Roll Out The Tequila!!!


Darating na si Patring namin! Itong Nobyemvers 19, darating na si Patring kasama ang 2 sa lima kong kulit-pamangkeneseses sa Calgary sa Canada. Ang asawa ni Patring, si Papi, matagal-tagal na ring nauna. Mga isa’t-kalahating taon na. Nung unang dumating si Papi, sa McDonald’s sya unang nakakuha ng working visa. Mataas na kung tutuusin ang posisyon ni Papi sa atin – manager ng Outback sa Makati. Pero tulad ng marami, nakipagsapalaran sya. Nilunok ang pride, nag-crew ng McDonald’s para lang makarating sa Canada.

Pero magaling kasi si Papi. Mga ilang buwan lang, naghanap ulit ng ibang mapapasukan. Marami na ngang ibang resto ang gustong kumuha sa kanya. May naswertehan syang isang resto, na dahil na rin siguro na-impress sa kanya (at ginawa na syang branch manager agad), gagawin na syang provincial nominee (para maging landed immigrant status) at kasama pa ang pamilya nya. Kaya ayun, wala pang kalahating taon magmula nung makuha sya sa bagong resto, parating na ngayon ang pamilya nya. Darating na ang bunso kong sisterette!

Dalawa na kaming andito, 2 down… 2 more to go. Kapag andito na rin sina Greta at Ringo, masayang-masaya na ako talaga… Konti na lang… konting dasal pa.

Entonces, sa Kaneyda ako magseselebreyt ng birthday ni bebi Jesus. Simula pa lang ng Disyemvers 19 nasa Calgary na ako hanggang Jenuweri 5. Bongga! Excited na ako. Nag-text din ako kay Mark na pinsan ko sa San Diego, CA at uuwi din sya – sa parehong araw na uuwi ako. Kaya Happy-Happy-Ebribadi-Happy. Malungkot nga lang kasi hindi ko kasama si Bossing. Hawa kasi ang schedule nya kaya for the perstaym, hindi kami magkasama ng Pasko’t Bagong Taon. Pero keri lang… ngayon lang naman. Miss ko na rin kasi sina Inang at Itang eh – isang taon at kalahati ko na silang hindi nakikita. At halos tatlong taon ko nang hindi nakikita sina Patring. Naiintindihan naman ako ni Bossing. Alam nyang miss na miss ko na ang pamilya ko.

Kaya tipid movement ako ngayon. Kailangan mag-ipon. Sa Calgary na ako mamimili ng mga regalo.

At sa mga ka-tsikang-prenship gang ko sa Calgary, humanda kayo! Kasama nyo ang reyna ng Cucci Gang itong holidays!!!! WOOHOOO!!!!! Ilabas na ang TEQUILA!!!

MWAHAHAHAHAHA!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 24174 beses ng 3531 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

22 thoughts on “Roll Out The Tequila!!!”

  1. leche! ewan ko ba! basta me nagsulat nang “tequila” ora oradang lalabas sa dashboard ko un bang tipong detour muna ako sa blogging hehehe tawagin mo ang i’ll be there kung kelangan ninyo nang speaker at demonstrator sa tamang seremonyas nang paglaklak nang tekelalala hehehe

  2. hoist!!!! parang gusto kitang puntahan. hehehehe.. hahandaan mo ba ako ng tequila, if ever? kamusta na? pinalunok mo na ba ng bala yung mga ‘nyetang masasamang ugaling mga taga-chic-chagoooo?

  3. wala akong panahon, pinagnonobena ko na lang at pinag sisindihan nang kandila! wag kang pumunta dito, makikita mo ako sa kanto ng broad street tumitihatihaya para lang kumita, ako na lang punta dyan hehehe

  4. uyy sama ako sa calgary … handa ko na cowboy boots ko at hat, sama na si horsie hehehehe
    kaso winter na pala nun, hirap mangabayo.

  5. Gie,

    Sayang naman, same date din ako aalis papunta sa Chicago, I missed you and I want to meet your sister as well. I met her hubby when your mom visited me after my surgery.

    Ces

  6. hi naku nakakaexcite naman ang iyong pagdating mahal na reyna. sige sasabihan ko ang mga dating miyembro ng tequila girls at paghahandain natin sa iyong pagdating. kaya lang ate sienna may bago na kaming pangalan, PORKILICIOUS na kasi lahat kami alam mo na……………….we cant wait to see you at tamang tama nandito ka sa birthday ng aking uniko iho.

  7. hello mother goose! medyo matagal din akong di nakasilip.
    uy, hafi ever ako for you na dumarami na kayo dyan sa US of A at caneyda… sana kami rin soon. hehe!

    uy, i hab a trulili blogsite na. silip-silip mo ever ha! ;)

  8. Popcorn, balita ko sa Calgary snow ang ginagamit sa paglaba imbes na tubig. Kaya madalas mag frozen ang kamay nang labanderas. :).

    Have fun lola Sienna sa Calgary. Have a good Christmas in the land of snow and hockey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *