Tipis Nyo??
So nagtatanong ang mga prenships kung ano raw ba ang pinagkakaabalahan ko – heto. Masyado akong nagiging busy kasi malapit na ang Pasko. Excited ako kasi, perstaym, magki-christmas tree kami ni Bossing. For all the time na naging mag-dyowa kami, never pa kami nag-ambisyon na magdecorate ng bahay pag Christmas. Maraming rasones pero chorva na lang.
Wala nang masyadong mga Christmas decor na nakatago si Bossing. Pinagtatatapon nya halos lahat, tulad ng pagtapon ng isang mapait na kahapon (hellers, Ate Charo, are you listening?). Hemingweys, fast is fast, kaya kalimutan na natin ang nakaraan. Ang importante, ang ngayon. Ang importante, AKO (mwahahaha!). Oo na, masyadong mahaba ang buhok ko, hindi matawaran!
Pero ayun nga, pagkatapos kong maghalungkat ng beysmengt namin, nakakita ako ng mga malalaking wreath. Hmmm… not bad. Biglang umilaw ang bumbilya ko sa ulo (halogen pa yun, ha, wag okrayin!) Nilinis, sinabon, nilabhan at pinatuyo ko sila. Ang drama ko? Lalagyan ko sya ng bagong design. Sayang naman kung hindi ko gagamitin eh gagastos ka pa ba? Time is gold and money is golder. Kaya malaki na rin ang nasave ko
Nung hapon na yun, gumorrah na lang ako ng Michael’s, Jo-ann’s at dollar stores para dun mamili ng mga ilalagay ko sa wreath. OO, mga lolang nagtitipid na tulad ko, wag isnabin ang dollar stores. Sosyalera ang mga pang-christmas decor nilang mga balls, mga angels, mga ribbons. Mistula. Tapos $1 lang kada set so saan ka pa? Bumili ka man ng sobrang dami, tadtarin mo man ang Christmas tree mo nito, hindi ka malulugi. Winner na winner pa ang tree mo.
So inupuan ko ang mga wreath isang Byernes ng gabi, katapat ang TV na nasa istasyon ng HGTV sa show ni Candice Olson (para inspired, charot!) at sinimulan ko na syang gawin. Mind you, pinatuyo ko sya ng hair dryer dahil ginagawa ko na sya, hindi pa sya gaanong tuyo. Eh excited na akong kalikutin sya. So ang solusyon?? Ang magic hair dryer! Hindi ka nya iiwan sa oras ng pangangailangan! Yung gabing yun, with matching ngata ng orange at mani, nakagawa ako ng tatlong wreaths. Tapos kahapon ng hapon habang binabantayan si Bossing dahil nagkasakit (sumubra ata ang tuwa dahil nanalo si Pacquiao), gumawa ako ng dalawa pa kasi ipamimigay ko. May isa pa akong gagawin na ipapamigay ko rin pero nag-iisip pa ako kung ano ang ilalagay ko sa wreath. Kaya, siguro nek wik na yun.
Ang isa pa palang hindi dapat tawaran na lugar kung anditech ka sa Jameyrika ay ang thrift store. May Goodwill store kami na malapit sa bahay na dun ako nakakuha ng angel na malaki. Nakuha ko lang sya ng $5 eh hellers, magkano yun sa labas, no? So wag isna-isnabin ang mga “ukay-ukay like” na mga stores ninyo. Malaki ang silbi nila. Would you believe dun kami nakakuha ni Bossing ng turbo broiler na bago-bago pa at isang rice cooker. Davah?? Huwag isiping para lang sya sa mga Purita Kalaw, kaya wag mahiyang pumasok sa loob. Baka makakita pa kayo ng mga designer na mga shirts at pantalon, kayo rin.
So mabalik sa mga wreaths. Habang gumagawa ako ng mga ito, ang naaalala ko eh si Inang. Eh piano, mas magaling gumawa ng ganito yun. One time nga, nung bago pa lang sya nun sa Canada, kadarating lang galing Pinas, naisip namin na mag-benta ng mga Christmas decor. Bonggadera yun, maraming bumili. Kakaloka. Pero feeling ko baka maging frawd naman sya sa mga kre-ey-shens ko. Kasi ako nga, frawd eh. (He he he) Kamustahin naman, davah?
Kaya this Christmas, excited na excited na ako. Inaabangan ko na nga yung mga nagbebenta ng mga live Christmas tree kasi yun ang balak namin ni Bossing na bilhin. Hindi ko pa naranasan yung mag-live na puno. Sa Calgary kasi, dyapeyk din ang x-mas tree ng tyahin ko. Tapos nung nagsarili ako, kamustahin naman, paano ko naman dadalhin yun, davah eh sa 12th floor ata ako nakatira? Eh mas malaki pa nga sa akin yun. Kahit nung kasama ko ang ex-dyowaers nun sa California, parang hindi ko pa rin feel. Hindi rin nga ako nag-dedecor nun pag pasko. Atsaka kapag maliit lang ang apartment mo parang hindi ganun ka-inspiring mag-decor ng bongga. Not unless, malaki ang apartment mo siguro. Eh hellers, malaking apartment? Ang mahal kaya nun sa California.
This time, inspired ako kasi maganda na ang salas namin ni Bossing. Pwedeng-pwede nang magpa-akyat ng dalaw. (Parang manliligaw, anoba!) May maganda na kaming sala set (salamat sa paluwagan!). May bagong kurtina na kinarir ko ring gawin. Gagawa pa ako ng mga throw pillows at bagong table runner. At gagawa rin ako ng centerpiece para sa dining room namin. Kaya ang bahay magmimistulang a whole new world – shining, shimmering splendid!
So huwag nang tanungin bakit ako nawawala, bukod sa maraming social gatherings (tulad ng party naming magkakaibigan nung laban ni Pacquiao), sinasapian ako ng kaluluwa ni Candice Olson at nagde-Divine Design ako.
Mabalos!
(F0r more pictures ng mga wreaths ko, punta na lang kayo dito. At kung type nyong magpagawa at malapit lang kayo dito sa amin nakatira sa Maryland, email nyo ako. Madali akong kausap sa presyo. He he he)
(Nakita 14417 beses ng 2230 bisitors)


Artistic ang bruha!
tenchu, mamu! mana sa iyo, dibanetch?
naku ate sienns, kaklase kita sa Goodwill paghanap ng magagandang Christmans decor. At huwag mong isnabin, karamihan sa nakuha ko doon wala ng kapareho (novelty) na kasi alam mo naman dito piniphase-out ang mga old prods.
kaya lang ayun iniwanan ko na rin sa Sanfo.iba pinadala ko sa Pinas.
Ngayon naggagawa naman ako ng bago, nangangati nga ang aking paang pumunta rin sa michaels, ang bilihan ko ng mga beads at mga paggantsilyo. sayang walang tumba-tumba.
nagtry na ako ng totoong Christmas tree sa Calif. mahirap lang magdispose pagkatapos kasi dadalhin mo siya doon sa isang lugar kung saan pipick-upin sila ngtruck.
type ko! ganda ng mga creation!