PostHeaderIcon Dahil Pinoy Ka

Bakit nga ba, nakaka-imbudo na nga kapag na-okray-okray ka ng ibang lahi dahil Pinoy ka, pero mas nakaka-imbyerna to the high heavens kapag kapwa mo Pinoy ang gumagago sa pagkatao mo…

So, ayun na.. tapos na ang green card chorva namin ni Bossing. Ang sumunod naming project naman eh yung aking passport dahil exfired na sya. Kasi nga fly kami etong chirstmax sa pilipins my pilipins becos nga reunion chorva ng aming high school. (Diba nga, dun kami nagkitang muli ni Bossing – frefareyshen namin ng aming reunion?)

Anyways-high-waist, pukalalang yan! Sa mga kaneydian citizeng dyan na nawawala na ang citizengsip card-shorvas ninyo, naku, getching na kayo agad ng kafalit dahil sa true lang, aabutin kayo ng pagkauban ng mga buhok nyo sa baba (sa binti, your vrains, ha!). Alam nyo bang wiz kayo makaka-renew ng fasfort nyo kung wit kayo show ng citizenship card. At ang pesteng card, aabutin ng anim na buwan bago magawa? Kaloka, davah??? Kaya naman mega-pa-asim na ako sa kausap kong assistant sa phone at mega-exflain ako, in english takes notes, na kailangan kong i-keri ang fassfort. Sabi nya gawa daw ako ng letter para i-apila. So ako naman, meyk da letter:

“Eyver Dearest Consul,

Oh Canada, my Canada, I em Sienna en I am Ka-Ney-Di-Yen. Flis, make faster my citizenship card bekowz you said “No Id No Entry”. En you know, according to your assistants, its like 48,000 yirs kaya to get it? So if you use my shoes, its vad trif, davah? Eh I will nid my card to renew my fassfort becowz nga, “No fassfort, no flying”, you said, davah? En you know naman, da teroris, they have passports also but no card. So I understand but it’s very hard, you know…

So in essence and in ending, I just want to make appeal-appeal nga to you. Kasi naman, I wanna go home nga to attend our reunion ever plus nga to see my lowla Idad and all the chikiting-gubats who belongs to my sisterakas. So ok, are we ok? OK! I will weyt for you, if it takes foreyver. Tenkyu beri meny in advance of your goodness.

Kapuso at Kapamilya, Sienna”

Bad ba? Nakowwww.. hindi pa dyan natatapos ang istory ko.

So eto na.. ang bossing ko, nag-isip. Bakit daw hindi rin ako mag-apply ng pinoy fasfort dahil tumatanggap naman ng dual ang pilipins atsaka kaneyda. so ako naman, dahil nga mabuti naman ang budhi ko, may i tawag ako sa philippine embassy sa washington, DC. Aba siempre, tulad ng dati, miss friendship lagi ang drama ko. kering-keri ko yun. at kasi nga in fairness, wala naman akong right mag-maasim kasi nga ako ang nanghihingi ng pabor at inpormasyones new york. So wit na mag-paka-madrasta.

So yung una kong kausap na mujer, mabait naman. chika-chika ng info sa pagkuha ng passport… tapos say nya, “Ay, ang kausapin nyo po yung isang kasama namin. eto po ang number. ” So gibsung ang number tapos may i-spluk ako dun sa kasamang mujer din. Unang tono pa lang, pakiramdam ko, nagmama-asim. Pero ok lang.. carry lang. Nagets ko ang info na kailangan ko. Tapos ako naman, walang masamang budhi, tanong ako. “Eh kasi po, canadian citizen din po kasi ako… ok lang po bang kumuha ng pinoy na fasfort?”

Aba, naloka ako at ang sagot sa akin na mataas na ang boses na talagang nag-maasim na ng husto, “eh Canadian citizen na pala kayo eh bakit pa kayo kukuha ng Pilipino passport????”

At mahinahon ko paring sinagot ng, “kasi nga po, di po ba pwede mag-dual?”

Ang maasim pa rin nyang sagot, “bakit, nag-apply ba kayo ng dual???”

Ganun! Nag-init ang lahat ng ugat ko sa katawan! Binaba ko na ang telepono ng “ok na po.. di bale na lang”. Pero sa true lang gusto kong isalaksak sa bunganga nung bilat na yun ang linya ng telepono. Tumaas ang high blood ko. Tama ba? Magpunta ka ng ibang embassy at talagang sobrang Miss Friendhsip sila sa iyo kahit na nakapa-tanga na ng tanong mo. Eto ang sarili mong embassy, dahil lang tagalog ang salita mo, feeling ng mga tao dun ang lahat ng kausap nila Purita Kalaw. Tama ba?

Gusto nyo pa ng isang eksampol?

Eto…

Ang kaibigan kong si Fafa, super sosyal na ang hitad! Aba, mantakin nyo, may libro na yan sya ng mga blog entries nya! O diba, owber tu da max ang pagiging hari dahil may sarili na syang buklash. Frawd na frawd ako dyan kasi halos sabay-sabay kaming mga naging lilet nun sa blogosphere at ngayon nga, pa-ersh na ang lolo ko!

Eh di siempre pa, excited na excited kami sa blogkadahan para sa kanya! Kasi sa true lang, kung hindi nyo pa nabibisita si Fafa, mahiya kayo… may namimiss kayong malaking bahagi ng buhay ninyo kasi mapapa-careless whisper talaga kayo sa kakatawa sa mga adventures nya. Pero kasi si fafa, ang mga entries, nakakatawa pero maginoong bastos yan. Kaya nga irreverent ang tawag sa mga entries nya.

Ok na sana, diba? Ang nakakayamot lang, habang naguusap kami ni Fafa las wik, manaka-nakang baka raw hindi ibenta ng National Bookstore ang libro nya. Kasi pala, knows nyo ba na may committee ang National na nag-huhusga kung dapat nilang ibenta ang libro o hinde? As in mistulang “deal or no deal” na kapag nasabi nilang wit nila type ibenta ang libro, mistulang kiss of death na ang mangyayari dahil wala nang ibang bookstore daw ang pipick-up ng libro mo para ibenta.

Ok lang sana, diba? Censors-chever. Ang nakakainis nga lang, medyo nakaka-praning mag-verdict ang committee. Kapag medyo may temang bastos ang libro mo at pinoy author ka, wit nila approve. Eh bakit ang mga english authors, pinapayagan nila? (Dahil sa true lang, sa kanila ko binili yung libro kong “My Secret Garden“) Eto nga, baka mahulog kayo sa upuan nyo kapag nalaman nyo ang rason ng committee de festejos: “Dahil daw ang mga pinoy, hindi nagbabasa ng english na mga libro”.

O davahhhhh!!! OWVER!!! As in ang tingin nila sa mga pinoy eh mga indios nacional at aliping namamahay na hindi marunong mag-ingles. At mga pinoy ito, ha… Diba nakaka-windang isipin na dapat nga kapwa pinoy ang sumusuporta sa mga pinoy authors. Ok lang naman kung ang disguise nila eh para maprotektahan ang mga batang nagpupunta dun para magmasid-masid ng mga libro, pero sa true lang, kung type nilang mag-censor, dapat lahatan at hindi pinipili ang sine-censor. Nakaka-Im yun!

Kaya sana mga kakababayan, tangkilikin ang sariling atin. Suportahan ang pinoy bloggers. Bumili ng gawang noy-pi! Dahil kahit naman may mga Pinoy na panay ang inom kasi ng cough syrup nung bata kaya may sayad na, mas marami naman pong mga Pinoy na ikaka-tuwa at ikatataba ng ating pusong pinoy at isa na dito si Fafa Jay.

Nasabi po ni Fafa na available ang “Kwentong Tambay: Mga Kwento ng Isang Sira-ulong Overseas Filipino Worker” sa mga sumusunod na mga lugar:

Conspiracy Garden
All of Filbar’s branches
Booksale
Fully Booked
Mag:net

At kung natutuwa din po kayo sa mga entries ni Fafa at may blogsite kayo, baka naman type ninyong i-campaign ang kanyang libro dahil hindi naman po kayo mapapahiya na i-broadcast sya sa madlang pipol. Malaking pasalamat po kung inyong magagawa. At kung wala naman kayong website pero may email kayo, baka po pwede rin kayong mag-request sa National Bookstore na oorder kayo ng libro ni Fafa sa kanila. Siguro kapag nakita nilang maraming umo-order ng booklash eh maiisip nilang dapat nga nilang ibenta ang kanyang libro.

Kaya sa aking Fafa, congratuleytment… I am so frawd of you, my prenship! Nawa’y dumugin ng isang milyong OFW at mga pinoy sa pinas ang iyong libro. Nawa’y magka-second printing ka pa (kasama na ang 3rd, 4th at pip!) Nawa’y magkalibro ka pang iba. Nawa’y makabili ako sa iyo ng copy na may authograph mo! Babasahin ko at isasama ko dun sa kuleksyon ko ng mga kung anik-anik na padala nyo sa akin ni ateng na mga CD at pictures at drawings mo :) (hehehe, malay mo, kapag matatanda na tayo, maibenta ko sya ng mahal sa susunod na antiques roadshow kasi nga peymus author ka na!)

I labsyu, FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 3044 beses ng 400 bisitors)

16 Responses to “Dahil Pinoy Ka”

  • NINAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    maraming maraming salamat sa iyong plug. ang galing mo talaga.

    in fairness naman sa national, mukhang may mga tao naman doon na boto sa libro. medyo confident nga ang publisher ko na ito’y makakapasa. buti naman.

    salamat talaga ha, balang araw, tatanawin kong ito’y isang malaking utang na loob. hehehe. kamusta na lang kay bossing.

    jay

    From Ate Sienna:

    FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

    Naku, sana nga talaga eh hindi abutin ng pagkaburyong kung sino man yung nagmamalinis sa board ng national. aba, sa true lang naman, hindi naman bastos ang mga entries mo just for the sake of being bastos, diba? May sense naman ang pagiging irreverent ng mga entries.

    Atsaka, mabait ka naman mas lalo na kapag tungkol kay Ateng or kay Inang mo ang entries mo. Good boy ka pa rin naman. (Kasi kung hindi, i’m sure, mahahataw ka ng palo-palo nung dalawa.) hehehehe :)

  • carol says:

    ate sienna!! ang ganda ganda tlga ng mga entries mo, i enjoyed it =)

    makakakuha krin ng fassport, dont u worry hehehe tawag k ulet at magibang anyo ng boses bk sakaling magibang anyo din ang kausap mo at tumino hehehe

    From Ate Sienna:

    Naku, Carol… mistula bang lunukin muna ang bato at sumigaw ng “DARNA!!!” bago tumawag sa lukresiang maanghot na yun na nagtatrabaho sa Philippine Embassy sa Washington, DC (hehehe, talagang pinagdidiinan ko!) ???? Kaloka naman yun! Dapat mereseng Narda o Darna, Teng o Kapteyn Barbell dapat pantay-pantay, davah??

  • The Ca t says:

    ate sienna,
    Ang Canada ay nag-aallow ng dual citizenship.

    Ang dual citizenship na offered ng Pilipinas ay kung baga nasa Beta phase pa lang.Kailangan mong mag-aapply ulit to recover your Filipino citizenship bago kanila bigyan ng Philippine passport.

    If Canada allows dual citizenship only, you cannot have 3. US (three years after getting the greencard) and Canadian citizenhip. Panno pag nag-apply ka ulit ng Filipino? Which are you going to keep?

    From Ate Sienna:

    Naku, Ca T, pinag-isip mo ako… isip ko nga kung type ko pang mag-US Citizen kasi Canadian naman ako. Pero ewan ko.. bajala na si batman. Tingnan natin in 3 years. Pinoy pa rin naman ako, wherever in the world I am, hindi na mababago un at wala akong balak na baguhin yun kung pwede mang baguhin. Ang ending nga, pag nagkataon, baka sa Pilipinas pa kami mag-retire ni bossing, eh. Depends in conforms (in other words, depende sa kumporme, hehehehe).

  • ann says:

    Goodluck sa pagkuha mo ng passport, makakauwi ka rin ng december.

    Enjoy din akong magbasa kay Batjay, kakatuwa nga eh.

    From Ate Sienna:

    Naku, Ann, sana nga… kating-kati na ang mga paa kong umuwi. Kating-kati na akong magpunta ng divisoria. hehehehehe

    Uy, nadadalaw ka rin pala kay Fafa Jay. Enjoy naman talaga, davah? Salamat lagi… buylala ka na ng buklash ng lolo ko.

  • MommyBa says:

    I hope you’ll be able to sort out your problem soon. Hmm, siguro nga kelangan mamili ka later on. Siguro kung magagahol ka na sa oras, kumuha ka na lang ng Canadian passport mo. At least ‘di ka na masyadong mahahassle pa. Nakakainis pag ganyan ang kausap mo sa embassy ano?

    Keep your cool! they’re not worth the wrinkles you’ll be getting from their inability to help you.

    *hugs*

    From Ate Sienna:

    Yun nga kasi frablem, mamiba, kasi 48,000 years ang processing ng passport ng canada. Sobrang ganda kasi nila! pero i’m not losing hope. Nagdadasal pa rin ako palagi kay St. Jude na maantig ang puso ng consul sa sulat ko at bigyan na ako agad ng citizenship certificate.

  • amanda says:

    Hey Ate Sienna.
    Your posts rock. PERIOD.
    Anyway..thinkin of signing up for pansitan.net..but i don’t know where to apply and stuff.

    From Ate Sienna:

    Salamas, Amanda… pero sarado pa po ngayon ang membership ng pansitan. Marami na po kasi akong borders eh. Pero hayaan nyo, kapag po may umalis or nag-lipat bahay, magbubukas po ako ulit… :)

  • ghee says:

    hahaha!Si Ate Sienna talaga!pati yung letter sa consul,akala ko tunay na,haha!

    ang taray talaga ng mga taga embassy noh?
    buti nga jan,pwede dual,dito lately approved na rin yata,pero kainis ang processing.

    wow!bakasyon to the max ka pala sa dec,gimik ka ng marami ha?

    mukhang interesting yung libro ah?
    happy monday!

    From Ate Sienna:

    Hay naku, Ghee.. sana nga matuloy ang veykeyshen kasi nga kailangan pang ayusin ang fassfort ko. Kailangan talagang mag-novena ng husto kay St. Jude :)

  • sachiko says:

    im laughing hard here,grabe,enjoy! gusto kitang bayaran ng madaming yen for making me laugh!

    i hope you can go to that reunion this december,im sure all your batchmates are eager to see the two of you,sangkatutak na tuksuhan yan,for sure!

    good idea, itago ko rin yung songs ni batjay, malaki siguro value non in the future, benta ko sa yahoo auction! pa pirma ko rin muna sa kanya. :)

    kidding aside,this is a great honor for all his friends and an inspiration to all bloggers,galing ano?

    From Ate Sienna:

    Emen, Emen, Emen, MAMA!!! Sana nga matuloy na ako at siguradong may banda ng mosiko pag umuwi kami ni bossing. (Hehehehe).

    O diba, kailangan itago natin ang mga gibs ni Fafa Jay kasi I’m sure tataas ang value nito kapag masho-shonda na tayo.

    … Teka, ilang dollars ba sa isang lapad?

  • Kat says:

    Hi Ate Sienna! Sana ay maayos na ang iyong passport woes. Binabasa ko na rin si BatJay ngayon, ang saya saya sa blog niya! Tapos na-meet ko nga pala si Jerry (hawhaw.dekarabaw) sa Vegas, magkakilala pala kayo! Nandito na ako uli sa Pinas nga pala.

    Pukalalang yan! Hehe, gustong gusto ko yung pukalala na word kahit di ko alam ibig sabihin. Ate Sienna, nga pala, pwede na ba tayo gumamit ng Wordpress?

    From Ate Sienna:

    OLA, KAT!!!! Naku, prenship na prenship ko yang si lolo Gerry mo! Isa yan sa mga una kong nakilala pa nung lilet pa ako sa blogosphere. Ang bait nya, davah? Fafa-ble yan :)

    Heheheh, alam mo bang kaming magbabarkada ang nagpasimula ng salitang “pukalala”. Tipong “Put*” na “Puk*” pero hindi naman. Gusto mo na ba ng wordpress? Sige, emailan mo ako sa atesienna at gmail dot com at bibigyan kita ng insrukyuns.

  • Lani says:

    Aba naman, kainis talaga iyan. Mabuti nga at napigil mo ang sarili mo at hindi ka nag Gabriela Silang. Sana nga maayos na at kailangang makadalo kayo ng reunion ni bossing mo.

    Galing talaga ng Jay, kailangang makabili na ako. Next go ang beauty ko doon medyo di maganda ang pakiramdam ng lola mo ngayon at may monthly dalaw na hindi naman welcome (lol)

    From Ate Sienna:

    Hehehe, lani, gusto mo, bigay ko sa iyo number nya para imbyernahin mo rin? hehehehehehe. Harinawang makauwi talaga ako para sa reunion namin :(

    Aba, Go Na ang beauty mo! Fly na at bumili ng libro ni Fafa kapag wala ka nang dalaw. Bwyisita talaga yan eh. hehehehe

  • jeanny says:

    musta na ateng. tagal ko na nde nadadalaw…dami kc work eh. anyway…grabe talaga. buti na napigil mo sarili. hay naku dapat nde cla ang nag hahandle ng mga ganyang trabaho kc nde cla marunong makisalamuha sa mga tao

    From Ate Sienna:

    Jeanny!!! Kamusta ka na, girl? OO nga, ang tagal kaya kitang hindi nakakadaupang palad. so busy ang lola ko, grabe! pero ok ka naman ba? i hope you’re revived and tuloy-tuloy na ulit ang ating matatamis na chikahan dine. :)

  • mareeeee!!! salamat sa iyong pagdalaw sa aking blog. salamat at naaliw ka sa kagagahan ko. ili-link din kita. iniimbitahan din kitang puntahan ang post ng aking kabiyak at panuorin mo ang bidyo na ginawa. (pinaiyak ako buong maghapon, bakla. sobra. pinagtatawanan na ako ng mga ka-opisina ko.)

    spread the love!

    From Ate Sienna:

    HELLERRRRRRRR!!!!!!! Sige, eksheynj links tayo para hafi! Naku, sige nga mapuntahan ang website ng fafa mo at mapanood ang videyo na gawa nya por yu. Ma-sight bakit pinaiyak ka, girl! sobrang love naman yan!!! kakaloka!!!

  • NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    available na ang kwentong tambay book sa national bookstore at powerbooks.

    From Ate Sienna:

    PRES GAD!!!!!!!!!! Talaga namang I’m so hafi for yu, fafa!!!! Kailangan bumili na ang mga utaw! Hehehe, wag lang nilang lagyan ng balot na tulad ng ibang libro. Balot na lang na condom, pwede davah? MWAHAHAHAHAHAHHA!!!

  • Lyka Bergen says:

    Connect ako ditesh sa blogchina mo ‘day! Ill be back for more, demi more!

    From Ate Sienna:

    hahahaha!!! Natawa naman ako sa pangalan mo! sige, eksheynj links tayo.

  • rose says:

    ate sienna.
    di ko alam kung naaalala nyo pa ako. si rose po ng decembersky.com

    pero sana. hehe

    napadalaw dahil sa kwentong tambay! :)

    yay! nakita ko ulit link nyo..

    ingat!

  • dawn valtoribio says:

    ang idol ko si batjay hahahaha….. bakit walang bobong fans dito? meron pa isa si ewan ko na ahhaha go pinoy go!!!!!! idol ko mga pinoy!!! pinoy din ako hehehhe

Leave a Reply

Archives