PostHeaderIcon The (New York) Morning Report

(Click thumbnails to enlarge)

Noo Yok, Noo Yok!

Nung May 6 go kami sa “City That Never Sleeps” say nga ni Ol’ Blue Eyes. (Pero diba dapat Vegas ang lugar na di uso ang tulog? Anyways…) Overnight lang. Type lang naming mamasyal ng konti, mag-flea market. Hindi rin naman kasi sya kalayuan. Mga tatlong oras lang na byahe magmula sa amin. May kasama pang side-trip yun papuntang Philly dahil sinundo namin si M, dyunakis ni Bossing, na dun nag-aaral.

Wala masyadong pictures akong nakunan. Kakaloka kasi ang Vig Afol (”Big Apple”) – walang maparadahan! As in, singkwenta porsyenteyj ata ng oras namin nauwi sa paghanap ng farking. At luluha ka ng dugo kapag nakakita ka ng farking speys kasi mahal ang per kinse minutos nya! Pero dahil kasama namin ang sumisikat na rin sa pansitan (na tulad ng mga pamangkin ko) na si Pearlyn, kailangan dala namin ang sasakyan kasi maawa ka naman sa bagets kung palalakarin mo ng ala-Boston Marathon yun all over. Eh madami din kami – si Ninang Judes, si M, si nanay, si Pearl nga, ako at si Bossing.

Pero eniweys-my-way, hafi ako, ha! Nakita ko ang famous new year’s eve venue na Times Square, ang Broadway, pati mga kung anik-anik na mga marquees ng mga theatre performances sa NY. Ganun pala yun. Akala ko kasi dati tabi-tabi yung mga pinaglalabasan ng mga plays na yun kaya hop along ka na lang from one to the other. Hindi pala.. kahit na magkakalapit pa rin sila, relatively, iba’t-ibang kalye pala sila minsan. At ang pinakamasarap sa lahat, ang highlight ng Sabardey ko ay ang pagnood namin ng Lion King! Nakakaloka! Ang galing ng costumes, ang galing ng sets, ng mga props. Talagang minsan iisipin mo yung mga puppets ang nagsasalita at hindi yung mga may taong may hawak o may suot sa kanila. Ang ganda-gandang sobra!

Isa sa pinakapaborito kong Disney movie ang Lion King. All-time favorite namin yan na magkakapatid. Nung uso pa ang laser disc player, isa ito sa pinaka-unang LD na binili ng kapatid ko. At hulaan nyo kung ilang ulit naming pinanood ito? Ako na lang, mga dalawampung beses ko na ata itong napanood, mas matindi pa si Ringo sa dami. Kaya sa kaka-paulit-ulit, mistulang naka-dikit na ng epoxy sa utak ko ang dialogues nito ever! At yun pa ang nakakatuwa sa play, halos 90% of the dialogues came from the movie.

Pero, meyn, payo lang.. kung aabutin ng higit sa tatlong oras ang panonoorin nyong broadway play, wag kayong mag-e-SRO (standing). Mistulang dumami ata ang varyus (varicose) veins ko pagkatapos. Pero no complaints, ha, kasi sulit ang play. Pero eto, nagbibilang na nga ako ng varyus veins sa legs ko. hehehehe

Pagkatapos naming manood ng matinee, maya-maya nag-ikot-ikot pa kami ulit (para nga sa farking, ageyn) at ang next stop, St. Patrick’s Cathedral para makapagsimba na. Ang laki ng St. Patrick’s Cathedral. Ito nga kasi ang largest catholic cathedral sa Jameyrika. Mukhang mga dalawang libo siguro ang maiuupo dito. Nagkataon pa nga, nung nagsimba kami, Filipino pa ang paring nagmisa. Bongga! Nung una may-i-surprise ako kasi naka-cordon ang paligid ng seating area ng simbahan. Tinatanong pa ng mga ushers kung magsisimba ba kami. Nung tapos na ang misa at tinanong ko ito kay Bossing, sabi nya, kasi nga, magmula ng 9-11 talagang naghigpit na pati ang security ng simbahan. Sabagay, kung ito nga naman ang pinakamalaking catholic church pwede ngang maging target din ito ng terorismo.

Dun kumuha ako ng maraming pictures. I’m beginning to love taking pictures of churches. Mas lalo na yung mga gothic na tulad ng SPC. Hmmmm.. alam nyo, gagawin ko nga yan. Magkukukuha ako ng pictures ng mga simbahan. Mas lalo dito sa MD, ang daming iba’t-ibang klaseng simbahan. Magawang “Church Project” (hmp.. para namang ang dami ko raw projects na hindi pa tapos kaya???)

Kinalingguhan, go naman kami sa flea market. Di ko na maalala kung saang flea market ito pero malaki sya. hehehe.. sa maliit na halaga, marami kang mapapamili. Kaya ako, next to Divisoria, flea markets sa Jameyrika ang gustong-gusto kong puntahan.

Babalik kaming dalawa ni Bossing sa NY. Kasi marami pang lugar dun ang hindi ko pa napuntahan at gusto akong ipasyal ni Bossing. Aba, sa malayo ko lang nakita si Li-ber-te. At ang isla ni Coney, di ko pa rin sight. Alam na alam ni Bossing ang NY, dito kasi sya unang napadpad nung dumating sya sa Jameyrika. This time, leisure walking na kaming dalawa – mag-su-subway na kami papuntang NYC :)

At bago ako magbabush for this morning, papa-happy birthday kiss lang ako sa dalawa kong pamangkin na magkasunod ng birthday twing May. Happy Birthday Pancho and Sef… I love you so much and I miss you!!! At Belated HAPPY MOTHER’S DAY sa aking huwan en onli Inang… mahal na mahal kita. (At sa inang din ni Bossing at kay Patring at Greta at Lola Idad ko. At sa lahat ng mudras sa buong mundo!)


Pancho and Sef (sitting) with their brother, Maki

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 2453 beses ng 333 bisitors)

22 Responses to “The (New York) Morning Report”

  • kathycot says:

    haneps! kya pala tagal mo nawala,,lamyerda ecklavush ang drama ng lolash ko!;) at talagang enjoy ka ate! pareho tau…gustong gusto ko mga divisoria like na place! bargainera ako e! hehehe… gaganda ng pics mo, esp.ung panoramic shot mo ng NY… may palabas nga pla dito sa pinas ngaun teleserye,i love new york.. la lang, si jolens ang bida… hehehe…sana makita ko din si kumareng liberty in the future! ;)

  • jacks says:

    hi ateng! ang ganda ng noo yok, sing ganda mo po! ako, wish ko din makapunta dyan, lalo na sa central park in autumn. haay, living vicariously na lang po ata ako. kaya pasyal ka pa sa kung saan-saan para feeling naka-pasyal na din ako!

    mukhang mega-happy talaga kayo ni bosing! congrats and best wishes po!

  • ting says:

    Aba, Ate Sienna, at panay ang ikot mo ha? Di ko pa nasagot e-mail mo. Nakalimutan ko password ko..haha. Anyhow-know-how, kami nagsubway lang when we went to Noo Yok. Hindi nag-dra-drive and aking kuya. Takot daw siya sa parking at driving. Hang cool yung subway eh sa ilalim lang ng stadium. Next time dapat shopping ka rin sa 5th Avenue at umikot sa over-rated SoHo. Pero mabaho daw ang NY sabi ng aking mga anak..haha..

    Oh eh, akala mo ang Times Square eh square? Sus malaking TV lang pala ano? Ang Broadway, super loves ko. Grabe.

  • vicky says:

    enjoy ako sa pagbasa ng blog mo re. happenings mo sa vig afel hihihi(psensiya lang di ako magaling sumulat pero magaling kong bumasa sa tagalog- ilocano kasi salita namin sa bahay sa baguio)lucky girl ka! Mahirap talaga ang parking doon. I have sis in law in VA we caught the Amtrak train last time early in the morning then walked here there and everywhere, uwi din kami sa gabi. Laking simbahan ng St Patricks. We visited the MdM Tussaud Wax Museum then circa 2003 Jan.
    ‘gidday from kangarooland..

  • ghee says:

    Ayyy! inggit ako,Noo Yok,Noo yok!! ako din..

    sigurado ko,ate sienns,nag enjoy ang beauty mo :D

    ganda siguro ng Lion King sa live…

    Belated Happy Mother`s day to your mom :)

  • Nueva York, my peborit city!

  • denden says:

    ate sienna! musta na? nag-comment ako last week pero di yata nag-work e. anyways, natutuwa lang ako kasi ang gaganda mo sa pictures lately. blooming ka ever tulad ng mga tulips sa pics.

    gusto ko den pumunta sa new york..para mag-shopping. hehe :)

  • kooks says:

    waw ang sarap naman at nakapunta ka ng Noo Yok! :D at babalik ka pa. pwede magpadala? charing :D

  • watson says:

    Na-enjoy ko ng husto ang kwento ever mo, Ate Sienna! Yung flea market abroad, nakikita ko lang sa Lifestyle Network pag kasama ko misis ko watching TV. Baka ma-over da baggage limit ka na sa shopping!

  • ibalik says:

    langya, swerte mo naman. buti ka pa, naka lion king ka, ako, dalwang araw kong inabangan sa TKTS, di availabol. tsk. musta na?!

  • jane says:

    ang gaganda ng mga picture mo Ate Sien, para na rin akong nag abroad. he he.

  • atesienna says:

    KATHY!!!!

    OO nga.. napaliwaliw ang lola mo. pero hindi pa nga rampang matindi eh. Dahil ang dami ko pang hindi nakikitang lugar sa NY. pero babalik ako, pramis!!

  • atesienna says:

    JACKS!!

    Tenchu ha. Alam mo, masaya ako talaga these days. Iba pala kapag may kasama kang alam mong karamay mo sa hirap at ginhawa :)

    Di bale, pasasaan ba’t makakarating ka rin ng noo yok!!! pramis!!

  • atesienna says:

    TING!!

    Hay naku.. so true. Malaking TV lang yung sa Times Square pero na-awe pa rin ako kasi nga sa TV ko lang yun nakikita dati tapos then nakatayo na ako sa kalsadang yun.

    hehehehe, di ko naamoy yung kakaibang amoy. hayaan mo, sa susunod, i will stop and smell the odor.

  • atesienna says:

    VICKY!!

    Uyyy.. tenchu sa lagi mong pagbisita :) ok lang kahit na ilokano. marunong si bossing ko nyan, mapapa-interpret ko sa kanya ang comments mo :)

  • atesienna says:

    GHEE!!!

    tenchu ha. belated happy mother’s day din sa iyong ina (sa iyo din ba?) ay, super ganda talaga ng lion king! pwede kong ulit-ulitin parang yung pelikula nya :)

  • atesienna says:

    FAFAAAAAAAAAAAAA!!!

    Tara, go tayo ni ateng jet sa Noo Yok!!! Go na kayo here!!!

  • atesienna says:

    DEN!!!

    Pumasok yung last comment mo. I had to approve it kasi kung first time na nag-ko-comment under wordpress. kamusta ka na???

  • atesienna says:

    KOOKS!!!

    hehehe.. pwede padala, wag lang ka-barko ang laki ha. hehehehe

  • atesienna says:

    WATSON!!!

    grabe, ang sarap kasi sa flea markets, prenship. one of the most enjoyable puntahan yung sa kanila. meron kasi akong napupuntahang flea market na puro pinaglumaan ng ibang tao lang ang mabibili mo, which hindi ko na-e-enjoy. pero ito, para na akong nagpunta ng divisoria. kakatuwa talaga :)

  • atesienna says:

    IBALIK!!!!!

    musta ka na?? miss na kita, ah! ok ang lion king, prenship! as in! kaka-aliw ang mga sets at props. pero standing kasi kami eh… kaya siguro wala nito online. oo nga, lagi raw sold out ang tickets ng play na yan. pero sulit talaga! sana mapanood mo na sya!

  • atesienna says:

    JANE!!!

    Salamat sa pagdalaw ha. pinuntahan ko rin ang blog mo. Bibisita ako ulit mamaya. hayaan mo.. marami pa ang pictures na ipapakita :)

Leave a Reply

Archives