Very 80s Orange Juice
As yuswal, habang mega-drive kami ni Bossing kung saan-saan, chikahan galore kami nun. As in. Sobra. Kaya wag na kayong magtaka na always kaming naliligaw. Mistula! Kung may GPS kuning-kuning kami, I’m sure, laging paos yun sa kakasigaw sa amin ng:
“Left on Silver Spring Road.
Left… on… Silver… Spring… Road!
LEFT ON SILVER SPRING ROAD!!!!
SINABI NG LEFT ON SILVER SPRING ROAD! ANOBA!!!! PANAY KASI ANG PLAPLA NYO!!!”.
Naiimagine nyo na?
Kagabi, walang change. Pauwi galing simbahan at papunta kina Nanay para ihatid namin yung kanyang Lee Kum Kee na binili namin sa chinatown ng Philadelphia nung magpunta kami dun nung mga nakaraang araw (ay, pa-sight ko sa inyo ang mga fixtures sa next entry… mga three days from now), nag-flasbak na naman ang mga utak namin.
So umiinom ako ng Sobe Lifewater na Blackberry Grape (dahil nagiinarte ako at ayaw ko ng fleyn hwater) at nakiki-inom sa akin si Bossing (siempre, sweet kami kaya share-share ang drama namin lagi – mapa-tubig, Coke o arroz caldo pa!).
“Lasang Grape Julep ito,” sabi ni Bossing, “Naalala mo ba yung Julep? Iniinom namin yun nung bata kami.”
Alam naming dalawa na hindi ito yung Kentucky Derby na Mint Julep, ha. True-Blue 1980s juice drink ito.
“OO naman, naalala ko yun! Pero kasi ang mas madalas na nakikita ko sa bahay nun, Tang,” sagot ko sa kanya. Feeling sosyal ang lola nyo. Taray, diba? Mahal ang Tang nun. hehehehe.
“May isa pa… ano nga ba yun… Sun… may Sun sa pangalan?”
“Sun… sunkist?? Yung pa-triangle ang tetra-pak?”
“Hindi, iba pa…”
“AY!!! Alam ko na, Sunquick!”
O, naaalala nyo ba yung Sunquick? Sabay pa naming kinanta ni Bossing yung jingle:
“Sunquick, over 40 glasses of Sunquick.
You can taste them real so good.
In every glass, in every way…
TEYKASUNGKWIKTUDEY!”
As in. Ganun kabilis at kabigat sinasabi yung huling linya nun dapat.
“May isa pa nga eh… ano nga ba yun??? May jingle din…” tanong ni Bossing.
“Ay… alam ko din yun!!” excited ko pang sabi. Yung:
“Sunny orange, I love you
Lemon, grape and strawberry…
Sunny orange tasty drink,
Sunny orange, super-quality!”
Tapos nagkatingin kami ni Bossing, “bakit super-quality????”
Feeling namin parang jingle ng YC Bikini Brief:
“YC Bikini Brief, YC Bikini Brief.
For the brand new fashion wardrobe
YC’s got fashion.
YC’s got colors.
YC’s got beauty and comfort
YC is for you.
YC Bikini Brief. YC Bikini Brief.
YV Bikini Brief!”
(hmmm… wala namang ’super-quality’ dun, ah. Bakit nga ba yun ang naaalala namin dun?)
Bigla tuloy akong nag-flashback dun sa iba pang mga jingles na madalas kong marinig nung bagets pa akesh. Tulad na lang ng mga itech:
“Seiko,Seiko wallet…
Ang wallet na maswerte!
Balat nito ay genuine!
Iternational pa ang mga design!
Ang wallet na maswerte!
Seiko, Seiko wallet.
Seiko, Seiko wallet!”
Seiko Wallet. Ang wallet na maswerte!
Eh yung:
“V.O.S. VOS Brandy
VOS Brandy, pang-romansa
Ang lasa at maligaya
Punong-puno ng pag-asa
VOS Brandy, pang romansaaaaaaaa!”
“VOS Brandy, 5 years old. Pangromansa. Espesyalllllll”
At yung:
“Labadami.. labango…
New mr clean.. power plus too!!
Labada’y labalinis.
Dulot mo’y Labadami, labango!”
O diba?? Mereseng talagang i-date ko na ang layf ko sa mundo, sobrang reveleyshen na itech! Pero for your reading aliw-ness, my kiddies, sige na, pina-knows ko na sa inyo ang mga commercials nung bagetchina pa ang lola nyo. Sobrang kesi-simple ng mga beat at lyrics, davah (en may i add, na sobrang jologs)? Pero hanep sa retention powers, kasi almost chu-chu years na ang nakaraan eh memorize pa rin ng tao.
Kayo, ano’ng naaalala nyong mga jingles nung bata pa kayo?
At habang andyan kayo, medyo stufid kwestyon number 4: please lang, PLEASE LANG… may nakakaalala ba sa inyo nung Beatles na crackers na may palaman na may caricature na mukha nung mga beatles sa balat nyang plastik? Kaloka yan, wit kasing nakakremember nun. Feeling ko tuloy, super wrangler na kaya ako???
(Nakita 5372 beses ng 1129 bisitors)

inay grabeh very nostalgic ang entry mo na to…medyo naiiyak iyak pa ko kasi kinakapa ko sa isip ko kung mga kanta ko rin ba yan nung bata pa ako…. buti naman konti lang dyan ang alam ko lol!!! jowk jowk jowk
syempre tanda ko yung iba..yung sagot sa stufid question mo dalin na lang kita sa mga back entries ni nostalgia manila ha :)
hinahalo namin yung julep sa tubig at gin, ninang. sarap yon. para kang nalasing sa asukal.
over 20 glasses lang yata yun noh..hindi 40?
hahaha! grabe ate, nalala ko yung “sunny orange, seiko wallet, at YC bikini brief” na jingle. hahaha. esep esep pa ko.
oo naman. tanda ko lahat yan. Eto tingnan ko kung matatandaan mo…
United American tiki tiki…
waaaah! grabe na ito, strolling down the memory lane…. tandang tanda ko lahat ang mga iyan, pwera lang yung sunquick!
tanda ko rin yang tikitiki rolly… :)
honga pala, di pornography site ko noh, hehehehe.
malamig ba ngayon dyan sa washington, should i bring a jacket kung pupunta ako sa july dyan? :)
mwahahahahaha!! inay sensya na po :)
nostalgiamanila.blogspot.com po yung mga magagandang ala-ala mostly 80’s kaya enjoy pagbabasa :)
di ako makarelate sa julep na may gin kasi nung matuto akong uminon eh “The Bar ” na.. “get the bar” heheheheh
at correction..eto ang tamang lyrics ng YC
YC Bikini Briefs (x3)
For the man who packs a wallop
YC is comfort
YC is fashion
YC is beauty in motion
YC is for you
YC Bikini Briefs (x3)
duh! hehehehehe
kaya ka pala nag-comment ka sa 80’s entry chuva ko eh. naka-nostalgia mode ka! heniway, kung naalala mo ang sunquick, dapat naalala mo din ang sunny orange!
Sunny Orange, I love you…
Lemon, grape, and stro-hoh-berry!
Napakanta, aminin! hahahaha! susme, di ba? at ang Ola, sabong panlaba! kaloka!
akala ko dati, “wash your bikini brief” ang linyang yun. gwahahaha
Bata pa lang ako nung 80s, laging pinapalabas sa umaga at hapon sa Channel 2, 4 at 7 yung VOS Brandy ad and to think na at that time, luma na yung commercial na yun. Tumagal din sya. Meron pa ba kayang VOS Brandy hanggang ngayon?
hahaha! napakanta ako! alam ko lahat ang commercials na ‘to. same gen pala tayo Ate Sienna. Ang tanong, naalala mo ba ang Ideal (idyal kung i pronounce namin yan dati e) at Choco Vim? Mas luma ang mga ito :-)
ayaw niya ako kausapin! nagdradrama drama. may sakit kasi. para akong tinarakan ng punyal sa dibdib. tinaboy na parang hampas-lupa. and all that echos. suffer!
dami ko problema nyahahaha
LOL! Naaalala ko pa ang mga commercial na yan pati ang mga produkto :) Na-imagine ko ang mga tawanan nyo ni Bossing :)
Haaay ang age ko napapaghalata na rin! LOL!
grabe lakas ng entry na toh!!! ateng, julinggit na julinngit kuting pa ko ng natutunan ko kantahin ang sunny orange na yan! ;) grabe, you just made my day ate sienna!!!! saya! lalalalalalala… (with hands and feet clap pa!)
hi!
bloghopping here…
grabe natawa ako! hehehe. nakarelate kse, i remember all the jingles except sunquick..di ko masyado ma-recall. tindi nga lahat pati united american tiki-tiki :)
here’s one, yung ad ng ballpen, kilometrico…kilometrico… haha!
im sure magkaka-batch tayo!! ;)
hahah ang kulit, naalala ko ung labadami :P
Hi!
I just saw your blog for the first time… magkakabatch po tayo. I have one contribution…yung isang buong pamilya sila na kano at nakaupo sa sofe
“Mother, Father, Brother, Sister
Have you brushed your teeth”
:)
hello. napadaan lang din po ako sa blog nyo at kasalukuyang naaaliw sa post na to.
share ko lang:
“I remember yesterday.
The world was so young.
Fun times with grandma.
Sharing moments.
Is that you Lolo?
Look at my mole.
A yeah!”
at ito pa:
“Asahi.. Cools so well
Asahi.. Light as breeze
Asahi.. Makes you feel alright.
Turn, turn on an Asahi fan (2x)
Asahi!”
have a nice day! =)
RJ
would any one know if sunny orange is still available?
please contact me at 09173462008