PostHeaderIcon Happy New Year!!!

Happy Holidays!So matatapos na ang unang dekada ng 2000. Ang bilis, davah? Eh parang kelan lang kailangang tumambay ng dyopisina kasi nag-aantay kami ng pwedeng maging problema ng pagpalit ng taon sa year 2000. Y2K, naalala nyo ba yun? Yun pati raw microwave eh sasabog. Eh eto at 2010 na – ang huling taon ng new decade. Ang dami na kayang nangyari magmula ng year 2000?? I swear! Masyadong umeksena ang past decade sa buhay ng lola nyo. Mistulang para akong si Manylin Reynes na tinaguriang “Star of the New Decade” sa dami ng mga anitch-anitch na nangyari. Pero kwidaw lang, wit ko tipis matulad kay Mane dahil hindi pa natatapos ang bagong dekada, medyo nawala na sya. Hmmmm…

At dahil bagong taon, bagong template. Hindi ko kasi na-feel yung template ko bago yung christmas template. Parang walang dating at hindi maganda ang aura. Kaya binreyk ko ang bad vibes, nagpalit ng christmas template at itong template na ito na ang sasalubong sa 2010. Malinis, malamig sa mata. Op kors andyan pa rin ang aking doggie na si Kitty na nagbagong anyo. Just to signify na hindi naman ako ganun ka-choosy. Pwede sa akin kahit na hindi Cavalier King Charles. Altho yun pa rin ang number 1 choice ko. (Harinawang bago matapos ang taon dumating na si Kitty sa buhay ko.)

At segueway to that, nagrerecruit ako ng mga bagong members. Marami nang nawala, marami na rin ang hindi nagbo-blog na tatanggalin ko na – as in taon na ang binibilang. So kung type ninyo, sabihin nyo lang sumali at masama sa Pansitan community, email nyo ako sa atesienna at gmail dat kom. Ang requirement ko lang, harinawang masipag kayong mag-blog at kung ayaw nyo ng mag-blog, which happens, sabihan nyo lang ang kasera ninyo. (Aketch yun!)

So unti-unti, makakakita kayo ng mga changes sa Pansitan. Exciting yun… So ano pa tinitingin-tingin nyo dyan? Sali na kayo! ‘Wag na kayong mahiya. Mabait ako, kahit sa personal. Kung sa TV eh pakaway-kaway ako, kahit sa backstage, ikmayl pa rin ako ng ikmayl. Parang si Mega. Super bait din ako.

At dahil ayaw ko nang sabihin ang mga resolution ko, dahil napapansin ko na kalagitnaan ng taon hindi ko na rin nagagawa, hindi na ako gagawa ng resolution. Tulad ng sasabihin ko pa ba sa inyo na magpapapayat na ako at gusto kong habulin ulit ang weight kong 100 lbs (gudlak sa akin)? Hindi na, diba? Akin na lang yun. At siempre hindi ko na sasabihin sa inyo na magbo-blog na ako ng madalas. Dapat nyo bang malaman pa yun??? Akin na lang yun siempre!

Hemingweys, bisperas na ng 2010 ngayon. Mamaya, go-sago kami sa friendship bond namin para dun salubungin ang bagong new year. Sa mga nasa Pinas, ikanga ni Papi na dyowa ng syufatid kong si Patring, sa labas mag-paputok at wag sa loob. Ingat sa mga firecrackers, mas lalo na yung malalakas ang putok (maligo naman kayo, new year na!).

Entonces, mula sa amin ni Bossing ko, Happy New Year, mga prenships! Here’s to another new year’s eve. (Barry, istatue????)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 12713 beses ng 1922 bisitors)

8 Responses to “Happy New Year!!!”

Leave a Reply

Archives