Para Kay Itang on Father’s Day

(Bago ang luma, Happy Father’s Day sa LAHAT ng Tatay… special mention na sa bossing ko… Ang inyong mababasa ay open leyter ko kay Itang ko.)

Father's Day Layout

Itang, happy father’s day!

Binalak ko talagang gawin itong layout na ito para sa iyo nung makita ko yung picture nating dalawa na 2 years old lang ako. Ang payat mo pa nun at ang cute ko pa rin! In fairness… (hehehehe)

Labs na labs kita. Sus, bata pa lang ako, idol na kita. Mas magaling ka sa akin sa Math. Kaya nga nung una, type ko sanang mag-engineering, eh, para matuloy yung naudlot mong kurso nun bago ka nagtuloy ng komers. Kaso ang asawa mo, na nanay ko, ang sabi mag-BS Math na lang daw ako para matulad ako kay Manong Gani at maging actuary. Sus, malay ko bang ang giraffe pala nung pinasok ko na yun! Kaya diba, naalala mo, nung minsang hinatid mo ako sa Crossing sa Mandaluyong para kumuha ng bus papuntang USTe, crayola ako sa iyo kasi sabi ko, ang hirap mag-major ng Actuarial at nagpaalam ako sa iyo na kung pwedeng mag-BS Applied Math na lang ako? Sabi mo nun, ok lang, kung hindi ko kaya, di ko dapat pilitin. Pero ang bilin mo, “basta magtapos ka”.

Ganun ka talaga. Very understanding. Very giving. Hindi ka nagmamaraot ever. Pero ayaw mo rin ng pasaway.

Eh di siempre, nakahabol naman ako sa gradweyshen at naka-martsa pa nga ako. Natatawa nga kami ni Inang kasi isputing ka pa nung graduation ko sa PICC – naka-‘merkana kang brown. At tuwang-tuwa ka nung inabot ko sa iyo yung diploma ko (pero sa true lang papel lang yun na binalot kasi maloka raw ang registrar kung gagawin nilang lahat ng true na diploma para sa araw na yun).

Yung kantang nakasulat dun sa layout na ginawa ko para sa iyo, kapag naririnig ko yun, ikaw ang naaalala ko. Nung napapanood ko yung commercial na yun ng kodak dati, ang naiimagine ko, ako yung batang babae sa commercial at ikaw yung tatay. Pramis talaga, touched na touched na ako dun kasi nga naaassociate ko sa ating dalawa. (Kahit na nga bagets pa ako nun!) Kaya sobrang memorabel sa akin yang kantang yan. At siempre, knows ko kasi na peborit mo rin si Paul Anka. O diba, ngayon, akmang akma sa atin yung kantang yun – kasi pareho na tayong naglu-look bak sa mga memories nating dalawa.

Pero di lang ako ang may idol sa iyo. Kay Greta, kay Ringo at mas lalo na kay Patring, sobrang lakas mo sa amin! Eh kasi alam namin, sure na sure, malakas kami sa iyo. Kahit si Inang, aminado dun. Kapag kami ang nagpapahatid o nagpapasundo sa iyo, kahit na saan pang sulok ng Pilipinas, hindi ka humihindi. Na kinalulukring ni Inang kasi sya, minsan, hinihindian mong idrive sa palengke ng Farmer’s. hehehehe

At ngayon, idol ka na rin ng mga apo mo. Kasi ikaw ang lolo na nag-so-spoil sa kanila. Lahat ng hingin nila, binibigay mo. Ikaw ang kanilang Super Lolo! (Hmmm.. mistulang paputok yun sa bagong taon, pero keri pa rin kasi malakas talaga ang dating mo sa kanila.)

Kaya, Itang, i labs yu talaga. Miss na kita. Ikaw ang unang lalaking minahal ko, at hinding-hindi magbabago yun. Hanggang sa huling paghinga ko, mamahalin kita.

Foreyver…

PS.

Ay, ito pala ang medyo bago-bagong version nung kantang yun ni Paul Anka. I labs yu, ulit.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 25774 beses ng 4459 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

5 thoughts on “Para Kay Itang on Father’s Day”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *