515 Facebook Friends is Too Much!

3/365 days of blogging.

Ok, nagbawas ako ng mga facebook “friends”.

Piano naman kasi, nagulat ako na umabot na ng 515 ang mga “kaibigan” ko na inisip ko, teka muna.. eh ilan lang naman sa kanila ang talagang pinupuntahan ko. Yung iba sa kanila, walang profile picture, at parang 10,000 years nang hindi nabibisita ang facebook account nila. Ang iba, naisip ko, eh hindi ko naman sila naging friends nung magkasama kami sa isang eskwelahan o isang subdivision o isang kumpanya o isang bansa. Ang iba naman na links ko, mga fan pages lang naman na, sa tutuo lang, hindi ko na kebs ngayon.

So ang tanong, eh bakit kailangang patagalin pa sa facebook ko? Naisip ko, kung hindi ko sya nakakausap sa online, sa telepono, o harap-harapan at I’m sure wa naman sya kebs sa akin, vhaket fa, davah? Eh kaya ka nga nag-facebook eh para makapag-balitaan kayong magkaibigan/magkamag-anak/magkaklase.

At ang isa pang hindi ko na gagawin, yung mag-accept ng mga facebook requests sa mga utaw na wit akong ka-konek-konek. Ni online friends na konek, wala. Isip ko kasi, hindi kita kilala, hindi mo ako kilala, bakit gusto mong ilagay ako sa facebook mo? Kung nagbabasa ka ng blog ko, mag-message ka man lang sa akin na reader ka ng blog ko para ma-tanggap kita.

Hindi naman ako suplada, hindi rin ako choosy. Basta chikahin nyo lang ako na reader ko kayo, ok naman sa akin yun. Facebook-friends tayo… for sure, pramis.

Kaya kagabi, habang nanunuod ng marathon ng Simpson at Family Guy, nagdelete ako ng ibang links ko sa Facebook. Ngayon, 490 na lang ang friends/relatives/online connections ko.

490… Konti na lang sila.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 17730 beses ng 3634 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

10 thoughts on “515 Facebook Friends is Too Much!”

    1. ha ha ha! Anoba! Bato-bato sa langit ba ang dating? hindi… ako lang yun. Kasi nakakalito na para sa akin ang maraming prenships sa fexbuk. tapos nung makita ko, yung ibang links pang-movies at pang-cartoons at kung anik-anik na wit naman katuts. aba, kung adding prenships ang triff ng tao, ok lang sa akin yun. Go ahead, make your day! :)

  1. mami,

    naalala ko ang ugali kong magspringcleaning sa friendster. magawa nga ulit sa fb. 100+ friends nako. parang hindi naman totoo ganyan kadami friends ko. makapagwalis nga.

    1. alam mo, para kang yung anak na 17 years old ng kaibigan ko. wala naman daw syang gaanong friends. tanong ko tuloy, “Bakit?? May kasamaan ba ang ugali mo?” hehehe..

      in perness lab ko yung batang yun atsaka mabait. lagi ko lang inaasar.

      kaya yun din ang tanong ko sa iyo, dyunakis, “wala kang masyadong friends?? suplada ka???” hehehe.. labyu!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *