Ay Heb!
(Yamot Issue 4, May 23, 2002)
Nagbabasa ako ng email ko nung minsan at nakuha ko ito sa e-mail:
TOP TEN WAYS TO KNOW IF YOU HAVE PMS…
10. Everyone around you has an attitude problem.
9. You’re adding chocolate chips to your cheese omelet
8. The dryer has shrunk every last pair of your jeans.
7. Your husband is suddenly agreeing to everything you say.
6. You’re using your cell phone to dial up bumper stickers that says, “How’s my driving? Call 1-800-EAT-SHIT.”
5. Everyone’s head looks like an invitation to batting practice.
4. You’re convinced there’s a God and he’s male.
3. You’re counting down the days until menopause.
2. You’re sure that everyone is scheming to drive you crazy.
1. The ibuprofen bottle is empty and you bought it yesterday.
Eto, aym syur ang mga kabaro ko dyan, makaka-releyt sa isusulat ko ngayon. Hindi ko alam kung type ng mga lalaking basahin ito, pero kung may asawa o girlfriend sila na bigla-bigla nalang na nagbabago ang ugali whether nagiging yamutin, iyakin ng walang sabi-sabi at bigla-bigla ring kumakambyo ng parang walang nangyayari, palagay ko, kailangan rin nilang basahin ito.
Mga boys, hindi naloloka o nasisiraan ng bait ang inyong mga gi-ep o dyowa. At mga girls, kung nararanasan nyo ito, hindi kayo nag-iisa sa mundo - marami tayo! Pwedeng ang nararanasan ng ating mga girlashes ay ang tinatawag na PMS o pre-menstrual syndrome.
Teyk me por eksampol. Eto po ang nangyayari sa akin buwan-buwan. Nagsisimula ito mga dalawang linggo bago dumating ang kinayayamutan kong “bisita” (o, hindi pa ako menopause, ha!). Siguradong tatamarin na akong mag-ayos sa sarili. Minsan ni lipstick, hindi ko magawang maglagay, at kung ano na lang sa walk-in closet ko ang kukunin kong damit - papasok ako nyan sa opisina, ha. Madali akong mayamot, madalas hindi ako nagsasalita at kahit na kanino ayokong makipag-kita. Hindi pa yan ang pinaka-grabe, bukod sa lahat ng bagay kinayayamutan ko, kapag si Andres na ang kausap ko, bigla na lang akong iiyak o made-depress sa sinasabi nya o aawayin ko sya ng walang dahilan. At pagkaraan ng aking “piryud”, balik ako sa normal na parang walang nangyari. Talaga po… kawawa po talaga si Andres kapag ganitong panahon kasi sya ang napagdidiskitahan ko madalas. Kaya sa limang taon naming pagiging magnobyo, mas alam pa nya kung kelan dumarating ang “bwisita” ko kesa sa akin.
At hindi lang emosyon ang nagbabago sa akin kapag ganitong panahon - psychological din atsaka physical. Una, feeling ko sa sarli ko, hindi ako maganda (oo na, hindi ako maganda talaga pero feeling maganda ako madalas. hehehe) Pangalawa, pakiramdam ko ang taba-taba ko at walang magandang damit na bagay sa akin. Ito yung mga panahon na ilang beses akong magpapalit ng damit sa umaga dahil ang tingin ko sa sarli ko hindi na lang sana ako bumangon ng umagang yon. At pangatlo, kain ako ng kain mas lalo na ng matamis at maasim at pagkatapos maiinis ako sa sarili ko kasi hindi ako dapat kumain ng ganun karami.
Mga isang linggong mangyayari sa akin ito kasama na ang madalas kong pang-aaaway kay Andres at pagkatapos biglang mawawala. Pagkatapos ng isang linggo, “ay heb” na.
Nung bata-bata ako, walang ganitong nangyayari sa akin. Dumaraan ang isang buong buwan na walang kaiba-iba sa mundo ko. Sabi kasi nila, during your child-bearing years, mas matindi raw ang PMS so siguro yun ang dahilan kung bakit mas matindi sya ngayon kesa nung bata ako. (Malay ko namang gumawa ng baby nun, diba??) Sabi naman ng iba kapag dumating ka na raw ng lyebo-treynta, dumarating din raw ang matinding PMS.
Iba’t-ibang babae, ibat-ibang simtomas ng PMS. Depende raw kasi sa katawan ng tao. Sa iba, parang walang nangyayari at tuloy-tuloy ang ikot ng kanilang mundo. Para sa iba naman, akala mo, tumitigil ang takbo ng mundo nila sa sobrang nararamdaman nila ng mga panahong ito. May mga nababasa akong website na sinasabing dapat ikonsulta mo sa iyong duktor kung may PMS ka nga. At para malaman mo kung may PMS ka, kailangan mong i-lagay sa isang diary ang mga nararamdaman mo buwan-buwan dahil nagbabago rin daw ito. So ngayong buwan pwedeng sabihin mong “Nakakayamot talaga ang boypren ko, gusto ko syang kalbuhin!” sa isang buwan pwedeng “Yamot ako sa boypren ko, kakalbuhin ko na sya talaga!!!” at sa susunod pa na buwan “Hindi lang ako yamot sa boypren ko, kinalbo ko pa sya kanina pag gising ko!!” sa pang-apat na buwan pwedeng sabihin mong “Ang gwapo ng boyfriend ko, kamukha nya si Bembol Roco!” (Yun eh kung matiis ka pa nya pagkatapos mo syang kalbuhin.) Kailangan masabi mo sa iyong doktor kung ano-anong pagbabago ang nangyayari sa iyo twing dumarating ang mga panahong ito.
Eh bakit ikanyo nagkaka-PMS? Walang talagang makapagsabi kung bakit. Sabi ng iba hormone levels daw, idagdag mo pa raw kung kain ka ng kain ng matamis, ma-alat, may caffeine.
Paano mo malalaman kung nagkaka-PMS? Masakit ang ulo, bloating, madaling mapagod, tinitighiyawat, kung ano-ano ang gustong kainin na parang naglilihi, masakit ang likod, may dayariya, hindi magkatulog, nahihilo, breast swelling, yamutin, matinding mood swings, laging galit.
Para raw gumaan ng konti ang PMS, ang payo ng mga duktor eh uminom ng maraming tubig, mga 6-8 glasses day isang araw (diba, dapat naman talaga?!?), limitahin ang gatas at lahat ng dairy products, iwasan ang caffeine - kape, softdrinks, tsaa, etc., limitahan ang asukal, red meat, alcohol, asin at junk foods. (hmmmm… kahit naman wala kang PMS, o lalaki ka, dapat lang na limitahan na itong mga ito mas lalo na kung hindi na bata, diba?)
So ang sabi nila, kausapin nyo raw ang doktor ninyo para malaman talaga kung grabe nga ang PMS ninyo o normal lang na nararamdaman ito twing magkakaroon. Ako, palagay ko, kailangan ko nang kausapin si Dr. David. Naaawa na ako talaga kay Andres kapag ina-away ko eh ang bait-bait pa naman nun sa akin. Mailagay na nga sa kalendaryo ko yung mga panahon na gusto kong bilhin lahat damit sa department store dahil feeling ko lahat ng damit ko ang pangit o yung mga panahong wala akong ginawa kundi kumain ng ice cream o kumain ng orange.
O yung mga panahong ayokong may kausap!
Babu!


