PostHeaderIcon Happily Scrapping

Oist, may trabaho na ang lola ninyo!!! Kaya di na ako tambay sa balay at working girl na ako ulit! Pero saka na ako story ng work ko dahil may iba akong gustong i-share sa inyo.

Dati, nung wit pa ako work, mistulang housewife ang drama ko – Mega Star ako! Mega-plantsa, mega-linis, mega-luto, mega-pinta. Pero tulong naman kami ni bossing kaya ok lang na i-karir ko ang pagiging maybahay. At kapag fly na si bossing sa gabi papuntang jospital at tapos ko na syang asikasuhin, ako naman, magsisimula na nang “quiet ME time”.

Yung “quiet ME time” ko, ito yung mga oras na ginagamit ko para sa sarili ko. Maghahanap na ako ng kaaabalahan na habang gumagana ang kamay ko, gumagana din ang isip ko – minsan two-gether, minsan naman magka-iba ng mundo. At look forward ang lola ninyo sa mga ganitong mga oras. Wala lang… pang-ground ko yun. Pang-detoxify. Kasi kahit naman tulog si Bossing sa hapon bago pumasok sa trabaho, trabaho pa rin ang nasa isip ko – mga dapat gawin para sa reunion namin, mga dapat kong lutuin, mga dapat linisin, at iba pang pang-may-bahay na gawain. Kaya naman sa gabi, selfish time ko na yun.

At dahil siguro tahimik ang gabi at masarap ang may kinukutingting habang naririnig ko ang TV na nakatutok sa mga paborito kong telenovela, ang dami kong nagagawang mga scrap pages ko twing gabi. Sisimulan ko ito sa pagbuklat ng maliit kong album ng pictures, mamimili ng type gawan ng page. Pagkatapos, hahakutin ko lahat ng mga magazine ko ng scrapbook at mamimili ng inspirasyon na layout. Kapag nakita ko na yung layout na gusto ko, hahalungkatin ko na lahat ng mga papel ko at titingnan ko na kung ano ang bagay sa pictures ko. Madalas yan, kumukuha ako ng kulay galing sa picture, mapa-background, mapa-damit ng mga tao sa litrato. Mag-aayos-ayos, magbabagay ng mga embelishments, at magsisimula na akong mag-layout. Madalas, hindi ko naman nagagaya ng husto yung nasa magazine ko. Ang lumalabas din, sarili kong layout. At bago mag-ala-una ng umaga, tapos na ang mga telenovela at cartoons na sa adult swim ang nasa TV, pagkatapos ng tatlong tawag na minsan sa akin ni bossing para paalalahanan ako sa gamot ko, matutulog na ako. Kinabukasan, pagkatapos kong pagmasdan ang ginawa ko nung gabi, nilalagay ko na sya sa scrap album ko.

At yan ang nangyayari sa buong gabi ko.

Share ko lang sa inyo. Makikita nyo rin ito sa page ko sa Scrapbooks.com. Kung mapapadaan kayo dun, comment kayo sa layouts gallery ko, ha. Naaaliw din ako na makita kung ano yung mga LOs (layouts) ko na madalas bisitahin. Kasi na-no-knows ko din kung whichelles yung pleasing sa eyes ng ibang utaw.

Hay naku… irerevive ko na nga yung aking scrapblog. Malapit na. Mga 48 years na lang. Marami pang mga kafatid yang mga LOs ko, pero eto na lang muna. In 48 years, kapag narevive ko na ang aking website ng scrapbook, makikita nyo na lahat. Pramis.. near na.

(I-klik nyo lang yung thumbnails kung gusto nyo ng mas malaking pikshur.)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 5933 beses ng 1125 bisitors)

22 Responses to “Happily Scrapping”

  • aya says:

    wow ang gaganda ng layouts mo! i’m into scrapbooking din pero digital lang… mas madali kasi hehe.

  • lino says:

    ok ah, ang gaganda, may talent ka pala ate sienna? hehehe, joksh lang…
    honestly magaganda sila… good job! :)

  • angel says:

    napakacreative naman ni ate shienna.maraming maghahire sayo nyan sa ganda ng scrapbuk mo kasi meron kang originality.mukhang pinaghirapan talga.talented(totoo)tama si lino(no jokes.ang cute ng mga pix..kapatid mo pala c 7up hmm..ang gandang tingnan nong batang naglalaro sa dagat/pool.

  • ghee says:

    wow!ang galing naman..ang dami mong talent ate sienna.

    congrats pala sa bago mong job.
    masarap talagang humarap sa computer at night pag tulog na silang lahat. :)

    have a lovely day! :)

  • annabanana says:

    ate sienna,
    very nice scrapbook! ako rin mahilig mag scrapbooking, kaso walang time eh. i love your grad picture..atsaka yung isa na kayo magkasama ni hubby..ang tweet!
    have a good day!

  • GretA says:

    berry good…at may email ako sa yo..at di mo sinasagot…hmp

  • well, good on you!
    love scrapbooks

    woof!

  • MommyBa says:

    Ate, sobrang naiinggit na naman ako dahil nakakapag-scrap ka at ako hindi! Anyway, ang ganda ng mga LOs mo and I’m looking forward to see more of your works soon!

    Happy weekend!

  • vicky says:

    alam mo ba na i read your posts aloud and i really sound like a radio commentator! Natutuwa and hubby at anak ko na english talk and think…wala akong makausap dito ng tagalog so mga tagalog blogs nalang ako nag-re-rely.
    You inspired me- matagal ko nang balak mag-scrapbook- good ideas- i like your graduatin pic and the hawaiian look with bossing. have a good weekend.

  • Lyka Bergen says:

    Lola! Natawa ako sa quiet-ME-time mo na ito ha! Ask me kung ano ang ginagawa ko sa quiet-Me-time ko… Aaaay. Wag na lang!

  • sachiko says:

    ang bilis siguro ng oras when you are so engrossed doing those things. tama ka,two-gether nga ang mind and kamay mo nyan..

    do you know origami? siguro once nakita mo how to do it,magagaya mo kagad.

    origami=you make flowers,animals from colorful papers.

  • denden says:

    hi ate sienna! ang gaganda ng layouts manang mana sa’yo. peborit ko yung “21 years”, ang cute mo kasi dun, neneng na neneng at may gatas pa sa labi.

  • ann says:

    Ang gaganda! Kakarerin ko rin yan sa bakasyon..hehehe.

    Have a nice day!

  • T. says:

    Nagpaparamdam lang ulit. Na-miss ko mga writings mo!

  • Lani says:

    Ang ganda naman, ate Sienna, inggit ako. Tagal ko nang gusto na magstart ng magscrapbook pero di matuloy-tuloy. Pero pipilitin ko this year makagawa na. Type ko rin sana ang digital scrapbooking kaso nakakainis itong aking net connection masyadong mabagal ang tagal magdownload, isang taon bago makapagdownload (exajs). Mas matipid kasi kapag digital e hehehe.

  • hay naku, mare. sa tutuli lang, ako din ay naloka sa crafts churvanesence nuon! as in pang-lifestyle network ang drama ko. ngayon nga digital scrapbooking na ang uso. nuon, pang-gift ko ang scrapbook na ginagawa ko from scratch at personalized sa aking pagbibigyan. o, devah? sino pa ba naman ang maga-alinlangan na hindi ako bakla? ching! hahahahaha! pero pag nakakakita ako ng mga katulad mo at ni pinay new yorker, nanunumbalik ang aking passion, vakla…

    kaya, sabi nga ng isang trainee ko: keef it uf! (tambling talaga ako)

  • watson says:

    Super creative ka talaga, Ate Sienna! Siguradong magiging cherished family heirloom ito in 48 years time!

  • ghee says:

    ayy,bc bc si Ate Sienna..

    dumadaan at nangangamusta lang :)

  • redjeulle says:

    ate sienna, bakit di ako makapagcomment sa blog mo, laging nag eerror? how are you? :-)

  • Reyna Elena says:

    WOW naman! Napaka superdupercreative nimo ‘day! Kakaloka ang creativity dna’s natin! Talagang bumubula! Ang gaganditas!

    Tagal tagal ding di ako nakadaan dito. Eto maloka loka pa rin ako sa mga twisted funny at hilarious thoughts nimo. Kakawala nang stress!

    Daming thank you at you are here!

    Reyna Elena
    http://www.reynaelena.com

  • Rovie says:

    digital po ba yang ginagawa nyo? ako rin mahilig sa scrapbooking :) kaso la nga lang ako gaano time lolz.. busy kasi sa iskwela :D

  • Great site, exactly what I was looking for, I can’t get your RSS feed to work right in google chrome though, is it on my end?

Leave a Reply

Archives