Bawal Magreklamo!
May K ba akong magreklamo ng kahit na ano tungkol sa buhay eh andito ako – may bahay, may trabaho, may kinakain, may sinusuot, hindi binabagyo, hindi nilalamig…
May K ba akong maghinagpis eh andito ako – kumpleto ang mga kamag-anak at mahal sa buhay, mga magseselebrate ng birthday, ng anniversary, ng binyag, ng kasal… walang ililibing.
May K ba akong huminga ng malalim samantalang ano man ang problema ko ngayon, ga-ano lang yun, kumpara sa problema ng mga taong nasalanta ni Ondoy at Pepeng…
Wala…
Kaya hindi muna ako magmamaldita kahit na kanino o kahit na sa anumang bagay. Hindi pa ako tapos magdasal ng pasasalamat na ok lang ang pamilya ko at walang sinalanta ng sobra. Hindi pa ako tapos magdasal para sa mga nasa Pilipinas na talagang minalas. Hindi pa ako tapos magdasal na sana marami pa ang tumulong sa kanila.
Basta, utang na loob lang, paki-usap, wag nyo naman silang bigyan ng sira-sirang damit. Wag rin naman expired na mga delata. Ok lang ang dyapeyk na t-shirt at pantalon, salamat din sa mga nurses na tumutulong sa mga nagkakasakit.
Sa lahat ng Pinoy sa Pinas at sa buong mundo, salamat sa inyong mga tulong. Kaya natin ‘to.
(Nakita 22589 beses ng 3086 bisitors)

why not ate sienna? if it will do good to the oppressed and the underprivilege, why not? Kailangan nila ang maanghang mong salita para di nila inaapi ang iba…
hehehe, para namang naririnig ako, davah?? pero kunwari feelinggera akong pinapakinggan ako ng mga powers-that-are… pahinga lang ang lola mo. iintayin lang na mag-ayos-ayos ang mga kapatirang pinoy at pagkatapos nun, balik tayo sa normal programming.
en-eben-den, pinaglapas ko ba ang bitak-bitak na mga damit?? hehehehe hindi ko kasi kayang hindi, ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!
sabi nga sa facebook, i like this! hehehehe
at siempre, facebook or no facebook, I like YOU! :))))
Ganyan din ang naiisip ko, Ate Sienna, tuwing may mga bagay-bagay sa buhay na ikinadidismaya ko nitong mga nakalipas na araw. Iniisip ko na lang na masuwerte o pinagpala pa rin kami’t brown out at konting pagkabasa lang ang hassle na tiniis namin. Ano ba naman iyon kumpara sa dinanas ng iba?
Syempre, may mga bagay na nakakapikon minsan. Pero pag kumalma na ako ulit, balik sa ganyang isipin: salamat sa Diyos at maluwalhati kaming nakalagpas sa unos. Mas mahalagang pag-ukulan ng pansin kung paano tayo makakatulong na pagaanin ang pagdurusa ng napakarami nating mga kababayan.
uyyyyyy!!! Prenship Ederic! Musta ka na??? (Bakit ba tuwang-tuwa ako kapag dinadalaw mo ako? Wala lang, hehehe)
Eh siempre, tao lang naman diba? Minsan nga mapapareklamo at mura pa ako pero bigla akong reresbak at maiisip ko, ayaw ni Lord ng reklamador tungkol sa buhay. Bigla tuloy akong magso-sorry kasi talaga namang walang K akong mag-a-a-angas.
(Pero pwedeng mangpuna ng mga nakakayamot, diba? See next entry, :)