PostHeaderIcon Happy Birthday To Me

Nag-birthday ang Lola nyo nung Efril six. Buong weekend ang selebreyshen namin ni Bossing ko. Pero nung Viyernes at Sabaders may mga pinuntahan akong mga medical afoyntment din. (Isip ko kasi, para di ko na makalimutan, ang mga bisita ko sa mammogram, pap smear, opthalmologist at kung anik-anik pa eh isabay ko sa birthday ko.)

Wit pa ako ever nagpapa-mammogram ever since nag-kwarenta ako. Eh diba, needs ito kapag medyo umaabot ka na ng forty. Siempre scared ako sa breast cancer, pero lola, scared din kasi ako sa mammogram. Isipin mo, pitpitin ba ng husto ang dyoga mo eh masa-kitchen kaya yun? But eniweys-highweys, pa-birthday ko nga yun sa sarili ko. Ready na ako talaga kahit masakit nang madiskubre ko na meron na palang tinatawag na digitized mammography. Maraming churva-churva na mga advantages ang digitized kesa sa film mammography, pero ang pinaka-attractive sa akin eh wit na sya kasing tagal ng film – less than a minute for each breast. Less time to pitpit, less sakit to da dyugs. So go na ako. Viernes yun. Nung hapon, go-sago na kami sa Philadelphia dahil Junior Recital ni M.

Sabaders, oral glucose test naman ang pinagawa ko. Kakaloka yun. Biruin mong painumin ka ng sobrang tamis na “juice” tapos kunan ka ng dugo ng tatlong beses – bago ang test, isang oras pagka-inom ng glucose at isang oras ulit pagkaraan. Eh paano kaya yun eh dalawa lang kaya ang braso ko? Kaya ang kaliwa kong braso, mas bugbog kesa sa kanan.

Nung gabi, balak sana namin ni Bossing na manood ng play sa Toby’s. Pero dahil di namin akalain na ang masyonda ng play na tulad ng Wizard of Oz eh mag-fully booked pa, go na lang kami sa Japanese restaurant para kumain ng hibachi. Di na kami nakapanood ng sinex pagkatapos piano sobrang busog na kami.

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Bossing at nagluto na kami ng palabok at kare-kare at go-sago na kami sa friendship kong si Nimfa sa Hagerstown at dun nagselebreyt kami ng birthday ko kasama ang pamilya ni Nimfa, si Santi, si Brenda kasama si mother -in-lo at dyunakis at ang pamilya ni Eric. Nabundat ako. Ang sarap nung sinaing na galunggong, sobra! (At gagawin ko yun, pramis!)

So kita nyo naman, talagang one whole weekend kami nag-selebreyt ni bossing ko. Tenchu, my lab, lab na lab kita :)

Eto nga pala. Isang kanta ni M nung Junior Recital nya sa eskwela nya sa Philadelphia.



Related Posts with Thumbnails

(Nakita 2737 beses ng 540 bisitors)

8 Responses to “Happy Birthday To Me”

  • kathycot says:

    mama! kagandahan ang site mo ah! :) belated haffi bdey din pala! :)


    Ay, tenchu, anak… kamusta na anak kong mother? kamusta na ang apo-apohan ko?

  • Ivy says:

    Uy, belated happy birthday Ate Gigi! You look waaay younger than you actually are ;) May you have many more to come……..


    Thanks, Ivy. Hayyy.. harinawang tutuong mas bagetic ako sa edad ko. hehehe.. mistulang ayaw kong tumandang parang si tita bella flores. di ko kaya.

  • rolly says:

    Me isang friend ako na nagpa mammogram din. Inis na inis at ang sakit sakit daw. Kasi naman, wala siyang boobs e pilit daw siyang binigyan para ipitin lang.

    Hope yours wasn’t as unpleasant as you hoped it would be.


    Mwahahahaha… sana nga kapag nagpapamammogram, yung walang dyugs e nalalagyan ng dyugs. Pero pramis, unkel TROY, yung sa akin, slight lang ang sakit.

  • rolly says:

    Me isang friend ako na nagpa mammogram din. Inis na inis at ang sakit sakit daw. Kasi naman, wala siyang boobs e pilit daw siyang binigyan para ipitin lang.

    Hope yours wasn’t as unpleasant as you hoped it would be.

    Belated Happy birthday!


    Tenchu. Flis see avab answer. hehehehe

  • vimz says:

    belated haffi berdey mother! =) ini-imagine ko pa lang parang napapangiwi na ako sa mammogram chorva na yan. ang dami pa namang pipipiin sa atin hano? =)

    winner ang berdey mo! thumbs up kay bossing! =)


    True, baby goose. Eh buti na lang nga may hinaharap tayo, hindi masyadong karir ang projection. Hindi mo pa kailangan yun.. mga ilang years fa, davah?

  • niko says:

    hi ate sienna!

    i also experienced oral glucose test when i was pregnant. same to u, kaya pero masaket talaga! parang nung pangatlong turok gusto ko na po tumakbong palayo, malayong malayo.. hihih

    Belated Happy BIrthday po sa’yo!!

    mwah

    Hayyyyy.. diba, lola… so sakit! mistulang pin cushion ba ang braso ko. kaloka! ayun, pagkatapos nun, bugbog ang kaliwa’t kanan ko. Kaloka talaga! Bakit ka nagpa-oral glucose? gestational ba yung sa iyo?

    Tenchu! Mwah din!!!

  • redjeulle says:

    Happy birthday Ate Sienna! :-)

    Thank you, RED!!! Musta ka na???

  • jun says:

    wawows, nagmi-midlife crisis ka na ba?

    happy bertdey, yeye, super late na.

    MWAHAHAHAHAHA!!! LINTEK!!! Wag naman kaya, no???? kakaloka yun! may disisiete bang nagmi-midlife crisis? hehehhe

Leave a Reply

Archives