atesienna@facebook.com?

19/365 days of blogging.

Photo courtesy of The Telegraph

Napanood nyo ba yung pelikulang “The Social Network“?  Yung pelikula based sa paano nagsimula ang Facebook at sino si Mark Zuckerberg, ang genuis behind the social networking site? 

Amazed ako sa batang ito.  Sobrang talino.  Sa edad na 18 sinimulan nyang gawin ang isang networking site na pang-campus and by the age of 20 nasa buong internet na sa buong mundo itong site na ito at tinawag na “Facebook”.  By 2010, naabot na nila ang 500M na mark ng users ng facebook.

Of jors, sino ba naman ang wala sa facebook?  Ang mudak at pudak ko nandun.  Ang mudak ni bossing ko rin may profile dun. Kasama na sila dun sa 500M na users na yun. Lahat na nga ng tao may facebook.  Ganun sya ka-impluwensyal.  Ganun kalawak ang reach ng site na ito, ultimo mga olds naki-join na.

At lately, ang announcement ni Mark Zuckerberg, makakapag-email ka na sa ibang tao thru facebook – may facebook man sya o wala.  One-stop shop na ang social network site na ito.  Actually, hindi na ako nagtataka.  Ayaw na nila talagang umalis ang mga tao sa site nila.  Pero, it makes sense.  Kung babad ka na rin lang sa facebook (katulad ng maraming kakilala ko, itago na lang natin ang isa sa pangalang “Bossing”), eh di dun mo na rin i-check ang email mo.  Yun ang point nila.  Bakit?  Marketing yan for sure.  Hindi ko alam kung paano iko-connect, but for sure, yun yun.

Actually ang daming buti rin naman ang naidulot ng facebook.  Kaming magkakapatid, dun madalas magkita at magkausap.  Dun ko nakikita ang mga litrato ng mga pamangkin ko.  Dun ko rin nakakakausap ang mga kaibigan namin, kahit na yung ibang ang tagal na naming hindi nakikita o matagal na naming hinahanap.  Minsan paramg may party sa mga profile kapag nagdugtung-dugtung na ang mga comments. 

May ibang users na dun nakakakita ng kanilang mga nagiging asawa/boypren/girlpren.  May mga taong dun nakikita ang mga kapatid, kaanak na kay tagal na nilang hinahanap.

Pero hindi lang puro saya sa facebook.  May mga sob stories din.  Mga taong nadenggoy ng akala nila mga tutuong mga business at nag-invest ng pera sa mga kausap sa facebbok.  Mga taong nagpakamatay dahil nabubully sa mga account nila sa facebook.  Mga nadidiskubreng mga boypren, girlpren, asawa na nagdo-double time sa iba.  Mga naghihiwalay na mga relasyon dahl nakahanap ng iba – mga dating dyowa at mga taong nun lang nakilala.

So like I always say, dapat, ingat pa rin.  Minsan nga kasi ang internet, napapaniwala ang marami na para na ring tutuong buhay.  Pero may isang elemento ang tutuong buhay na hindi ko alam kung magagaya ng internet – actual, real human encounter.  Not unless magawa na nila ang teleportation, dapat isipin pa rin ng iba na nasa internet pa rin ito.  Gamitin pa rin ang utak kapag nakikipag-usap o nakikipagdeal sa isang tao.  Gamitan pa rin ng common sense at pag-iingat.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 16958 beses ng 2988 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

4 thoughts on “atesienna@facebook.com?”

  1. kumusta po?

    napanuod ko yang movie na yan, galing, mabilis ang pacing, pero buo ang istorya. mark is a genius pero down to earth. malayo na narating nf facebook niya, parang mahirap ng mabuhay kung wala yatang facebook, hehehe. sana po ma add nyo ako sa blog roll. inadd ko din po kayo. salamat, yngat!

    1. mabuti naman ako. Ikaw, ok ka ba?

      Ang galing ng pelikula, diba? Pero naisip ko baka kung nakaharap ko sya, ma-conscious ako kasi feeling ko lahat ng sabihin ko medyo hindi logical or baka barahin nya ako. Wala lang, baka baklain ko na lang sya. mwehehehe

      Sige, isasama kita sa blogroll ko. Pero mangako kong lagi kang dadalaw at dadalawin din kita madalas… :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *