Kulit Song For “Batman-Knows-Till-When”

Kulit Song – katangi-tanging, kaisa-isang, walang kumakalabang kantang paulit-ulit mong pinatutugtog (kahit sang-rekwa ang CDs o MP3s mo) sa discman o mp3 player o computer o stereo mo na sinet mo na ng “repeat” ang mode sa kantang yun. Na kung may makakarinig na iba either a) dudugo na ang tenga nila o b) mamememorize na rin nila ang lyrics o c) hahagisan ka na ng sapatos nila para tumigil ka na. Na kung live na kumakanta ang singer o banda siguradong paos na paos na sila dahil parang 48 years na dire-diretso mo na silang pinapakanta.

OO na, nababaliw ako. Simula pa ito nung Huwebes nung isang Linggo. Sa kotse, sa tren, sa bus papuntang opis, maghapon sa opis, sa bus, sa tren, sa kotse, pabalik sa bahay, sa PC ko habang gumagawa ako ng template ng gaydess. At eto, Lunes na, nasa opis na ako ulit, habang nabo-blog gumagawa ng program, yun at yun pa rin ang nasa zen kong tumutugtog. Live version pa ito, kaya naman ultimo sigawan memorize ko na ata.

Hanggang Facebook ko, ito ang video na naka-plasta dun (uy, may Facebook ako… hanapin nyo ako dun ha.. “ate sienna” ang pangalan ko dun sa gmail account ko with the same name, dire-diretso).

Mag-ko-concert sila sa Washington, DC sa October at manonood ako talaga!! Isasama ko si Bossing at ako pa ang taya. Basta, kailangan marinig kong kantahin ni Adam Levine ng live itong kantang ito at super kikiligin matutuwa ako habang kumakanta sya. Pramis talaga!

Hanggang kelan ko pakikinggan ng paulit-ulit-ulit-ulit ito??? Hay naku… si Batman lang ang nakakaalam.

O, sige nga, panoorin nyo ito at tingnan nyo naman bakit labs na labs ko itong kantang ito.

Sunday morning rain is falling
Steal some covers share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in
But things just get so crazy living life gets hard to do
And I would gladly hit the road get up and go if I knew
That someday it would bring me back to you
That someday it would bring me back to you

That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave

Fingers trace your every outline
Paint a picture with my hands
Back and forth we sway like branches in a storm
Change the weather still together when it ends

That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave

But things just get so crazy living life gets hard to do
Sunday morning rain is falling and I’m calling out to you
Singing someday it’ll bring me back to you
Find a way to bring myself home to you

And you may not know
That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday Morning
And I never want to leave

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 24612 beses ng 4311 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

10 thoughts on “Kulit Song For “Batman-Knows-Till-When””

  1. nangyari na rin sa akin yan. marooned ako sa maroon 5. hehe.

    naku, lowla, apir tayo ever!!!! diba, ang gwapo pa ni Adam! pinagnasaan ko na rin yan nung dalaga pa ako. ngayon kasi baka batukan na ako ni bossing. hehehehe

  2. hehehe.. like ur blog sooo much po.. kaaliw basahin… i have a blog but has few entries palang.. it’s only now that i have time blogging.. i;ll keep checking ur blog heheh..

    Hi Melanie!!

    thank you ha… sige, basta sulat ka lang ng sulat. kahit na anitch-anitchewara lang. basta express yourself :)

  3. hay naku inay … ako patay na patay sa vocalist ng maroon 5 feeling ko ako lagi ang kinakantahan ng She Will be Loved :) … madalas din patugtugin ko yung mga kanta nila na mayroon ako sa ZEN ko.

    MELAI!!!!

    sinabi mo pa, anak. sobrang gwaping ni adam, davah? pero talagang may-i-batok na ako ni bossing kapag nabasa nya ito. hehehehe.. kasi talagang crush ko yun. pero siempre, isa lang ang bossing sa buhay ko. hehehehehe (sif-sif, davah??)

  4. Uy! Pink 5! Una kong narinig ang acoustic version ng She Will be Loved sa isang episode ng — tadan! — SmallVille. Since then naging most played mp3 na siya sa aking, ano bang tawag dito sa player ko, basta.

    Sobrang inspired nga ako, nagawa ko pang gawan yun ng tula, Gitara akong Magpapatipa sa Iyo Habang Hindi Gumigising Itong Gabi


    uy, jun, nabasa ko na sya! Madamdamin at sagana sa double entendre. (Pero, on seykond en terd towt, baka naman ako lang yun. hehehehehe)

    meron din ako ng acoustic version nung kantang yun sa zen ko. (sabi sa iyo, fan akong masyado eh)

  5. YAN! Yan ang masarap pakinggan at unang patutugtugin mo pagkagising mo sa umaga habang snugged comfortably ka sa ilalim ng iyong medyo makapal-kapal na kumot habang nilalaro ang mga daliri sa paa ng iyong katabi. Haaaay…


    hayyyyyyyyyy I agri! kahit sa tag-init tapos malamig ang aircon. pero parang hindi lang ata daliri ang masarap laruin sa ilalam ng makapal na kumot eh…

    …isama mo na ang buong kamay kasi. (hehehehehe)

    pero walang ganyanan.. bukas pa ang uwi ni bossing galing trabaho eh. hehehehe…

  6. Hi Ate Sienna,

    Long time no hear. Just writing to ask kung bakit di ma-access ng readers ko ang archives kol. Is there something I should put on the file path or something? Alam mo naman ako, walang alam sa internet tech. When people click my archives, they just get a blank ewan..

    yun lang!

    Hi Jim!!

    I sent you an email about this. Mahaba kasi eh :) Hope you get it!

  7. waaaah! alam mo ba na yung This Love ng maroon5 ang ringtone at alarm ko sa cellphone… hehehe. salayang di ako aabot sa october, di ko maabutan maroon5. :(
    wala akong natanggap dun sa linus_1.geo. Bukas alis na kme papauntang quincy illinois. kung may time ka mamyang mga 9pm nandito na ko ulet sa hotel, 202 974 4031 and direct line namin dito sa hotel…

    Ngek!!!! Di na kita naabutan :( Internet-deprived ako the whole weekend kasi mega-lakwatsa at linis kami ni bossing. kakalurka! Di bale, sa next stop mo, let me know kung saan ka na. Pero weird ha… bakit hindi mo natanggap email ko???? Padala ko ulit sa iyo…

  8. o eto na ate sienna, naglakas loob na tlaga akong mag comment sa blog mo. hahaha. fan na fan din ako ng maroon5 na dumaan din ako sa phase na halos mawarak na ang tenga ko sa she will be loved. haha.

    hi kaith!!!!! mabuti naman at nag-comment ka na. hehehehehe. naku talagang hindi lang tenga ko ang nawarak… pati tenga ni bossing. hehehehe

  9. uy inay……. lanya jumojondi ka ha muwahahahaha!!! sumbong kita kay bossing lol!!!!
    nasan na po yung template ko ….yung bagay sa kin ha lol!
    mwahh mwahh mwahhh … swerte ko yung amo ko may internet lol!


    hehehehehe… aba, sige.. pero kelangan pumila ka kasi maraming nauna sa iyo. (hayaan mo na akong lumandi, minsan lang naman :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *