So Anong Bago?

May mga lumalabas ngayon sa blogosphere about this Tracy Isabel Borres gurl and her immersion-chu-chu experience na sinulat nya sa Facebook nya. (Basahin nyo na lang at ayaw ko nang magsummarize pa ulit, ultimo nga si Kitty Go, may entry sa blog nya about this gurl.)

Ang masasabi ko lang, “eh ano ang bago?” Ang reaction nya, typical na reaction ng mga bagetchinang spoiled brat na pinabayaan ng mga magulang na isiping mga prinsesa sila at sila ang God’s gift to human kind. Na “a cut above the rest” sila. Na walang karapatan ang mga kapos-palad na hawakan man lang sila, let alone be caught talking to them. (At hindi ko gawa-gawa yan, yan ang nakasulat dun sa blog nya.)

At ang reaction ko? “MWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!”

Eh isipin nyo: kung nainis sya sa living conditions nya nung kasama nya ang mga Aetas, naisip nyo ba na mas yamot sigurado ang mga Aetas sa kanya? Nakakainsulto sa mga Aetas kung nagpakita sya ng pagkayamot, pagkadiri o pagkasuplada. At kung hindi man nayamot ang Aetang pamilyang nakasama nya nung buong weekend na yun at tinumbasan ng kabaitan at pakikisama ang pagiging malasado nya, sino ang lumabas na walang edukasyon?

So sino ang talo? Suresh, hindi si Amang o si Ate. Sino ang katawa-tawa? Hindi yung mga batang sinasabi nyang “kakadiri”.

Hindi na bago ito.

Minsan hindi ko rin masisisi yang mga yan. Minsan, kasalanan din ng mga magulang bakit sila ganyan. May mga magulang na hindi maganda ang turo sa mga bata pagdating sa pakikipagsalamuha sa tao – na kung hindi nila “kauri” hindi dapat bigyan ng pansin. Na kung hind ka-level, hindi dapat pinagkakakausap. I’m sure, itong batang ito, hindi nya nakuha yang mentalidad na yan on her own. Nakita nya yang pagmamataas na yan sa isa o sa dalawa nyang magulang. Hindi nya maiisip maging matapobre ng sya lang. Pero kung hindi man ganun ang magulang, hindi rin gumawa ng tamang aksyon ang mga magulang para tanggalin itong masamang ugali na ito ng anak nila. Kahit saan mo tingnan, may mali dyan somewhere.

Tsk… hindi na bago. If you think about it, in the end, sino ang tutuong talo? Kung wala siyang natutunan sa immersion na ginawa niya, hindi naman pagkatao natin ang nakulangan kundi kanya.

Harinawa na lang na sana, huwag dumating ang pagkakataon na susubukan siya ng tadhana. Nakakalungkot na baka hindi siya pumasa. Na lahat ng ginastos ng mga magulang niya para masabing nagka-edukasyon siya eh baka mauwi sa wala. (Hindi rin naman birong pera ang pag-aralin ka sa Ateneo. Ang total ng lahat ng ginastos sa pag-aaral nya, kaya nang buhayin ang buong komunidad ng mga Aeta ng mahabang panahon.)

Wala lang.. nag-rant lang ako.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 19269 beses ng 3573 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

15 thoughts on “So Anong Bago?”

  1. mga ganitong klaseng mga tao ang tatawanan ko lang lalo na kapag nakaharap ko.
    sasabay ako sa tawa ni ate sienz:

    MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!

    for tracy isabel borres, hindi sana dumating sayo ang pagkakataon na bumagsak ka at magising na lang na isa ka palang ita sa susunod mong buhay.

    baka pag sinama ko to kay angelina jolie, sampal-sampalin lang to ni tomb raider!

  2. kaka-inez! I pity the girl kasi napakaliit ng mundo niya… at totoo ka ate sienna, mukhang nagmana siya sa mga magulang nya. Sabi nga, kung anong puno, siya ang bunga!

  3. Ate,
    deadma kasi 1. i don’t care about her 2. i don’t care about her
    pero tama naman ung mga sinabi mo dito, siyempre tama lng talaga…teka, bat nga pala sya andun?

  4. Dawn, minsan kasi isip ko, wawa naman diba?

    pero minsan nga, peyrents ang may problema. Sa kagustuhan na hindi daanin ng mga dyunakis nila ang anumang giraffe na dinaaanan nila, nakakalimutan nila na tinatanggalan nila ng character ang mga anak nila…

    some peyrents lang naman… hindi naman ol…

  5. so true, Jester… hindi talaga. in fact, kahit ngayon marami akong nakikitang ganyang mga bata.

    minsan tuloy naiisip ko, mabuti pa nung panahon ng mga mas masyo-syonda. kasi mas simple lang ang buhay nun, mas challenging. ngyaon kasi lahat ng bagay makukuha mo na agad…

    ewan…

  6. nawindang din ako sa mga statements nya, ever! i admit, i am mean as well and mejo takot sa mga taong madudungis and “outdoor living” pero naman! marunong ako makisama. and if cguro, ako ang nag immersion at hindi ko nagustuhan ang experience, i won’t write something as rude and nasty as that. naku, this is also a wake up call to parents like me na dapat, GMRC tlaga ang mga bata. hindi porke’t nakakangat, may karapatan ng manlait ng kapwa.

  7. so ano natutunan niya sa immersion?!!? na kaya niya magpigil ng wiwi at poopoo, at kaya niya hindi kumain ng ilang araw? Ahhh pati pala pagtulog ginawa niya para “bumilis ang oras”. sigh. sinayang niya lang oras ng mga aeta, LOL!

    agree ako sa yo, ate sienna, na kapag ang isang indibidwal ay lumaking kagaya ni bb. borres, magulang ang nagkulang.

    umimit ulo ko sa kanya, pwamis! hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *