Leche!

… ilang linggo din akong hindi nakapag-blog, ah!

Nagbirthday na si Krungkrung-girl, nag-birthday na si Greta, nag-birthday na si Coco at si bradir-in-lo, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagkagalit na si Willie at Joey, nag-sorry na si Willie, di pa rin tinanggap ni Joey, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Bumalik na si Malu Fernandez sa Manila Standard, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-premiere na ang Marimar, nasa ABS-CBN na si KC Concepcion, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagrerenovate na kami ni bossing ng kusina, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-anniversary na ulit ang pagbagsak ng Twin Towers, magrerecall na raw sila ng mga sundalong nasa Iraq, nag-rerecall na sila ng mga laruan na galing ng china, hindi pa rin ako nakapag-blog.

May bipolar disorder daw si Britney Spears, kinulong at lumabas na si OJ, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Mag-aannounce na ako ng mga bagong taga-pansitan, hindi ko man lang nabo-blog.

Leche!

Nakakaloka kasi ang digital scrapbooking!

Ps. Sa mga nag-comment sa aking close encounter with the panyet kind (read previous entries), maraming salamat! Truelalang kahindik-hindik, kasuka-suka, kaokray-okray. Pero awa ng Diyos, dahil bumalik na ako sa dating oras ng pag-alis ko sa balay para mag-commutateyshen at sa unahan na ako ng train at bus sumasakay, hindi na ako nakakakita ng pitotoy na hindi kanais-nais.

Di na ako sasagot sa mga comment nyo, mga prenships, bibisitahin ko na lang mga blogs nyo this weekend – dun ko na lang kayo chichikahin! At tutuo ang basa ninyo, maglilinis na naman ako ng blogroll at mag-aannounce na ako ng mga bagong neybors ng pansitan next week!

Babushka!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 23826 beses ng 3943 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

12 thoughts on “Leche!”

  1. tama ang jojie, at least nakaabot ka sa 35th year commemoration ng ML. tapos me day pa ang immaculada conception sa october 8. tapos meron pang The Day Following Chinese Mid-Autumn Festival. (true, ganyan ang nakalagay sa chinese calendar.)

    weebeeeee!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *