36/365 days of blogging.

Ang sarap talaga ng Byernes!!!  Kasi weekend na, walang josok ng dalawang araw at time para mag-unwind.  At mag-rewind.  Kaya twing Byernes, magfa-flashback tayo.  Kasi nga 30 years na pala kami ni bossing na graduate ng high school!!  Kaya ang Flashback Fridays ay dedicated ko sa aking mga ka-batchmates sa CCS circa 1981.  Basta flashback ng era namin, pag-uusapan natin twing Byernes.  Para maiba rin naman ang 365 days of blogging project ko.

So kahit na ano – laruan, fashion, TV, artista, commercial, music, lumang pictures  - kung anik-anik lang nung mga panahon ng dekada 70, 80 at 90, yun ang ilalagay natin dito.  Wala lang.  Minsan kasi ang sarap mag-rewind ng panahon.  Nung medyo simple pa ang buhay…

At para sa unang FF entry, pag-usapan natin ang mga commercials.  Pinaka-mabilis na tumatak sa isip ng tao ang isang brand kung maganda ang ad sa TV at may slogan na talagang hindi mo kakalimutan.  Tulad na lang ng pag sinabi mong:

“… isang platitong mani”  - San Miguel Beer Commercial

“…das a lat op nonsens!”  - commercial ni Pugo sa white westinghouse

“… may underarm odor si Fe!” – Veto

“I can feel it!”  - Alice Dixon sa Palmolive

“You’ll like it very mucho!”  - Fress Gusto ni Gary V.

At maraming-marami pa.

Ang isang di ko makakalimutan, yung slogan na “Order Ni Misis”.  Baguio Oil Commercial.  Kasi kahit na si Ringo na ilang taon lang nun, kinakanta yun, paulit-ulit.  Wala lang.  Parang last-song-syndrome.  Parang parrot lang.

“Order ni Misis, Baguio Oil.  Order ni Misis, Baguio Oil!”

Habang naglalaro ng mga “patung-patung” nya (mga building blocks nya yun) o anything na ginagawa nya na pwede syang kumanta, parang mangkukulam lang na panay ang bulong ng “order ni Mrs”.  Natatawa na lang ako kasi Baguio Oil ang kinakanta nya.   Naalala ko tuloy na ang Baguio Oil nun, hindi naka-sachet o naka-plastic na bote – nakalata!

Yun ang magaling na commercial – yung kahit batang maliit kayang sabihin at tandaan ang jingle o slogan ng produkto.  Pero iba ang commercial nun, parang mas simple lang ang production, hindi kumplikado ang mga dialogue.  Sabagay, marami pa ring magagandang mga commercials ngayon.  Pero iba ang appeal ng mga commercials na kinalakihan ko.  Kasi nga maraming memories na kasama.   At may halong nostalgia.

Nahagilap ko itong commercial ng Baquio Oil sa youtube.  Maraming salamat sa mga taong nag-tya-tyagang mag-upload ng mga ganitong videos.  Thanks for the memories…

At take note, yung asawang lalaki sa commercial ay ang nasirang Jerry Pons. (Natatandaan nyo pa ba sya??)


Related Posts with Thumbnails

(Nakita 10881 beses ng 2852 bisitors)