Google Woes

San Ka Pa?
Nung minsan, pinadalhan ako ng Google ng email:
“Direst Ate Sienna,
How is you? I hope yur ok. As a matter op pak, we are writing to you this email becoz your websayt, pansitan.net, is cloaking some spams. Not the de-lata but some kinda hackers put the text about the Viagra en the Tarmadol en da Cialis en da Online Pussy. So because we don’t want those in the google search, we are suspending your site. Not tagal naman, only 30 days. If you clean up, you tell us and we will do our best to put you back. But you wait, we have so many labadas to do.
Lab en kisses,
Google”
Paano nangyari yun? Eto, warning na rin sa inyo, mga syupatiders sa pananampalataya. Kung kayo po ay may Wordpress at type ninyong mag-install ng mga bagong templates sa website nyo, medyo ispat-ispatan nyo lang muna ung mga files nyo sa header at footer. At kung may mga encrypted chorvala ditech na hindi nyo maintindihan (sipatin ang header at footer kung is there is a “eval(base_64)” chuvanetch), malamang sa malasado, hindi nyo dapat ilagay sa site nyo. Pramis. Maniwala kayo.
Dun nagsimula ang problema.
Balik sa kwento.
So ako naman, nataranta… naglinis ng mga files SA LAHAT ng subdomains. Sinilip ang lahat ng mga files ng mga boarders at tinanggal ang mga medyo kabading akong may problema. Humingi ng ako ng tawad sa Google at nagmakaawa na ibalik kami. Pero malas, ganun pa rin – tinanggal kami sa listahan nila. Kaya ngayon kanda-intay ako ng 30 days at baka naman ibalik na kami pagkatapos. Mistula kaming grounded ngayon.
At habang naghihintay, naglilinis pa rin ako. Naghahanap pa rin ng mga malisyus na mga buset na mga files. (Maglilinis tuloy ako ng mga patay na na subdomains. Wala lang… naisipan ko na lang, it’s about time.) Pati sa hosting ko, nagpapatulong na ako. Baka may alam silang hindi ko alam.
Hakshuly, tiningnan ko ang Yahoo search engine kung apektado ba sila ng nangyari sa amin sa Google. Shet, andun pa rin kami. Tumataginting na amin ang #1 slot kapag tinayp mo ang “Pansitan”. Kami rin ang #1 sa Lycos, Altavista.com, Alexa.com, Live.com, Dogpile.com. So leche, why-liwayway ba akong natataranta?!?!?!?!
Dapat nga bang katakutan ang Google? Eh weno naman kung wit ka sa listahan nila? May mawawala ba? Mala-Dyos ba sila na kapag nawala ka sa listahan nila eh naglaho ka na sa balat ng internet??? Diyos ba sila na lahat ng bagay pwede na nilang malaman?? Na mistulang si Taning, kailangan ng super skills para malansi mo sila. Tsk… kahit saan nandun na sila. Saan ka pa, Lukresia?
Da thing is, nakasanayan na talaga ang Google. Gusto mong malaman kung paano gumawa ng bomba gamit ang sanitary napkin, o gusto mong magluto ng Bicol Express na hindi maanghang, i-google mo. Gusto mong malaman kung paano pagagalingin yang buni mo sa leeg o yang cancer mo sa utak, i-google mo. Gusto mong malaman kung paano pupunta ng Paris galing ng Noo Yok ng hindi sasakay ng eroplano – i-google mo! Lahat yan, nasa Google!
Kaya nga nagkaroon pa ng panahon na sinasabi ko, kung wala ka sa Google, you don’t exist. Pero dati yun – nung hindi pa nagaala-Diyos ang Google.
I heb to admits, malaking tulong talaga ang mga lolo mo sa googles sa pansitan.net. Marami silang pinapasok sa aming mga parukyano. I heb to admits also, bababa ang traffic namin dahil nga kebs kami sa kanila ngayon.
Pero may magagawa ba ako? I-stress ko ba ang sarili ko? Hindi na lang. Iintayin ko na lang na maisipan nilang mababait pala kaming tao at ibalik nila ang grasya nila sa amin. Thirty days of darkness lang naman daw. Harinawang tumupad sa pramis. Pero kung hindi, wit akong magagawa… I em not da God!
At naisip ko, kung visitor ka naming madalas, medyo alam mo na kung paano ka makakarating sa site namin o di kaya eh nasa bookmarks nyo naman kami. At kung hindi mo kami matandaan, medyo tyagaan mo lang ang paghahanap at andyan pa rin kami – sa mga website ng mga kaibigan. Pasensya na po, talaga lang pong nagkadelubyo ng konti. At kung medyo windang pa rin kayo, hanapin nyo na lang muna po kami sa Yahoo, Altavista, Lycos at kung anik-anik pang search engine. Hindi kayo uuwing luhaan…
Maraming salamat sa lahat ng panahon na pagtangkilik nyo sa lahat ng mga boarders ng pansitan. Paki-kalat nyo na lang po na medyo nasibak lang kami sandali, pero buhay na buhay naman po kami.
Sya… dyan muna kayo. Mag-aayos lang ako ng mga google ads ng mga websites ko. Iiwanan ko na lang po kayo ulit ng word of wisdom:
Nothing in this world is perfect except the word “change”.
(he, he, he)
(Nakita 6201 beses ng 1408 bisitors)

hello po..
ang ganda naman ng website mo..
hehe
add ko kau sa links po
mwah
salamas, yffar.. nakikita kita sa website ni mommy mandaya :)
salamat sa pag-add ng link :)
ok lang po yan, hindi kasi nagttagalog ang google kaya baka hindi naman nila nabasa ang content nyo.
kip it ap! ;)
sa tingin ko nga nagiging uso na yung pag hack ng mga wordpress themes dahil marami ring nag da download.
Meron akong nakitang wordpress plug in na pwedeng mag scan ng themes tsaka core files para malaman mo kng may “unwanted code”.
but i think its still better to check the files personally. lalo na kng ikaw yung gumawa ng templates mo.
napadaan lang po galing sa post ni (HRH) Reyna Elena.
kahit sabihin naman nating dey ar not God, eh dey stil hav da powahhr…
at sabi po nyo: I em not da God!
siguro kasi po (hula ko lang ha), you ar da goddess!
belated happy Valentines!
GB,
talaga?? meron nun?? mahanap nga! altho may binili kasi akong sw na pang-gawa ng templates. kakainis kasi ang mga hackerz, walang magawa.. mga pasaway!
brother utoy!
sinabi mo pa, brader.. kakainis, diba? pero may magagawa ba tayo? eh trendsetter sila ngayon. parang nintendo, ang galing ng Wii, diba?