Ang isa sa mga unang-unang cakes na ginawa ko

Ang isa sa mga unang-unang cakes na ginawa ko

Nagpahinga ang Lola ng isang taon sa blog na ito.  Natoxic sa mga gawain at naging busy sa bagong racket.   Masyado akong nahuhumaling sa pag-be-bake at pag-decorate ng cake.  Kaya nga ang Manilena.com ko, Manilena Cakes na ngayon!  Nagsimula sa Wilton Course, ngayon sandamakmak na ang mga gamit ko.  Kakaloka!  Ilang birthdays na chorva na rin ang nagawa ko, ilang cupcakes para sa mga bake-sales cheneseses na rin.  Daming experiments, ang daming oras na ang naipundar ko.  At isang taon pa lang yan.  Tama, kasi February nun, nung nag-aral ako.  Eh March na.  And truth is, gusto ko sya.  Ang pinakamalaking difference sa lahat, hindi lang ako ang nakaka-appreciate ng ginagawa ko.  Hindi katulad ng paggawa ko ng scrapbook o paggawa ko ng damit ng mga blythes ko, ako lang ang natutuwa.  Eh ito, naise-share ko sa iba, natutuwa din sila, na-eenjoy pa nilang kainin.  Bongga sa sulit, diba?

Nagsimula kasi yan nung minsang kumain ako ng cake.  Matagal na akong nagrereklamo na sobrang tamis ng mga cake nila dito, parang galit na galit sa asukal kung makagawa ng icing.  Talagang hinanap ko yung icing na natitikman ko nung bata ako –  yung gawa ng Goldilocks at Red Ribbon at Luisa and Sons.  Hanggang one time, may pinay na napagbilhan namin ng cake.  Nung matikman ko sya, sapul sa sarap  yung cake!  Tipong lahat ng memories ko ng birthdays sa Pinas, bumalik lahat sa isip ko.

At dun nagsimula ang grabeng paghahanap ko ng kung ano yung icing na yun.  Takot pa nga akong mag-try ng kahit na anong icing na recipe sa internet.  For once, natakot ako kasi hindi ko talaga matantya kung ano dun yung tamang recipe.  Kaya nung one time na kausap ko yung prenship kong chef na si Chef Oye Isidro, sya ang nagbigay sa akin ng secret formula ng icing.  Mga tatlo o apat na beses ko atang ginawa na puro palpak.  Naiiyak na ako.  Pero nung pan-apat na bes at pagkatapos ng maraming coaching kay Chef Oye, nagawa ko sya!  Sooooooobrang sarap! Ang icing of my childhood.  Nahuli ko rin ang lasa!  At magmula nun, wala na akong ibang ginawang recipe ng icing.  Ever. Again. Salamat kay Chef Oye. :)

Ang isa pa na talagang ang laki ng impluwensya sa akin ay si Teacher Joanne ng Little Cake Patch.  Schoolmate ko sya sa CCS.  Barkada na ngayon ng kapatid kong si Greta.  Sobrang dami ko nang natutunan kay Teacher Joanne sa paggawa ng cake kasi ang galing-galing nya.  Ang tyaga pa nyang turuan ako.  Hindi rin sya maramot magbigay ng mga tips kaya labs na labs ko sya.  Hindi pa kami nagkikita nyang lagay na yan, labs ko na sya.  Mas lalo na siguro pag natupad na yung balak namin na magsispend ako ng isang weekend sa kanila para gumawa lang kami ng gumawa ng mga bulaklak na fondant.  Not to mention na balak pa naming umattend ng Cake Convention sa Nevada this year.  Saan ka pa, diba?  Kaya kay Teacher Joanne, ikaw na, ikaw na ang reynang sobrang haba ang hair :)

So fast forward after isang taon, eto na ako ngayon.  Mas matanda na ng isang taon, mas malumanay na, and mas masaya.  Marami nang bago.  Maraming nakilala at narekonek na mga kaibigan.  Mas marami nang lugar na napuntahan, mas marami nang lessons in life na natutunan.  At eto na ang bagong journey, eto na ang bagong simula…

Harinawa, lagi na akong makapagsulat ng entry ulet sa pansitan :)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 10444 beses ng 2628 bisitors)