Hay Naku… Hindi Ako Excited, No!

Go-sago kami sa Florida ng 9 days (parang novena kay St. Jude, hehehe) simula itong Sabaders.   Pupuntahan namin si Spidey sa Universal Studios sa Orlando at magpapakasasa at magpapa-tan sa Clearwater Beach

Excited ba ako?  Hindi, no!  Excited ba yun…

Nakaka-tatlong linggo lang naman akong bumibili ng mga outfits sa Macy’s, Old Navy, Gap at Gabriel Brothers?

Panic buying lang ako sa Old Navy ng mga summer t-shirts ni Bossing na half-off ang presyo dahil puro dark colors pala ang mga t-shirts nya (siempre para hideaway ang mga bulges at bilbil)?

Limang swimsuits lang nga ang dala ko? (kung excited ako eh di anim na swimsuits ang dala ko… teka, may isa pa pala akong swimsuit na pwedeng dalhin)

Nakaimpake lang naman ang halos lahat na ng outfits sa mga duffle bags namin nung isang linggo pa?

Nilagay ko lang naman sa spreadsheet ang mga menu at mga toka naming pagkain nila Veck at Rose?

Naghahagilap lang ako ng mga music at sinex na ilalagay ko sa iFod ko para hindi ako mainip sa byahe?  Ever!

Tingin lang naman ako ng tingin ng website ng Universal para sa discounted tickets at nagpaplano lang naman ako ng mga magiging shots ko sa Clearwater? 

Sus, hindi ako atat, no!  

Mamatay na ang excited!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 36795 beses ng 6458 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

12 thoughts on “Hay Naku… Hindi Ako Excited, No!”

  1. Shout out from California. I luv your blog, Ate Sienna! The topics you cover, plus I luv the way you talk, bading na bading!!!

    Hab pun on ur beykeysyon!

    1. mwehehehehe.. mainggit ka kaya kapag sinabi kong next weekend sa beach ako ulit at sa last weekend ng july, camping naman kami? hindi kita iniinggit ha.. nagkukwento lang ako. hehehehehe

  2. walang bahid ng excitement Te! di ka man lang nag-abala… mag vitamins ka po kaya ng tumaas energy mo, hehehe!

    *inggitera mode as of press time

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *