Hay Naku… Hindi Ako Excited, No!
Go-sago kami sa Florida ng 9 days (parang novena kay St. Jude, hehehe) simula itong Sabaders. Pupuntahan namin si Spidey sa Universal Studios sa Orlando at magpapakasasa at magpapa-tan sa Clearwater Beach.
Excited ba ako? Hindi, no! Excited ba yun…
Nakaka-tatlong linggo lang naman akong bumibili ng mga outfits sa Macy’s, Old Navy, Gap at Gabriel Brothers?
Panic buying lang ako sa Old Navy ng mga summer t-shirts ni Bossing na half-off ang presyo dahil puro dark colors pala ang mga t-shirts nya (siempre para hideaway ang mga bulges at bilbil)?
Limang swimsuits lang nga ang dala ko? (kung excited ako eh di anim na swimsuits ang dala ko… teka, may isa pa pala akong swimsuit na pwedeng dalhin)
Nakaimpake lang naman ang halos lahat na ng outfits sa mga duffle bags namin nung isang linggo pa?
Nilagay ko lang naman sa spreadsheet ang mga menu at mga toka naming pagkain nila Veck at Rose?
Naghahagilap lang ako ng mga music at sinex na ilalagay ko sa iFod ko para hindi ako mainip sa byahe? Ever!
Tingin lang naman ako ng tingin ng website ng Universal para sa discounted tickets at nagpaplano lang naman ako ng mga magiging shots ko sa Clearwater?
Sus, hindi ako atat, no!
Mamatay na ang excited!
(Nakita 14562 beses ng 2616 bisitors)

Go lang ng Go, Bakla!
Flanggana, sister!!!
hindi ka naman tlga excited ate sienna!!! :) heheh
ingat ingat po and enjoy!!
ay, talaga. hindi ako excited, ever. hehehehe
tenchu :)
grabeh limang swimsuits….
anim na nga, davah? nakita ko pa yung isa ko pang swimsuit. hehehehe
Shout out from California. I luv your blog, Ate Sienna! The topics you cover, plus I luv the way you talk, bading na bading!!!
Hab pun on ur beykeysyon!
salamas po!!! balik-balik ka lagi ha. marami akong tsika – kapag may time and space sa aking colorful world :)
itigil mo na nga yang mga bakasyon blog na yan, nakakainis ka na. inggit na inggit na ako. hmp.
mwehehehehe.. mainggit ka kaya kapag sinabi kong next weekend sa beach ako ulit at sa last weekend ng july, camping naman kami? hindi kita iniinggit ha.. nagkukwento lang ako. hehehehehe
walang bahid ng excitement Te! di ka man lang nag-abala… mag vitamins ka po kaya ng tumaas energy mo, hehehe!
*inggitera mode as of press time
hay naku, wit na vitamins, lola! natural high. eh hindi nga ako na-excite, diba? slight lang :) hehehehehe