PostHeaderIcon Ang Hatol Ng Hinampalan

DIABETES!

Syet da pwet, davah? Ideklara bang type-2 diabetic ang lola nyo? Mataas kasi ang resulta ng oral glucose test ko. Ang normal eh 62 mg/dl pero ang sa lola nyo eh 126mg/dl. Kiss na kiss sya dun sa levels ng lower border ng Diabetes Mellitus. Hay naku, eh di siempre, lungkot-lungkutan na ang lola nyo. Isipin ko bang magtuturok na ako ever ng daliri ko para i-test ang blood ko everyday of my life? Pero sabi ni Doc Alegado, “mag-hunos-dili ka Cofradia, at over ka sa pagka-exagge.” (Sort of ganun ang sinabi ni Doc pero nakangiti pa rin, hehehe.)

So nakahinga naman ako ng maluwag.

For now.

Kung mabait ako.

At hindi ako pasaway sa pagkain.

Gudlak sa akin.

Sabi ko nga, magta-try akong baguhin ang aking diet at talagang pramis na pramis na talaga, mag-e-exercise na ako. Para pagdating ng blood tests ko ulit in 3 months time, mas maganda na ang resulta ko. Plus gusto ko na ng bagong salamin at sabi ng optha ko kahapon, di pa raw nya akong pwedeng bigyan ng prescription hanggang hindi normalized ang sugar levels ko. So Swingout Sister Waiting Game ako ngayon.

So ayun, simula pa nung Huwebes, pagkagaling sa doktor, wit na rice ang lola. Wit na rin ang white bread at white sugar. Nung una, mistulang kayang afreyd akong kumain ng kahit na ano pero natatakam sa lasa ng kaning puti. Pero kapag pala ginusto ng isip, susunod talaga ang katawan. Sandali lang akong nag-crave ng kanin tapos wit na. Puro na ako repolyo, karne at isda. At bumili din ako ng exercise video ni Leslie Sansone at George Foreman.

Yung kay Pareng George, nakakaaliw sundan kasi ang cute niya dun sa video. May pa-boxing-boxing pa sya. Masyonda na sya pero kita mo pa ring fit na fit sya atsaka, wala lang, cute lang ang mga galaw nya talaga. Yung kay Leslie naman, ay naku, marami nang nag-a-eye witness na talaga raw “it works!!!!”. Feeling ko nga, it works. Tatlong araw na akong gumagamit nung video, plus nga talagang awat sa kain, bumaba na ako ng 2 lbs in just 2 days. Ang galing, diba?

Sabaders, di ako nakapag-exercise, pero nung Linggo, mistula akong nagworkout ng husto dahil ako ang kasama ni Gabe sa gym for kids nya. Paikot-ikot kami dun sa mga dapat nyang gawin sa gym eh tulo na ng tulo ang pawis ko. Kaloka, Sweaty Pangilinan. Kahapon naman di ako nakapag-exercise pero todo-lakad naman ako sa mga appointments ko. Mamaya, balik ako sa videos ko.

Si bossing ko nga kakatuwa kasi diet na rin sya at sumasama sya kapag nag-e-exercise ako. Nagwa-warm up sya kasama ko tapos maya-maya, go na sya sa exercise bike nya. Afreyd din siguro ang lolo nyo kasi may pagka-masyubis din sya. Kaya palagay ko, dinadaya ako nito – magpapapayat muna bago mag-pa-check up para hindi masabing diabetic din sya. mwehehehehe.

Nakakainis lang na sana naagapan ko ang diabetes ko. Mas ok sanang wala akong iniisip na dagdag na gamot ko na namang kailangang inumin sa umaga (na hirap pa rin akong isama sa routine ko sa araw-araw) at gabi kasama ng mga gamot ko sa puso ko. Pero wit na akong mag-sissy spacek kasi nakain ko naman lahat ng gusto kong kainin. Ikanga, time’s up, Gloria. Magbago ka na. May pedometer pa nga akong iniintay galing sa Kaiser Permanente eh dahil sumali ako sa 10,000 Steps a Day nila.

All in all, I’m still ha-live. I’m still kicking. Yun naman ang imfortant, davah? Charuz!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 2356 beses ng 341 bisitors)

11 Responses to “Ang Hatol Ng Hinampalan”

  • Jet says:

    naku, welcome to the club ka na pala Ateng. Maniwala ka saken, sa umpisa lang naman mahirap ang life changes e, kalaunan makakasanayan mo na rin and you’ll feel all the better for it kasi nga healthy na ang magiging choices mo… sa diet, sa activities. tsaka tama nga yan, mas madaling i-maintain ang changes kung pareho kayong mag-asawa na maga-adapt nito. and lastly, ganyan din ang feeling ko at yan din ang sinabi ko sa feyrents ko nung nalungkot sila dahil ang bata ko pa lang daw ma-diagnose na diabetic. sinabi ko rin sa kanila na ok lang yun kasi kaya nga ako may diabetes dahil nagpasasa na ako sa masarap. kaya ngayon ateng, magpasasa naman tayo sa ibang sarap, di ba?

    goodluck!

    hay naku, ateng. sa true lang, chaka-khan ako talaga nung malaman ko. pero what can i do? like you said, nakain naman natin lahat, davah? pero yung libro na nabili ko na cookbook for diabetics, ang galing! you can have most anything basta lilimitahin mo ang carb intake. bin-log ko na yun sa manilena eh. tingnan mo kung ok yung libro.

  • jun says:

    hay nakows, mabuti ako 2 years nang di kumakain ng baboy (pwera na lang pag sinahugan ko ng chicharon ang ginisang monggo);

    magpagaling ka, diba ang mga diabetic pinuputulan ng paa?

    syet… monggo na may chicharon!!! vad triff hindi pwede kumain ng mongo si bossing at may gout kasi sya eh. pero miss ko na ang monggo.

    oo, napuputulan ng faa kapag sa barbero ka nagpa-manicure.

  • manilenya says:

    Inay, 21 pa lang ako ng nalamang kong diabetic ako, nung una takot na takot ako, pangalawang patingin ko tinakot ako ng doktor, dapat dun tanggalan ng lisensya e lol..ingat daw ako sa pedkyur at baka daw maputol ang paa ko kapag nagsugat tsk tsk tsk.. diet lang sa pagkain ang kailangan saka exercise..pero pareho kong di ginagawa lol..naging normal na ko pero ngayon yata tumataas na naman ang blood sugar ko :(

    uyyyyy.. dapat mag-iingat ka anak. baka naging pre-diabetic ka na lang ngayon pero dapat care mo pa din ang health mo. hala, sabi nga ni ging, mahirap ang mawalan ng paa! ikaw din!

  • gingmaganda says:

    ate sienns nakakalowkah ang post mong ito!

    sana di ka maputulan ng paa! joke! nung buntis ako mataas din daw sugar ko. tapos nakalimutan ko na kung anong nangyari. well may paa pa naman ako hanggang ngayon!

    take care of yourself huh. mahirap magkasakit (at mawalan ng paa.)

    lukring ka talaga! kaya labs kita eh. hehehe… praise da lord talaga at may paa pa ako. kundi, mahirap mag-shopping ng sapatos, davah????

  • kuya fuji says:

    Mylabs,
    nandito ako at laging susuporta sa yo! Takot din ako kasi naalala ko yung kwento ni Inang, Isang kaibigan daw nya eh tinangalan ng “Butlig” dahil sa diabetes.

    Wag ka nang matakot, mylabs. Kasi wit mangyayari yun. eh diba nga, pareho pa tayong nag-e-exercise. kaya lang madaya ka – kapag napagod ka sa jogging sa exercise video, nag-se-stationary bike ka. Pero ok na rin yun. At least may exercise ka pa rin – no matter what form. o devah?? ganda!!!

  • Lyka Bergen says:

    At ano naman ang tinikman mo at mataas ang resulta ng Oral Glucose Test mo? Charoooots!

    Sobrang sweet lang siguro si Bossing kaya nagkaganon. Mahirap ang sobrang sweet Ineng. Parang me kasalanang ginawa. Ching!

    hayyyyy.. kung anik-anichiwara, ateng. Eh di siempre, ang paborito mo ba namang dessert eh asukal at ang paborito mong inumin eh asukal na may tubig, diba naman??? pero yung sweetness daw na lumalabas kay bossing healthy daw yun… protina. Ay lintek, anobako!!!!

  • gibo says:

    welcome to my world! ganun talaga ang mga sweet, nagkaka-diabetes. proper diet (na hindi ko ginagawa) at exercise (when i think of it, i just sit down and let it pass)lang.

    Hehehe, gibo, may toyo ka din, no? Sa una, ang hirap talaga ng hindi kumakain ng kanin. Paano na ang sinigang kung walang kanin? Ang bistek?? Ang kare-kare??? At ang nilaga???? Pero syet da pwet, wala akong magagawa. Kesa bumulagta na lang ako titiisin ko na lang, davah? hehehehehe

  • rolly says:

    Welcome to the club. Sana nga maging mabait ka sa pagsunod sa payo ng doctor mo tulad ni batjay. Ako, sampung taon nang me diabetes, lakas pa ring kumain. Sakit ng matigas ang ulo yang diabetes eh.

    Good luck!

    Pramis, unkel TROY, mabait ako! Nag-e-exercise na ako, bumababa na timbang ko atsaka beautiful akong mag-project. Mistula talagang Miss Universe ng Cubao. hehehehe

    Hay naku, pasaway ka kasi, eh! Pakabait ka na rin dapat. Pero in fairview, diba ang laki na nga ng pinayat mo. Ikaw at si Fafa ang idol ko eh :)

  • jun says:

    well well well, at least fuede mo nang tularan si melanie marquez, sabi nga niya “i don’t eat meat, i’m not a carnival!”! basta everything in moderation, you’ll be ok ate! paminsan minsan pwede pa rin namang tumikim ng bawal- basta konti lang! mas exciting nga yun eh!

    MWAHAHAHAHA!!! Para namang “My Brother is not a book, don’t judge him!”

    Actually, mas masarap nga ang tinatakam. Kasi kapag natikman mo ulit, para kang inakyat sa langit!

  • nako tama! kailangang simulan sa tamang diet. kaya nga siguro diabetis ang tawag don, kasi DIabETis. ahahah! gets?!

    at si george foreman? aba ang tanda na non ah. kasabayan pa ni muhammad ali yun at nakuha pang maglabas ng fitness video. naalala ko lang siya ng mag endorse ng griller sa hope shoppong network! :)

    health is wealth. ingatan ang kalusugan!

    Pramis! Si George Foreman nga yun talaga! Bigla tuloy akong nag-isip kung anong year ba ginawa yung video. Siguro nung sumisikat ang mga Tae-Bo-Tae-Bo dito, ginawa nila yun para may var-yey-shen. At ang griller, wag isnabin! sobrang galing, hehehehe.

    Tenchu sa mga reminder tungkol sa kalusugan, King Daddy Rich!

  • gingmaganda says:

    labs din kita ate sienns! oo nga di naman enjoy magshopping for shuuuzzz kung wala ka nang paa. alangan naman isuot sa kamay yun, mahirap na magblog, nyahaha!

    Ay kaloka, mistulang kabayetch, ganun??? MWAHAHAHAH!!!

Leave a Reply

Archives