Happy Mother’s Day, Modir!
Minsan iniisip ko, bakit nga ba hindi ako naging madir? At kung naging mudra man ako, “very good” kaya ang grade ko or baka naman isang napakalaking palangganang butas?? Kasi kahit sobrang nagmamaganda ako sa lahat ng mga pamangkin ko, at ako ang paboritong “tita”, hindi naman ibig sabihin nun na karir ko ang motherhood, davah? Sobrang different yun, lola.
Tipong kapag nagngangangawa na ba ang bata ng hindi ko malaman kung why-liwayway o umebs yan at kailangang hugasan o magsuka yan sa buong salas, karir ko ba yun na inspeksyunin ng husto bakit sya mega-crayola o linisin ko ba ang dyebs sa pwet nya?
Yung mga projects sa school, yung mga pagdisiplina, yung mga pag-tulog sa tanghali, pag-gising sa umaga at pagasikaso ng baon, ng tuition, ng uniporme, ng kakainin sa araw-araw, carry ko ba yun? Yung pagdadalaga at pagbibinata, ang mayamot ka sa hindi pag-uwi ng maaga, ang mga crushes at mga puppy love at kung anik-anik, ikarir ko bang mag-helen vela?
Kung umandar na ang teenage angst, magawa ko bang gumawa ng biskwit ng pacencia? Not to mention ang pagkakasakit, kaya ko bang magpaka-florence nightingale hanggang madaling-araw?
Eh piano kung mother na nga, working girl pa. Yung gumugulapay na ngang magpaka-employee of the month, pero hindi nag-gu-goodbye ang freyshurs ng pagiging ulirang ina awardee?
Toxic yun.
Hindi naman kasi basta-basta ang mangarir na maging ina. Corollary tu dat, sinasabing hindi porke’t umire at may lumabas na bata sa iyo, matuturing ka ng isang ina. At corollary tu dat corollary, sinasabi rin, hindi naman porke’t hindi lumabas sa iyo, hindi ka na pwedeng magpaka-ina. “It doesn’t follow. Non-sequitur.” ikanga ng professor ko sa Logic na si Nandy.
So paano nga bang ma-a-award-an ng Mother of the Year ang isang ina?
Siguro…
1. kapag sinakripisyo mo ang sarili mong career para lang manatili sa bahay at alagaan ang anak mo. Pero pwede ring nagtatrabaho ka, pero hindi para sa sarili mo kundi para sa ikabubuhay at ikagaganda ng buhay ng mga anak mo.
2. kapag andyan kang nag-papakain, nagpapaligo (araw-araw), naglilinis, nag-aayos ng anak mo, at mga gamit nya. Na hindi mo pinababayaan na sila’y magutom at magsasakripisyo ka para wag lang silang magutom. Na kakainin mo na lang, ibibigay mo pa sa kanila.
3. kapag kahit na pagod ka pa rin, dagdag pang tatabihan mo sila at tuturuan sa pang-araw-araw na leksyon, ng ABC at 123 at what is a noun, ano ang pandiwa, what is the least common denominator o ano ang pamayanan at ultimo project sa home eco-nanay, kung pwede lang na ikaw na ang tumahi ng daster na saksakan na ng tagal na hindi pa matapos-tapos, gagawin mo na. Mereseng minsang mag-aaway na kayong mag-iina, carry pa rin dahil ang kailangan hindi sila mawala sa section 1. Yun lang kasi ang pwede mong ipamana sa kanila – ang edukasyon nila.
4. kapag nag-aalaga ka sa kanila, mereseng bente-kwatro oras na kailangang gising ka dahil may sakit sila. Hawak-hawak mo ang mga kamay nila habang nasa hospital bed at nagdadasal kang sana ikaw na lang ang magkasakit para hindi na nila maramdaman pa ang sakit ng injection, ng dextrose, ng operasyon, ng theraphy.
5. kapag lahat na lang ng raket pinasok mo na para lang may perang pang-tuition, papasukin mo yun dahil ayaw mong lumaki silang hindi nakapagtapos dahil kailangan nila yun para sa sarili nilang magiging buhay.
6. kapag nalaman mong may boypren at saksakan ng bata pa nila, kahit na labag sa kalooban mo, maghihigpit ka ng curfew, pero iintindihin mo pa rin na paminsan-minsan kailangan medyo luwagan mo ang renda para hindi sila magrebelde ng husto. At magdadasal ka na lang na hindi nila kinakalimutan lahat ng pangaral mo habang kasama nila ang mga boypren nila.
7. kapag lumapit sila sa iyong umiiyak, dahil naghiwalay na sila ng boypren nila, makikiiyak ka rin pero sasabihin mong, “matalino ka, maganda ka, maayos ka, hindi mo kawalan, kawalan nya. Mas magaling at mas mabait pa dyan ang makikita mo sa susunod”. At ipagdadasal mo talagang makakita sila ng lalaking mas magaling, mas mabait at mas mamahalin sila. At alam mong walang eching yung sinasabi mo sa kanila – true yun. Dahil ina ka, magaganda at gwapo sila sa paningin mo, ever en ever.
8. kapag kinailangan, kahit na matatanda na sila, hindi mo pa rin sila pinababayaan. Andyan ka pa ring tutulong at magbibigay. Dahil hindi mo sila kailanman hihindian, dahil alam mo, nagkakaproblema lang sa ngayon at lilipas din ang mga araw na ganito.
9. kapag naglambing ang mga apo mo, hindi mo sila hinihindian, mereseng bespren mo na ang delivery boy ng cargo na nagpapadala sa Pilipinas ng balikbayan box. At wala ka nang iniisip na bilhin kundi ang mga laruan, libro, damit at kung anu-anu pang makakapagpasaya sa mga anak ng anak mo.
10. kapag tumatawag ka pa rin linggo-linggo at halos maubos na ang phone card mo sa pagtawag sa kanila para kamustahin sila, marinig ang mga apo, marining ang mga boses nila, kung kamusta na ang linggo nila, ang malaman nila kung kamusta na kayo ng tatay nila. Kahit na magkakagalit kayo sa mga iba’t-iba ninyong mga opinyon, magbabati pa rin kayo. Kasi ganun naman talaga yun, dahil hindi naman kayo mga perpektong tao.
Kaya sa Inang namin, Happy Mother’s Day, Mudra! Ikaw ang winner! Ikaw ang aming kaisa-isang ulirang ina! Ikaw ang aming tanging ina…
We labs yu beri mats! (Inang, klik mo na lang yung last pikchur para lumaki :)
(Happy Mother’s day na rin sa aking mga syupatid na girlettes, sa aking lola, sa aking madir-in-lo, sa aking mga hipag, sa mga prenships, mga bloggers at lahat ng pwedeng tawaging ina. Mabuhay kayong lahat!)
(Nakita 3721 beses ng 500 bisitors)

naku Inay…naiyak naman ako dito..naalala ko tuloy yung tunay kong nanay na iniwan ko dun sa tundo at nagpasyang lumipat ng Bulacan kamakailan lang…gusto ko siyang makaranas ng sno..kaya lang sabi nya malamig e mukhang ayaw pero tiyak kapag sinabi kong kahit saan dito me tong it baka mabilis pa sa alas kwatro…mag-iipon pa kamo ng pamasahe papunta dito lol!
Ang ganda ni mudra ng kabataan ha, naalala ko tuloy tunay kong nanay..sensya na kasi ampon ako e lol kaya tunay kong nanay…kita ko mga pic nya yung kabataan nya grabeh naka mini skirt..tinalbog ako..di ko kayang mag mini skirt lol!
I know the feeling..yung magkasakit ang anak tapos magdamag gising ako dahil sa sobrang taas ng lagnat..tapos titignan ko yung anak ko..tapos magdadasal ako na sana ako na lang me sakit…tapos nung lumaki laki na yung anak ko tinawag ko ng karma lol!!
hay ayan emowt emowt na ko dito lol!
naman ate, naiyak ako, promise! at kung tutuusin, 3 taon pa lang akong ina pero nakaka-relate talaga ako kasi gugustuhin mo pang akuin lahat ng injection at inumin lahat ng gamot para hindi na magkasakit ang anak mo. winner tlaga ang mga nanay! :)
si mudir ba ang nasa first picture? ang taray.. pang LVN. Makikibati na rin ng Happy mother’s day sa lahat ng Nanay. :)
Napakaganda naman ng iyong tribute sa iyong ina, lalo na yung mga litrato mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Ako ay baguhang ina pa lamang ang aking anak ay 3 taon at naisip ko tuloy na noon ay hindi ko rin maisip na ako ay magiging ina. Hindi ako mahilig sa bata. Pero ngayon pinagdaanan ko na lahat yung pagpapalit ng diaper at pagpapatahan ng ngumangawang bata ngunit sa pagbasa ng post mo naisip ko na marami pa akong pagdadaanan at ako ay maraming pangamba sa hinaharap. Hindi ko nadaanan lahat ng ito sa aking ina dahil lumaki ako sa aking lola. Ang aking hiling ay naway mapalaki ko ng matiwasay ang aking anak. Salamat!
hahaha tagal ko nang di napunta dito pag bungad ko eh reyna ka na pala nang gutsigang! hahaaha! kongrrats ever sa royalty mo hahaha at happy si mother!
hayy inay salamat sa hugs..naku emowt pa rin, kasi minsan umagang umaga habang hawak hawak ko yung mga damit ng kung sino sino galing dryer tapos titingin ako sa labas..ask ko sarili ko kung ano kaya ang ginagawa ko sa mga oras na yun kugn sakaling nasa pinas ako sa piling ni nanay….siguro kumakain ako ng sinangag at tinapa sa tindahan sa kanto lol!
ang ganda ganda naman ng sinulat mong ito Ateng. I’m sure iyak na iyak si Inang sa tuwa. ang dami talagang sakripisyo ng mga nanay natin no? inuumpisahan kong isipin ang mga ginawa para saken ng nanay ko, nag-uunahan sa isip ko lahat lahat. wala talaga silang katulad. happy mother’s day po Inang, sakaling mabasa nyo ito. :D
Happy Mother’s Day sa lahat ng dakilang inay!
Knowing what a beautiful person you are right now, I can say your mom has done a very wonderful job!
Happy mother’s day to her.
she deserves this kind of tribute.
awww.. i miss my momi! :(
ate, hindi ko alam kung bakit nangingisda ang blog ko pag binubuksan mo sa ofis mo. nakakalungkot naman. hindi ka makapunta don.
nalokah ako sa unang picture ni madir, walang sinabi ang mga bituin ng kundiman era! higit sa lahat, wagi talaga ang mga nanay.
Funny and yet quite poignant. In the end, what matters is how great a relationship one has with one’s kids. One does not have a to be SAHM or a working mom to be a success at the role. Basta masaya kayong lahat during those moments that you are all together, when you really enjoy each other’s company then everything else will simply follow.
Thank you very much for visiting my blog. It’s very much appreciated. :)
ate sienna! bonggang-bonggang ang blog entry mong itey! ndi ko kinaya ang chorva mo about pagiging mudra… kahit si darna pa ko friend, ndi kaya ng powers ko maging tanging ina. naiintriga ako, sino ka sa pichur? hehe. alam mo, lungkot-lungkutan ang eksena ko ngayon dahil nag-goodbye my lover ang besprend ko kahapon. bading-bading kame magsalita… kaya habang binabasa ko blog mo, i cracked up and teared. cheers mother!
Very Sheryl Cruz ang pose ng Mama sa first Pic! Vungga!
At Vungga na rin ang trubute!
Sabi nila kung ano ka sa Mama mo, yun na rin ang mga magiging anak mo sa yo!
Yun na!
embrace kita teh…saka hagod sa back…
*smacks
Smokey Manoloto?
Bat ngayon ko lang nadiscover ang beauty mo? Ang gandahhhhhhh…. :)
hi! pwede ko bang malaman pano makokontak ang mudra na yan? ehe! gusto namin siyang i feature dito sa central luzon TV. thank you!
hello… nag-email ako sa iyo, bevs.