PostHeaderIcon Hala, Magpa-Raffle Tayetch!

Masyado na akong na-a-addict sa iPod koh! Hindi na makatarungan. Maya’t-maya na lang naghahanap ako ng pwedeng idownload sa itunes, sa amazon at sa walmart. Wala lang… feel ko lang marami akong mga songs. As in hindi ko pa nga nalalagay yung mga Crossover ko na albums, wala pa dun yun mga revivals na mga CDs ko rin. Tsk, pasaway ang iPod, nauubos ang oras ko. Time is gold pa naman, hehehehe.

Ano ang mga precious songs ko sa iPod ko?
1. Mga kanta ni Michael Jackson. Buysung ako sa iTunes ng Michael Jackson Essentials. Sobrang flashback sa memory bliss.
2. Mga albums ng syopatid ni Michael na si Janet. (Isa pa itong lukaret akong masyado!) Wala lang, labs ko lang talaga sya.
3. Si Madonna. Mistulang sumayaw ako ng Vogue maghapon, keri!
4. Destiny’s Child – oo, talagang feel kong mag-bills, bills, bills everyday!
5. At sandamakmak na Beatles. Dahil peborit sya ni bossing ko, labs ko na rin sya.

Yan, yang mga yan, hindi pwedeng hindi ko marinig isa dyan sa isang araw. Kalurki. Eto’t naghahanap na naman ako ng albums na bargain sa amazon.com.

Hayyy.. knows ko, mega-wait nyo ang essence ng entry na itech.

Pwes, gusto kong mag-experimento at bigyan ng excitement ang mga buhay natin. Simple lang naman.

1. Sa blog nyo, gumawa kayo ng entry na say kayo ng limang kanta na hindi pwedeng hindi nyo mapakinggan sa inyong comfuter, o sa mp3 player ninyetch. At siempre mas maganda kung may explanation why-liwayway, imfortant part of your being ang mga songs. As in, theme song ba, naalala ang mga loved ones, ang mga dating dyowa, ang high school life.. huwateyver.. basta may essence.

2. Tapos idisplay ang blinkie sa inyong sidebar o entry mismix. Walang kailangang iupload/download, kopyahin ninyo lang ang html code sa ibaba at ilagay sa entry o sidebar ninyetch. Eto ang code:


<a href=”http://atesienna.pansitan.net”><img src=”http://i16.photobucket.com/albums/b9/atesienna/blinkiepansitan.gif” border=”0″ alt=”Photobucket”></a>

Maglalabas yan ng ganitech na graphics:

Photobucket

Tandaan, no blinkie-linkie, no sali!

3. Mag-comment sa ENTRY NA ITO na gusto nyong sumali at ilagay ang link ng entry nyo. Tandaan, dapat sa ENTRY NA ITO ninyo ilalagay ang comment nyo na sumali kayo kasama ng URL ng entry ninyo tungkol sa peborit song nyo. Kung hindi dito, hindi kayo kasali.

4. Dalawang linggo ang itatagal ng contest. Ang deadline ng pagsali ay sa June 27, 2008, 11:59pm Eastern Time.

5. Isang entry lang per blogsite. Kung marami kayong blog, eh di isali nyo lahat ng blog nyo, pero dapat nandun din ang entry nyo at ang blinkie sa bawa’t blog.

6. Sa Sabado, June 28, 2008 ilalagay ko lahat ng pangalan nyo sa isang kahon at bobolahin ko. Ang mabubunot kong pangalan, yun ang winner! Kaya ang announcement ng winner ay sa Linggo, June 29, 2008, 9:00am Easter Time.

Ano ang prize, tanong nyo?

$10.00 na gift card para magdownload ng mga peborit nyong mga kanta! Kayo ang mamili kung saan – sa iTunes, sa Amazon.com o sa Walmart.com. Kahit ano sa tatlo. Ang mananalo, bibigyan ko ng instructions kung paano mag-claim ng kanilang prize thru email.

O sya… game na kayo??? Sali na!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 3406 beses ng 631 bisitors)

8 Responses to “Hala, Magpa-Raffle Tayetch!”

  • watson says:

    Waaaah Ate Sienna ang ganda naman ng iyong contest!!!

    At napansin ko lang ha, magka-generation tayo! Hinahanap ko yung ABC ni Michael Jackson. Meron ka ba nun? Penge? hehe.

    Meron rin ako Madonna at konting Beatles (napanood mo na ba yung movie na Across the Universe? Beatles musical ito! At meron ako soundtrack in mp3 rin!)

    Hinahanap ko yung Album ni Janet Jackson na may Escapade…

    Sana si umandar ang pagka-ulyanin ko at makasali sa contest na ito…

    Eh walang sumali kaya? hehehehehe… Kaya meron na ako uling contest.

    PEro may escapade ako! atsaka yang Across the universe meron din aketch!

    At higit sa lahat, meron ako nung ABC! MWAHAHAHAHA!!!! Sige padala ko sa email mo…

  • venice says:

    ang shoray mo naman ate sienna! maypa-raffle ka pa! bonggang-bongga! =p

    Eh lola, walang sumali, mwehehehe… I therefore conclude ibang regalo ang ibibigay ko. yung mas afresyeyted :)

  • manilenya says:

    hehehehe! hirap mag isip ng limang kanta inay…sobrang dami kong hilig na kanta e :)

    O sya, anak, yung contest na lang sa itaas ang salihan mo. Mistulang elementary question na laging tinatanong kapag tapos na ang summer vacation, hehehehe

  • gibo says:

    naaliw ako sa laman ng ipod mo, slightly yan din ang laman ng luma kong ipod (na pinag-retire ko na dahil namamaos na sya!)….so wala muna akong regular dose ng music.

    aba, what is life without music? what is sex without music? buysung ka na ng bagetch na ipod, lola.. it’s about time. :)

  • Lyka Bergen says:

    Naalala ko tuloy si Debbie Gibson…. Ang saya!

    Ay shet, wala akong Electric Youth sa iFad ko. kailangan hanapin ko yn…

  • Apol says:

    uhm… pag makakahabol sasali ako. pero dumaan lang talaga ako para yumakap ng mahigpit na mahigpit. :-)

    Kanina pa ako nakayakap sa iyo. Miss na kita, Apol… sana makauwi na kami ni bossing nek yir para masaya :)

  • aru, torrentz.com, ayomo?

    nakakaloka ang torrentz eh.. feeling ko laging may varius…

  • arlo says:

    halu mudra!!!

    ayan sumali ako for the sake of… $20!!! yey! at possed sa dalwang sites ko

    http://arlo0611.blogs.friendster.com/the_gospel_of_ishna/2008/06/take_payb.html

    saka

    http://ishnavera.blogspot.com/2008/06/take-payb.html

    kaso parang hindi nagwagi ang blinkity-blink mu? buhkit kaya?

    anyways… kisses…

    hmmm.. hindi gumana? nag-iwan ako ng comment sa blog mo, check mo!

Leave a Reply

Archives