Archive for May, 2006
The (New York) Morning Report
(Click thumbnails to enlarge)

Nung May 6 go kami sa “City That Never Sleeps” say nga ni Ol’ Blue Eyes. (Pero diba dapat Vegas ang lugar na di uso ang tulog? Anyways…) Overnight lang. Type lang naming mamasyal ng konti, mag-flea market. Hindi rin naman kasi sya kalayuan. Mga tatlong oras lang na byahe magmula sa amin. May kasama pang side-trip yun papuntang Philly dahil sinundo namin si M, dyunakis ni Bossing, na dun nag-aaral.
Wala masyadong pictures akong nakunan. Kakaloka kasi ang Vig Afol (”Big Apple”) – walang maparadahan! As in, singkwenta porsyenteyj ata ng oras namin nauwi sa paghanap ng farking. At luluha ka ng dugo kapag nakakita ka ng farking speys kasi mahal ang per kinse minutos nya! Pero dahil kasama namin ang sumisikat na rin sa pansitan (na tulad ng mga pamangkin ko) na si Pearlyn, kailangan dala namin ang sasakyan kasi maawa ka naman sa bagets kung palalakarin mo ng ala-Boston Marathon yun all over. Eh madami din kami – si Ninang Judes, si M, si nanay, si Pearl nga, ako at si Bossing.
Pero eniweys-my-way, hafi ako, ha! Nakita ko ang famous new year’s eve venue na Times Square, ang Broadway, pati mga kung anik-anik na mga marquees ng mga theatre performances sa NY. Ganun pala yun. Akala ko kasi dati tabi-tabi yung mga pinaglalabasan ng mga plays na yun kaya hop along ka na lang from one to the other. Hindi pala.. kahit na magkakalapit pa rin sila, relatively, iba’t-ibang kalye pala sila minsan. At ang pinakamasarap sa lahat, ang highlight ng Sabardey ko ay ang pagnood namin ng Lion King! Nakakaloka! Ang galing ng costumes, ang galing ng sets, ng mga props. Talagang minsan iisipin mo yung mga puppets ang nagsasalita at hindi yung mga may taong may hawak o may suot sa kanila. Ang ganda-gandang sobra!
Isa sa pinakapaborito kong Disney movie ang Lion King. All-time favorite namin yan na magkakapatid. Nung uso pa ang laser disc player, isa ito sa pinaka-unang LD na binili ng kapatid ko. At hulaan nyo kung ilang ulit naming pinanood ito? Ako na lang, mga dalawampung beses ko na ata itong napanood, mas matindi pa si Ringo sa dami. Kaya sa kaka-paulit-ulit, mistulang naka-dikit na ng epoxy sa utak ko ang dialogues nito ever! At yun pa ang nakakatuwa sa play, halos 90% of the dialogues came from the movie.
Pero, meyn, payo lang.. kung aabutin ng higit sa tatlong oras ang panonoorin nyong broadway play, wag kayong mag-e-SRO (standing). Mistulang dumami ata ang varyus (varicose) veins ko pagkatapos. Pero no complaints, ha, kasi sulit ang play. Pero eto, nagbibilang na nga ako ng varyus veins sa legs ko. hehehehe
Pagkatapos naming manood ng matinee, maya-maya nag-ikot-ikot pa kami ulit (para nga sa farking, ageyn) at ang next stop, St. Patrick’s Cathedral para makapagsimba na. Ang laki ng St. Patrick’s Cathedral. Ito nga kasi ang largest catholic cathedral sa Jameyrika. Mukhang mga dalawang libo siguro ang maiuupo dito. Nagkataon pa nga, nung nagsimba kami, Filipino pa ang paring nagmisa. Bongga! Nung una may-i-surprise ako kasi naka-cordon ang paligid ng seating area ng simbahan. Tinatanong pa ng mga ushers kung magsisimba ba kami. Nung tapos na ang misa at tinanong ko ito kay Bossing, sabi nya, kasi nga, magmula ng 9-11 talagang naghigpit na pati ang security ng simbahan. Sabagay, kung ito nga naman ang pinakamalaking catholic church pwede ngang maging target din ito ng terorismo.
Dun kumuha ako ng maraming pictures. I’m beginning to love taking pictures of churches. Mas lalo na yung mga gothic na tulad ng SPC. Hmmmm.. alam nyo, gagawin ko nga yan. Magkukukuha ako ng pictures ng mga simbahan. Mas lalo dito sa MD, ang daming iba’t-ibang klaseng simbahan. Magawang “Church Project” (hmp.. para namang ang dami ko raw projects na hindi pa tapos kaya???)
Kinalingguhan, go naman kami sa flea market. Di ko na maalala kung saang flea market ito pero malaki sya. hehehe.. sa maliit na halaga, marami kang mapapamili. Kaya ako, next to Divisoria, flea markets sa Jameyrika ang gustong-gusto kong puntahan.
Babalik kaming dalawa ni Bossing sa NY. Kasi marami pang lugar dun ang hindi ko pa napuntahan at gusto akong ipasyal ni Bossing. Aba, sa malayo ko lang nakita si Li-ber-te. At ang isla ni Coney, di ko pa rin sight. Alam na alam ni Bossing ang NY, dito kasi sya unang napadpad nung dumating sya sa Jameyrika. This time, leisure walking na kaming dalawa – mag-su-subway na kami papuntang NYC :)
At bago ako magbabush for this morning, papa-happy birthday kiss lang ako sa dalawa kong pamangkin na magkasunod ng birthday twing May. Happy Birthday Pancho and Sef… I love you so much and I miss you!!! At Belated HAPPY MOTHER’S DAY sa aking huwan en onli Inang… mahal na mahal kita. (At sa inang din ni Bossing at kay Patring at Greta at Lola Idad ko. At sa lahat ng mudras sa buong mundo!)

Pancho and Sef (sitting) with their brother, Maki
(Nakita 2476 beses ng 339 bisitors)
“Did You Or Did You Not Order the Code Red?!?!”
(Pictures enlarge when clicked)
One week nang bakasyon si Bossing itong nakaraang isang linggo at tuloy-tuloy yun hanggang sa a-dose. Pinlano nya talagang magbakasyon kasi ilang linggo na rin naman na lagi syang apat hanggang limang araw na pumapasok eh 12-hour shifts kaya sya? Kakaloka yun, diba? Kaya naman, ehyun, nag-ayos ng schedule at mag-o-off daw sya ng isang linggo. Siempre, ok sa akin yun kasi sa true lang, na-e-engri ako minsan kapag dumidiretso sya ng tatlo araw na trabaho tapos minsan liliban lang ng isang araw para magpahinga tapos trabaho na naman ng isa/dalawang araw.
To top it all, ang yema sa loob ng sansrival pa nun, pang-gabi pa sya! Sabi ko nga sa kanya, mashonda na sya, noh! Hindi na sya katulad nung bagets pa sya na pwede syang magpuyat ng magpuyat. Sisingilin na sya nun. Kaya usapan namin talaga pag working girl na ako ulit, magpapang-umaga na sya. Iba pa rin kasi ang tuloy-tuloy na tulog sa gabi. Believes you me, ina magenta ako ng 8 hours of sleep for beauty rest. Altho naiintindihan ko naman na dala ng pangangailangan ang kanyang pagtrabaho – ang pangangailangan na mabuhay at bumuhay. Kaya naman, talagang pray na lang akong maging ligtas sya kapag nagmamaneho at nasa trabaho.
So anyways-high-waist, naisip ni Bossing na i-lamyerda ako sa Annapolis dito sa MD nung pangalawang araw ng bakasyon nya. Mga forty-five minutes na drive ata yun galing sa amin dito sa Baltimore. Ang pinuntahan namin mismo ay yung United States Naval Academy. Dun gumradweyt si former US Preysident Jimmy Carter at Ross Perot at marami pang iba. Ang ganda-ganda ng naval academy. Ang ganda ng tanawin at kaga-gwapo ng mga student cadets. Sabi nga ni Bossing dito nga raw nag-shooting ng “You Kent Handel Da Trut!”
Pinuntahan namin yung magandang chapel sa loob ng naval academy, yung ilang dorms nila, yung isang hall nila. Hindi pa nga namin napuntahan yung grounds mismo kasi nga matatapos na yung parking time namin. Pero feeling ko, kapag nakabili na ako ng digital SLR ko, magrerequest ako kay Bossing na ibalik nya ako dun para makunan ng pictures ang mga cadete… este, ang lugar pala! (hehehehe)
Pagkatapos nun, nagpunta kami sa City Dock to look at the pier atsaka yung mga nakadaong na mga yachts. May regatta ata that weekend kasi maraming nakapark na mga sailboats na pang-karera. Dun na kami kumain sa malapit sa dock. Ang sarap… pisda at shrimpon.
Inikot din ako ni Bossing sa circumferential road ng city. Ang gaganda ng mga brick houses, ang mga lumang 17th/18th century buildings. Habang nagdadrive kami paikot, nakakakita pa nga kami ng mga guided tours ng mga bata at ang nagfafacilitate ng tour akala mo si Benjamin Franklin ang itsura. Nasabi ko na ba sa inyo? I love the east coast!
Iba rin ang beauty ng Annapolis. Alam ko, pang-turista yung mga pinuntahan ko, pero yung mga sights already tell you a story of how the old American people probably lived during those centuries. It has a special character of its own. Feeling mo talaga baka maya-maya eh makasalubong mo si pareng George Washington or yung tropa ng mga pumirma ng Declaration of Independence. So kaka, diba?
O sya… Tigilan na muna ang wentong turista. Mega-linis kami ni Bossing bukas at in need of a cleaning na ang house is a home namin. May matching planting bahay-kubo style pa siya din bukas at harinawang tapos na nga ang pollen season at nang hindi sya humahatsing ng matindi twing pumapasok sya ng balay.
True lang, nakakaloka kapag nahatsing yang si Bossing. Mistulang may scat na ala-Al Jarreau na kasama. Eh ok sana kung paminsan-minsan lang. Pero kapag dire-diretso na akala mo long-playing na plaka, parang ikaw na ang mapapagod at talaga namang parang gusto mong mag-vaccuum sa garden nang ma-vaccuum na lahat ng pollen sa mundo!
Nektaym naman ulit. Da kontinuwing istory ng bakasyon ni Bossing. Destination: Noo Yok!
(Nakita 2206 beses ng 317 bisitors)
Good Night, Ninang Baby…
If you remember, I asked for prayers for my godmother, Celia “Baby” Coronado, when she was suffering from lung cancer last Nov. 2004. And I had received so many comments signifying their intentions of prayers for her. For all of you who commented and for those who didn’t leave a note but prayed for her just the same, thank you very much. On October 2005, a dinner was even held on her honor at the St. Charles Borromeo Catholic Parish in Virgina before she left for Manila. The news said that she has won the battle over cancer and she just wanted to go home to be with family again.
Now, I had just received news from my Inang that my Ninang Baby has left us. But I’m confused as to why noone had told us. Which was quite odd. My Tita Nene or any of Inang’s siblings, would’ve told someone to contact my sister, Gretch, immediately. (Ninang Baby, my Inang and Tita Nene are all first cousins.) Not unless they didn’t tell Tita Nene either because she also has heart problems and her mom, my Nanay Coriting is really very old already. Not unless they couldn’t get a hold of anyone at our house in Quezon City.
But just the same, I searched St. Charles Borromeo’s website archives to see if they’ve mentioned anything about my ninang’s death and to confirm if the news is true. And there it was… they have been offering masses for her soul for the whole month of April. (Inang, tutuo ngang iniwan na tayo ni Ninang.)
I am shaken for I love her. She was my favorite Ninang. I can still picture her with her hair in a tight bun – so young, so beautiful and so funny. She had this beautiful smile and her eyes always aglow. I loved seeing her laugh and exchanging banters with her sister, my titas and Inang. I’m just thankful that I was still able to talk to her and tell her I love her before she died.
I’m not very good at handling death. Specially those of people who mean so much to me. I can never be prepared to lose anyone. (Please, Lord, not just yet. I haven’t even recovered completely from the deaths of my two lolos and a lola – and it’s been years since they’d died.) My ninang’s is really affecting me. And it scares me. Matanda na ako. This is about the time that I will be experiencing more of people close to me dying. Hindi pa ako talaga ready, Lord.
The only thing that appeases me is that, now, she’s in a better place and she is finally reunited with God. But she will surely be missed…
Goodnight, Ninang… rest well.
(Nakita 1133 beses ng 276 bisitors)
