Manilena.com

Hokey… nakwento ko ba sa inyo na niregaluhan ako ni Bossing ko ng WACOM Bamboo Fun Drawing Tablet? Kung hindi pa, basahin nyo sya ditech.

So eniweyz-hi-waist, since naaaliw ako sa regalo kong yun, gumawa na ako ng bagong template para sa Manilena.com.

thumbnail

Naisip kong bigla, syet, mukhang kailangan i-revive ko na ang pag-gawa ng mga templates. Ang problema nga lang.. kelan pa? eto nga lang nag-e-effort ako ng kung anik-anik sa mga blogs ko, giraffe na giraffe na ako.

Sa true lang, ang dami kong gustong gawin ang problema ko lang oras. Ang buhay ko talaga sa araw-araw umikot na lang lagi sa trabaho ko – kasama na ang almost 1 million years na tagal na byahe. Tapos sa weekend naman parang nahihiya naman ako kay Bossing na hindi ako mag-asikaso sa balay. Kaya, wish ko na lang talaga. Pero paunti-unti ginagawa ko naman ang mga karir ko. Harinawang, magbunga nga kahit na 50% lang ang effort. Malay ko.. huwanopdisdeys… Good luck na lang sa akin. Emen.

Kanina, pauwi kami ni bossing, may bago na naman syang tough hit. Pero as usual, di ko maalala kaya bukas ko na lang ikukwento sa inyo. hehehehe…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 24601 beses ng 3853 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

18 thoughts on “Manilena.com”

  1. would rather have so much time without nothing to do or you would rather have little time and so much to do?

    i really love reading your entries!

    uy.. tenchu for the complement :)

    sa true lang. sabi ni Miss Aguila na born-again teacher ko ng calculus nung college, “an idol (idle) mind is the playgrawnd of the deyvil” daw. so ayaw ko naman ata na may mga naglalaro ng swing at see-saw at slide na mga demonyo sa utak ko. kakalurka yun. kaya mas gusto ko na yung marami akong ginagawa. pero yun nga lang, minsan gusto ko nang kumanta ng “so many men, so little time”.

    ay… hindi pala “men”. hehehehe

  2. i would rather… enjoy my time doing everything. (ha?)

    nakakallurka talaga sa tate. parang walang panahong maging ikaw. buti ikaw, you take time…

    and up until now, te, sintunado pa rin ang aga. namaos pa!

    pero kakaloka talaga kapag marami kang gustong gawin pero di mo magawa sa sarili mong oras. Minsan tuloy gusto ko nang magbakasyon para magtrabaho (hehehehe, may sensa ba?).


    Si aga, napanood ko nun sa calgary. Concert kasama ang Side A. Awa ng Dyos kumanta “Play that funky music”. Di ko malaman kung nag-improve na ang boses kasi puro sigawan ang narinig ko. mas lalo yung katabi kong halos kurutin ako sa sobrang kilig kay aga. hehehehe

  3. Hello Ateng! Tagal kong di nagparamdam dito. Dumadalaw naman pero kyawet lang ako… hehe. Ang cute ng bagong bihis ng Manilena ha. At ang buhok, inspired ba ng bago mong do? Bagay na bagay sayo Ateng… yung buhok, di yung mascot, although puwede na rin, kahawig mo din naman… hehe

    You’ve always been a busybody since I’ve known you, what else is new? Ikaw ata ang taong mas disorganized or mas maraming makakalimutan pag hindi ka nagmulti-task. Kaya ok lang yan. I’m sure, kahit gaano ka ka-busy, makakahanap at makakahanap ka ng oras for everything you want to do.


    Thank you, Ateng. Minsan hindi ko alam kung maganda o hindi na lagi na lang akong may ginagawa. hehehehe.. pero yung disorganized, tama ka dun! I really need an organizer. But even when I had one di ko naman nagagamit. What the heck, diba? hehehehehe

  4. Halu-halu! Gie,turuan mo naman akong mag-post ng pics dun sa site ko….di ako marunong e, forgive the newbie….hehehe! Thanks friendship :-)

    ay, sige.. ano ba question mo? email mo ako para maturuan kita… picture ba ng philippine visit yan?? patingin naman!!!!

  5. Naku Ateng, baka na-misinterpret mo ako dun ha. Ang ibig kong sabihin mas magiging disorganized ka pag hindi marami ang ginagawa mo, as in multi-tasking nga. In ader werds, mas marami kang ginagawa, mas marami kang naaayos na trabaho.

    sus, anovah, ateng! ikaw pa.. eh i know naman what you meant. hehehehe.. mag-explain ba. basta i labs yu, diba?

  6. inang!! nasan na yung pangako mong theme sa kin lol!!! naalala ko mahirap yung mga theme mo gawin sa wp e sa blogspot po kaya?

    nalen, saan mo ba gusto, WP o Blogspot. sagot, anak!

  7. sana makagawa ka na ulit ng marami at nang makahingi ulit ako. tatlong taon na yung sakin eh. hehehe

    hay naku, harinawa, unkel TROY kasi gustong-gusto ko nang gumawa ng iba pa. kaya lang talagang mahirap ang buhay may-asawa. maraming extra-curricular activities, hehehehe.

    hayaan mo, hindi ko nakakalimutan na kailangan mo na ng bagong template :)

  8. wows, you do illustrations rin pala? Ako I had my WACOM tablet na 4 years ago pa kaya lang gaya mo, di ko na-utilize masyado. NGayon lang na naman ako nagsisimulang mag-explore ng vectors.

    For time management, meron akong nakadikit na whiteboard ngayon sa aking tagiliran, at TO-DO list plugin sa aking google desktop. =) tapos i see to it na mameet ko yung mga nilagay ko dun.

    uy… i want that vector ha. kasi ang gamit ko photoshop pa nga rin eh. dapat adobe illustrator na. may jagged lines pa yang illustration na yan na naiinis ako na hindi ko magawang smooth. hay naku, ma-install na nga ang illustrator ko. (kailangan ko lang kaya ng extended external hard disk na 300 gig para ebribadi hapi. hhehehehe)

    hay naku, that time management, di ko pa rin kaya. ano ba…

  9. I followed your links at ngayon ko lang na-realize kung gano ka ka-bongga sa cyberspace. ang low profile mo naman kasi pag nagsa-sign ka sa website ko. gosh. padayon!

    huy.. hindi naman ako ganun ka-bonggacious. slight lang (hehehehehe) kasi feel ko ang haba-haba ng buhok ko always and forever.

  10. Hi gigi, kumusta na? Ganda talaga ng regalo ni bossing sa iyo. Na inspire tuloy and manilena. :) Huwag mong kalimutan yung food blog ha. Nakapili ako dun para sa custom design mo. hehe!! padala ko sayo ang check pag nakaipon na ako from adsense. Kailan pa kaya no? sa ibang gimmick na lang ako mag ipon. ;)


    hehehe.. funny ka naman, my prend. pero di bale, kapag natapos na lahat ng commitments ko, maggagawa na ako ulit ng mga templates. hirap kasi eh.. may dalawa akong projects na kailangan kong gawin. kakaloka!

  11. eeeeeeeeeeeeeee!!!! na excite naman daw ako dun..WP inanggggggggg!!! tamang tama sa ginagawa kong site ng bagong bobang pinay daleeeeeeeeeeeeeeeeee lol!!!!


    hehehe wag ka munang ma-excite anak at maraming nakapila… toxic ang nanay mo… :(

  12. i love the new look. sana marunong din ako nito….

    me proyektong blog nga pala kaming mga bait (new term for bayot). sana matulungan mo kami.

    paano kaya?


    email mo ako, lola… atesienna at gmail dot com.

  13. Hi Ate Sienna, gusto ko lang malaman kung paano maging member ng pansitan mo? Gusto ko rin kasing gumawa ng isa pang blog dito. Thanks!


    naku, close na ngayon, lola. kasi marami na akong mga ampon at yung iba nga di ko pa naseset-up. pero hayaan mo, nek time, mag-aannounce ako ulit :) tenchu sa pag-tanong ha :)

  14. I think you will have a blessed and productive career doing graphic designs in the internet and even in other creative marketing products, Ate Siennnes! Should you decide changing careers, I think you’ll find your true calling as more rewarding.


    tenchu, emers. pero di ko kakayanin. masyadong cut-throat ang competition ng graphic designing ngayon kasi sobrang galing talaga nung mga batang nagga-graphics ngayon. pero ok lang naman kahit hindi ko na maging true career. masaya na akong paganito-ganito lang. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *