Every Cloud Has A Silver Lightning
Laughter is the best medicine. Specially if you have no money to buy your medicine. Ikanga, tawanan mo ang iyong problema.
Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binigay Nya sa akin si Bossing. OO, my answers have been prayed talaga! Kasi si Bossing ang nagpapasaya ng araw-araw ko. Kahit na nga mainit ang ulo ko, kapag nag-joke yun hindi pwedeng hindi ako matawa. Mas lalo kapag nasa mood syang maging komedyante. Kasi nga feeling nya, kalbo sya.
Pero matindi ang sense of humor ni Bossing. Ang sense of humor naman hindi lang yan kung matindi kang magpatawa. Ang tutuong basehan ng sense of humor eh kung makakakita ka ng silver lightning (he he he) behind the clouds. Yung tipong kahit na medyo bad triff na ang event, may masisilip kang mabuting nangyari or better yet, hindi mo iindahin at dadaanin mo na lang sa tawa.
Si Bossing hindi natatakot yan na pagtawanan ang sarili nya. Masyado kasing mababa ang loob nya. Hindi marunong magyabang, hindi marunong magbuhat ng sarili nyang bangko. Minsan nga nagagalit na ako sa kanya kasi he doesn’t think na special sya. Sabi ko nga sa kanya, “alam mo, tumigil ka na kasi lahat ng tao, anak ng Diyos. Parang ikaw, special child ka.”
Kapag nagkukwentuhan na kami nyan ng mga problema ng mga kaibigan o mga kamag-anakan namin, ang lagi nyang bukam-bibig, “kanya-kanyang animal lang yan.” Kumbaga, lahat daw ng tao may sari-sariling mga hayop na nasasaloob nila na kailangang labanan. O parang ganun. Hindi ko rin kasi ma-explain pero naintindihan nyo ibig nyang sabihin, diba?
So nag-graduate na si M kahapon ng college. Nagpunta si Bossing, si Lola at Ninang sa Philadelphia para manood ng graduation nya. Hindi na ako sumama kasi tatlo lang ang ticket at feeling ko, dapat lang, ung mga taong nag-hirap sa pagpapalaki kay M ang dapat na makita syang umaakyat sa entablado para tanggapin ang diploma nya. Nung pag-uwi nila galing Philadelphia, nagkwento sa akin si Bossing na talaga raw umiyak sya nung tinawag ang pangalan ni M. Di raw nya mapigil. Sabi ko nga sa kanya, natural na maging emosyonal sya dahil hindi biro ang pinagdaanan nya para mapagtapos si M. Sa kanya, ang pagtatapos ni M ang culmination ng lahat ng taon na nandyan sya para sa anak - ang pagpupuyat, ang pagtu-tutor, ang paghatid-sundo, ang lahat ng pag-iisip tungkol sa matrikula, baon, at lahat-lahat na. Napagtapos na nya ang anak nya. Yun ang rason ng pag-iyak nya – ang tuwa, ang nostalgia, ang pagbalik-tanaw sa lahat ng pinagdaanan.
Kaya para sa asawa ako, congratulations… You deserve every honor, every high grade, every award na natanggap ng anak mo. Winner ka, mylabs! Lahat ng balakid nasurvive mo dahil na rin sa iyong sense of humor.
(Nakita 26892 beses ng 4168 bisitors)

Napagandang istorya. This is a heartwarming experience na dapat tularan ng bawat mag-aaral. ^_^
thank you, Dear Bloggery. Binisita ko ang blog mo din eh :) What’s Barrio Siete?
ang sweet naman! :D
agree ako dun sa “kung makakakita ka ng silver lining” (lightning) mo. walang pinagkaiba yan dun sa seeing a half-empty glass of water as half-filled. reminds me of a lot of Robin Williams film. To some degree alam mo, wisdom yung makakita ka ng light moments sa mga kritikal na sitwasyon. Hmmm, oo nga ano, at ang hirap gawin nun. Pag ako nasa sitwasyon niya, mas malamang magmura ako. hahaha. yun ang unang reaksyon ng katawan ko pag naiipit sa krisis.
Parang gusto ko tuloy hanapin sa torrent ang “Awakenings” at “Patch Adams”.
ayyy… alam mo bang naniniwala ako dyan sa half empty/half full ideology na yan. dun mo malalaman kung may positivity ang tao o wala. atsaka it makes it easier to bear when the going gets really tough talaga.
parang ok lang ang half-full na beer kesa walang-walang beer. hehehehe
kakaiyak naman ng post mo ate sienz, pero tama naman lahat nasabi mo. agree ako the nth power.
follow me on twitter:
http://twitter.com/i_am_joey
thank you, Joey. :)
you’re right… talagang laughter is the best Health medicine ever…
hehehe… plugging sa website, ah! pero ok lang, deo. thanks for visiting also :)
amen ate sienna! sa dami ng problema, kundi mo tatawanan, baka pati itsura mo maging problema na rin.. asus, dagdag naman. you are lucky to have bossing in your life indeed!
SYET!!!! Ayokong maging problema ang fez ko. flisssss… ngayon pa nga lang talagang i’m trying to stop the signs of aging from coming out just yet. kaya talagang dapat hindi mam-roblema ng husto. dapat laging naka-ikmayl :)
a very nice story.. nakakinlove and in laugh :P
sabi ko nga sa blog ko
” I can’t imagine being with someone who doesnt make me laugh. I can be married to freaking tom cruise or brad pitt but once his botox collapses and his teeth start to fall off..bale wala lang ang lahat kund di siya marunong magpatawa! But if you’re with someone who cracks you up til you’re 80, now that’s the ultimate jackpot right there! If you’re in love and (what i would like to call it) “in laugh”, you’ll be able to weather any storm that comes your way. Having a good laugh each day is vital in my life, and it should be in yours too!”
By the way ate sienna, i really like your designs in your website… I wish i can do that as well… :)
hehehhe.. teka.. ibang usapan na ata yun kung si tom cruz o si brad feet yun!! di ko kailangan na kasama sila hanggang sa pagtanda. basta kasama ko lang sila ng bata sila. mwahahaa!!
hindeeee.. seryus, siempre naman, aanhin mo ang gwapo kung mabaho ang hininga. entonces, mahirap mahalin. kaya ako, dun na ako sa bossing ko, mabango pa ang hininga kahit bagong gising. :P
salamat ha.. karir move nga lang ang pagdesign kaya di ko madalas magawa.