Nothing’s Gonna Change My World

Nag-impulse buying ako nung isang araw sa Best Buy. Kaloka!

Eh piano naman, nung isang gabi, pinakita sa TV yung isang commercial ng “Across the Universe”. Eh naaliw ata ako dun sa mga kanta, na-impulse akong bumili nung video at nung soundtrack album. Anobah! Tama ba yun?

Pero in fairview, maganda naman ang video at ok na ok naman ang soundtrack. Eh sus, Beatles kaya yun, ano? Pero magaganda rin naman ang mga versions nila. Ang naaliw pa kami ni bossing, yung isang girlash sa pelikula, pinay! Yung nag-akting ng Prudence dun palikuliks na ang true na namesung eh TV Carpio. Dyunakis sya nung Teresa Carpio na kilalang singer sa Jongking na ang fathersung eh Pinoy na ang fangalan eh Fernando. Hmmmm… Fernando Carpio. Dynanap ko sya sa internet. Eto nga ata sya.

Ang galing, diba? At ang ganda ng boses ni TV Carpio. Kaya naman proud ako kasi sumasalipadpad na naman ang kapa ng pinay. Sobrang haba ng buhok natin, davah?

Eniweys, balik sa pelikula, medyo nakakawindang sya. Feeling mo para syang isang napakahabang psychedelic trip. Yung tipong, tame ang umpisa, tapos kumukulay, o nagiging collage ang mga eksena, tapos makulay ulit, tapos kakalukring ang mga fifol kasi nagso-song en dans, tapos paunti-unti naging tame na naman sya, parang sasabayan ang pagbaba ng amats mo.

Ganun ang tripping ng pelikula. Pero ok pa rin sya. (Akshuli, nakakaaliw yung nagsa-psychedlic ang kulay.) Tapos appear din si Bono, Joe Cocker, Selma Hayek at si Eddie Izzard. Eh nung pinanood namin ito, di ko knows na may mga cameo roles ang mga bakla kaya minsan nagte-take two pa ako ng “Hmmm… Si Selma Hayek ba yun?” At si bossing ang spluk “Si Bono ata ito…”

Magugustuhan nyo ba ang muvlaks? Depende… kung hard core Beatles fan kayo na ang jisip nyo eh wit nang makakakanta ng mga kanta ng mga Beatles kundi ang Fab Four, medyo baka hindi nyo ito feel. Kung medyo olds na kayo at na-aalala nyo at nagustuhan yung Sargeant Pepper’s Lonely Hearts Club Band na pelikula na ang BeeGees at si Peter Frampton ang bida, baka ma-type-an nyo rin itech. So depende sa kumporme talaga.

Pero ako, oks na oks na rin sya. Hehehe, sulit na rin yung impulse buying ko.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 13677 beses ng 2893 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

8 thoughts on “Nothing’s Gonna Change My World”

  1. naku inay, mana yata ako sayo kasi eto kadarating ko lang, sinama ako nung amo ko sa Costco tapos sabi nya dami daw libro dun, tapos nung nakita ko putsa halos half ng original price kuha kagad ako ng 7 kahit na ni hindi ko man lang nabubuklat kahit first page nung mga nauna kong biniling buk….hayyy 1/3 ng sahod ko ngayong linggo naubos ko lol!

    gusto ko yan, gusto ko yan..maganda yung bersyon ni Fiona Apple sa Across the Universe pero kapag naririnig ko yung sa Beatles..beatles pa rin ako inay. Iniisip ko habang pinakikinggan ko yung kanta nila e kumakanta sila sa harapan ko..iniisip ko kung ano kaya iniisip nila ngayon kung buhay pa yung tatlo..diba si Paul na lang buhay? hehehe weird ko no. Mahilig kasi ako manood ng Cold Case, yung biglang nagfaflash back ang panahon, usually diba mga kanta ginagamit kapag nagfaflash back..kung anong usong kanta dati? hehehe gulo ko lol! tea with double milk walang sugar lang ang iniinom ko pramis.

    mwahahaha.. nahilo ako dito, anak. kakaloka ang flow of thoughts mo. di kaya percoset ang tinigak mo? heheheh.. joks! *mwah*

  2. Baklang-bakla ka naman sister. For that bigla na naman akong nag-mental note ngayon para magdownload sa torrent ng mga documentary sa beatles. Isa sa mga favorite kong patugtugin na kanta nila, as in, ire-rewind ko nang paulit-paulit hanggang eternity ay yung “Eleonor Rigby” at yan nga “across the universe”.


    ay oo.. now that i think about it nga, parang halos lahat ng beatles song gusto ko. timeless, diba?

  3. Alam mo Ateng, naisip ko nga din na baka interesting yan movie na yan pero parang si Papa di nagbalak… hehe. Masabi nga sa kanya na nagustuhan mo. :D

    ngekkk.. ateng, baka nga di type ni fafa kasi iba nga ang taste ni fafa. medyo corny ito eh siguro for him.

  4. mumai!

    meron din ako nyan. peyborit tracks ko ang if i fell, tsaka let it be. yung mga badinggerzi na tracks! ahahaha


    wahahaha!!! piano naman yun naging badetch?? eh feeling ko ang “hey jude” badetch din eh. mwehehehehe

  5. napasyal po kasi sabi ni melai nagustuhan nyo rin ang kaweirdohan ng pelikulang ito! at nung tingnan ko ang date, ay! 1 month ang difference natin hehehe. ngayon lang kasi pinalabas dito sa pinas at di ko rin alam nung una na me ganitong movie kahit pa globe at oscar nominee sya.

    beatles forever!


    Hmmmm… unfortunately, hindi kaagad pinalabas sa pinas ang pelikula. Siguro kasi hindi sya kasing sensational ng mga pelikulang nagwo-world premiere. Pero worth the wait naman sya, davah???

    salamat sa pagpasyal sa site ko :) kamusta kay melai

  6. ni rentahan din namin ang Across the Universe few weeks ago, ang ganda! nain love din ako. Hanggang ngayon, kinakanta pa rin namin ng mga bata yung strawberry fields. Yung chorus nga laang dahil hindi ko kabisado ang lyrics. hehe! Si Jade, ni download niya lahat ng music videos sa kanyang mp3 player.

    Malapit na ang birtday niya. I think bilin ko yung DVD, regalo ko sa kanya. Pati yung mga bonus features, kaaliw panoorin di ba?

    at yeah, galing ni TV Carpio!!


    True, mommy!!! Labs na labs ko yung pelikulang yan. Good buy na rin sya por me. Peborit ko rin ang strawberry fields. Worth it na magkaroon ng copy ng DVD kasi talagang pwede mong panoorin ng paulit-ulit eh :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *