PostHeaderIcon WELCOME TO JAMEYRIKA, ROSA CAMILLA!!!

Bago ang lahat, haffi bertdey sa aking mudra-in-law! Nanay, mey yu heb meyni-meyni more to come!!!

O devah, last week ang story ko sa inyo eh yung interview cheneseses namin ni Bossing sa immigreyshen? Maloka ka ba kung sabihin kong nakuha ko na ang sulat ni Unkel Sam nung isang araw na ang sabi:

WELCOME TO JAMEYRIKA, Lowkreysia!!! Chenes-chenes… chorva-chorva… flangganitang butas! Please keep off da grass. On da lep is da terrorists scares and on da rayt is da ever-ever oil hikes. But its not da same as da oil spills and the cheating ever of da nursing board exam in your kawntri! Your credit is good but we need cash. Chorva-chorva… Fliz mega-wait by your window for 3 weeks for the green card in your meylbox. Enjoy your stay and beware of dogs.”

Jump for joy, dance to the high heavens ang ate nyo! At bitin-bitinin pa ako ng asawa ko dahil nung tinawagan nya ako sa balay ng mudra-in-lo ko para basahin sa akin ito, feeling nya si Piolo Pascual sya na may halo pang drama ang pagbasa nya. Isang kapirasong papel, inabot ng isang oras basahin dahil panay ang pang-iinis sa akin. Kaloka! Kaya ayun, wala lang, may green card na ang lowla nyo!!!

“…Gusto ko lang pong pasalamatan, unang-una, si God. Sumunod sa aking feyrents at mga mga kafatid sa walang-hanggang suporta, sa aking asawa, i labsyu, Bossing, kay Ate Vi at kay Mega na siyang mga inspirasyon ko at most op ol, sa ang aking mga fans na kung hindi dahil sa inyong mga dasal ay hindi ko makakamit ang award na ito. At sa mga co-nominees ko, ang award na ito ay para rin sa inyo! Maraming salamat din sa bumubuo ng Urian at mabuhay ang industriya ng pelikulang Pilipino!!!!” *bow* *bow* *bow*

At hindi lang yan ang nakuha ko dis wik. Pati na ang aking driver’s license eh na-getching ko na! Hindi na ako nag-exam or what kasi nga may driving skills na ang lola nya sa Kaneyda at nawala ko lang ang driver’s license ko sa kalipornya. Kaya nagpakuha na lang ako ng driver’s abstract courtesy ni Itang at yun ang pinakita ko sa MVA ditech. At pagkatapos naming maghintay ni Bossing ng 48 years para tawagin ang number namin, na-pictyuran na ako at tanannn!!!! Mayroon na akong bagong lisensya! wooohooooo!!!! miss na miss ko na ang mag-drive kaya mamaya, pagka-risen from da sleep si bossing dahil may pasok sya kagabi, isasaksak ko ang Rivermaya at Eraserheads na CD namin sa van at drive kami.

Ispiking of Piolo, ang lame ng ending ng “Sa Piling Mo”, ha! Gandang-ganda ako sa story tapos ang huli ganun na lang. Eh mas maganda pa ang second to the last day nila. As in napaka-anti-climactic ng last episode at hindi pa mabuhat ng husto ni Piolo si Juday dun sa wedding cheneses nila. Anubayun natawa ako! Nung makausap ko nga si Greta, pareho kami ng feeling ni sister na kay Benicio lang kami natuwa. Hay naku… pray ko lang wag maging ganyan din ang last day ng “Bituing Walang Ningning” at “I Love NY” kundi isusumpa ko nang manood ng tele-novela. Ay… OA na naman. Hindi pala. Eh papanoorin ko pa rin si Teng sa “Captain Barbell” at kasi inaabangan ko na ang “Maging Sino Ka Man” ni Bea at John LLoyd. Uyyyyy, walang kahiya-hiyang plugging yun. Pero comment lang, hindi ko gusto ang slant ng story ni Baste at Natalie sa “I Love NY”. Pati ang mga dialogues nila so oldish. Magkaiba ba ang writer nun at writer nung part nila Jolens?

Hay.. kakaloka ang mga tele-novelas. Pati na yung Rosa Camilla ni Sunshine Dizon, pinapatulan ko. Kahit na lagi akong natatawa kapag sinasabi nila yung pangalan nya. Rosa Camilla… Rosa Camilla… anuba! Sino naman ba ang tumatawag ng ganun sa tutuong buhay? Wala ba syang nickname? Camille man lang kaya??? Ay, pangalan ng Pomeranian ng kapatid kong si Ringo yun. O sya, sige, Rosca na lang! mwahahahaha!!!

Hala… sa susunod na ulit. Panonoorin ko pa si Bossing Vic sa Eat Bulaga (oo raw, sila na raw ni Pia Guanio, kalowkah)!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 3007 beses ng 644 bisitors)

31 Responses to “WELCOME TO JAMEYRIKA, ROSA CAMILLA!!!”

  • mikmik says:

    naaaliw ako sa mga post mo! Nakakatawa!!! HEHEHE! Ano bang language yun? astig yun a!

    Btw, pwede po ba tayo maglink exchange??

    From Ate Sienna:

    hehehehe.. sigurado ka bang natawa ka nga??? sige, exchange lnk tayo. bumibisita ka ba ng mga blogs madalas?????

  • The Ca t says:

    congrats ate sienne…dance to the right, dance to the left at tiling nakakabingi….ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.

    From Ate Sienna:

    Tita Ca T, tenchu!!!! anofangavah, lola.. as in dance for joy talaga ang ate mo!!! di ko lang magawa yung nakakabinging tili at alam mo naman ang voicing ever ko! mistulang batang paslit na nawawala sa sarili at sinakluban ng sampung baklang kaluluwa dahil napaka-baditch ang intoneyshen!!!

  • JMom says:

    uy, congrats! legal ka na all the way :) nakakaaliw talaga ang iyong baklaspeak, hirap nga lang itranslate. nawawala ang emote :P

    From Ate Sienna:

    Naku, Jeanette, kaya nga wit na ako mag-explain kasi nawawala ang essence. hehehe.. (sa Ms. Universe ba tinanong yun, “What is the essence of a woman?”, kaloka yun! dun ata nanalo si Sushmita Sen ng India. nung tinanong yun, ibang “essence” ang nasa isip ko, mwahahahahaha!!!!!)

  • ghee says:

    Hi Ate Sienns! haha! naloka ako sa sulat ni Uncle Sam sa yo.Anyways,congratulations to the max!! may green card ka nah!! wow!

    saka na ang blow out,ok lang..nalunod naman ako sa san mig light sa pinas eh,hehe!

    may vcd (sa piling mo)labas na rin,panoorin ko pa kaya?

    From Ate Sienna:

    GHEEE!!!!!!!! asan ka na? balik ka na ba? ngayon pa lang kasi ako bibisita sa blog mo eh. tenchu ha. panoorin mo pa rin ang VCD para apir tayong mang-lait-lait sa kababawan ng last episode. … pero in fairness, bibili pa rin ako ng whole set kasi nga type na type naming magkapatid si Albert Martinez. Ang gwapo pa rin talagaaaaaaaa!!!!

  • jinjiruks says:

    musta ate sienna. dumaan lang sa blog mo. just want to confirm ikaw ba talaga si ate siena ng batibot?

    From Ate Sienna:

    Ay, hindi ako yun, jinjiruks. (hehehe, ang pangalan mo parang pinagsamang, jujitsu at ragnarok sa pandinig ko.) ayaw ko nga kay pong pagong kasi ang laki-laking pawikan tapos ang liit-liit ng boses. meron pa bang batibot ngayon???

  • trotskybee says:

    Kongratyuleyshens, Ate Shen!

    From Ate Sienna:

    TROSTSKY!!!! tenchu beri big. uyyyyy.. busy ka, no? nami-miss ko na ang mga comments mo. magblog ka na rin kasi eh, para lagi kitang nababalitaan :)

  • g says:

    congratulations ate gigi! next time I will be congratulating you for being a full pledge US Cit…woohooo!

    From Ate Sienna:

    uy… tenchu, bebe!! hay mishu na. visit me naman here. :)

  • ann says:

    Grabe! Updated pala si uncle sam sa nangyayari sa atin sa pinas, meron din syang TFC at Pinoytv. Congrats!

    Bakit wala yata yung Majika? di mo type si angel locsin?

    From Ate Sienna:

    hehehe.. sobrang dami na ang may pinoy channel ditech, ann. kaya kahit na yung mga matagal nang wala sa pinas, sobrang kilala kahit na ang mga walang k na mga starlets natin.

    eh kasi di ko masyadong naabutan ang umpisa ng majika. pero aliw ako sa mga costumes nila kapag nasisilip ko. plus di ako kasi masyadong mahilig sa fantasy. pero ang angel locsin, sobrang sexy… nakaka-tom boy!!! hehehehehe

  • lino says:

    Congats ate sienna, isa ka ng berdeng dugo este holder ng green card lang pala… hehehe

    From Ate Sienna:

    Matagal nang berde ang dugo ko, lino! hehehehe.. pero tenchu beri big pa din. :)

  • fionski says:

    Ate Shenanigans walang kinalaman ito sa post mo dito hehe.
    Maganda may labels/categories na ang blogger beta kaso pag naka beta ka di mo maa-append ang html. Kelangan lagyan mo ng labels LAHAT ng posts mo kungdi pag nag revert ka sa luma mong template na di galing sa blogger di magte-take effect ang labels.

    From Ate Sienna:

    ngekkkk…. sabagay i’m sure birthing pains lang yan. maaayos din nila lahat ng kinks nyan. kamusta ka na, darhleng?

  • myepinoy says:

    Senora, miron ka pa naklemutan pasalamat. Di mo yata nabanget si duktura vecky bilo o si duktor kalawang, yan bang nagpapaganda sa sken mo. At pati yong nag-yos ba ng bohok m. Nako, dame mo yata nakalemotan dahil masyado ka eksayting.

    Pero de bale, kungrats ha. Pede pakisalamatan mo na ren yong mga Tfc screw drivers.

    From Ate Sienna:

    Naku, owver nga ang saya ko na hindi ko na sila natenchu. pero mas malaki ang pasalamt ko sa CY gavriel for my soaf, jolive for my hamburjer at fifsi for my sopdrinks.

  • haydee says:

    hello ate sienna! were you ever addicted sa korean drama? anyway..naabutan ko nga itong kay juday at piolo nung nagbakasyon kami last july. kapamilya kasi ang nanay ko kaya nasa 2 lang ang channel pag gabi. do you have both tfc and pinoy tv?


    From Ate Sienna:

    Hellow Haydee!! Ay, naku, sa malas, walang korean drama na pinalalabas dito galing sa dalawang pinoy isteyshens. Pero ha, nung nasa pinas ako, napanood ko yung Sassy Girl atsaka yung istoryang nasa magkaibang panahon yung dalawang bida pero naguusap sila sa mailbox. Di ko matandaan ang pangalan. Isip ko nga makapanghiram ng mga korean movies dito. Di ko nga lang alam kasi kung may subtitle.

    Oo, sub-sray-ber kami ng TFC at Kapuso. Kaya nga adik-na-adik na ako sa pinoy TV.

  • angel says:

    hehehe kakatawa yung hinde mabuhatbuhat ni Piolo si Judy Ann.:D

    From Ate Sienna:

    Ay naku, Angel! Sa true lang. eh gasino lang ang bigat nitong si Juday eh hindi pa mabuhat ni Piolo! (Parang gusto mo tuloy maniwala sa mga chismax. hehehhehe) Hehehe… naku, tigilan ko na nga ang pang-oo-kray kay Piolo at baka lusubin ako ng mga fans. Opinyon ko lang naman po iyon. Nawa’y wag akong batuhin ng kamatis ng mga fans.

  • Minette says:

    hay salamat naman at nakuha mo na ang iyong award na kay tagal tagal bago mo makuha. masaya kami para saiyo ateng sienna at wag kang mag alala sayo ang batik batik gusto mo ikula ko pa hahahahhah. miss u and labs u.

    From Ate Sienna:

    Mrs!!! Kamusta ka na, buntis??? Sige, pramis mo sa akin yan, ha.. akin ang may batik. pero yung kulay pink na batik. hehehe.. salamas sa bati mo. miss na miss ko na rin kayo. Labsyubak!

  • ruth says:

    huwaw naman at siens, merkana ka na talaga! :)

    From Ate Sienna:

    RUTHIE!!! hehehe, wag namang ‘merkana.. feeling ko, sinusuot ako sa kasal at debut. hehehehehe

  • Lani says:

    Congrats! ate Sienna. Kamuka mo pala si Marilyn Monroe :) Napansin mo rin pala iyong sa I Love NY, oo nga baduy iyong kina Baste at Natalie pero cute ang kina Jolens. Fan ako ng Majica kasi super type ko si Dennis Trillo. Kahit gurang na ang lola mo parang teenager pa rin ang puso :)

    From Ate Sienna:

    Hehehehe, ikaw naman, Lani, nagsasabi ka ng tutuo. (MWAHAHAHAHA!) True ka rin sa I Love NY. Kaya nga kapag istorya nila Basta, medyo nagpi-PIP na lang ako at nagpupunta ako sa kabilang istasyon. hehehehe…

  • bgc says:

    kongrats! my prendship. tuwang tuwa at mangiyak ngiyak at joypul sa ebents ng buhay mo. feel ko lahat kasi nasaksihan ko rin mula california hanggang maryland ang lab story ninyo ni bossing.. hanggang sa makuha mo ang iyong award!

    Seriously, you deserve everything! uulitin ko ulit ang dialogue ko: “mabait kang tao – anak, kapatid, kaibigan” “at higit sa lahat laging kwela ang blogs mo kaya mahal na mahal ka namin.

    Inis din ako sa ending ng “Sa Piling Mo”.. halos masubsob ako sa pagmamadaling mag drive para maabutan ko ang ending.. tapos ganon lang pala.

    miss yah!

    From Ate Sienna:

    MY PRENSHIP!!!! Kamusta ka na? Grabe, magmula ng bumalik ako sa balay ni Bossing pagkatapos kng mag-house sit sa aking mudra-in-law, lagi na lang akong busy at manaka-naka lang akong nakakapag-internet. Sana naman this weekend makapagusap tayo. Miss ko na ang kwentuhan natin.

    Hay naku, talaga namang harang ang ending ng “Sa Piling Mo”. Pero alam mo bang pinalalabas ulit ang “Pangako Sa Iyo?” Masusubaybayan ko na si Madame Claudia at Miss Amor Powers. hehehehe

  • Apol says:

    Congrats Ate Sienna! Kwela ka talaga magkwento. hehe!

    Nga pala, may freindship ulit akong nakigamit ng template mo sa manilena. =)

    Salamat nga pala don sa mga messages mo. Tats ako =)


    From Ate Sienna:

    APOL!!!!! Mabuti naman at nakadalaw ka! Kamusta ka na? I always say a prayer for you kapag nadadaan ako sa blog mo when I do my rounds. I hope you’re doing ok. Basta, you know I’m just an email away, ok?

    Ay, sinong prenship mo ang gumamit ng template ko. Sana masabi mo sa akin para naman mapasalamatan ko sya atsaka masama ko sya sa mga links ko. Tenchu kamo…

  • sachiko says:

    hey! after a lil storm,good things coming your way! way to go!

    and yung mabulaklak mong paa,nasa blog ko rin siya,hehe..aliw eh!

    lastly,kaya pala maraming hits sa rebels coming from your site,naka plugging dito! :)

    From Ate Sienna:

    Mama Sachiko!!!

    Tenchu beri mats sa pagdalaw mo! OO nga.. sana nga, lagi kaming masaya ni bossing. hehehe.. marami pala akong napapalang bisitors papuntang blogkadahan. maraming salamat dun sa mga dumalaw. Sana lagi nyo po kaming basahin dun.

    At sa tutuo lang, sobrang controversial at sexy kasi ang topic mo, mama! hehehehe

  • NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    Congratulations sa license mo. Ang galing-galing. Si Jet din, kakapasa lang ng Drivers Test ng DMV rito at may license na rin siya.

    From Ate Sienna:

    FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!! Congrats din sa imo!!!! Matapos lang maayos ang PC ko, entry ko for you ang isusulat ko!!! miss ko kayo.. ang tagal ng usap namin ni ateng :)

  • chris says:

    hey congrats ate sienna sa green card mo! and as usual Winnie Monsod na naman ang post mo! Winner na winner!

    From Ate Sienna:

    Tenchu-tenchu!!! Kaya naman ako masaya na may green card ako kasi wala nang aberya sa pagsasama namin ni bossing. in other words, tuloy-tuloy na ang ligaya! kaya masaya na may green card :) Winnie Santos talaga!!!

  • carol says:

    ang ganda ganda tlga ng blog mo ate sienna, and congratulations ha!!

    From Ate Sienna:

    tenchu-tenchu-tenchu beri mats, carol. sige, balik-balik ka lang ha.. para masaya :) paliligayahin pa kita lalu.:)

  • eye says:

    syempre gising na gising na agad ako ngayong umaga dahil yung kakalokang post mo ang bumungad sa kin hahaha! congrats ate sienna! pwedeng-pwede ka ng mag-road trip ngayon ala cameron diaz at cristina applegate dun sa movie nilang sweetest thing hehe!

    p.s.
    mas marami ka pang alam na showbiz chismaks kasya sa kin, kaloka talaga hehe!

    From Ate Sienna:

    Naku, yun nga ang gusto naming gawin ni Bossing, Eye. Umarkila ng trailer at mag-round trip sa jameyrica. pero sabi ko kapag nag-retire na lang kaming pareho. hehehehehe..

    aba, ikaw ba naman ang naka-tanga sa tv maghapon di mo malaman lahat ng chismaks. ultimo baywalk bodies na balita pinapatulan ko na nga eh. mwahahahah!

  • MommyBa says:

    Congratulations ha!

    ‘Di namin napanood ang ending ng Sa Piling Mo. Pero ngayon sinusubaybayan ko na talaga ang Bituing Walang Ningning. No choice naman ako eh! LOL! Sayang nga at TFC lang ang meron dito sa UK kaya stuck ako sa Channel 2 shows.

    Huli kong chismis na nasagap at napanood sa The Buzz eh si Cesar Montano nagalit ke Andrew Wolff (sino ba ang papa na ito?!) dahil natalo nito ang kapatid nyang si Rommel sa isang celebrity boxing match. haaay! Si Sunshine Cruz feeling ko palengkera na ang dating sa mga ginawa nyang pagsigaw-sigaw during the match (di yan wrestling, boxing yan!). LOL! It amused me to the max! Hehehehe!

    So, si Bossing at si Pia Guanio na pala ha :)

    From Ate Sienna:

    True ka dyan, mommy ba!!! si pia na at si bossing. o diba, ang lolo mo, pabata na ng pabata ang mga nagiging kalukadids. mwahahahaha!!!

    at wala kang na-miss sa ending ng “sa piling mo” so panyet talaga! pero bibili pa rin ako ng VCD kasi a.) ang gwapo ni albert martinez, b.) natatawa ako kay ella na bespren ni juday at c.) tanga ako at kahit panyet ang ending buy ko pa rin sya. O diba, extended daw ang “Bituin” dahil ang daming followers.

    maganda rin ang programming ng GMA Pinoy TV. sana magkaroo na kayo nyan dyan.

  • kathycot says:

    shala nanaman ateng ang post mo! iba ka talaga ang ang humor mo in fairness to all the goddess pang noon time show ang taas ng energy! :)
    kongrats sa iyong berdeng card at hala sige maglakwacha kana..ingat lang sa pagdrive ha…
    at yiss..sora ever ang ending ng piolo-juday na teleserye..bigla na lang tinapos ng paganun ganun! sana nga ang bituin eh matapos ng may kapararakan at ng di mabigo ang puso ko kay idol dorina! :) wait mo pa ang crazy for you…mas mukang maganda un! ;)
    o cia, tapos na ever ang aking chicka minute! vavush! :0

    From Ate Sienna:

    KATHYYYYY!!!!!! uy.. salamas sa pagpuri ha. hehehehe, talaga namang sinisikap kong lagi akong performance level kapag nag-bo-blog. para all-hafi, davah??? hay naku.. sinisimulan ko nang maglakwatsa ever!!! mas lalo lang liberating kapag nagdadrive ka na.

    hay naku.. malurking ako kapag ang ending ng bituin eh okray. eto nga’t dahil hindi nila tinapos pa, nag-iba na naman ang flow ng istori. Tama bang mawala na naman si rosa mia sa buhay ni dorina samantalang sya nga ang ngakngak ng ngakngak na dapat kilala sya ng anak nya???? anubayun????? may nanay bang ganun????

    sobra sa over!!!

  • ghee says:

    Ate Siennssss!

    ok na ang date nyo ni Uncle Sam? :)

    good luck sa panibagong yugto ng buhay mo ;)

    From Ate Sienna:

    GHEE!!!!! salamas ha… oo nga panivagong chafter ng buhay. pero masayang chafter na, framis!

  • cheH says:

    Aliw ka talagang basahin ate sienn as ever! ewan ko kung naalala mo pa ako,madalas akong napapadalaw sa iyo dati eh :) Anyways, Congratulations!! legally blond ka na,hehe jus dyoking

    From Ate Sienna:

    CHEH!!!!! oo nga, nareremember kita. kamustasa-mustasa? san ka na napunta? sana dumalaw ka na lagi ulit ha… dibale, exchanged links tayo ulit. hehehehe.. sana nga blonde na lang ako. pero kahit blonde ako sa taas, sa baba naman hindi… babang binti ko. hehehehe

  • rHo says:

    susme ate sienna, kakabaliw naman itong blog mo!!! lagi akong nagbabasa dito pero ngayon lang ako nakapag-comment! hehehe… kongratulasyones sa iyong green card at sa driver lisensya mo!

    hmmm… maganda ang majika pero pumanget na kasi isinama si oyo boy! hahaha!

    From Ate Sienna:

    Uy, Rho.. salamat sa laging pagdalaw. kung gusto mo exchanged links tayo para madalaw din kita parati. Hehehehe, natawa ako sa comment mo tungkol kay oyo boy. Alam mo, ako lang ba, or mas gwapo pa rin talaga ang tatay nya kesa sa kanya?

  • watson says:

    Ate Sienna, syempre tawa to the max kaming nagbasa ng post mo. Kalowka ka talaga hehehe! Congrats sa Urian award chorva mo!!!

    At may free showbiz chismis pa dito! hehehe! Sabi ng katabi kong si Pauline na blogger rin, nobody says chismis anymore. Chismax na raw! hehehe

    From Ate Sienna:

    WATSON!!!!! Hehehhe, wala bang mga bossing dyan ngayon? Siempre, salamat sa kongratuleytmens for my Urian Award. Feel ko ngang mag-grand slam winner para bang si mega at ate vi…

    At true.. wa na chizmiz, chezmakx na truli.

  • KELLY CARSON says:

    Hahahahhaha! Gaga! Salamat. Ang ganda ko.

    (Walk out)

  • Makulit says:

    hahaha! ok po yung blog nyo ate! nakakatuwa. visit nyo din po site ko! :)

Leave a Reply

Archives