Ang Pambomba, Kaning Lamig at si Bossing
Hay halayhay… Tama na muna ang ilusyon na si Bea Alonzo ako at may drama sa Maging Sino Ka Man. Baka sabihin nila kung ano na namang opyo ang nasinghot ko. Kaka-lukersh yun eh.
Eto na lang. Kagabi sa bus, habang nayayamot ako dun sa dalawang lasing na pasahero, inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pag-isip-isip. Ng biglang pumasok sa isip ko, may gumagamit pa kaya ng mga pambomba ng lamok? And siempre corollary tu dat towt, may gumagamit pa kaya ng katol?
Wala lang. Pumasok lang sa isip ko.
Ay, si Fafa Jay, kilalang-kilala nyo sya davah? Lumabas na ang next libro nya – Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig. I’m sure nagustuhan ninyo ang una nyang libro. Kaya magugustuhan nyo rin ito. Komiks ang format nya. Kaka-aliw. Kung gusto nyo pa ng ibang screen captures ng komiks, tingnan nyo ito.
Binalita din sa amin ni Fafa na go-sago sya sa Pinas para nga sa launching ng MKNBKL sa April 14 2008, Monday nang 3pm sa FULLY BOOKED sa THE FORT. Lunes yun, pero sana mapuntahan nyo sya at masuportahan. Para sa mga ate at lola ko, gusto ko lang sabihin sa inyo na gumwapo lalo si Fafa Jay ngayon! Slim na slim kaya naman mas lalong lumabas ang kapogian. Hehehehe, magwatir-watir kayo dun! At para sa mga boylets, naman siempre repapips si Fafa kaya peace man kayo dun. Eniweys-hiweys, huwateyver the case, go kayo sa launching ha.. buy ng book, at papirmahan sa kanya. At kapag nakita nyo na sya, sabihin nyo, representative ko kayo, at manghingi kayo ng kiss para sa akin. Mwehehehehehe…
At ang last but not the least, siempre pa, ang aking Bossing. Lumabas na po ang kanyang website – Kuya Fuji, The Journal of the Piano Man. Ay, wag raw madala, hindi kasing seryus ng title ng blog ang mga entries. Ikanga ni Melanie Marquez, “Don’t judge my brother, he is not a book!” hehehehe… harinawang matuwa din kayo sa kanya. I-link nyo sya ha… at pakisabi sa kanyang nilink nyo sya para masama nya kayo sa links nya. Naghahanap pa ng mga prenships sa pagbo-blog si Bossing kaya naman medyo naji-jiya pa sya. Pero bisitahin nyo ha. Para matuwa din kayo :)
Hmmm…. di ko pa rin masyadong feel ang bago kong template. hmmmmm…..
(Nakita 3740 beses ng 601 bisitors)

:)
sana nga makita namin at masuportahan si batjay! :)
nagpadala na ko ng messeyj inay na di ako makakapunta…sa baka sa susunod na book launching nya na lang lol!
uy talaga me sumasakay dito ng bus ng lasing? sabagay kesa naman sa magmanejo sila ano lol!
bisitahin ko si itay sana makilala nya ako …ako kamo yung nawawala nyong anak, yung iniwan nyo sa paanan ng fly over doon sa may quiapo remember? lol!
ate sienns, nakilala ko si BatJay! sabay ng launch ng book niya ang book namin! mabuhay kamiiiiii!
tenks ate sienna! eto naman, wala pang 3$ ang libro, at pagsakin binili may discount pa, haha, suportahan ang panitikang pilipino *ubo ubo* hehahaha
Galing1 Kakaaliw!
utusan mo na lang si unkyel batjay na bilhan ka! at yung iba pang mga tao-tao! mas madali na magpadala ng packages dun hehe ;-)
pwede rin namang magprovide ka na lang ng fed ex account! wahehehe
tanong ko din sa pablishing haws.
NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!
maraming maraming salmat sa pag gawa ng post tungkol sa libro.
nabasa ko rin yung mga comments mo sa ibang mga bloggers na nagsulat ng libro ko, lalo na yung comment mo sa entry ni manuel viloria. touched na touched ako sa comment mo roon.
miss ka na namin ni jet. pinag usapan ka rin namin ng mga berks nung umuwi ako last week.
ingat!!!
jay