IMDB

30 Jun 2008

mox1thumb.jpgMinsan wala akong magawa. Gi-noogle ko ang pangalan ng syufatiders ketch, kasi nga, wala lang… gawain ko lang mag-google ng mga tao at tingnan kung ano meron ang internet tungkol sa kanila.

Eh kaya nga sabi nila kung wala ka sa Google, you don’t matter. Hehehehe… hindi naman, slight lang. Pero truest nga ha, kung mag-Google ka ng kahit na ano pang tipis mo at wit mo ma-sight, ibig sabihin, wit sya talaga sa buong world wide web.

Amazing, davah? Ganun kagaling ang google.

So mabalik sa syupatid, frawd sister ang lola nyo… nasa IMDB sya!

Yun lang :)

At oo, magpu-plug po ako, Kuya Boy. Manood po kayo ng Ligaw na Bulaklak at tuloy pa rin ang contest ko. At hello sa lahat ng taga-Iloilo.

Wala lang…

No Wranglers Allowed

27 Jun 2008

Nung minsan pinagusapan naming mag-hipag, sa Pilipinas kapag nagrerecruit o nagpo-post ng mga job openings, bakit may age requirements? As in must not be older than 28 years, o must be between the ages of 20-25.

Ano ang fravlem kung mga 29 ka na o 26 ka na? Mas lalix kung 30 o 40 ka na? Kapag ba mas mashonda ka na, mas mahina na utak mo? Eh piano na lang pala aketch eh 42 na ako nung pumasok ako dito sa pinapasukan ko? Hindi naman ako naniniwalang bumaba na ang comprehension ko dahil lang wranglers na ako (in comparison). Eh kung tutuusin nga mas marami akong nako-contribute ngayon kasi nga mas marami na akong experience. So ibig sabihin, sa Pilipinas, hindi na ako makakalipat pa ng ibang trabaho kapag lumagpas na ako ng 30 dahil wala nang tatanggap sa akin?

Ang alam ko lang na trabaho na hindi tumitingin ng edad (nung panahon ko ha) eh mga sa sales.

Kalungkot naman dis.

Bakit kaya factor ang edad sa atin? Hindi ko talaga ma-gets yun. At idagdag mo na rin, why-liwayway may gender requirement, o school requirement? Mas lalo na yang eskwela? Kapag hindi galing sa mga kilalang eskwela, wit na mag-ambisyon mag-apply? Harsh…

Sabagay, nasubukan ko yan nung ako ang kakagradweyt lang ng koleyj. Ang kinayayamutan ko naman nun, ang mga pinipili ng mga kumpanya eh mga taga-Ateneo, La Salle o Yufi. Eh frawd ako sa USTe ha, pero kapag ang kasabayan mo eh mga eskwelahan na yun, magsisisi kang hindi ka nag-aral mabuti para nag-gradweyt kang suma cum laude. Dahil yun lang ang magiging ungos mo. At even then, kung suma ka nga pero hindi pa rin kilala ang eskwelahan mo, gud lak pa rin sa iyo…

Harshness…

Dito kasi sa States at sa Canada, wit nila kebs kung ano edad mo, san ka nag-aral o kung girl, boy, badetch, tunggril ka. Di mo nga nilalagay yun sa resume mo kasi cause for discriminations and biases yun. So sa merits ng tao ang basis ng hiring, the more experience sa field na hinahanap nila, the better.

Baka naman may taga-HR sa Pinas dyan, pwede nyo bang sagutin itech???

O, tuloy pa rin ang contest ko.. join pa rin kayo!

Walandyo…

25 Jun 2008

Mukhang hindi popular ang gumamit ng itunes, walmart at amazon sa inyo, ah! Nilangaw ang contest ko. hehehehe

Sige, siguro nga bad trip nga naman mag-download kung nasa internet cafe kayo o medyo hindi high-speed ang internet connection, or wit mp3 player na pwedeng pagtugtugan.

Eto na lang…


$20 na gas card

, saan man kayo nagpapa-gas dito sa Amerika, OR


$20 worth ng libro sa Amazon.com

na ipadadala ko sa inyo (kung taga-canada o US kayo) o ime-mail ko personally sa inyo (kung taga-pinas kayo o saan mang parte pa ng mundo na hindi abot ng amazon.com), OR


$20 na cash!

Ang catch lang, gumawa ng entry sa blog nyo na ang title eh pwedeng:

1. “How I Spent My Summer” (kung katatapos lang ng summer dyan sa inyo
2. “What I Plan To Do This Summer” (kung magsisimula pa lang ang summer nyo)
3. “What I Will Do this Winter” (kung tulad ni Ateng Kiwi sa NZ eh winter na sa inyo)

Kopyahin nyo rin ang code na itech at ilagay sa blog entry ninyo:


<a href=”http://atesienna.pansitan.net”><img src=”http://i16.photobucket.com/albums/b9/atesienna/blinkiepansitan.gif” border=”0″ alt=”Photobucket”></a>

Maglalabas yan ng ganitech na graphics:

Photobucket

Tapos comment lang kayo dito na nag-gawa kayo ng entry.

Ang mga gumawa ng entry, ilalagay ko sa tambiolo sa July 4, 12noon EST at i-a-announce ko sa July 4 din ng 4pm EST.

Hay naku… harinawang, sumali na kayo, hokey? :)

Hala, Magpa-Raffle Tayetch!

18 Jun 2008

Masyado na akong na-a-addict sa iPod koh! Hindi na makatarungan. Maya’t-maya na lang naghahanap ako ng pwedeng idownload sa itunes, sa amazon at sa walmart. Wala lang… feel ko lang marami akong mga songs. As in hindi ko pa nga nalalagay yung mga Crossover ko na albums, wala pa dun yun mga revivals na mga CDs ko rin. Tsk, pasaway ang iPod, nauubos ang oras ko. Time is gold pa naman, hehehehe.

Ano ang mga precious songs ko sa iPod ko?
1. Mga kanta ni Michael Jackson. Buysung ako sa iTunes ng Michael Jackson Essentials. Sobrang flashback sa memory bliss.
2. Mga albums ng syopatid ni Michael na si Janet. (Isa pa itong lukaret akong masyado!) Wala lang, labs ko lang talaga sya.
3. Si Madonna. Mistulang sumayaw ako ng Vogue maghapon, keri!
4. Destiny’s Child - oo, talagang feel kong mag-bills, bills, bills everyday!
5. At sandamakmak na Beatles. Dahil peborit sya ni bossing ko, labs ko na rin sya.

Yan, yang mga yan, hindi pwedeng hindi ko marinig isa dyan sa isang araw. Kalurki. Eto’t naghahanap na naman ako ng albums na bargain sa amazon.com.

Hayyy.. knows ko, mega-wait nyo ang essence ng entry na itech.

Pwes, gusto kong mag-experimento at bigyan ng excitement ang mga buhay natin. Simple lang naman.

1. Sa blog nyo, gumawa kayo ng entry na say kayo ng limang kanta na hindi pwedeng hindi nyo mapakinggan sa inyong comfuter, o sa mp3 player ninyetch. At siempre mas maganda kung may explanation why-liwayway, imfortant part of your being ang mga songs. As in, theme song ba, naalala ang mga loved ones, ang mga dating dyowa, ang high school life.. huwateyver.. basta may essence.

2. Tapos idisplay ang blinkie sa inyong sidebar o entry mismix. Walang kailangang iupload/download, kopyahin ninyo lang ang html code sa ibaba at ilagay sa entry o sidebar ninyetch. Eto ang code:


<a href=”http://atesienna.pansitan.net”><img src=”http://i16.photobucket.com/albums/b9/atesienna/blinkiepansitan.gif” border=”0″ alt=”Photobucket”></a>

Maglalabas yan ng ganitech na graphics:

Photobucket

Tandaan, no blinkie-linkie, no sali!

3. Mag-comment sa ENTRY NA ITO na gusto nyong sumali at ilagay ang link ng entry nyo. Tandaan, dapat sa ENTRY NA ITO ninyo ilalagay ang comment nyo na sumali kayo kasama ng URL ng entry ninyo tungkol sa peborit song nyo. Kung hindi dito, hindi kayo kasali.

4. Dalawang linggo ang itatagal ng contest. Ang deadline ng pagsali ay sa June 27, 2008, 11:59pm Eastern Time.

5. Isang entry lang per blogsite. Kung marami kayong blog, eh di isali nyo lahat ng blog nyo, pero dapat nandun din ang entry nyo at ang blinkie sa bawa’t blog.

6. Sa Sabado, June 28, 2008 ilalagay ko lahat ng pangalan nyo sa isang kahon at bobolahin ko. Ang mabubunot kong pangalan, yun ang winner! Kaya ang announcement ng winner ay sa Linggo, June 29, 2008, 9:00am Easter Time.

Ano ang prize, tanong nyo?

$10.00 na gift card para magdownload ng mga peborit nyong mga kanta! Kayo ang mamili kung saan - sa iTunes, sa Amazon.com o sa Walmart.com. Kahit ano sa tatlo. Ang mananalo, bibigyan ko ng instructions kung paano mag-claim ng kanilang prize thru email.

O sya… game na kayo??? Sali na!!!!

Para Kay Itang on Father’s Day

15 Jun 2008

(Bago ang luma, Happy Father’s Day sa LAHAT ng Tatay… special mention na sa bossing ko… Ang inyong mababasa ay open leyter ko kay Itang ko.)

Father's Day Layout

Itang, happy father’s day!

Binalak ko talagang gawin itong layout na ito para sa iyo nung makita ko yung picture nating dalawa na 2 years old lang ako. Ang payat mo pa nun at ang cute ko pa rin! In fairness… (hehehehe)

Labs na labs kita. Sus, bata pa lang ako, idol na kita. Mas magaling ka sa akin sa Math. Kaya nga nung una, type ko sanang mag-engineering, eh, para matuloy yung naudlot mong kurso nun bago ka nagtuloy ng komers. Kaso ang asawa mo, na nanay ko, ang sabi mag-BS Math na lang daw ako para matulad ako kay Manong Gani at maging actuary. Sus, malay ko bang ang giraffe pala nung pinasok ko na yun! Kaya diba, naalala mo, nung minsang hinatid mo ako sa Crossing sa Mandaluyong para kumuha ng bus papuntang USTe, crayola ako sa iyo kasi sabi ko, ang hirap mag-major ng Actuarial at nagpaalam ako sa iyo na kung pwedeng mag-BS Applied Math na lang ako? Sabi mo nun, ok lang, kung hindi ko kaya, di ko dapat pilitin. Pero ang bilin mo, “basta magtapos ka”.

Ganun ka talaga. Very understanding. Very giving. Hindi ka nagmamaraot ever. Pero ayaw mo rin ng pasaway.

Eh di siempre, nakahabol naman ako sa gradweyshen at naka-martsa pa nga ako. Natatawa nga kami ni Inang kasi isputing ka pa nung graduation ko sa PICC - naka-’merkana kang brown. At tuwang-tuwa ka nung inabot ko sa iyo yung diploma ko (pero sa true lang papel lang yun na binalot kasi maloka raw ang registrar kung gagawin nilang lahat ng true na diploma para sa araw na yun).

Yung kantang nakasulat dun sa layout na ginawa ko para sa iyo, kapag naririnig ko yun, ikaw ang naaalala ko. Nung napapanood ko yung commercial na yun ng kodak dati, ang naiimagine ko, ako yung batang babae sa commercial at ikaw yung tatay. Pramis talaga, touched na touched na ako dun kasi nga naaassociate ko sa ating dalawa. (Kahit na nga bagets pa ako nun!) Kaya sobrang memorabel sa akin yang kantang yan. At siempre, knows ko kasi na peborit mo rin si Paul Anka. O diba, ngayon, akmang akma sa atin yung kantang yun - kasi pareho na tayong naglu-look bak sa mga memories nating dalawa.

Pero di lang ako ang may idol sa iyo. Kay Greta, kay Ringo at mas lalo na kay Patring, sobrang lakas mo sa amin! Eh kasi alam namin, sure na sure, malakas kami sa iyo. Kahit si Inang, aminado dun. Kapag kami ang nagpapahatid o nagpapasundo sa iyo, kahit na saan pang sulok ng Pilipinas, hindi ka humihindi. Na kinalulukring ni Inang kasi sya, minsan, hinihindian mong idrive sa palengke ng Farmer’s. hehehehe

At ngayon, idol ka na rin ng mga apo mo. Kasi ikaw ang lolo na nag-so-spoil sa kanila. Lahat ng hingin nila, binibigay mo. Ikaw ang kanilang Super Lolo! (Hmmm.. mistulang paputok yun sa bagong taon, pero keri pa rin kasi malakas talaga ang dating mo sa kanila.)

Kaya, Itang, i labs yu talaga. Miss na kita. Ikaw ang unang lalaking minahal ko, at hinding-hindi magbabago yun. Hanggang sa huling paghinga ko, mamahalin kita.

Foreyver…

PS.

Ay, ito pala ang medyo bago-bagong version nung kantang yun ni Paul Anka. I labs yu, ulit.

Update-Update-an Part 2

11 Jun 2008

O updates pa ulet… (para namang karesh nyo, davah? Pero pabayaan nyo na dahil para na lang sa mga kamag-anakan ko. hehehehehe)

Update #1

Nung Sabado, may nagpuntang nurse sa bahay para kunan kami ng blood sample at kung anik-anik pa dahil magpapalit kami ni bossing ng life insurance. Alam kong pumapayat na ako dahil nga sinasabi ni bossing, pero nagulat ako nung makita ko ang timbang ko - 122 lbs! Fifteen pounds galore na ang nawala sa akin! In a span of 2 months magmula nung hinatulan akong diabetic na aketch.

Medyo kabading ako kasi 2 months lang yun tapos malaki na nawala sa akin. Pero sabi ni bossing, yun din daw kasi ang effect ng gamot ko. Decreased na ang production ko ng blood sugar ko at mas sensitive na ako sa pinoproduce kong insulin.

Pero kahit na nga medyo umiiwas na ako sa white sisters - white rice, white flour, white sugar - ‘di na akesh nato-tom jones. Mas lagi pa nga akong Tom Babauta nung bago ang diabetes ko eh. Pero witchelles nyong i-think na sobrang boring na ng kinakain ko. Na-e-enjoy ko pa rin naman yung paminsan-minsang indulgences. Tulad ng kanin. Ngayon, parang treat na lang sya sa akin, like, kapag may bisita lang kami. (Kasi nakikisama ako. Baka sabihin hindi ako mabuting hostes). Ang cake, kapirasong-kapiraso lang pero ok na rin ako dun. Pwede naman akong kumain ng mga sinasabi nilang “bawal sa diabetic” pero talagang matikman lang ang lasa. As long as alam ko kung gaano lang karami ang pwede kong kainin. Nagbibilang na ako ng carbohydrates ngayon. Hindi na ako nagpapaka-patay-gutom. hehehehe

Carbos ang pinaka-kaaway ng diabetes. So paano ko sya nabibilang? Ang tawag dun “carb choices“. Basta for every 15 grams of carb, 1 carb choice yun. I’m allowed 2-3 carb choices every main meal and 1-2 carb choices every snack time. Eh sabi ko nga, kahit naman hindi ako nagkadiabetes, dapat ata ganito lang ang kain ko. Pero yun nga, kung hindi pa may nangyayari sa utaw, wit nila makikitang dapat change of lifestyle na sila. Ergo, kasama ako dun sa people of the republic na yun.

Kaya ngayon, maliit na ang tyan ko, maliit na ang puson ko. In a few more months, bago kami mag-cruise, makakapag-bikini na ang lola nyo! mwehehehehe! HARINAWA! Gudlak sa akin!

Update #2

Anoba… yun lang pala ang update ko for now. Sa susunod ulit!

BTW, ipagdasal nyo naman ang kaluluwa ni Daboy. Wala lang… na-sad lang ako sa pagkamatay nya. Atsaka na-carried away ako sa pagiyak din ni Dagirl (si LT). Parang sayans, bata pa si Daboy, eh.

At ipagdasal nyo rin pala na makita pa si Ces Drilon. Wala lang din… na-yamot lang kasi ako sa mga kidnappers nya. Mga pasaway!

Update-update-tan

28 May 2008

Update #1:

Nag-busi-busihan ang lola nyo… harshness.

Eh piano naman, nag-training aketch sa napaka-traffic na Rockville sa Southeastern part ng Maryland. Eh 3 days of darkness din yun - kasama na ang sanlibong segundong pag-babad sa I-495 dahil sa traffic at mga tatlong libong segundo namang commute-teyshen sa train at kotse ko. Itong Lunes lang ako bumalik sa dyopis.

So kamusta ang training? Ayun, nanalo ng payong sa raffle, nakakuha ng mug at natuto ng konti. Proud na ako nun. Hindi ako madalas manalo sa raffle.

Minsan nakakaloka yang mga 3-days of darkness na mga training na yan. Piano, mistulang talunin ang Diyos at i-karir na likhain ang mundo (en ol da kreychurs in it) ng mas konti pa sa pitong araw. Mistulang lumagpas sa ulo ko na tipong Airforce 1 ang mga pinagsasabi ng instructor - mga BPL (bisibol panty line?), mga classes (as in pers class, sekon class na bigas?), mga clients (as in suki?) , mga schema (parang eksema minsan sa pandinig ko), mga “choreography”. Lech! Ang alam ko lang na choreography eh yung ginagawa ni Maribeth Bichara at Douglas Nierras.

Pero siempre nung tinanong ni Reyna Maniwantiwan kung kamusta ang training na pinagkagastusan nilang ipadala ako, eh di siempre nagmaganda ang lola nyo at sinabing, “They were very good.” Pero medyo nag-gilti-guilty-han aketch at na-scared ako na baka pagturuin ako ng lecture (exaggs) kaya biglang kabig ng “but some of the concepts just went over my head,” with matching akting na para ngang may eroplanong dumaan sa taas ng ulo ko gamit ang kamay ko. Eh understanding naman ang Reyna at sinabing, “Oh, I don’t expect you to get all the concepts right away. I just want you to get a feel of the architecture we’ll be using soon. I’m even thinking I might send you again for something similar when we go full blast.”

Bongga!

Buti na lang nakakaintindi ako ng ingles kahit lumagpas na sya ng maximum karir level ko ng ingles na 1 sentence per conversation, 5 words per sentence.

Kaya palagay ko, mag-te-training na naman ako - give or take, 10 years time.

Update #2:

Nung nakaraang linggo pa rin, akala ni Bossing, baliw ang napangasawa nya. Muntik na akong ipasok sa mental.

Zen Vision M sync adapterLintek naman kasing Creative Labs yan! Gagawa-gawa ng MP3 player, bakit kailangang nakahiwalay ang sync adapter sa katawan ng MP3 player? Eh yung sync adapter ang kabitan ng USB Connector sa comfyuter ko at ng wall charger ko na kumakabit naman sa Zen. Tama bang may middle-man pa kasi?? Ok lang nung una kasi lagi kong dala ang bisit na sync adapter. Well, Cofradia, walang silbi ang mga lintek na USB connector o wall charger kapag ang nawala mo eh ang sync adapter!

Zen with Sync AdapterHindi pa ako nervousness. Since may pagkaburara ako sa mga gamit, isip ko, baka nandun sa isa sa mga bag ko. Wala. Nalinis ko na pati aparador ko, di ko nakita. Binaliktad ko na ang buong bahay, wala pa rin. Pero ok pa ako, hanap ako sa internet - dahil for sure merong muring somewhere out there beneath the pale internet light. Out of stock ang sync adapter sa Creative Labs. Eh di hanap ako sa Amazon at baka meron dun. Nakakita naman ako, mas maganda pa nga sana kasi di na needs ang sync adapter - tuloy-tuloy nang wall at car chargers at USB adapter. Ikabit sa zen papunta na sa outlet o PC. So buy ako. Naloka pa nga ako kasi $4.79 lang - USB Adapter, Car Charger atsaka Wall Charger. Bongga.

Kanda hintay ako ng isang linggo, ok pa rin. Pero, mind you, dalawang linggo nang nawawala ang punyetang sync adapter ko, bago ko naisip na humanap ng kapalit. May mga nakabinbin pa akong mga CDs na hiniram ko sa library para icopy sa Zen ko. At bitin na bitin na ako dahil gamit ko ang Zen ko wherever, whenever. Mistulang nagdadrive ako, nasa commute, nasa trabaho, nag-e-exercise. LAHAT!

Pero ano nga ba sabi nila? Kung seems too good to be true, it might be false? Lintek na yan! Pagdating, tama bang 3 CAR CHARGERS ang pinadala sa akin???? Punyets! Sabi ko, aanhin ko itoooooooooooooohhhhhhhhhh????

Alam nyo yung pakiramdam na gutom na gutom na kayo, nandidilat na kayo sa pagka-Tom Jones, tapos tatamaan ng kidlat ni Lord lahat ng pwedeng kainin? Ganun! Di na ako makausap ng matino ni Bossing. Di na ako ngumingiti at mura na ako ng mura. Ni ayaw ko nang kumain. Gusto ko nang bugbugin lahat ng tao sa daan. Nagtaray na ako sa email sa merchandiser/supplier ng Amazon. Naisip-isip ko, “Leche, kung iPod itong gamit ko hindi siguro ako nayayamot ng ganito.”

At right der en den, walang abog-abog, nagpasiya ako, bibili ako ng iPod dahil hindi ko na kaya ng walang music. Ganun na ako kahayok. Eh lintek naman, di na nga ako nagyoyosi, di na ako tumutungga ng alak hanggang sumuka, pati pagkain ko tinitipid ko na, eto na lang MP3 player ko ang bisyo ko, mawawala pa. Hindi naman ako papayag na. Harshness na yun. Kaya nung gabi, sinabi ko kay Bossing, bibili na ako ng iPod. Eh sumagot ng “bakit bibili ka na????”

Alam nyo yung halos magdikit na ang mga talukap ng mga mata ninyo, at mistulang super liit na ng mundo sa tingin no at lumalabas na ang usok sa ilong nyo??? Anorawsabinya????? Bakit daw ako bibili na???? IMBEY tu da hayest na aketch!!!

At yun na, umiyak na ako sa sobrang pikon. With matching singhot at hikbi. With matching, “eh hindi mo naman naiintindihan kung bakit importante sa akin yun, eh!” At tumalikod ako sa kanya at tinuloy ko iyak ko. Don’t get me wrong. Hindi ako engri kay bossing. Talaga lang pikon na pikon ako. Yun ang isa kong ugali - kapag nag-obssess ako sa isang bagay at inabot ako ng frustration at wala akong makitang remedyo agad-agad, napipikon na ako sa sitwasyon.

Maya-maya, siguro naimbey na rin si bossing, nagsalita na ng “sige na, bumili ka na. Bukas na bukas din, bumili ka na.” Eh hindi pa rin ako tumitigil. Ang kawawa kong asawa, akala siguro eh mp3 player lang bakit sobrang mistulang na-tsunami na ang buong mundo ang reaction ko. Ako man, makita ko ang sarili ko, in an transcendental meditating way, aakalain ko talagang baliw na ako.

iPodPero di ako nag-jo-joke. Kinabukasan, pagkatapos ng training, pag-uwi ko habang iniintay ko si Bossing sa train station para sunduin ako, dumaan ako ng Circuit City at bumili ng iPod. Di na umimik si bossing nung makita nya ang supot ko (at isip nya siguro magluka-lukahan naman ako). Sabi lang nya, “balak ko pa namang ibili ka ng iTouch.” Na-touch naman ako. Pero siempre, bumalik na ang bait ko kaya sabi ko, “Wag na, mylabs. Ang dami-dami mo nang gastos, eh.” (Sa tutuo lang, di ko masyadong feel ang iTouch kasi nga mas konti ang capacity. For the price parang hindi pa sya worth it sa akin.) At ki-niss ko na lang sya. Nag-sorry din naman ako kasi nga mistula nga akong baliw. Pero yun nga, the whole weekend, di ako lumalabas dahil wit na akesh andalucia. Buti na lang sweldo na tudey.

Siguro isip nyo, bakit kasi hindi pa iPod ang binili ko in the first place? Kasi nag-sale ang zen sa circuit city nun. Nabili ko lang sya ng $199 at wala pa nun yung iPod classic. Yung presyo ng iPod nun, mas mahal pa for the same capacity. Basta. At that time, mid-year 2007, mas sensible bumili ng Zen.

Hay naku… wala na akong bibilhin pa na luhong ganito - for about 10 years. Pramis!

Update #3

After 75,000 years, bumalik sa pagkabuhay ang blogkadahan.com! May bago po kaming mga entries. For this round, ang mistulang slumbook na Proust Questionnaire. Kaya bisitahin nyo po kami. Maaaliw kayo sa mga sagot namin sa mga tanong ni Proust.

Update #4

Eto malungkot na update.

Namatay na ang kapatid ng prenship to the max kong si Fafa, na si Howlin’ Dave. (Sa mga hindi pa nakaka-alam, si Howlin’ Dave, Dante David in real life, eh kapatid na mas matanda ni Fafa.) Nung binalita sa amin ito ni Ateng sa bloggingberks egroup, na-shock ako. Kasi nasa mga pictures pa sya ni Fafa na kinunan nung book launch ni Fafa sa pinas. Parang ang hirap maimagine na wala na ang legendary icon ng pinoy rock and rhythm broadcasting.

Nung binabasa ko yung mga tribute articles ni Pocholo Concepcion kay Dante, parang sobra ang lungkot ko. He lived the life - a very colorful one. I just hope that he doesn’t have any regrets about anything. He did great. May malaking place sya talaga sa history ng Pinoy Rock and Roll.

May he rest in peace… or better yet, sana tuloy-tuloy ang jamming nya sa langit.

O sya… sa susunod ulit ang mga update. May mga exciting na nangyayari ngayon pero Queep Kiyawet muna ang lola. Kapag natapos na lang.

Babush for now!

Happy Mother’s Day, Modir!

07 May 2008

Mami, 17 yrs oldMinsan iniisip ko, bakit nga ba hindi ako naging madir? At kung naging mudra man ako, “very good” kaya ang grade ko or baka naman isang napakalaking palangganang butas?? Kasi kahit sobrang nagmamaganda ako sa lahat ng mga pamangkin ko, at ako ang paboritong “tita”, hindi naman ibig sabihin nun na karir ko ang motherhood, davah? Sobrang different yun, lola.

Tipong kapag nagngangangawa na ba ang bata ng hindi ko malaman kung why-liwayway o umebs yan at kailangang hugasan o magsuka yan sa buong salas, karir ko ba yun na inspeksyunin ng husto bakit sya mega-crayola o linisin ko ba ang dyebs sa pwet nya?

Yung mga projects sa school, yung mga pagdisiplina, yung mga pag-tulog sa tanghali, pag-gising sa umaga at pagasikaso ng baon, ng tuition, ng uniporme, ng kakainin sa araw-araw, carry ko ba yun? Yung pagdadalaga at pagbibinata, ang mayamot ka sa hindi pag-uwi ng maaga, ang mga crushes at mga puppy love at kung anik-anik, ikarir ko bang mag-helen vela?

Mami en Mi en GretaKung umandar na ang teenage angst, magawa ko bang gumawa ng biskwit ng pacencia? Not to mention ang pagkakasakit, kaya ko bang magpaka-florence nightingale hanggang madaling-araw?

Eh piano kung mother na nga, working girl pa. Yung gumugulapay na ngang magpaka-employee of the month, pero hindi nag-gu-goodbye ang freyshurs ng pagiging ulirang ina awardee?

Toxic yun.

Hindi naman kasi basta-basta ang mangarir na maging ina. Corollary tu dat, sinasabing hindi porke’t umire at may lumabas na bata sa iyo, matuturing ka ng isang ina. At corollary tu dat corollary, sinasabi rin, hindi naman porke’t hindi lumabas sa iyo, hindi ka na pwedeng magpaka-ina. “It doesn’t follow. Non-sequitur.” ikanga ng professor ko sa Logic na si Nandy.

So paano nga bang ma-a-award-an ng Mother of the Year ang isang ina?

Mami Mother's DaySiguro…

1. kapag sinakripisyo mo ang sarili mong career para lang manatili sa bahay at alagaan ang anak mo. Pero pwede ring nagtatrabaho ka, pero hindi para sa sarili mo kundi para sa ikabubuhay at ikagaganda ng buhay ng mga anak mo.

2. kapag andyan kang nag-papakain, nagpapaligo (araw-araw), naglilinis, nag-aayos ng anak mo, at mga gamit nya. Na hindi mo pinababayaan na sila’y magutom at magsasakripisyo ka para wag lang silang magutom. Na kakainin mo na lang, ibibigay mo pa sa kanila.

3. kapag kahit na pagod ka pa rin, dagdag pang tatabihan mo sila at tuturuan sa pang-araw-araw na leksyon, ng ABC at 123 at what is a noun, ano ang pandiwa, what is the least common denominator o ano ang pamayanan at ultimo project sa home eco-nanay, kung pwede lang na ikaw na ang tumahi ng daster na saksakan na ng tagal na hindi pa matapos-tapos, gagawin mo na. Mereseng minsang mag-aaway na kayong mag-iina, carry pa rin dahil ang kailangan hindi sila mawala sa section 1. Yun lang kasi ang pwede mong ipamana sa kanila - ang edukasyon nila.

4. kapag nag-aalaga ka sa kanila, mereseng bente-kwatro oras na kailangang gising ka dahil may sakit sila. Hawak-hawak mo ang mga kamay nila habang nasa hospital bed at nagdadasal kang sana ikaw na lang ang magkasakit para hindi na nila maramdaman pa ang sakit ng injection, ng dextrose, ng operasyon, ng theraphy.

Mami Mother's Day5. kapag lahat na lang ng raket pinasok mo na para lang may perang pang-tuition, papasukin mo yun dahil ayaw mong lumaki silang hindi nakapagtapos dahil kailangan nila yun para sa sarili nilang magiging buhay.

6. kapag nalaman mong may boypren at saksakan ng bata pa nila, kahit na labag sa kalooban mo, maghihigpit ka ng curfew, pero iintindihin mo pa rin na paminsan-minsan kailangan medyo luwagan mo ang renda para hindi sila magrebelde ng husto. At magdadasal ka na lang na hindi nila kinakalimutan lahat ng pangaral mo habang kasama nila ang mga boypren nila.

7. kapag lumapit sila sa iyong umiiyak, dahil naghiwalay na sila ng boypren nila, makikiiyak ka rin pero sasabihin mong, “matalino ka, maganda ka, maayos ka, hindi mo kawalan, kawalan nya. Mas magaling at mas mabait pa dyan ang makikita mo sa susunod”. At ipagdadasal mo talagang makakita sila ng lalaking mas magaling, mas mabait at mas mamahalin sila. At alam mong walang eching yung sinasabi mo sa kanila - true yun. Dahil ina ka, magaganda at gwapo sila sa paningin mo, ever en ever.

Mami Mother's Day8. kapag kinailangan, kahit na matatanda na sila, hindi mo pa rin sila pinababayaan. Andyan ka pa ring tutulong at magbibigay. Dahil hindi mo sila kailanman hihindian, dahil alam mo, nagkakaproblema lang sa ngayon at lilipas din ang mga araw na ganito.

9. kapag naglambing ang mga apo mo, hindi mo sila hinihindian, mereseng bespren mo na ang delivery boy ng cargo na nagpapadala sa Pilipinas ng balikbayan box. At wala ka nang iniisip na bilhin kundi ang mga laruan, libro, damit at kung anu-anu pang makakapagpasaya sa mga anak ng anak mo.

Mami Mother's Day10. kapag tumatawag ka pa rin linggo-linggo at halos maubos na ang phone card mo sa pagtawag sa kanila para kamustahin sila, marinig ang mga apo, marining ang mga boses nila, kung kamusta na ang linggo nila, ang malaman nila kung kamusta na kayo ng tatay nila. Kahit na magkakagalit kayo sa mga iba’t-iba ninyong mga opinyon, magbabati pa rin kayo. Kasi ganun naman talaga yun, dahil hindi naman kayo mga perpektong tao.

Kaya sa Inang namin, Happy Mother’s Day, Mudra! Ikaw ang winner! Ikaw ang aming kaisa-isang ulirang ina! Ikaw ang aming tanging ina…

We labs yu beri mats! (Inang, klik mo na lang yung last pikchur para lumaki :)

(Happy Mother’s day na rin sa aking mga syupatid na girlettes, sa aking lola, sa aking madir-in-lo, sa aking mga hipag, sa mga prenships, mga bloggers at lahat ng pwedeng tawaging ina. Mabuhay kayong lahat!)

Ang Hatol Ng Hinampalan

22 Apr 2008

DIABETES!

Syet da pwet, davah? Ideklara bang type-2 diabetic ang lola nyo? Mataas kasi ang resulta ng oral glucose test ko. Ang normal eh 62 mg/dl pero ang sa lola nyo eh 126mg/dl. Kiss na kiss sya dun sa levels ng lower border ng Diabetes Mellitus. Hay naku, eh di siempre, lungkot-lungkutan na ang lola nyo. Isipin ko bang magtuturok na ako ever ng daliri ko para i-test ang blood ko everyday of my life? Pero sabi ni Doc Alegado, “mag-hunos-dili ka Cofradia, at over ka sa pagka-exagge.” (Sort of ganun ang sinabi ni Doc pero nakangiti pa rin, hehehe.)

So nakahinga naman ako ng maluwag.

For now.

Kung mabait ako.

At hindi ako pasaway sa pagkain.

Gudlak sa akin.

Sabi ko nga, magta-try akong baguhin ang aking diet at talagang pramis na pramis na talaga, mag-e-exercise na ako. Para pagdating ng blood tests ko ulit in 3 months time, mas maganda na ang resulta ko. Plus gusto ko na ng bagong salamin at sabi ng optha ko kahapon, di pa raw nya akong pwedeng bigyan ng prescription hanggang hindi normalized ang sugar levels ko. So Swingout Sister Waiting Game ako ngayon.

So ayun, simula pa nung Huwebes, pagkagaling sa doktor, wit na rice ang lola. Wit na rin ang white bread at white sugar. Nung una, mistulang kayang afreyd akong kumain ng kahit na ano pero natatakam sa lasa ng kaning puti. Pero kapag pala ginusto ng isip, susunod talaga ang katawan. Sandali lang akong nag-crave ng kanin tapos wit na. Puro na ako repolyo, karne at isda. At bumili din ako ng exercise video ni Leslie Sansone at George Foreman.

Yung kay Pareng George, nakakaaliw sundan kasi ang cute niya dun sa video. May pa-boxing-boxing pa sya. Masyonda na sya pero kita mo pa ring fit na fit sya atsaka, wala lang, cute lang ang mga galaw nya talaga. Yung kay Leslie naman, ay naku, marami nang nag-a-eye witness na talaga raw “it works!!!!”. Feeling ko nga, it works. Tatlong araw na akong gumagamit nung video, plus nga talagang awat sa kain, bumaba na ako ng 2 lbs in just 2 days. Ang galing, diba?

Sabaders, di ako nakapag-exercise, pero nung Linggo, mistula akong nagworkout ng husto dahil ako ang kasama ni Gabe sa gym for kids nya. Paikot-ikot kami dun sa mga dapat nyang gawin sa gym eh tulo na ng tulo ang pawis ko. Kaloka, Sweaty Pangilinan. Kahapon naman di ako nakapag-exercise pero todo-lakad naman ako sa mga appointments ko. Mamaya, balik ako sa videos ko.

Si bossing ko nga kakatuwa kasi diet na rin sya at sumasama sya kapag nag-e-exercise ako. Nagwa-warm up sya kasama ko tapos maya-maya, go na sya sa exercise bike nya. Afreyd din siguro ang lolo nyo kasi may pagka-masyubis din sya. Kaya palagay ko, dinadaya ako nito - magpapapayat muna bago mag-pa-check up para hindi masabing diabetic din sya. mwehehehehe.

Nakakainis lang na sana naagapan ko ang diabetes ko. Mas ok sanang wala akong iniisip na dagdag na gamot ko na namang kailangang inumin sa umaga (na hirap pa rin akong isama sa routine ko sa araw-araw) at gabi kasama ng mga gamot ko sa puso ko. Pero wit na akong mag-sissy spacek kasi nakain ko naman lahat ng gusto kong kainin. Ikanga, time’s up, Gloria. Magbago ka na. May pedometer pa nga akong iniintay galing sa Kaiser Permanente eh dahil sumali ako sa 10,000 Steps a Day nila.

All in all, I’m still ha-live. I’m still kicking. Yun naman ang imfortant, davah? Charuz!

Happy Birthday To Me

21 Apr 2008

Nag-birthday ang Lola nyo nung Efril six. Buong weekend ang selebreyshen namin ni Bossing ko. Pero nung Viyernes at Sabaders may mga pinuntahan akong mga medical afoyntment din. (Isip ko kasi, para di ko na makalimutan, ang mga bisita ko sa mammogram, pap smear, opthalmologist at kung anik-anik pa eh isabay ko sa birthday ko.)

Wit pa ako ever nagpapa-mammogram ever since nag-kwarenta ako. Eh diba, needs ito kapag medyo umaabot ka na ng forty. Siempre scared ako sa breast cancer, pero lola, scared din kasi ako sa mammogram. Isipin mo, pitpitin ba ng husto ang dyoga mo eh masa-kitchen kaya yun? But eniweys-highweys, pa-birthday ko nga yun sa sarili ko. Ready na ako talaga kahit masakit nang madiskubre ko na meron na palang tinatawag na digitized mammography. Maraming churva-churva na mga advantages ang digitized kesa sa film mammography, pero ang pinaka-attractive sa akin eh wit na sya kasing tagal ng film - less than a minute for each breast. Less time to pitpit, less sakit to da dyugs. So go na ako. Viernes yun. Nung hapon, go-sago na kami sa Philadelphia dahil Junior Recital ni M.

Sabaders, oral glucose test naman ang pinagawa ko. Kakaloka yun. Biruin mong painumin ka ng sobrang tamis na “juice” tapos kunan ka ng dugo ng tatlong beses - bago ang test, isang oras pagka-inom ng glucose at isang oras ulit pagkaraan. Eh paano kaya yun eh dalawa lang kaya ang braso ko? Kaya ang kaliwa kong braso, mas bugbog kesa sa kanan.

Nung gabi, balak sana namin ni Bossing na manood ng play sa Toby’s. Pero dahil di namin akalain na ang masyonda ng play na tulad ng Wizard of Oz eh mag-fully booked pa, go na lang kami sa Japanese restaurant para kumain ng hibachi. Di na kami nakapanood ng sinex pagkatapos piano sobrang busog na kami.

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Bossing at nagluto na kami ng palabok at kare-kare at go-sago na kami sa friendship kong si Nimfa sa Hagerstown at dun nagselebreyt kami ng birthday ko kasama ang pamilya ni Nimfa, si Santi, si Brenda kasama si mother -in-lo at dyunakis at ang pamilya ni Eric. Nabundat ako. Ang sarap nung sinaing na galunggong, sobra! (At gagawin ko yun, pramis!)

So kita nyo naman, talagang one whole weekend kami nag-selebreyt ni bossing ko. Tenchu, my lab, lab na lab kita :)

Eto nga pala. Isang kanta ni M nung Junior Recital nya sa eskwela nya sa Philadelphia.



© 2008 Pansitan ni Ate Sienna | Entries (RSS) and Comments (RSS)
Design by Design Your Web Page - Powered By Blog Collector, Wordpress themes