Psssttt… Oo, Ikaw Nga!

O sya, hindi ako madalas na sumasagot ng mga tags (kasi nga, madalas, huli na bago ko malaman na na-tag aketch). Pero since labs ko yang bruhildang ging na yan, sasagot ako.

Ano-ano raw ang history ng mga pangalan (pang-aalipusta) na naitawag na sa akin?

Siempre sa blogging world, marami na akong binyag na pangalan – Ate Sienna, Ate Siennes, at Ninang (tawag sa akin ni BatJay) at Ateng (tawag sa akin nila Jet, Kiwi, Pinayhekmi, at marami pang close prens sa blogosphere.)

Tinatawag din akong Mudra, Modir, Inay, Mother ng mga pretty gays na mga prenships sa internet (eh kasi nga, internet fag hag ako, pramis!)

Sa mga kaibigan ko ako si Ate Gi, TG, Lola, Gigi, Gigs.

Nung nasa elementary ako, ang tawag ng mga kaklase ko sa akin eh “Ana” at ang mga teachers, “Margarita”. Nung nag-1st-year/2nd-year high school, tinatawag pa ako ng apelyido ko (ang sakit sa tenga). With matching variations pa na “Manalotlot”, “Manalotsky”, “Manalutlut”. Pero 3rd-year/4th-year hanggang college, palayaw ko na. Never na akong nagpatawag ng apelyido ko dahil feeling ko kulang na lang sa akin mag-fatigue at ipadala sa Iraq.

Nung mabarkada ako sa Brookside Hills (na kinasumpa-sumpa ni inang at kulang na lang ilagay ako sa sako at ibitin ng patiwarik para hindi maglamyerda), tinawag na rin akong “Kenwood” dahil ang lakas daw ng boses ko, parang laging naka-amplifier. (At least, hindi “Darigold” – boses lata, mwahahaha!)

Nung nagtrabaho ako at nakilala ko yung mga barkading kong pa-tweetums (na pa-tweetums pa rin sila ngayon, hehehehe… I labs yu gels!), naging pa-cute na ang surname variations ko nung high school. Andyan na ang Lotlot, Lotsky at Gi-Gi (na variation ng palayaw ko talaga). Pero kapag nag-aasaran kami, ang tawag nila sa akin eh “Bantay”. Kasi ang siba ko sa pagkain. Ang kapartner ko dun, yung barkading ko ring si Maribel, a.k.a. “Spot”, at ang isa pa naming gaysha na prend na si Butch, a.k.a. “Brownie”. Pero wag isnabin, si “Spot” eh VP ng human resources ng Wachovia at si Brownie eh pakalat-kalat sa KSA. hehehehe

Nung malipat naman ako sa FarEast Bank, lumala ang mga pangalan ko – Pukersha, Puka at Pukita (dahil sa akin ata nanggaling yung expression na “pukalala”.) Eh bawal magmura diba? Eh siempre pag inis ka na sa mga gumagamit ng sistema mo at puro requests, pero hindi ka pwedeng magmura, eh ang sinasabi ko na lang eh “Pukalalang mga users itohhhh!!!” Ergo, the name was born.

Tinatawag din akong “Mother Goose” ni Baby Goose at dun din nagsimula ang pangalan kong “Gigay” na binyag naman nila Mars sa akin. (Malamig na sa Canada, Mars? Hehehe)

Pero ang pinaka-uber okray na pinangalan sa akin ng mga barkada ko sa FEB ay nangyari nung minsang kumain kami kina Owel. Panahong sikat na sikat ang “Lion King”. Sinigang na sugpo ang ulam namin. Sarap diba? Eh minsan ang sugpo pag sobrang taba, may itlog na nasa may tyan nila. Syetdapwet, sapak ang lasa nun! Sumobra ang kain ko at ayun, maya-maya, iba na ang pakiramdam ko. Namumula na ako at feeling ko init na init ako. May allergy pala ako sa itlog ng sugpo! Syet, taranta sina Naning sa akin, pinakain ako ng asukal, pinainom ng antihistamine. Nung huli, hinatid na nila ako sa bahay namin at nagdasal na lang sila kay St. Jude.

SimbaKinabukasan ng umaga hindi ako nakapasok – namaga kasi ang mukha ko at nawala ang bridge ng ilong ko. Eh di pagbaba ko ng hagdan para kumain ng agahan, kumakain na si Ringo namin. Nung makita nya ako, nag-OA na parang gulat na gulat at ang sabi, “NYARNGGG!!!! Bakit ganyan ang mukha mo?? Para kang si Simba!!!! MWAHAHAHA!!!!!”

At, you’re right, nung kinuwento ko yun kina Naning, dun ako nabinyagan ng “Simba” ng mga pukitang yun. Leche!

Baby gSina Tita Chuchi at Ed, ang tawag sa akin “Baby G” dahil ang tawag nila kay inang eh “Mommy G”. Feeling ko, para akong relos. Hehehehehe

Which leads me sa tawag sa akin ng mga kapatid ko. Bukod sa Ate Gi kapag yamot ako o naglalambing sila, ang talagang pangalan sa akin nila Bukol (si Greta), Tasweng (si Ringo) at Misty (Patring) eh Matet.

Sidestory: Si Greta, bakit Bukol? Kasi kamukha nya yung anak ni Chiquito na si Bukol. At si Ringo, bakit Tasweng? Kasi ang buhok nya nun, kumukulot kahit na anong gawin mo, parang Tasweng. At bakit naging Misty si Patring? Kasi nung bata-bata yan, lagi yang walang kibo, NR – No Reaction! Tapos madalas nahuhuli yan ni Tasweng na nakatingin sa malayo o sa kisame. Ayun, pinangalanan ni Tasweng ng “Misty”, short for “Miss Tingala”.

MatetAt bakit ako Matet? Si Ringo pa rin ang nagbinyag sa akin nun. Ang hilig ko kasing gumaya nun kay Jennifer Sevilla. Nung nagpagupit sya ng buhok at pinakulot nya, sinabi nya sa akin na kay Tony Galvez nya pinagawa. So ako naman, dun din ako nagpunta. Ay, lola, winnie santos ang lola nyo! Pero siempre hahaba ang buhok ko at mawawala ang kulot. Eh matagal pa ang bonus, so dun ako sa isang malapit lang sa amin nagpakulot. Ay naku, chapter! Hindi nya nakuha yung gusto ko! Kaya yun, habang luhaang pumapasok sa pinto namin, nakita ako ni Ringo at ang sabi sa akin “NYARNGGG!!! Ano nangyari sa buhok mo? Bakit sumobra ang kulot???? Kamukha mo si Matet!!!!! MWAHAHAHAHAHA!!!!”

At dahil dun, leydis en gentolment, Matet ang tawag nila sa akin, ever after. Walang kamatayan.

Bukod dun, may mga endearing din na tawag sa akin. Tinatawag ako ng “Nene” ni Inang. Pero kapag galit, “Margarita” na ang tawag sa akin. Si Itang, “My baby”. Tuwang-tuwa ako dun, feeling ko, beyri ispeyshal. Until nabuking ko sa mga kapatid kong babae na yun din pala ang tawag sa kanila ni Itang. Si Itang talaga, pa-Miss Friendship, hehehehe.

Ang mga pamangkin kong sina Popoy, Mokong, Seffy, Chynna, at Coco, “Ninang” naman ang tawag sa akin. Hindi sila lahat inaanak ko. Impak, si Popoy at Chynna lang ang inaanak ko sa kanila, pero nakagawian na nila. Kaya pag Pasko, feeling ko lima agad ang inaanak ko sa kanila pa lang.

Ang mga in-laws ko, tinatawag nila akong “Misis” minsan.

Si Bossing, ang tawag sa akin sa blog nya eh “Inday” pero sa tutuong buhay, “Mylabs” din ang tawag sa akin nyan.

Kaya ayan, yan ang mga pangalan ko. Kung nasa mood naman ako, minsan, sumasagot din ako sa mga tawag na “Psssttt”, “Hoy” at “Oy, babae”. Pero wag kayong mamihasa. Nambubuntal din kasi ako. Hehehehehe

Jokes.

O sya… sabi ni Ging na Maganda, mag-tag daw ako ng iba. Pero bahala na kayo. Kung ma-feel nyong feel nyo rin ang ganito, sabihan nyo lang ako at isasali ko sa links ko dito sa entry na ito :)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 32218 beses ng 4275 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

16 thoughts on “Psssttt… Oo, Ikaw Nga!”

  1. Nakakatuwa naman ang kwento ng iyong sandamakmak na palayaw! Ate Sienna pa rin tawag ko sa yo kasi yun na ang nakagisnan ko, at naaalala ko ang masasayang araw ng pagkabata ko noong nagmamadali kaming umuwi ng bahay para manood ng Batibot.

  2. kailangan talaga isama kami….para lang makaganti dahil Matet ka..kala mo cute ka…

    di bale na.. Lovely naman ang tawag na sa akin ngayon noh!

  3. miss ate sienna
    maraming salamat po
    sa pagpunta sa site ko
    :)

    natuwa naman ako ng todo dun
    kasi lurker ako dito
    hahaha

    salamat salamat po
    :)

  4. leche! hahaha! mababaliw ako sa entry mo ate SIENNETTES hahaha!

    i remember you when i stumbled sa site mo nung 17th century, kala ko talaga ever, badingerzie u hahaha, i mean i know na-iscam mo ako for a few readings until binasa ko yong mga kabadingan mo! leche! hahaha

    but i love your writings dahil minsan kinukulang ako nang fag words as a matter of fack, sayo ko nakuha yong JEYMERIKAH remember that? hahaha

  5. ATENG!

    ay, oo nga, hihihihi.. makabagbag-damdaming, makaputol-hiningang “ninaaaaaaaaaaaaaaaaang” nga pala yun! na lagi ko namang sinasagot ng “FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!”

    hehehehe, kakatawa talaga yun!

  6. Niks!

    eh minsan kasi baka namomoderate. kapag kasi bagong url o bagong pangalan ang gamit tapos wala pa sa DB tinatago nya muna bago ko i-approve. pero matagal na yang name mo sa akin eh. di ko knows… pero pumasok naman sya eventually…

  7. Reyns!

    Leche, natawa ako dun sa 17th century! parang feeling ko mas matagal pa dyan na nagbibisitahan tayo eh. hindi ba parang 15th century pa nga? nung kasalukuyang tumatawid pa lang si Magellan ng Pacific ocean deep?

    mwahahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *