Huli-kaw, 2009 na!
Eh kamustahin naman ang bakasyon ko sa Canada?
Masaya… as in. Nung makita ko ang kapatid ko na inaabangan ako paglabas ko ng eroplano, naluha na ako. Nayakap ko ang itang ko, nabuhat pa nga ako (yes, Santa Klaws, pumayat na kasi ako) Nagkita rin kami ng tyahin ko at ng pinsan ko – nagkita-kita kasi kami dun dahil sinundo naman ng tyahin ko ang pinsan ko na galing ng San Diego. Pag-uwi ko, tuwang-tuwa akong yumakap kay inang. At mangiyak-ngiyak na ako nung biglang-bigla nagsigawan ang mga pamangkin ko, yumakap sa akin habang magkayakap pa kami ng inang ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso ko nung makita ko silang lahat.
Nagkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. Ang mga pukersha kong mga barkada na frawd na frawd ako dahil may kanya-kanya na silang mga major accomplishments. Mga sariling bahay, mga anak, mga magagandang trabaho. Parang kelan lang eh broke pa kaming lahat at pangarap lang ang coach at louis vuitton na mga bag. hehehe
Nagkita rin kami ng isang mabuting kaibigan na itatago ko na lang sa pangalan na “Cecil” at isang kaklase nung high school na itatago ko na lang sa pangalang “Angie”. Pramis, hindi nila mga tutuong pangalan yang mga yan. hehehe

Proud din ako kasi ang daming Overseas Filipino Workers akong nakilala. Mga alaga sila ng tyahin ko na may sarili nang human resources agency sa Calgary. Masaya silang kasama. Mapapalapit talaga ang puso mo sa kanila.
Kung gusto nyo ng mga pictures, hanapin nyo na lang sila sa facebook ko at sa facebook ng syupatid ko.
Ang kulang lang talaga sa bakasyon ko eh si bossing. Kaya naman nung bumalik ako, kulang na lang hindi na kami lumabas ni bossing ng kwarto – kasi nga ang daming pinagkukwentuhan. Kayo, malisyosa ang mga utak nyo!
Hemingweys, madali’t sabi, recharged ako sa pagbalik ko.
In other news, gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng bumoto sa akin sa nakaraang contest ng Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog of the Year 2008 ng Thoughtskoto. Nanalo ang lola nyo ng 2nd Top Pinoy Expats/OFW Blog pagkatapos ni Apo Jim. At Top Pinoy Expats/OFW Blog sa US en Canada.
Maraming-maraming salamat sa mga judges, sa lahat ng bumoto at kay Kenji sa isang nakatataba ng pusong parangal.
At salamat din sa inyong lahat… panibagong taon, panibagong mga happenings. Maraming salamat sa inyong pagbisita, pag-comment at pagsubaybay. Pangako, mas marami pang kwento sa taong ito :)

(Nakita 30378 beses ng 5913 bisitors)
Ang saya naman ng reunion nyo. Congrats din sa panalo mo. That is well deserved.
Ang saya talaga, unkel! Matagal ko na rin kasing hindi nakikita ang mga kaibigan at kapamilya :)
tenchu… sana sa susunod blogger of the century naman. hehehehehe
Ate Sienna…naalala mo pa ba ako? happy new year sa ‘yo! tagal na akong di nakabisita pero i’m back! and bago na ang aking tahanan sa internet…sana makabisita ka! :-)
ang seksi mo naman…i love your mini-skirt! Dadalaw nga pala kaming pamilya sa US sa Oct…sana ma-meet namin ikaw, si jet, batjay, tintin hekmi….:-0
hi ate sienna!!!!
HAPPY NEW YEAR!!! i love ur template ate!! bongga ang header.. smile kung smile ate.. ganda!! :)
ingat ka po lagi!!
happy new year ate!!! anong sikret ng pagpapa-payat mo?
ganda ng mga pics. :)
Happy a fabulous 2009 ate sienna! What a way to start the year, huh, you are on a roll. Congratulations and I’m glad you enjoyed your time with family and friends over the holidays…
Inay, congrats sa napakasayang bakasyon mo at sa award syempre :)
lalo akong na excite sa 2009 dahil sa post na to. :)
HappY Chinese New Year sa lahat ng bumati… oo, chinese new year na kasi :)
maraming salamat… at sana po, maging maligaya din ang inyong 2009 :)