Di ka ba Nayayamot Kapag…

(Nakakayamot Isyu 2, January 12, 2002)

Ikanga nila, may mga bagay sa araw-araw mong buhay na hindi mo ine-expect eh biglang mangyayari na kayayamutan mo. Wala ka namang kasalan sa mga nangyayari, nangyayari lang sila talaga. Minsan sa sobrang yamot gusto mong mag-dramang ala-Ate Vi sa sabihing “Way, Gad?? Way Me??? Bhakit Akoh Paahhhh????” (O, OA ka naman, wag naman) Ako pa naman, yamutin akong tao. Sabi nga ng inang ko akala mo raw ako eh laging mataas ang presyon ng dugo. Eh kayo ba naman, hindi kaya kayo mayamot din sa mga sumusunod?

1. Nasugatan ka sa dila habang dinidilaan mo yung selyo? (arayyyy….)
2. Biglang naghang ang computer mo habang gumagawa ka ng report at hindi mo man lang sya na-save O na-discon ka sa internet habang gumagawa ka ng mahabang e-mail? (AHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!)
3. Ang ganda-ganda ng upo mo sa trono sa banyo, nag-ring ang telepono, nagkakandakumahog kang sagutin at ang maririnig mo lang sa kabilang dulo eh “Good morning, survey lang po”?
4. (Speaking of banyo), Nalaman mong ubos na ang toilet paper pagkatapos mong gumawa ng “milagro” sa trono?
5. Hirap na hirap kang gumising ng maaga pag may pasok ka, pero t’wing off mo alas sais pa lang ng umaga gising ka na?
6. Kapag may naisip kang salita at hindi mo maisip-isip kung ano yung salitang yon??? (Nasa dulo na ng dila ko…. tingnan mo nga)
7. (Last Song Syndrome?) Nakarinig ka ng kanta sa radyo o TV at buong araw mong inuulit-ulit yung kaisa-isang linya ng kanta na yon dahil yun lang ang alam mo?(”By Mennen…”)
8. May gusto kang kainin pero hindi mo malaman kung ano yon?
9. Hanap ka ng hanap sa bago mong biling blouse tapos makikita mong suot ng kapatid mo at nirampa na nya sa Megamall?
10. Na-Low-bat ang cell mo habang nag-hihintay ka ng importanteng tawag o text at hindi ka makapag-recharge ng baterya kahit saan?
11. Nakita mong butas ang kagagamit nyo lang ng dyowa mo na condom? (Di ka lang mayamot, matakot ka pa!)

Nakakatawa? Hintayin mong mangyari ang mga yan sa iyo at dun masusubok ang pasensya at sense of humor mo. (Hmmm…. Subagay… o sige na nga, nakakatawa naman siya talaga!) Kanya-kanyang kayamutan daw yan. Yung nakakayamot para sa’yo pwedeng dead-ma sa iba. Yung no reaction sa’yo, over-to-the-max naman na reaction ang binibigay sa katabi mo. Si Andres ko, yamot na yamot sa mga taong gamit ang selpown nila habang nag-da-drive. Ako? Wa ako keyr kasi ganun din ako - minsan. (Oo, bad yon, kaya nga may earphone na akong kakabit ng cell ko, no? Hands-free na ang drama ko - sa cellphone, hindi sa manibela, geygah!)

Kayo, kelan tumataas ang high blood nyo?

Leave a Reply

© 2008 Pansitan ni Ate Sienna | Entries (RSS) and Comments (RSS)
Design by Design Your Web Page - Powered By Blog Collector, Wordpress themes