Mike Francis, 1961 – 2009
Patay na si Mike Francis…
Oo, affected ako sa death nya. Sobrang national anthem kaya naming magkakaibigan ang mga kanta nya – “Survivor”, “Let Me In”, “Friends”, “Nighttime Lady”, “Dusty Road”, “Don’t Start Giving Up”, “Features of Love”, “Together”, “Suddenly Back To Me”, “Dreams of a Lifetime”, “Cover Girl”, “Check It Out With The Groove”, “Lovely Day”. You name it, lahat yan may mga memories kami – kanya-kanya atsaka collective.
Landmark of my youth yang si Mike. Nung panahong usong-uso ang mga parties sa Co-re (Corinthian Gardens), Valle (Valle Verde), pati sa Greenhills, talagang hit na hit ang dance floor kapag mga kanta na nya ang tinutugtog. Sya rin ang madalas na maririnig mo sa mga kotseng dala-dala namin nun. Driving music din kasi sya eh. Swabe lang pero klik na klik sya sa amin. Sadly, wala syang concert sa pinas na pinanood ko. Eh piano, nasa Canada na ako nun. At ang mga kaneydyan hindi sya kilala. True-lash, hindi sya kilala sa North America. Big lost for them.
Ano ang pinaka-peborit ko? LAHAT! Pwera OA, LAHAT talaga. Pwede nga akong makinig ng Mike Francis ng paulit-ulit buong araw, at sasayawan ko pa lahat, paulit-ulit din. At habang pinapakinggan ko, reminiscing na lang ako ng mga gimik at artehan naming magbabarkada nung mga panahon na yun. Sa true lang, kapag si Mike Francis na ang pinapakinggan ko, naroromanticize ko na ang kabataan ko – wala na yung lungkot, wala na yung hirap. Ganun ang epekto ng mga kanta nya sa akin ngayon.
At para sa iyo, Mike, maraming-maraming salamat sa lahat ng mga parte ng buhay-bagets namin na nalagyan mo ng soundtrack. Forever ka naming maaalala…
I lab Mike Francis talaga!!! (Hikbi…)
(Nakita 4600 beses ng 1207 bisitors)

Let Me In is still my favorite and Friends with Amii Stewart. RIP Mike and thank you for the music…
huwat? so sad naman… fave ko yung let me in tsaka lovely day… thanks for the wonderul music mike… you will be forever remembered…
listening to Let Me In now…goosebumps. sadness ate
ay, dawn selya, ako man.. pero nakita mo na ba ang mga videos ni amii stewart sa friends? so madrasta ang mga moves! hehehe
line prenship, true… sad diba??
bananas, ako man, ate.. so many times ko nang paulit-ulit ang mga songs nya. pero ha, ang mahal ng mga CDs nya online. may mga binebenta na mga $149! sobra! nahiya pa, kinulangan pa ng $1 para mag-$150. divi-mentality. hehehehe