No Wranglers Allowed
Nung minsan pinagusapan naming mag-hipag, sa Pilipinas kapag nagrerecruit o nagpo-post ng mga job openings, bakit may age requirements? As in must not be older than 28 years, o must be between the ages of 20-25.
Ano ang fravlem kung mga 29 ka na o 26 ka na? Mas lalix kung 30 o 40 ka na? Kapag ba mas mashonda ka na, mas mahina na utak mo? Eh piano na lang pala aketch eh 42 na ako nung pumasok ako dito sa pinapasukan ko? Hindi naman ako naniniwalang bumaba na ang comprehension ko dahil lang wranglers na ako (in comparison). Eh kung tutuusin nga mas marami akong nako-contribute ngayon kasi nga mas marami na akong experience. So ibig sabihin, sa Pilipinas, hindi na ako makakalipat pa ng ibang trabaho kapag lumagpas na ako ng 30 dahil wala nang tatanggap sa akin?
Ang alam ko lang na trabaho na hindi tumitingin ng edad (nung panahon ko ha) eh mga sa sales.
Kalungkot naman dis.
Bakit kaya factor ang edad sa atin? Hindi ko talaga ma-gets yun. At idagdag mo na rin, why-liwayway may gender requirement, o school requirement? Mas lalo na yang eskwela? Kapag hindi galing sa mga kilalang eskwela, wit na mag-ambisyon mag-apply? Harsh…
Sabagay, nasubukan ko yan nung ako ang kakagradweyt lang ng koleyj. Ang kinayayamutan ko naman nun, ang mga pinipili ng mga kumpanya eh mga taga-Ateneo, La Salle o Yufi. Eh frawd ako sa USTe ha, pero kapag ang kasabayan mo eh mga eskwelahan na yun, magsisisi kang hindi ka nag-aral mabuti para nag-gradweyt kang suma cum laude. Dahil yun lang ang magiging ungos mo. At even then, kung suma ka nga pero hindi pa rin kilala ang eskwelahan mo, gud lak pa rin sa iyo…
Harshness…
Dito kasi sa States at sa Canada, wit nila kebs kung ano edad mo, san ka nag-aral o kung girl, boy, badetch, tunggril ka. Di mo nga nilalagay yun sa resume mo kasi cause for discriminations and biases yun. So sa merits ng tao ang basis ng hiring, the more experience sa field na hinahanap nila, the better.
Baka naman may taga-HR sa Pinas dyan, pwede nyo bang sagutin itech???
O, tuloy pa rin ang contest ko.. join pa rin kayo!
(Nakita 2154 beses ng 335 bisitors)

ay kurak ka ateng! talagang ditech kelangan as ever 22-26 ka para ma hire! imbyerna nga talaga kasi parang need mo ng mabulok kung san ka nagwork kahit walang kakwenta kwenta ang buhay trabaho mo kasi wit ka ng makakapasok sa iba pa… naku pinas at its finest!
at siemps don’t forget ang mala-artista mong 2×2 fecture para matipuhan ka at matanggap ka kahit na utak alamang ka! whahahahahahaa
yun nga sana ang babanggitin ko, yung tungkol sa lekat na picture na yan… hehe
kaya di ko maintindihan yung mga nagrereklamo ng discrimination dito sa merika. e sa Pilipinas pa lang, sagsag na tayo sa discrimination sa employment procedures si ba?
kaya pag tinatanong ako nga prends ko kung may discimination dito sa australia, ang sinasagot ko na lang ay “compared to the phils, parang mas may discrimination pa dyan kesa dito.” dito kasi sa sydney, when applying for a job they look at your merits based on work experiences…they are very very careful na mabansagan na nagdi-discriminate, kaya focused sila sa skills mo (hindi sa kung anong hitsura, age or gender) they don’t even care kung may photo ang resume kasi kung may photo daw baka ma-influence ang decision ng panel of judges.
ay nako, ateng! trulili… ibang-iba.. buti na lang at nagkaroon ako ng pagkakataon na mangibang-bansa. wan en onli nga lang yata ang pinas sa ganyang “bio-data”. kahit din dito sa nz, alaws yang mga personal details na nilalagay sa pinas na bio-data no? ni picture. kahit ano pa itsura mo. meron nga akong kaopisina ngayon, dalawang matanda na kulang na lang mag-retire na sa edad. pero nungca nila ni-discriminate. tanggap pa rin yung dalawa. meron pa nga akong nakikita, on my way to work, sa loob ng compound netong opis namin, sakay sa isang van na taxi, ang laki po ng van, ayun, naka-wheel chair, hatid ng taxi, papasok sa trabaho yung lumpo. o de vah? sa atin, inbalido ka na, di ka na nila need. ang layo talaga. kailan kaya mababago yun? o mabago pa kaya?
nung dumating nga po ako dito at pinagawan ng brod-in-law kong hudyo ng resume, pinaglalagay ko yung nakasanayan kong gawin sa pinas, yun tipomg kasama ang birthdate, religio, at iba pang ek-ek. tas nung binasa nya, sabi, what the faq are these.
oo nga po ate, what the faq really are those? bat nga ba pinalalagay yun sa pinas bio deyta, pati na mga info sa mga kapatid na hunghang, tell me why po ate..
ate siens, add mo ito:
“preferably single!”
na discriminate na ako dati dahil married ang status ko. bwiset yung nag-interview sa akin. nagself-pity pityhan tuloy ako. :(
unfair ang employment prectices dito sa pinas pero walang sumisita di ba? sad talaga.
naku, ka-sad talaga pero ganyan talaga dito sa pinas. In a few months maging o-ep-dabalyu na rin ako sana naman di ako madiscriminate dun :(
o, eto pa dagdag mo :
“with pleasing personality”
o diba panalo?
Haaay yan rin ang tanong ko Ate Sienna. Akalain mo ba naman, messenger ang position pero kelangan high school graduate! Come on! Di mo kelangan ng high school diploma para utusan ka lang na magdala ng documents diba? Tapos sagot pa sa akin ng kaopisina ko, para makasigurado na at least may reading and writing comprehension yung tao. Ang sagot ko naman, por que high school graduate eh marunong nang magbasa at magsulat? Why not give a chance to other people di ba? The fact that they are looking for a job means that they are determined to better themselves. Ka-high-blood talaga.
merns pa ditrez,
“Male. Preferably Gay.”
san ka pech! nyaha!
ate sienna may karagdagan ako dito. pakisagot lang kung bakit sa Poland eh apol pickers n nga lang ang inaapplayan mo eh kelangan pa mg 5 yrs faquing experience?????? syetness~!
sa tingin ko isa sa mga pinakadiscriminating employers ang mga kumpanya dito sa atin. entry level positions pero ang hinahanap eh MBA grads o di kaya mga board passers. agree ako sa lahat ng sinabi mo.
makikisali po sa usapan.
dalawa sa mga dahilan po kaya mga bata ang pinipiling applicants ay:
1. mas mura ang market value dahil mga bata, at kadalasang kakaunti pa ang experience. kaya mas makakamura ang mga companies kung batang empleyado ang pipiliin.
2. mga bata, at preferrably, “single”. dahil kapag may asawa at may anak na, madalas umabsent.
hehehe. issue nga ang edad. kahit dito sa japan, sa pag-apply ng scholarship, hanggang 35 taon gulang lang ang pwede. di ko rin alam kung bakit. may nag-theorize na baka matigas na raw ang ulo ng mga over 35 at baka di na raw ma-mold ng kanilang mga guor. ngek. di naman siguro.