Even Heroes Have The Right To Bleed

Pakiusap ko po, kung mababasa nyo ito at kaibigan ko kayo sa FACEBOOK,  please, I really request that your comments be discrete there.  Pasensya na po… I don’t think I have a lot of followers anymore sa blog ko so this is the only avenue I have to write what I feel.  Kaya dito na lang po kayo mag-comment sa blog ko.  We’re still trying to control the people who know of it dahil nga po may lola pa po ako na 91 years old na at hindi alam ang nangyayari.  Eh 91 na naman po kasi sya… Kahit nga po ang uncle ko sa Pilipinas na nag-aalaga sa kanya, walang alam.   Sana po, maintindihan ninyo…

Thank you po…

————————————————————————–

Sometimes fate has a way of challenging you and testing what you’re made of. Minsan hindi mo alam kung ano ang gustong palabasin.

Previous to this, when I would go to Mass on Sunday and pray, it will most always be a prayer of gratitude. Except for the few times I pray for my husband’s and my health problems, mostly, laging pasasalamat. Salamat sa patuloy na biyaya ng magandang trabaho, hindi lang para sa aming mag-asawa kundi sa buong pamilya ko. Pasasalamat sa patuloy na dagdag sa buhay ng lola kong 91 years old na. Pasasalamat sa lahat ng blessings na binibigay ni Lord sa amin. Na may mga problema man kami, laging may solusyon lahat.

Ate Chynna

Pero this time, my family and I are facing a challenge that we have to fight as one. Three weeks ago, my niece, our one and only princess, our 10-year-old sweet, innocent little girl, was diagnosed with Lymphoblastic Lymphoma. It’s a cancer of the lymphatic system.   How did she get it?   Hindi namin alam and with cancer, who really knows how you get it?.  She was getting the on-and-off fever, she was losing weight, and to cut the story short, she was brought in for an x-ray and they found a lump on her lung the size of a dinner roll.  And that’s when our whole world turned upside-down. 

Sabado nun at papunta ako sa Toronto.  On a stopover, tumawag lang ako nun sa kapatid ko dahil alam ko nga na nagpa-x-ray si Ate, aalamin ko lang kung kamusta ang X-ray.  Hindi na nya sinasagot ang phone nya, hindi na rin sinasagot ng nanay ko ang kanya.  Tumawag ako kay Papi, ang bayaw ko, dun ko nalaman lahat.  Nagsasabi sa akin ng mga details si Papi, ang tanong ko puro na “bakit?”  May parts na akong hindi ko maintindihan kaya nag-speaker phone na ako para marinig ng asawa ko.  Kasi marami na akong hindi naiintindihan.

“Ano’ng lymphoma?  Diba, cancer yun?”

“Anong stage?” 

“Paanong nangyari yun?  San daw galing? Paano nagsimula?”

Hindi ko makausap ang kapatid ko.  Ayaw akong kausapin.  Si Ate, kinausap ko.  Alam ko scared sya.  Pero maganda ang boses ko, maayos.  Ayokong marining nyang ngarag ako.  Basta sabi ko lang, “Ate, be strong, ok?  You know what, you’re in a very good hospital and the doctors there are very, very, very good.  They will make you well whatever it is you’re sick of.  And we’ll pray to Papa Jesus, ok?  I love you so much!”

Ano pa ba ang masasabi mo? 

Sumunod, tinawagan ko ulet ang mommy ko, tinawagan ko ang tiyahin ko.  Puro iyakan.  Yung takot, yung kaba, yung lungkot, yung uncertainty, in the real meaning of the word – nakakaloka ang mga emotions namin.  Without her saying it, I understand na hindi kaya ng kapatid kong kausapin ako. Totally, naintindihan ko yun. Kailangan huwag syang magpakita ng pagkapraning kay Ate kasi takot si Ate, confused.  At kapag nagpakita ng laglag na emotions ang kapatid ko, hindi yun kakayanin ni Ate.  Ang hirap ng kalagayan ng kapatid ko nun.  I don’t even think I could’ve mustured half the strength she had at that moment.  From either Papi or her, hindi ko kakayanin yung strength nila during that time.

At the end of the trip from Baltimore to Toronto, medyo may idea na ang buong pamilya, magmula Canada, Amerika at Pilipinas, sa side ni Pia at sa side ni Papi, on what’s going on, and more or less, what treatment Ate has to go thru immediately.  Hindi pa confirmed ang ibang details but basically, alam na namin na Stage 3 Lymphoma ang cancer ni Ate at kailangan nya ng steroids para lumiit yung mass na nasa lungs nya.  Marami pang test ang kailangan gawin to know kung ano pa ang affected.  But what we know was enough for the meantime.

Alam nyo yung “state of disbelief” – na feeling nyo nananaginip lang kayo?  Na ang wish nyo, pagbukas ng mata nyo, tapos na ang masamang panaginip?  Tutuo pala yun.  Tutuo palang nararamdaman ng tao yun kapag may mga balitang ganito.  Pilit kong pinipikit ng mahigpit ang mga mata ko, nagdadasal na pag-buka nito, gising na ako at iba ang realidad ko.  Hindi pala yun pang-telenovela lamg. Nangyayari pala yun sa tutuong buhay.   Yung tinatanong mo ang Diyos ng “bakit??”, yung nakikipag-bargain ka sa Kanya na sana ikaw na lang,  yung pilit mong iniisip kung nakuha ba ito sa genes nyo o sino ba sa inyo ang nagka-cancer na ng ganito.  Yung sinasabi mo ng paulit-ulit, “hindi ko kaya ‘to!”  Akala ko, masyado nang stereotypical na pang-soap opera yung ganun.  Pero guess what, tutuo pala.  Without me knowing or being aware, at that point in time, walang panama si Ate Vi sa drama ko.  Hindi ako hysterical, pero dire-direcho ang iyak ko. 

Pero alam nyo, despite that, hindi ko nagawang magalit sa Kanya.  Naisip ko, bound na mangyari ito sa amin.  At dahil alam ng Diyos yun, ginawa Niya ang lahat para mas maging madali sa amin na daanan ang crisis na ito.  Nasa Canada sina Ate, nasa Alberta, kung saan nandun ang isa sa pinakamagaling na hospital na pangbata sa buong North America.  Sabi nga nila, a center of excellence in pediatric healthcare.  May magandang healthcare insurance si Papi, maraming health and financial benefits na maibibigay ang province of Alberta at ng bansa ng Canada.  Na nasa magandang katayuan kaming magkakapatid para at the drop of a hat, mabibisita namin agad-agad si Ate, para aliwin sya, aliwin si Coco ang kapatid nya at irelieve si Pia at Paolo sa mga gawaing bahay para mas maalagaan nila si Ate.  Na nasa Canada ang nanay at tatay ko at ang tiyahin namin.  Na si Mama Noli, ang nanay ni Papi, nasa Amerika at madaling makausap si Papi.  Na ang kapatid nyang si Ina, doktor, naeexplain kay Papi ang mga ginagawa kay Ate.  Silang lahat, napakalaki ng tulong at suportang binibigay sa pamilya ng kapatid ko.  

Kung hindi ito tulong ng Diyos sa amin para mas madala namin ang problema, hindi ko na alam kung ano pa.

Nung makausap ko si Gretch, may mga insights sya na tinanggap kong tama. 

Hindi kami dapat magtanong bakit si Ate pa?  Kasi, bakit hindi?  Ano naman ang espesyal sa amin na hindi kami pwedeng dapuan ng ganitong klaseng karamdaman?  Masyado naman kaming magpapaka-arogante kung iisipin namin na hindi kami pwedeng magkasakit ng grabe.  Tao lang, diba?  Kung magkakasakit, ganun talaga ang buhay.  Atsaka, ang sakit na nararamdaman namin, hindi mo naman gugustuhin na maranasan ng ibang tao – kasi, yun nga, masakit.  Ang selfish kung iisipin mong sana ibang tao na lang. 

Hindi rin ako naniniwalang bigay ng Diyos ang karamdaman.  Tao nga kasi, diba?  Hindi perpekto, may mga sakit sa mundo, evolution yun… biology. Pasalamat na lang ako na si Ate nabuhay sa isang panahon na leaps and bounds na ang discovery tungkol sa cancer.  At hindi porke’t stage 3 sya, ending na.  Mas lalo pa ang lymphoma.  Napakaraming bata na ang gumaling sa klase ng cancer na ito.  Stage 3 sya kasi ibig sabihin lang nun, mas marami lang ang dapat na gawing gamutan sa kanya para gumaling sya.  At dito ako naniniwala, na hangga’t hindi ka bumibitaw, hangga’t patuloy kang naniniwala sa kapangyarihan Niya, walang impossible.  Na tutulungan ng Diyos ang mga duktor nya na malaman ang nararapat na gamutan para kay Ate.

Tutuo nga ang kasabihang “lahat ng Santo tatawagin mo” kasi ginagawa ko yan ngayon.  Si St. Therese of the Child Jesus, si St. Peregrine na patron saint ng mga may cancer, si St. Jude, ang patron ng mga impossible, ang Divine Mercy, ang Lady of Medjugorje, lahat yan, dinadasalan ko.  Ang rosaryo ko, tumaas ang mileage ng gamit ngayon.  Pero hindi na ako katulad ng una na parang natataranta na ako kung ano ang uunahin ko.  May schedule na sya – si St. Jude twing Linggo dahil dun kami nagmimisang mag-asawa, ang Divine Mercy na maiksing dasal twing alas 3 ng hapon kasama ng ibang kaibigan ko.  Ang rosaryo ko at sa Lady of Medjugorje, twing nagbyabyahe ako sa Annapolis, kasama na dun si St. Peregrine.  Si St. Therese, hawak ko ang stampita nya palagi.  Si St. Francis, kapag naaalala ko, dinadasalan ko rin siya.

Sure enough, dahil sa dami ng nagdadasal para kay Ate, lumiit na ang mass sa lungs nya.  At wala pang isang linggong gamutan yun.  She still continues to take steroids and she has to undergo chemo once a week.  I have no other reason not to be positive.  Right now, Ate still is functioning very well and normal.  Medyo mataba ang pisngi nya dahil sa steroids, pero despite that, gumagana ang steroid sa katawan nya.  And however she is right now, blessing na sa amin yun.  Enough to thank God for everything. 

At yan ang buhay ko ngayon.  Unti-unti, binabalik ko na sya sa normal.  Kumukuha na ako ulet ng order ng cakes.  Pinipilit kong isipin na ok lang ang lumabas kasama ang mga kaibigan kasi kailangan ko ng sense of normalcy para mas maging matapang ako kapag kausap ko si Ate sa Facetime.  Nagtetext na kaming magkapatid, nagkausap minsan sa Facetime pero siempre hindi dramatic.  And I don’t want that.  Magkaiyakan man kami,  kapag personal na lang akong nagpunta sa Calgary sa August. 

Matagal pa ang byahe namin until gumaling si Ate.  Kaya naman, patuloy akong nagpapasalamat sa lahat ng nagdadasal para sa amin.  Sa lahat ng kumukumusta… sa lahat ng dumadalaw sa bahay ng kapatid ko sa Calgary, maraming, maraming, maraming salamat po.  Now we realize na kapag sinabing “pinagdadasal namin kayo,” nafi-feel talaga namin ang value nya, lumalakas ang loob namin.  Ang pakiusap ko lang po, kung dadalaw kayo, medyo itaon nyo po na weekend para tapos na ang chemo ni Ate at malakas sya.  At kung pwede pong wag po maramihan, para po medyo hindi naooverwhelm si Ate.  Kung hindi po namin nasabi sa inyo kaagad ang nangyayari, sana po, pagpasensyahan nyo na.  Kasi kailangan po naming maging malakas muna at maging matatag bilang isang pamilya para naman po pagdalaw ninyo, ma-appreciate ni Ate yung masayang vibes na dala ninyo para sa kanya.  And again, thank you very much for EVERYTHING.  For even the smallest thing you extend to us, we appreciate it a lot.  Ate appreciates it so much.

God bless us all…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 5648 beses ng 1970 bisitors)

Published by

atesienna

.. ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya. Ito ako...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *