Merry Christmas Na!!!
Pagpasensyahan nyo muna ang template ko. Nagbababagong-anyo ako ulit – parang si Valentina. Kaya habang pasko, deck the halls muna.
Marami pa akong pictures at mga anik-anik na ipopost kaya lang dahil pasko, sobrang toxic ang environment – trabaho, social life, love life. Medyo bumababa na ang treshold ng wallet ko dahil sa pasko pero keri pa rin. Christmas comes just once a year. Na-blizzard kami nung Sabaders kaya si Bossing, nakatulog sa kakashovel ng driveway. Katatapos ko lang magbalot ng mga regalo at maayos na ulit ang salas namin. Tatlong linggo nang nakatayo ang Christmas tree at winner ang decor. Nakapag-bake na ako ng mga christmas cookies at naipamigay na ang first batch sa mga prenships. Idedeploy ako sa kabilang building sa trabaho kasi simula na ang toxic kong training. Baka mas lalo na akong hindi maka-hawak ng internet sa opis kapag napunta na ako sa bagong cubicle ko.
Pero dahil Pasko pa rin naman, ito na lang muna ang ibibigay ko sa inyo. Mga pamangkin ko ito kay Patring na nasa Calgary. Nung pinapanood ko ito, tawang-tawa ako pero tulo ng tulo ang luha ko at sipon. Halos murahin ko si Patring sa fexbuk kasi nga pinaiiyak ako. Sa true lang, miss na miss ko na naman ang pamilya ko – sa Canada at Pinas. Kung pwede lang talaga si Bossing umalis, nasa Calgary na kami ngayon. Pero di bale, this year, magkikita-kita kami ulit – baka sa pinas pa. *crossing fingers, legs and eyes*
Kaya, para sa inyo, harinawang masaya ang Pasko nyo at kasama nyo ang inyong mga mahal sa buhay, harinawang kasama nyo silang rumarampa sa mga malls, sa mga gimik at kung saan-saan pang mga parties. Harinawang masaya kayo ngayong Pasko. Merry Christmas mula sa akin at kay Bossing ko :)
(Nakita 13686 beses ng 2040 bisitors)

Merry Christmas Ate Sienna! =)
It’s a typical scene for every Filipino family wherever we are to be soooo busy this Christmas season, the unending preparations, the gift buying, groceries shopping and left and right Christmas Party commitments plus reunions. And to sum it up, it pushes your energy to maximum level and pull your financial status to its lowest level hehehe.
Merry Christmas and a Prosperous New Year.
Maligayang pasko ateng.
Have yourself a Merry little Christmas Ate Sienna! I miss my family too!
Maligayang Pasko ate Sienna! like ko ang template mo :D