PostHeaderIcon Flu

Nakakainis ang may flu. Ito na ata ang pinaka-grabeng flu na naramdaman ko. At ang nakakainis pa nito, nagpa-vaccine pa ako. So para que pa????  Mabuti pa nung hindi ako nagpapa-flu vaccine, hindi ako dinadapuan ng sakit, (not unless I willed it and I said so, hehehe).

Hindi sana ako magkaka-flu.  Inaalagaan ko si Bossing kasi sya ang originally nagkasakit.  Ok pa ako eh.  Kaya lang later on, sumakit na ang likod nya at may symptoms na naman sya ng kidney stones nya.  So sa tulong ng panananakot ng mga kabarkada nyang mga nurses, nadala ko sya sa doctor.  Since wala na naman sa bansa ang GP namin, dinala ko na sya sa ER kasi at least, dun, makakapag-order ng mga lab tests, at makukuha agad ang results.

Bossing Sa ERSo nandun kami sa ER ng Franklin Hospital ng mga 3 oras (o, record na yun, mabilis na yun).  Pagbalik namin sa sasakyan, nagsimula na akong sipunin at ubuhin.  Ayun na, nung gabi, nagchi-chill na ako.  Kinabukasan, hindi na ako makapasok.  NAhihilo na ako kapag tumatayo,  sumasakit na ang ulo ko, masakit ang lalamunan sa kaka-ubo ng dry, at sipon na nakakainis kasi sumasakit lang ang ilong kong suminga ng wala namang lumalabas.  At tatlong araw na akong may sakit.  Hindi ito ang gusto kong gawin sa weekend ko.  Ngayon lang ako naka-hawak ng laughtaff kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na umupo at humarap sa laughtaff.   Pero pareho pa rin kami ni Bossing na may sakit.  Mas magaling-galing lang sya ng konti kesa sa akin.  Buti na lang.  Otherwise, nagutom kaming dalawa.

Pero hindi ko natiis. Naligo na ako kahapon. Kahit may sakit ako, hindi ko mapatawad ang oiliness ng hair ko. Too much na.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 20057 beses ng 2894 bisitors)

7 Responses to “Flu”

  • The Pope says:

    Get well soon, I hope by the time you read this comment you are back in good shape.

    God bless.

  • byter says:

    get well soon ateng, wawa ka naman. pero ok parin kasi di H1N1.
    tagal ko di naka bisita dito, pagbalik na shock me kasi medyo dwangit na ang theme. mas syutiful yung dati.

  • ate sienna says:

    thank you, Pope… :) ok na si bossing. ako na lang ang medyo hindi pa. nagka-bronchitis kasi ako :(

    byter, ganun???? kakainis ka! hindi mo feel???? sige na nga, hindi ko rin kasi masyadong feel eh. babaguhin ko na, pramis.

  • bongk says:

    sana ay okay na ang feeling mo (at ni sir bossing na din) ngayon..

    maligayang pasko my prenship

  • reyna elena says:

    prehas lang tau ateng, kagagaling ko lang pasig, para magkasakit dun. leche oo! then 2 weeks later, uwi nang philly. eto, anofanga ba! bwisit oo! hindi naman flu, pati kalamanan ko eh ewan, me rayuma na ata ang lola sa ginaw dito. grrr! yong bossing mo naman ang mag-alaga seyo kamo.

  • atesienna says:

    ay true, reyna. tumatanda na nga ata tayo… kaloka!!! pero sa true lang, lagi naman akong alaga ni bossing. :) merry christmas sa iyo. harinawang g umaling ka na para makarampa!

  • atesienna says:

    BONGK!! Tenchu po. magaling na si bossing, ako, bumalik na naman ang sipon at ubo at ang boses ko, baritone pa rin.

Leave a Reply

Archives
Personal - Top Blogs Philippines