…It’s Raining Somewhere In Some Cafe

I’m back!!! 

Nag-pahinga ang lola nyo pansamandali dahil sa true lang, sobrang hectic ang mga scheduling ko.  Maraming inayos, maraming inasikaso, maraming nilinis at niligpit.  Not to mention, ang mga lamyerda and welcomed house guests in between, walang patumangga!  Hindi pa nga tapos ang pag-ala-trading spaces ko sa pag-home improvement mode ko.  Tip of the iceberg pa lang ang nagagawa ko.  Kaya, in fairness ha, if you think about it, sa mga araw na nawala ako, marami na rin akong nagawa.  Palakpakan nyo na ang amazing accomplishments ng lola ninyo!

Bago ako umalis ng California, nag-usap kami ni Daisy (yup, si Alembong ay buhay na buhay at kikay na kikay pa rin).  Comparatively with our other “Friday Night Poker” friends, bago-bago pa lang sila ng dyowa nyang si Donald at dyunak nilang si Pen sa West Coast. Galing sila sa East.  With all the disappointments I’ve had with living in Los Angeles (take note, ha.. LA lang.. I will always love San Francisco kasi), sinasabi na nya sa akin na the East Coast will be altogether different. 

Kinuwentuhan nila akong mag-dyowa ng buhay nila sa East Coast… what I’d expect and what makes this part of the US so special for them.  At natatandaan ko, sinabi sa akin ni pren Daisy, “I’m sure, Ate Siennes, with your personality, mas magugustuhan mo ang East Coast!”

And true enough, I do love the East!  Mas driveable ang freeways, I can see the change of the seasons, pero sinigurado na akong hindi ito kasing-lamig ng Calgary sa winter time.  The structure of the houses is different.  The whole feel of it is different!  Home-ier (ganun ba spelling nun? hehehe), more heart-warming, cozier.  Ewan ko… iba ang feeling.  Hindi ko ma-eksplika, pero alam ko, ito na ang hinahanap kong lugar kung saan pwede kong masabing, “Dito na ang pagpapahingahan ng isip at puso ko.”

Of course, super-duper laking difference din dahil sa kasama ko si “Bossing” – the sole and only reason kung bakit ako lumipat sa Maryland.  If not for him at hindi na kami nagkitang muli, bumalik na ako ng Calgary nung matapos ang nakaraang chapter ng buhay ko.  Wala rin namang masama kung bumalik sa Canada kasi citizen naman ako dun, may bahay ako dun at kasama ko sina Itang at Inang.  Maganda rin naman sa Canada (kahit kakaloka ang lamig!) 

Pero sadyang ganun ang pag-ibig.  Mas malaki ang effort sa part ni Bossing kung sya ang pupunta ng Canada kaya ako na lang ang nag-get up and go.  Kaya for convenience nga ba?  OO, for convenience nga. Mas convenient naman talaga na magkasama na kami kesa long distance, kaya?  (Taray Mode ON. OO, tama ang basa mo.  At kung may phone in question ka, sa akin mo itanong at ‘wag sa mga nananahimik kong kaibigan, ok? Taray Mode OFF.)

One of the first places na pinagdalhan sa akin ni Bossing ay Washington, DC.  Think Forrest Gump at the Lincoln Memorial.  Nag-train lang kami ni Bossing to the Union Station sa DC and when the doors of the station opened up to the outside, sa tutuo lang, feeling ko gusto kong halikan ang lupa!  Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “Eto… eto ang Jameyrika!”  Grabe.. ang ganda-ganda.  Kakabloom lang ng mga cherry blossoms at talagang feeling mo wala ka sa Pinas!

Marami kaming pictures na kinunan, pero isu-suspeng ko muna kayo.  For now, ito na muna ang tingnan ninyo. 

 

 

     

The US Capitol

 At the National WWII Memorial

Si Bossing, by the Philippine pillar

Me and Bossing with the Washington Monument behind us

 

 

 

 

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 13463 beses ng 2736 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

24 thoughts on “…It’s Raining Somewhere In Some Cafe”

  1. mabuhay !!!! ayan, may magpapasyal na sa kin sa Maryland :) bawal na bang magphone-in question kay maricel? :D

    basta ateng, i’m so happy for you :)

  2. ate g,

    ang saya saya weeeeeee

    btw, nag email ako sa iyo both sa gmail at hello kitty natanggap nyo po ba yun?

    basta ang sayaaaaaaaaaaa

  3. hello ate sienna!!!!

    aba, asa east coast ka na pala!!! baka naman pwede tayong magkita? pag nagaw ka ng NY o kaya pwede din kitang bistahin. Hope to read more amusing stories about your life here in the East Coast!

  4. Hi Gigi,

    You look so happy in the pics. Mabuhay ang bagong kasal!!

    Years ago, you sent me instructions on how to load my own pics sa gallery. If it’s not a bother, can you send it again? I would like to update my gallery sana. Palagay ko mas maiintindihan ko na ngayon.

    Been sending you mail sa charter pero bumabalik. Please email me sa XXXXXXXXXXX

    Thanks for visiting my blog!

    Jim

  5. hoho!!!

    kamusta na kayo dyan? si brends and arlene, ok din ba? i hope we’d be able to chitchat one of these days.. pag hindi na ako busy sa mga ginang ng tahanan duties. hehehehe

  6. sisterski, sori at late ako sa balita… bagong papa? am happy for you and wish you all the best. was in NY in December pero sobrang lamig kesa dito sa alemanya. pero sabi waswit ko mas malamig pa nga sa canada… hay! anyway, wishful thinking ko rin ang east coast… sana… regards na lang ulit at sa iyong labiduds!

  7. Ate Sienna, welkam bak! Just curious, bakit Bossing na ang special friend mo? Wat happended to your Andres? Or are they the same person? Nagtatanong lang naman po… magkakapitbahay na pala tayo dine sa east coast.

  8. ate sienna,
    andito ako sa NJ, northeastern side. malapit na kami sa George Washington Bridge. Bakasyon ako next week. Sige, hahanapin kita.

  9. Ate G,

    Nasa NJ ka na ba? wow im planning to visit my high school friends around NJ, NY and Washington DC area this July 2006. I would love to meet up with you if we can.

    Btw, i emailed you on both gmail and hellokitty ( Happy 30th Bday to Hello kitty :) ) let me know kung natanggap mo.

    Now i know bakit ganyan na lang ang ngiti mo sa mga pictures, i guess best wishes are in order. God bless you both!

    labsyah!

  10. Ate Sienna! You’re back! Mukha ngang ang saya saya mo, wow! (-:

    Andito ako sa Las Vegas, pasyal ka rin dito! Uwi ako uli Pinas sa August. (-:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *