Kelan Kaya? (Malapit Na, Pramis!)

20/365 days of blogging.

Drawing Ko Yan!

Nung Christmas 2008, ang regalo sa akin ni Bossing ay isang Wacom Bamboo Tablet.  Pang-freehand drawing sya.  There was a time na nung aktibo pa ako sa pag-supporta sa mga shupatembangs sa aming digiscrap store, sinubukan ko ring mag-design.  Unfortunately, hindi ko masyadong nakarir ang intrigahan at iritabelles na mga mujer ng iba’t-ibang digiscrap store world kaya umexit muna aketch.  Pero twing makikita ko ang Bamboo Tablet ko, parang gustong-gusto ko na syang gamitin at paglaruan ulet.  Kaya lang, as usual, wala akong time.

Pero naisip ko, this time, may panahon na ako.  Gagamitin ko na sya ulet.  So sinubukan kong magpunta sa site ng Wacomm para i-link sa site ko.  Aba! Maraming bago!  Ang mga tablet, iba na ang itsu.  Pero ang maganda at exciting sa lahat, may mga mini-applications na sila na pwedeng pang-enhance ng iyong Wacomm table time – pang-drowing, laro, pang-modify ng mga photos, etc.  At dinownload ko sya! At gumana sya sa tablet ko!  Winnie Santos!!!!

Yun din kasi ang naging problema ko nung una kong ginagamit ang Wacom ko.  Parang hindi ko pa ma-coordinate ang mata ko sa kamay ko pagdating sa tablet ko.  Feeling ko, parang hindi tama ang calibration ng tablet at pen para sa akin.  Tapos ang ginagamit ko pa nun, Photoshop.  This time, may mga Mini’s na na pwedeng gamitin with your tablet.  Winner ang Mini!  Nakakaaliw!  Kailangan lang i-calibrate ko ang tablet sa kamay ko.

Ang Aking Wacomm Bamboo Fun

Kaya expect-in nyo na na gagana na ulet ang aking mga imajineyshen sa pag-gawa ng mga things and all other chuvaneseses.   Magbabago na ako ng Manilena.  Magkaka-time na akong gumawa ulet ng mga templates, gumawa ng digi-scrap, mag-drawing at gumawa ng mga cards.  Kasi nga, wala nang event of the year (hehehe, I lab yu, Ina!!).  I want to do a lot of things na hindi ko nagawa for the past year or so.  This time, pin-ramis ko na sa sarili ko na dapat, as in DAPAT, paganahin ko na ang ibang skills ko.  Not for anything else, pero para na rin sa sarili ko.  A deeper sense of wholeness.  A deeper indulgence for the left-side of my brain (hehehe).

I love technology!!

Ang Bagong Bamboo Dock
Related Posts with Thumbnails

(Nakita 18102 beses ng 3238 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

2 thoughts on “Kelan Kaya? (Malapit Na, Pramis!)”

  1. this is really something i am dying to have. mahilig din po kasi ako magdrawing drawing kung anu anong maisip. tuwing makakakita ako ng ganitong graphics i wondered lung pano nagagawa yun, yun pala yun tablet tablet na yan, parang ang mahal siguro nian, kelangan siguro pag ipunan bago ako mgakaroon nyan., ewan lang din kung meron nyan dito sa dubai.

    i must say meron po kayong talent ha. you shud explore and share more of that sa blogs nio! galeng galeng! yun nga siguro problem lang ay time. hayyy. yun din ang wala ako ssaka siempre yung tablet na yan. kaya ako tiis lang sa windows paint pag nag dodoodle/ meron din po akong mga drawings sa blog ko, eto po http://oslekdude.blogspot.com/2008/01/art-pieces.html

    keep on writing and drawing po!

    1. uy! teynk yu po. hindi nga eh. kasi hindi ako pwede ng walang paparisan na image. mas maganda yung galing talaga sa utak na drawings. yun ang hindi ko magawa.

      mag-drawing ka na!!! yung pinakamaliit na wacom mga $129 ata. medyo hindi rin naman ganun kamahalan pero worth it sya… mas lalo na nga for someone like you na enjoy mag-drawing. go na!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *