minsan at nakakarinig din ako ng mga corny na scripts.  Pero true lang, taob na taob ang Kapuso sa kanila.  Altho, gusto ko ang Legacy ng Channel 7 atsaka yung dating Beauty Queen.  On the other hand, ayaw ko ng Wako-wako ng Dos.  Ganun ba…  Nakakasawa na kasi minsan ang mga plots and turns na ginagawa ng Siete.  Pare-pareho.  Pati yung mga characterizations nila, parang very stereotypical.  I really wish medyo magka-reality check ang mga writers nila kung anong dekada na ba tayo.

Kahit ang mga showbiz talk shows, mas magaling ang Dos.

Ang maganda sa Siete, ang mga news and information shows nila.  Mas interesting ang mga topics, mas masinsin ang mga detalye.

Kaya ako, hindi pwedeng isang Filipino channel lang ang meron sa TV namin.  Kulang kapag wala yung isa.  Pero eto na, ang station ID ng Channel 2 na talagang tuwang-tuwa akong panoorin sya.  (Kahit nga sa station ids, pwera na lang dun sa video ng Siete ng mga newscasters nila, mas maganda pa rin ang sa Dos)

Take note lang ha… yung eksena ni Piolo simula 3:06 hanggang 3:19… iba yung pantalon ni Piolo bago nagdive sa tubig, iba yung shorts pag-dive nya (which means baka hindi sya, siempre, yung nag-dive) at iba pa rin ang shorts nya pag-ahon nya sa tubig.  Edting lang…

(Nakita 42454 beses ng 7424 bisitors)

Sa Paligid-Ligid

Ang mga nagaganap sa pali-paligid at kung ano naman ang masasabi ko.

1.  Nag-IPO na ang Fezbuk.  Kaloka, bakit hindi ako bumili ng stocks nila???  Pero on sekontot, parang hindi naman ata magtatagal ito kasi unang araw pa lang ng public offering nila, $0.23 lang ang itinaas tapos ngayon 9% na ang binaba.  “Dud” nga ata ang Fezbuk IPO eh

2.  Patay na si Donna Summers at Robin Gibb.  Tumatanda na nga ata ako… lahat ng mga idol at paborito kong mga personalities, paisa-isa, natsutsugi na sila.  Hindi ko keri!!  Wala na ang tinaguriang Queen of Disco at ang natitirang Gibb na lang ay si Barry… at si Janno (Salamat Mark Serrano sa joke, mwahahaha!)

3.  Boycottin daw si Lady Gaga.  Hindi raw kasi naaayon ang mga kanta.  Labag daw sa Diyos ang mga kanta nya.  Andyang idedemanda pa raw nila si lola.  Hellers, eto na naman sila.   Bakit ba tayo may “selective censorship”?  Bakit, ang pangongotong, ang pag-nakaw ng kaban ng bayan, ang pagkakaroon ng mga kabit at maraming asawa ng mga pulitiko, hindi ba kasalan din sa Diyos yan?  Bakit hindi yang mga pulitikong pulpol nayan kaya ang idemanda nila??? If I know, sumasakay lang sila sa katanyagan nil lola para mapag-usapan sila.

4.  Sana manalo si Jessica Sanchez sa American Idol. Deserving naman sya eh.  Altho kung tatanungin nyo ako, at opinyon ko lang ito, ang galing ni Jessica ng pagkanta, in-born na sa ating mga Pinoy na magkaroon ng ganyang exceptional na talent.  Ang kulang ng mga singers natin, bonggang exposure sa international market at manager na backers at managers na katulad ni Oprah at David Foster.  Hindi ba, Charice?

5. Palabas pa rin ang Every Breath You Take ni Angelica Panganiban at Piolo Pascual. Na kasama si Smokey Manaloto.  Siempre, kailangan i-plug ko!

Yun na!

Bow.

O, ayan... showing pa rin sa sinehang malapit sa inyo

(Nakita 42431 beses ng 7235 bisitors)

Naisipang Manahi

Eh kamustahin naman ang pagiging ulirang maybahay?

Sobra akong nagiging busy sa pagbe-bake, wala na akong ibang nagagawa.  Kaya since may tatlong weekends akong wala akong masyadong malaking projects, naisip kong manahi.  Nag-birthday kasi si Colleen, ang junakis ng prenship kong si Veck, at may nagregalo sa kanya ng damit na may kapartner na damit na pang-American Girl.  Bigla kong namiss ang pananahi kaya nung Lunes pagkatapos ng work from home ko, naisip kong dumaan ng Joann’s at tumingin ng tela.  Eh may sale ng tela at pattern kaya nagdesisyon akong bumili ng ilang tela at patterns at mananahi ako.

Joann Loot

Martes, dahil mistula akong mina-migraine, nag call in sick ako.  Pero pagkatapos ng magumagang tulog, hindi ko na kaya ang nakahiga pa rin. Kaya habang nasa trabaho si Bossing, kinuha ko yung makina ko, ang gunting kong pangtela at nanahi ako.  Since natakot ako na baka masira ko yung mga tela kong binili, nagpractice muna ako sa isang malaking retaso na nabili ko dati pa.  Para kapag yung mga tutuong tela na ang gagawin ko, mas gamay ko na ang sarili ko.

Sa true lang, karir sya ha.  Kasi naman ang tagal ko nang hindi nanahi kaya para akong nangangapa ulet.  Pero ang saya.  Mas lalo na nung makita ko na yung buong damit.  Proud ako sa sarili ko kasi kaya ko palang gumawa ng damit ng bata.  Excited na akong suotin ni Colleen ito pag nagkita kami this weekend.   Mamaya, tatapusin ko na rin yung para sa American Girl nya na manika. At natapos ko na rin kagabi ang para sa manyika nya.

Kaya next time, gagawan ko naman si Ate Chynna, si Pearl, at ang iba pang mga junakis na babae ng mga close prenships en reylatibs.  Ang saya!  So shabby!

Ang Damit ni Bagets

At ang isa pa…

The "Pinish" Product (ikanga ni Mama Ricky Reyes)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 22591 beses ng 4291 bisitors)