Bago Mawala sa Ala-ala (Dahil Operada Ako)

Nangako ako ng mga pictures ng punta namin ng Florida.  Actually, 25,000 years na syang nasa Multiply site ko at sinisimulan ko na rin syang ilagay sa Fezbuk ko.  (Pero karir mag-upload sa Fezbuk, kaya di pa ako tapos.)  But hemingweys, dahil baka di nyo feel ang multiply at wit kayo sa friend’s list ko sa Fezbuk, ilalagay ko rin ang mga links ditech.

Ang sarap actually ng alis namin na yun.  Altho si Bossing sumasakit pa rin ang psoriasis arthritis nya, masaya pa rin.  Mas masaya sana kung wala syang sakit kasi hind sila masyadong nakapagfishing ni partner Conrad nya.  Pero ok naman sya na.  Tsaka ko na ikukwento sa inyo ang arthritis ni bossing at isang buong entry na naman yun.

Siyam na araw, dalawang kotse, labing-tatlong bakasyunista, tatlong camera, isang camcorder equals 800 pictures at 40 video files.  Hehehe, kaya na-imagine nyo na akong nagkakamot ng ulo kapag iniisip ko kung paano ko aayusin ang mga litrato, diba?  Nakakaloka!!!

Hemingweys, bigyan ko lang kayo ng idea nung bakasyon namin.  Ang travel time ng Baltimore, MD to Tampa, Florida is about 15 hours – non-stop.  Na siempre hindi mo gagawin depende na lang kung may dala kang baon na kinakain mo habang nagdadrive, at may dala ka ring bote na gagawin mong CR mo habang nasa daan ka. Siempre, madalas kayong titigil.  At dahil first time kong pupunta ng Florida, nag-request si Bossing sa mga kasama namin na tumigil kami sa bawat border ng mga states (Virgina, North Carolina, South Carolina at Georgia) para magpa-picture.  Moment na rin yun para mag-change drivers, mag-CR, kumain, i-stretch ang mga paa para hindi maging square ang mga we-paks.

Ang layo ng Orlando, Florida sa Tampa, Florida eh mga 1 hour and 30 minutes upto 2 hours. For the whole 9 days, dalawang beses kaming nagpabalik-balik from Tampa to Florida para magpunta sa Clearwater, mag-check-in sa hotel sa Orlando, bumalik sa Clearwater para mag-beach, bumalik finally sa Orlando para sa theme parks.  Ngayon namin na-realize, ginawa naming divisoria ang Tampa, hindi namin inintindi ang layo ng biyahe. Hehehehe

Maganda ang Clearwater sa Tampa, mas maganda kesa sa beaches sa California, at least.  Maganda rin yung lugar kung saan kami nagsiksikan – bahay ng tyahin ni Rose.  May parang swamp sa tapat ng bahay na maraming iba’t-ibang klaseng birds ang dumadayo.  Plus may pool sa likod ng bahay na pinaliguan ng mga kiddies.  Parang lugar talaga ng mga senior citizen ang Tampa.  Maraming nursing homes, kaya ata medyo masungit ang mga tao dun – masyosyonda na kasi, nayayamot sa mga makukulit. hehehehe

Kapag nasa Orlando kami, dun naman kami sa timeshare nila Rose tumutuloy.  Bonggang dalawang condo ang occupied namin, pwede pang maglaba.  Dun kami nakapag-shopping, nagpunta sa Disney Town, kumain ng all-you-can-eat lobster at magpunta ng  Universal  Orlando and Seaworld Aquatica.  Dun din kami nagbigay ng surprise birthday party para kay Bossing ko.

Tip lang, kung pupunta kayo sa Universal Orlando at balak nyong kumuha ng tickets para sa all-you-can-eat around Universal.  Wag na kayong bumili ng isang ticket per person.  Ang ginawa namin, 4 na tickets ang binili namin.   So ang nangyari, isang tao lang ang bibili pero ilang beses bumabalik for everyone na kakain. Bakit?? Sobrang mahal kaya ang pagkain dun!  This way ang laki ng tipid nyo.

Tip ulit, kung may time kayo, visit Aquatica.  Grabe, ang saya-saya ng mga rides.  Dun ako nag-enjoy ng husto.

So eto po ang mga pictures na pinangako ko.  Sobrang 40,000 years after na.  Pero, I hope you enjoy them!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 31803 beses ng 6010 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *