Para Sa Isang Nagdaang Pag-ibig
Hindi naman ako kagandahan. Pero hindi ko rin naman masasabing dyongitera ang lola nyo. Nagkaroon naman ako ng mga manliligaw nung nasa grade school at high school. Nagkaroon pa nga ako ng dalawang kaboyprenan nung 3rd year at 4th year ko. Sinamang palad na yung aking puppy love nung 4th year ako, nakipag-break sa akin kasi nga, strict ang feyrents ko. Pero nung panahong nag-aral ako sa USTe, eh talagang hindi ako pinapansin ng mga hombre dun kasi ang type ng mga type ko, mga mestisahin. Eh hamak akong kayumangging hilaw – as in manilaw-nilaw ang kulay. Alanganing maputi, alanganing morena, alanganin… period. Hindi umubra ang bertud ko sa kanilang lahat.
Nung matapos ako ng college at namasukan sa Makati, medyo parang napansin na ako ulit. Siguro kasi natuto na akong mag-ayos ng sarili ko at mag-muk-ap. Na-hide ang mga blemishes at natutong mag-stockings at mag-mini skirt. Nung nagsimula ako dun, may isang boylet na bagong graduate din na halos kasabay kong pumasok sa upisinang yun. Ok na sana ang fez value kaya lang twing lumalapit sa akin, kinakatyawan ako ng mga prenships kong mahadera dahil “Jaykel Mackson” daw – nakaputing medyas at itim na sapatos, medyo bitin pa ang pantalon. Kulang na lang mag-moon walk to the tune of Billy Jean ang background music habang papalapit sa akin. Di ko masabi sa mga bruhilda, eh kinikilig ako sa kanya eh, kebs nyo ba! Feer freysyur ang lola nyo.
Pero tuloy pa rin ang pagpapa-cute ni Jaykel Mackson. Hindi ako magdadalawang-salita kapag pinapupunta ko sya sa floor namin para tulungan ako nun sa computer ko. Kunwari lang naman akong tanga-tangahan. Ang tutuo nun, gusto ko lang syang makita. Pero siguro nga, mistulang bagets pa ako nun, nadadala ako sa kantyaw ng mga prenships so walang nangyari sa aming dalawa. Nagkaroon ako ng boylet sa ibang building. Pero hindi rin naman nagtagal yun.
For some reason, after about two years na nagkakausap lang kami sa hallways kapag nagkikita, nagkaroon ng chance na mag-dinner kami ni Jaykel. Nangatyaw lang ata ako nun. Eh kumagat. So gumora na ako. Sobrang nagpaganda pa ako nun. Kaya lang, too late na. May ka-chorva na pala syang ibang girlalu na school mate pa ng isa sa mga mahadera kong besprens. Eh siempre, expect-in ko bang intayin nya ako. Ano naman ako, sobrang ganda??? Pero ewan ko ba kung ano ang pinakain sa akin ng negrong yun, para akong naloka sa kanya. As in totally, na-windang ako sa kanya. Kaya lang, this time around, na-feel ko, parang ako na lang ang naghahabol. Altho in fairness to me, may mga moments na alam ko, karesh naman nya ako. Pero hindi naman ako nag-demand, hindi naman ako nag-maasim ever na, “Alam mo, unfair ka. Kung type mo ako, jiwalayan mo na ang girlalu mo, no!” Yes, lola, nagdrama akong the other woman ako. Feeling ko para akong si Ate Vi sa kanyang Boyet de Leon at gumaganap kami sa pelikulang “Relasyon”. O diba, best actress ang Ate nyo dun, davah! Di ko talaga alam kung bakit nagpakaloka ako ng husto. Ang daming love letters, ang daming movie premieres, ang daming concerts, sobrang daming dinners at out of towns… pero hanggang ganun lang. Na gugustuhin kong kahit magka-anak na lang ako sa kanya. Ok na yun… (Of jors, in restrospect ngayon, kagagahan yun.)
Tumagal yun – 5 years? 6 years? Lumipat na ako ng ibang upisina, nagkikita pa rin kami. Pinilit kong maghanap ng ibang boylet, pero hindi pa rin, eh, bumabalik pa rin ako sa kanya. Nagkanda-mistulang anorexic na ako sa sobrang stress at tensyon kapag nalalaman kong kasama nya ang girl, at hindi kami ang magkasama. As in mega-suka sa sobrang tensyon.
Nung malaman kong nag-break sila, kanda hintay akong sasabihin nya sa akin yun. Isip ko, siguro naman, I deserve being told sa tagal na ng pagsasama namin. Only for him to deny na break sila. Dun ko naisip, tama na… ayoko na. If he doesn’t want to tell me the truth, at hindi ako worth it na sabihan nun, ano ang silbi ng kalokohang ito? At yung dinner na yun ang huling beses na nagkita kami. Ilang galon kaya ang iniyak ko nun. Anong sinabi ni Ondoy na makabaha sa buong Cainta sa tindi ng iniyak ko. Peks man, walang OA.
A few months after, nabalitaan ko na lang, ikakasal na sya. Dyontis ang girl. Dun ko mas narealize, wala pala sya talagang balak na maging kami.
Nagkausap pa kami minsan, nung first time na umuwi ako galing Canada at naisipan kong bisitahin ang mga prenships sa dating upisina. Nagkita kami, nagkausap pa. Ako na ang mayabang nun, boyfriend ko na si Andres nun. Nagyaya sya ng lunch the next day, umo-o ako pero hindi na ako nagpakita. Feelingera na ko nun.
Fast forward, 15 years after. Nakikita ko ang pictures nya sa internet. Nakikita ko pa nga sa fezbuk. Pero wit ko feel na maging prenship na nya. Pare que? Mase-save ba ang rain forest kung gawin ko yun? Yayaman ba ang pinas pag nagkipag-prens ako ulit? Ikayayaman ko ba? Tama na. Hindi naman siguro masamang may mga kilala akong nasa fezbuk na wala sa listahan ko. Ikanga ng mga syupatiders ko, “wag nang buhayin ang mga patay”.
Pero ganun pa rin ang itsura nya sa mga pictures. Hindi naman nagbago. Vice-president ng chorva-chorva. (Siguro, dapat lang. Nag-masters naman kasi sya ng business sa AIM, hindi naman ako dapat magtaka.) Ang girlet, girlet pa rin nya. At kung marunong ako sa math, at least, kahit isa, may anak sila.
Minsan, gusto kong isipin, sana hindi sya naging masaya. Sana pumapasok sa isip nya na nagsisisi syang hindi ako ang tinuluyan nya. (Hello, Bitter Ocampo, istatue???). Pero in fairness sa akin, at least, magkasumbatan man, hindi ko masasabing hindi ko ginawa lahat para maging kami exclusively dahil mistula na ngang tumambling ako habang kumakain ng pako para lang pakasalan nya ako.
Aaminin kong naimagine ko na rin at one point in time kung ano kaya ang naging buhay ko kung naging kami. Nasa ‘Pinas ako, asawa ng executive. May mga anak na pinag-aaral sa St. Paul o San Agustin. Nakikipag-tsikahan sa mga mahadera kong besprens sa Makati pag lunchtime, pinag-uusapan ang mga paborito naming telenovela. Manager na rin siguro ako ngayon. At sinusundo ni Jaykel pag-dating ng alas singko at mega-dinner kasama ng mga anak sa bahay sa Paranaque.
Pero pwede ring kung nasa Pinas ako, eh baka na-deds na ako ngayon dahil sa naging sakit ko. Eh di baka nabyudo rin ng maaga si Jaykel at naulila ng maaga sa ina ang mga naging dyunakis namin. Panget ata yun… parang hindi magandang ending.
Pero hindi ganun eh. Hindi yun ang gustong mangyari ng Diyos para sa akin. Nagsisisi ba ako? Hindi. Naisip ko, ang naging buhay ko pa pagkatapos ni Jaykel ang dapat pang mangyari pa sa buhay ko. Ang lahat ng pinagdaanan ko pagkatapos nya, dapat lang na pagdaan ko pa, kasi may ibang balak sa akin ang Diyos. Masaya ba ako ngayon? OO. No doubts. No hesitations. (Parang kanta yun…) Kaya hindi na ako magmamaldita at magfi-feeling selfish. Tutal, masaya ako sa asawa ako. Mahal na mahal ko si Bossing. At alam kong mahal na mahal nya ako. Nasa point na kami ng relasyon namin ngayon na looking forward na kaming dalawa sa buhay namin na kami naman. Iniisip na namin lahat ng gagawin namin hanggang sa pagtanda namin. Ngayon lang, for the first time in my life na may dyowawers aketch, hindi na ako natetensyon, hindi na ako nase-stress at hindi na ako problemado. Finally, after all the heartaches, si Bossing ang regalo sa akin ni Lord. Delayed ng so many years, pero keri na rin.
Kaya sige na nga, no need to be selfish, I wish na sana nga, masaya rin si Jaykel sa buhay nya.
At dahil hindi ko pa napapanood ito…
“…hindi lang ikaw ang may karapatang magmahal sa kanya! Hindi lang sa iyo umiikot ang mundo at hindi titigil ito kahit na mawala ka pa!”
Wala lang… he he he
(Nakita 14604 beses ng 2322 bisitors)

apir apir apir!!!!
korak! korak! korak!!
bongga! ang lab story ng lola… may kulang sa post mo lola, dapat may Dear Ate Charing sa umpisa para ala-MMK (as in Malala na Malala Ka)
mwahahahaha!!! Ikaw ba si Ate Charing?
Finally, after all the heartaches, si Bossing ang regalo sa akin ni Lord. – seryoso, kinilig ako para kay bossing. yiheee!
@jon mwehehehehe… sya din kinilig.
ganda!
kengz, ako ba yun? hehehehe