Ginagalit Nyo ‘Ko, Eh!!

Le Cirque, NYARUYYYYYYY!!!! Sapak sa bulls-eye!

Alam nyong seryoso na ang usapan kapag tagalog na ang article ni Ka Conrado. Eh sino ba naman kasi ang hindi magagalit??? Whichever way they put it, wala silang ligtas sa tanong na “eh bakit kasi inabot kayo ng P1.75M sa dalawang dinner lang. Kahit na sabihin nilang hindi si Ma’am ang gumastos dun kundi yung mga kasama nyang mga politiko, still, saan sila kumukuha ng ganun kalaking pera para lustayin sa dalawang dinner lang??? Eh di siempre, sa kaban ng bayan. So it doesn’t matter anymore, whether si Ma’am o kung sino pang pontio pilatong politiko, ang suma-tutal, kawawa pa rin si Juan.

Di pa kayo nahiya na isang damakmak kayong umalis at lahat yun – eroplano, pocket money, pagkain nyo – bayan ang nagbayad. Di pa kayo nahiya na kahit hindi naman talaga kayo dapat na kasama, andun kayo, may mga bitbit pa kayong ibang alalay nyo. Kulang pa eh, no?

Wala eh. Wala talagang ilalaban, walang magandang explanation. Kahit tumambling ako ng patagilid, patihaya, patalikod, paharap – hindi ko talaga mabigyan ng justification. Kaya para sa inyong lahat ng nandun at nakipagsaya, nagpakabundat, nagpasasa, eto ang inyo!

May araw din kayo!!!!

Bebe, ang medicina de corazon ko, pronto, muchaha!!! Aatakihin ata ako sa sobrang yamot!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 23720 beses ng 4493 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

11 thoughts on “Ginagalit Nyo ‘Ko, Eh!!”

    1. eh kasi ang tingin ko, mga walang pakiramdam. yun bang hayagan na talaga kung mangurakot at magwaldas ng pera samantalang ang taong bayan hirap na hirap na. kahit na nga sabihing iba ang nagbayad, bilang presidente dapat sya na mismo ang magsabing, “wag nating gawin ito. hindi proper”. eh hindi eh… sumama din sya.

      so wala eh. talagang kahit na anong anggulo mo tingnan talagang winawalanghiya na nila ng harapan ang mga pinoy. sobrang pambabastos na talaga.

  1. problemado lang ako sa sinabi ni De Quiros na ito:

    “Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo.”

    so ang tagalog ay para sa mga bobo? na-hurt naman akey. hehe.

    1. ay, hindi naman siguro ganun, sister. ang intindi ko sa sinabi nya, kasi native tongue natin ang Filipino. so kumbaga, since native tongue natin, mas malaki ang posibilidad na baka maintindihan na nila kesa inglesin nya.

      don’t be hurt na. it’s okey.

  2. Noong umuwi ako sa ‘Pinas noong March, naka-punta na rin ako sa wakas sa National Museum. Naka-usap namin ang isang empleado (isang curator yata)doon, tinanong namin bakit wala silang mga sapat na tauhan para sa mga school field trip na darating this coming school year. Ang sagot “Wala silang budget maghire ng additional staff”

    Tapos, mababasa mo itong balita tungkol sa kakapalan nitong Arroyo and company. Nakakagalet talaga!

    Kawawa talaga ang mga Pinoy na naiwan sa ‘Pinas. Nakakalungkot at nakakaiyak ‘nung nakita ko na marami pa ring naghihirap after being gone for 23 years. :(

    1. yun nga ang pinaka-puntos talaga. unfortunately, iba ang priorities ng gobyerno natin. maiintindihan ko kung talagang nagkukulang ang pondo at talagang walang magawa. pero kapag nakakarinig ka ng ganito, maiisip mo tuloy, dito ba napupunta ang pera ng bayan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *