PostHeaderIcon Ang Dami-Daming Isyu

photo_012110_bAng sarap sanang mag-blog ngayon kasi ang dami kayang mga isyu na naglilipana.  Marami akong gustong i-blog kaya lang minsan hindi ko na magawa.  Masyado pa ring hectic ang schedule ng lola ninyo.  Ang dalas pa rin ng rampa naming mag-dyowa kaya hindi pa rin ako talagang maka-kuha ng rhythm sa mga dapat kong gawin. 

Ilang araw na akong tinatawag ni Mac, hindi ko na sya nahaharap ng husto.  Nagpapababa na sya sa basement, hindi pa namin maasikaso.  Pero siguro this weekend, may panahon na kami.  For the first time since nagsimula ang taon, wala kaming gagawin itong weekend na darating.  Tsaka na ulit ang rampa.  Kailangan nang ayusin ang “green room.” (Kasi green talaga ang pintura… take note, panyet na green from top to bottom!  Tinalo si Incredible Hulk sa pagka-green revolution.)  Kaya ibababa na namin ang mga gamit dun at gagawin na naming opisina ang basement.  Pipinturahan na ng bago ang green room at gagawin naming kwarto ulit. 

View sa Bintana Ko

View sa Bintana Ko

Hemingweys, ibabalita ko rin sa inyo na lumipat ako ng ibang building.  Actually, may bagong malaking project dito kasi sa opis kaya kailangang mag-cross train ako kasama ng mga consultants.  Uma-umaga, kapag nagpapa-alam na akong lilipat na ako sa building na ito, pinagtatawanan ako ng mga kaopisina ko kasi ang dialogue ko, “I’m crossing over… to the dark side.”   Hehehe, kasi nga mixed ang emotions ng mga tao dito sa magiging bagong sistema.  May mga sarili akong insights ngayon na nandito na ako.  Pero akin na lang yun, hindi ko na sinasabi sa mga kasamahan ko.  Nanggaling rin ako sa pagko-consulting kaya alam ko ang culture, something na hindi nila maiintindihan, considering na inabot na sila ng mga agiw at ugat sa tagal nila dito.  No blames, no pointing-fingers, it’s just the way it is.  It’s life. Nakakita ka ng pagtatrabahuhan na parang nakasandal ka na sa pader, hindi ka na siempre aalis.  Pero yun nga, iba ang culture dito sa kabilang building. 

Kahapon may nabalitaan akong medyo shocka-khan sa trabaho.  Iniisip ko tuloy, “Hmmmm… siguro ito ang sagot ni Lord sa mga iniisip ko lately.”   Pinost ko yan sa Fexbuk wall ko at may mga prenship na nag-react.  Salamat sa positive vibes,  mga prenships… kahit na hindi yun ang sagot ni Lord sa akin… Pero who knows, baka, in a way, yun din yun :)

Alam ko, malabo.  Pero hayaan nyo, lilinaw rin yan.  Yan ang sabi ng Oracle.  hehehehe

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 8113 beses ng 1346 bisitors)

7 Responses to “Ang Dami-Daming Isyu”

  • fan ni ate sienna says:

    hi ate sienna! may facebook k? pede mo po ba ako i-add? tnx!

  • jun says:

    alam mo gusto ko rin ng isang private room for my self, hahaha. yung room na pwedeng pagkulungan at may rakenrol na ambience para ma-motivate ako sa pagsusulat. pag nandun ako sa room na yon, bawal akong istorbohin. hahaha. hindi pwedeng pumasok ang mga anak ko para tanungin kung nasaan ang uniform nila. hindi ako kakatukin para yayaing kumain. hahaha. oo nga hano. kailangan na naming pagplanuhan ang mas spacious na bahay. :D

    • ate sienna says:

      ay, same-same tayo! Pero siempre hindi pa pwede ngayon. baka pag nag-ayos na kami ng bahay. harinawa magkaroon ako ng maliit na space na pwede rin akong mag-rakenrol lagi :)

  • Pinoy says:

    nakasandal lang sa pader? mga ayaw mag-grow. ayaw mag evolve. hehe

    • ate sienna says:

      eh kasi nga, comfortable na sila where they are. plus kapag kasi matagal ka na sa work mo at naghihintay ka na lang ng retirement, medyo going through the motions ka na lang talaga…

Leave a Reply

Archives