I Miss My Dollies

Miss ko na ang mga dollies ko.  Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan.  Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit.  Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos.  Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez.  Kakaawa naman…

Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila.  Busi-busihan kasi aketch.  Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!).  Gumagawa ng throw pillow.  Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing.  (Jewel-toned ba?  Fairies ba?  Angels ba?  O maski-paps na lang kasi dukha lang ako at hindi ko maafford ang mga kemamahal na mga ornaments na type ko?)

Na-injure pa ang paa ko nung isang araw!

D' Sisters
D' Sisters

Mataas kasi ang takong ng sapatos ko nung isang araw.  Siempre outfit ako ng nabili ko sa Old Navy na dress na $9 lang.  Winnie Santos ako dun sa dress.  Eh nagyayang mag-punta sa asian grocery si Bossing at bibili ng liempo na pang-laing.  So ga-sago kami.  Eh di siempre, bandang huli halos patayin na ako ng paa ko sa sakit.  Pagdating sa kotse, nagtanggal ako ng sapatos.  Pero pagbaba ko sa harap ng bahay, parang namali ang tapak ko at malambot kasi ang lupa.  Ayun, sumakit syang bigla.  Alam nyo yung pakiramdam na parang hinihila ang ugat nyo sa ilalim ng paa magmula sa may sakong hanggang sa pinaka-dulo ng toe nyo?  Ganun kasakit!  talagang umiyak ako. Kaya ayun.  Injured ako.  Dinala ako ni Bossing sa Patient First dahil ang doktor namin eh nasa Canada.  Kakaloka yang patient first, kinunan lang ako ng x-Tray tapos ang sabi sa akin nung nurse practitioner, uminom ng Tylenol at mag-balot ng benda sa paa.  Yun na!  At tumataginting na $20 na yun.  Hayyy… na-miss kong bigla ang duktor ko.

Matet
Matet

Hemingweys… ang dami ko pa namang telang binili para igawa ng damit ng mga dollies ko.  Mayabang na ako kasi marami na akong nakuhang pattern ng damit ng manyika.  At buysung na ng makina ang lola nyo.  Mistulang Monique Lhuiller!  Bonggadera!   At nag-iisip na nga akong gumawa ng doll house (Hello, Candice Olson, istatue??) nila kapag naayos na namin ni Bossing ang basement.  Malapit na.  Tapos na naming  i-project ang sala. Kaya bago mag-thanksgiving maayos na ang basement.  Pag naayos na yun, dun na ang mga computer namin at gagawin na naming guest room ulit yung isang kwarto na pinanggalingan ng mga computers.  Isang weekend lang yun.

Siguro mga pagkatapos ng Pasko, malalaro ko na sila ulit.  Excited na nga ako kasi may mga gowns pa akong pattern na nabili. Mga luma at vintage na nga yung mga nabili ko.  Pang Skipper na Barbie.  Nakakatuwa lang kasi.  Kapag nagpupunta nga ako sa mga thrift shops, talagang mega tingin ako ng mga gamit dun na pang-barbie.  Malay nyo, baka pati Blythe makakita ako.  Uy ha, nangyayari yun, ha.  May mga taong nagsasabi na minsan raw, may nakikita silang mga 70’s na Blythe sa mga garage sales at thrift shops.  Kapag nga naman wala kang malay sa mga manyikang ito, di mo knows na inaabot pala sila ng $2,000 mas lalo na kung hard-to-find na 70’s na Blythe.  Kaloka.  Eh ako nga, yung muring na muring lang na Blythes ang afford ko, pikit-mata pa rin ako kung bumili.

Lovely
Lovely

Kaya minsan ini-isip ko, kung ako kaya ang makakuha nung mga vintage na mga yun sa Goodwill o sa Value Village, itatago ko ba o ibebenta ko?  Malamang, ibenta ko.  Pero paglalaruan ko muna sya.  Kukunan ko ng maraming pictures, tapos tsaka ko ibebenta sa auction ng mga dollies.  Grabe, tiba-tiba siguro ako nun.  Kahit siguro pang-Burberry na bag, makakabili ako.  O bagong lente na lang ng camera, may sukli pa ako!  O mas maigi pa, isama ko nang pang-down ng bahay.   Hay naku, istap na nga.  Kaya ako hindi sinuswerteng makakita eh.  Wala pa nga, nagastos ko na yung pera.   Mistulang tiket ng lotto, naka-excel spreadsheet pa kung paano ko paghahati-hatian ang pera.  Eh baka na-okray-okray na ako ni Bro kasi hindi naman ako nabili ng tiket ng lotto madalas.  (“Kung hindi lang ako nakapako dito…!!!”)

Eh kamustahin naman kasi, may lalabas na naman na mga bagong Blythes.  Ano nga ba pangalan nun, Simply Mango at Simply Guava.  Kaloka ang mga pangalan!  Akala mo, flavor ng Magnolia Ice cream.  Kaya si Lovely, baka mag-bagong-anyo pa yan.  Depende kung magustuhan ko yung lalabas na bagong manyika.  Dilaw ata ang kulay ng buhok nung Simply Mango.  Green kaya ang damit nya???  Parang indian mango ang dating.  Yung Simply Guava, medyo pink ata ang buhok.  Mwahahahha!! Winner sa pangalan talaga.  Kaya labs ko ang mga hapon eh.  Very funny without meaning to be. he he he

Minicake
Minicake

Kaya eto ako.   Dahil nga miss ko na silang laruin, maglalabas muna ako ng mga pictures ng aking mga dollies.  Marami na silang sapatos.  Marami na rin silang mga bags.  Malapit na silang lumaban sa America’s Next Top Model – Blythe Edition.  Mistulang Tyra Banks!

These days, dun muna sila nakatayo katabi ng aming iMac.  At tinititigan si Bossing habang nagko-computer.  Mistula bang sinasabihan sya na, “Matulog ka na!  May pasok ka pa mamaya!  Tigilan mo ang kaka-fezbux!”  Mas lalo na si Lovely kasi di ko pa napapalitan ang mata kaya may orange syang mata na akala mo lumiliyab.  Mistulang “Shake, Rattle & Roll”.   Which reminds me… si Bossing nalulukring sa akin yan kapag kinakausap ko ang mga manyika ko.  Feeling nya nawawala na raw ako sa sarili ko. Gusto kong sabihin, “Hellers, hindi naman ako nag-e-expect na kausapin nila ako, no!”  Para sinasabi ko lang naman na, “Ano bra… bakit ayaw pumasok ng paa mo sa boots?  Lumalaki ba paa mo?”  Para ganun lang, eh.  Kalukringan na ba yun?  Eto talagang si Bossing… Too much…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 22107 beses ng 4626 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

5 thoughts on “I Miss My Dollies”

  1. Kay gandang mga manyika! Big head, small body. Yan ang beauty standard sa fashion industry. Kaaliw ang hobby mo. Kamusta na ang paa Ate Sienna?

  2. sisterette!!! Ok na ang feet ketch, tenchu sa pag-ask. medyo minsan may apak pa rin akong mali pero overall nakaka-rampa na ako ulit.

    dapat talaga parang martian ang mga modil, ganun??

  3. naku mads, di ako nakabili nyan. i was too busy munching every bit of Tokyo i was seeing.

    MUJI and SOU SOU were the biggest hits for me. and everything in between (men.)

  4. hi i am researching about Blythe dolls and came across your page.
    kakainggit dolls mo :)nice! are you here in the Philippines? do you know shops where i can buy them? would appreciate your help. Thanks a lot :)

  5. Hi! I am selling a brand new Blythe Doll (still in box). Bought in Kiddyland toy store, in Harajuku, Japan 2 weeks ago. Height is almost 12″, with long light brown hair and interchangeable eyes (brown, blue and green.) outfit is Urban Cowgirl. I’m selling it for Php 9,000.00

    you can contact me at 09398460820 for inquiries.

    I do meet ups in mandaluyong area only.

    Thanks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *