Archive for April, 2008

PostHeaderIcon Ang Hatol Ng Hinampalan

DIABETES!

Syet da pwet, davah? Ideklara bang type-2 diabetic ang lola nyo? Mataas kasi ang resulta ng oral glucose test ko. Ang normal eh 62 mg/dl pero ang sa lola nyo eh 126mg/dl. Kiss na kiss sya dun sa levels ng lower border ng Diabetes Mellitus. Hay naku, eh di siempre, lungkot-lungkutan na ang lola nyo. Isipin ko bang magtuturok na ako ever ng daliri ko para i-test ang blood ko everyday of my life? Pero sabi ni Doc Alegado, “mag-hunos-dili ka Cofradia, at over ka sa pagka-exagge.” (Sort of ganun ang sinabi ni Doc pero nakangiti pa rin, hehehe.)

So nakahinga naman ako ng maluwag.

For now.

Kung mabait ako.

At hindi ako pasaway sa pagkain.

Gudlak sa akin.

Sabi ko nga, magta-try akong baguhin ang aking diet at talagang pramis na pramis na talaga, mag-e-exercise na ako. Para pagdating ng blood tests ko ulit in 3 months time, mas maganda na ang resulta ko. Plus gusto ko na ng bagong salamin at sabi ng optha ko kahapon, di pa raw nya akong pwedeng bigyan ng prescription hanggang hindi normalized ang sugar levels ko. So Swingout Sister Waiting Game ako ngayon.

So ayun, simula pa nung Huwebes, pagkagaling sa doktor, wit na rice ang lola. Wit na rin ang white bread at white sugar. Nung una, mistulang kayang afreyd akong kumain ng kahit na ano pero natatakam sa lasa ng kaning puti. Pero kapag pala ginusto ng isip, susunod talaga ang katawan. Sandali lang akong nag-crave ng kanin tapos wit na. Puro na ako repolyo, karne at isda. At bumili din ako ng exercise video ni Leslie Sansone at George Foreman.

Yung kay Pareng George, nakakaaliw sundan kasi ang cute niya dun sa video. May pa-boxing-boxing pa sya. Masyonda na sya pero kita mo pa ring fit na fit sya atsaka, wala lang, cute lang ang mga galaw nya talaga. Yung kay Leslie naman, ay naku, marami nang nag-a-eye witness na talaga raw “it works!!!!”. Feeling ko nga, it works. Tatlong araw na akong gumagamit nung video, plus nga talagang awat sa kain, bumaba na ako ng 2 lbs in just 2 days. Ang galing, diba?

Sabaders, di ako nakapag-exercise, pero nung Linggo, mistula akong nagworkout ng husto dahil ako ang kasama ni Gabe sa gym for kids nya. Paikot-ikot kami dun sa mga dapat nyang gawin sa gym eh tulo na ng tulo ang pawis ko. Kaloka, Sweaty Pangilinan. Kahapon naman di ako nakapag-exercise pero todo-lakad naman ako sa mga appointments ko. Mamaya, balik ako sa videos ko.

Si bossing ko nga kakatuwa kasi diet na rin sya at sumasama sya kapag nag-e-exercise ako. Nagwa-warm up sya kasama ko tapos maya-maya, go na sya sa exercise bike nya. Afreyd din siguro ang lolo nyo kasi may pagka-masyubis din sya. Kaya palagay ko, dinadaya ako nito - magpapapayat muna bago mag-pa-check up para hindi masabing diabetic din sya. mwehehehehe.

Nakakainis lang na sana naagapan ko ang diabetes ko. Mas ok sanang wala akong iniisip na dagdag na gamot ko na namang kailangang inumin sa umaga (na hirap pa rin akong isama sa routine ko sa araw-araw) at gabi kasama ng mga gamot ko sa puso ko. Pero wit na akong mag-sissy spacek kasi nakain ko naman lahat ng gusto kong kainin. Ikanga, time’s up, Gloria. Magbago ka na. May pedometer pa nga akong iniintay galing sa Kaiser Permanente eh dahil sumali ako sa 10,000 Steps a Day nila.

All in all, I’m still ha-live. I’m still kicking. Yun naman ang imfortant, davah? Charuz!

(Nakita 432 beses ng 74 bisitors)

PostHeaderIcon Happy Birthday To Me

Nag-birthday ang Lola nyo nung Efril six. Buong weekend ang selebreyshen namin ni Bossing ko. Pero nung Viyernes at Sabaders may mga pinuntahan akong mga medical afoyntment din. (Isip ko kasi, para di ko na makalimutan, ang mga bisita ko sa mammogram, pap smear, opthalmologist at kung anik-anik pa eh isabay ko sa birthday ko.)

Wit pa ako ever nagpapa-mammogram ever since nag-kwarenta ako. Eh diba, needs ito kapag medyo umaabot ka na ng forty. Siempre scared ako sa breast cancer, pero lola, scared din kasi ako sa mammogram. Isipin mo, pitpitin ba ng husto ang dyoga mo eh masa-kitchen kaya yun? But eniweys-highweys, pa-birthday ko nga yun sa sarili ko. Ready na ako talaga kahit masakit nang madiskubre ko na meron na palang tinatawag na digitized mammography. Maraming churva-churva na mga advantages ang digitized kesa sa film mammography, pero ang pinaka-attractive sa akin eh wit na sya kasing tagal ng film - less than a minute for each breast. Less time to pitpit, less sakit to da dyugs. So go na ako. Viernes yun. Nung hapon, go-sago na kami sa Philadelphia dahil Junior Recital ni M.

Sabaders, oral glucose test naman ang pinagawa ko. Kakaloka yun. Biruin mong painumin ka ng sobrang tamis na “juice” tapos kunan ka ng dugo ng tatlong beses - bago ang test, isang oras pagka-inom ng glucose at isang oras ulit pagkaraan. Eh paano kaya yun eh dalawa lang kaya ang braso ko? Kaya ang kaliwa kong braso, mas bugbog kesa sa kanan.

Nung gabi, balak sana namin ni Bossing na manood ng play sa Toby’s. Pero dahil di namin akalain na ang masyonda ng play na tulad ng Wizard of Oz eh mag-fully booked pa, go na lang kami sa Japanese restaurant para kumain ng hibachi. Di na kami nakapanood ng sinex pagkatapos piano sobrang busog na kami.

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Bossing at nagluto na kami ng palabok at kare-kare at go-sago na kami sa friendship kong si Nimfa sa Hagerstown at dun nagselebreyt kami ng birthday ko kasama ang pamilya ni Nimfa, si Santi, si Brenda kasama si mother -in-lo at dyunakis at ang pamilya ni Eric. Nabundat ako. Ang sarap nung sinaing na galunggong, sobra! (At gagawin ko yun, pramis!)

So kita nyo naman, talagang one whole weekend kami nag-selebreyt ni bossing ko. Tenchu, my lab, lab na lab kita :)

Eto nga pala. Isang kanta ni M nung Junior Recital nya sa eskwela nya sa Philadelphia.



(Nakita 441 beses ng 98 bisitors)

PostHeaderIcon OO, Inaamin Ko - Member Ako Ng Cucci Gang!

(Kakaloka! Buong weekend, ang template ko ang inaayos ko. At di pa ako tapos ilagay ang lahat ng plugins. Pero mas gusto ko na ito. Harinawang mas magustuhan nyo rin ito.)

OO… ako ang reyna ng Cucci Gang. “Cucci” as in “Cuchina”. Ako ang reyna, preysident, vice-preysident, seykretari, treysyurer, fi-r-o, sargent at arms. Ako rin ang muse at ang escort na rin! Pero, wala akong 70 kiyaw na utang kahit na kaninong afam. Wit rin akong buysung ng shabu (eh pang-rugby nga wala, shabu pa!). Ang tambayan ko, yung pansitan ko na pinalitan ko na ang pangalan ngayon - “Em-bihon-sy”. Vonggah, diba? Pero bukod sa pansitan ko, type na type ko ring kumain sa Andok’s. (Hindi katulad ng iba dyan… uhummmm!)

Wish ko lang gawan din ako ng libro ni Kitty Go. Ava, may K naman akesh - very elitista din naman ako. Di nga lang ako shumashambay sa Bora kasi anditech ako sa yu-es-ey. Pero in fairview, napuntahan ko na rin naman yun. Requirement ang LV na bag, pero pwede na rin ang dyapeyk. Ang Hermes, pwede rin ang hermes-hermes-san. Pero mas maganda kung wala na lang. Sus, kesa mag-buysung ako ng Hermes, buys na lang ako ng bagong car-u - Chedeng… dalawa pa kung type mo. (Yes, Viring, ganun kamahal ang mga lintek na mga Hermes na vag-ey na yan!)

Pero true nga, pramis, peks man, elitista ako! As in, marunong naman akong gumamit ng fork en spoon. Alam ko naman ang kaibahan ng red wine sa white wine at knows naman akong gumamit ng tissue at toilet paper. Inglisera din ako, “as in, like an assumptionista, really!”

Hay naku, pagtakhan pa ba’ng Cucci Gang ako? Eh ang apelyido ko eh Zaragoza nga, from the every famous Familia Zaragoza. Pinsan ko si Jackie Madrigal at si Celine Magsaysay. Fla! May mas sosobra pa bang name-dropping pa dun? Ako si Sienna Zaragoza y Madrigal y Magsaysay. Ang kilay ko nasa high heavens na nga kapag sinasabi ko ang pangalan ko, anovah!

Kaya, OO, sapulin nyo man ako ng mga panlalait nyo, wala kayong magagawa. Wala rin akong magagawa. - Ako ang Cucci Gang! I was born on a silver spoon!

(I hope I get my message across the bridge.)

(Nakita 473 beses ng 125 bisitors)

PostHeaderIcon Ang Pambomba, Kaning Lamig at si Bossing

Hay halayhay… Tama na muna ang ilusyon na si Bea Alonzo ako at may drama sa Maging Sino Ka Man. Baka sabihin nila kung ano na namang opyo ang nasinghot ko. Kaka-lukersh yun eh.

Eto na lang. Kagabi sa bus, habang nayayamot ako dun sa dalawang lasing na pasahero, inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pag-isip-isip. Ng biglang pumasok sa isip ko, may gumagamit pa kaya ng mga pambomba ng lamok? And siempre corollary tu dat towt, may gumagamit pa kaya ng katol?

Wala lang. Pumasok lang sa isip ko.

Ay, si Fafa Jay, kilalang-kilala nyo sya davah? Lumabas na ang next libro nya - Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig. I’m sure nagustuhan ninyo ang una nyang libro. Kaya magugustuhan nyo rin ito. Komiks ang format nya. Kaka-aliw. Kung gusto nyo pa ng ibang screen captures ng komiks, tingnan nyo ito.

Binalita din sa amin ni Fafa na go-sago sya sa Pinas para nga sa launching ng MKNBKL sa April 14 2008, Monday nang 3pm sa FULLY BOOKED sa THE FORT. Lunes yun, pero sana mapuntahan nyo sya at masuportahan. Para sa mga ate at lola ko, gusto ko lang sabihin sa inyo na gumwapo lalo si Fafa Jay ngayon! Slim na slim kaya naman mas lalong lumabas ang kapogian. Hehehehe, magwatir-watir kayo dun! At para sa mga boylets, naman siempre repapips si Fafa kaya peace man kayo dun. Eniweys-hiweys, huwateyver the case, go kayo sa launching ha.. buy ng book, at papirmahan sa kanya. At kapag nakita nyo na sya, sabihin nyo, representative ko kayo, at manghingi kayo ng kiss para sa akin. Mwehehehehehe…

At ang last but not the least, siempre pa, ang aking Bossing. Lumabas na po ang kanyang website - Kuya Fuji, The Journal of the Piano Man. Ay, wag raw madala, hindi kasing seryus ng title ng blog ang mga entries. Ikanga ni Melanie Marquez, “Don’t judge my brother, he is not a book!” hehehehe… harinawang matuwa din kayo sa kanya. I-link nyo sya ha… at pakisabi sa kanyang nilink nyo sya para masama nya kayo sa links nya. Naghahanap pa ng mga prenships sa pagbo-blog si Bossing kaya naman medyo naji-jiya pa sya. Pero bisitahin nyo ha. Para matuwa din kayo :)

Hmmm…. di ko pa rin masyadong feel ang bago kong template. hmmmmm…..

(Nakita 513 beses ng 85 bisitors)

PostHeaderIcon Malapit Na…

Konti na lang, matatapos ko na ang renovation nitong pansitan ko. Alas onse na kaya bukas na lang ulit. :) Pagkatapos, marami akong kwento. Pramis…

(Nakita 327 beses ng 83 bisitors)