Christmas Giveaways

23/365 days of blogging.

Cake Pops (Photo from Living Locurto website)

Kausap ko si mudaks kaninang umaga.  Wala lang.  Ganun naman kami nun.  Nagtatawagan naman kami nun minsan isang linggo para magbalitaan.  At ang topic namin kanina ay ang pag-gawa ng pandan cake.   Gusto ko kasing gumawa ng homemade na give-away na pang-pamilya.  Kasi mas mura yun lalabas.  Tipid movement ako. 

At naisip ko nga na gumawa ng pandan na cupcake with matching buttercream na icing na hindi matamis.  Sabi ni mudaks bibigyan nya raw ako ng recipe nya ng pandan cake.  At ang kabilin-bilinan – wag na wag ko raw bubuksan ang oven hangga’t hindi tapos ang baking time ng cupcakes kung ayaw ko raw na umimpis yun na parang gulong ng kotseng dumaan sa may kalawang na pakong de otso.

Nung hapon, nasa Michael’s ako kasi kinulang ako ng papel para sa mga christmas cards ko.  Nung nandun ako, naisipan kong lagyan ng distressed effect yung ibang cards na ginagawa ko.  At dahil hindi ko alam kung paano gumawa nun, tumawag ako sa syupatembang na si Patring.  Chorva-chorva, chenese-cheneseses at mamaya napunta ang usapan sa cupcakes. 

Patring:  May nabili ka na ba na ingredients?

Ako:  Wala pa.  Bakit?

Patring: Tingnan mo muna yung “cake tops”.  Ang cute. Kakaaliw.  At wag kang makunat, gumamit ka ng data plan mo at hanapin mo sa google ng iPhone mo ang cake tops.

‘Nyete.  Ininsulto pa ako ng gagah!  So dahil uto-uto akong panganay (Take note, panganay) na kapatid, hinanap ko sa google ang “cake tops”.  Pero dahil mawawalan na ako ng baterya, tinext ko sya na padalhan ako ng links dahil hindi ko makita yung cake-tops na sinasabi nyang gawa sa cake na kinrumble. 

So nag-text back ang lukaret na may kasamang URL.  Potah… eh hindi ko alam kung bingi ako o mahina sa pronunciation ng ingles itong kapatid ko, cake Pops pala ang pinapahanap nya sa akin.  Tanga!

Pero natuwa ako sa pinakita nya.  At parang ang daling gawin.  So may isa pa akong idea ng pwede kong gawin na pang-give-away.  Mapractice nga sila sa Miyerkules.  Off na ako nun eh. Five-day weekend. 

Wish me luck!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 14943 beses ng 3510 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *