Image 1
Image 2

Main | August 2002 »

July 31, 2002

Birthday nga pala ng


Birthday nga pala ng kapatid kong si Ringo ngayon!! Hafi Berdey, my lab... At alam mo bang ka-birthday mo si Wesley Snipes, J. K. Rowling, Dean Cain, Eric Lively. At dahil birthday mo, basahin mo ang forecast sa'yo at nawa'y mag-enjoy ka itong araw na ito. maghanda ka raw sabi ni madir bago ka magpunta ng Boracay kasama si pinsang Paeng! Mag-ingat kayo sa Boracay.

--------

Posted by atesienna at 09:16 AM | Comments (0)

PMS - sobra-sobrang PMS


PMS - sobra-sobrang PMS lang talaga ang makakapag-ekspleyn kung why-bakit ganito ako ka-emong da pas piu deys. Kabilin-bilinan sa akin nga ni Andres kagabi sa telepono (habang nag-iiiyak ako dahil sa camera ko), huwag daw akong gagawa ng kahit na anong desisyon hanggang sa susunod na linggo kapag ok na ako. Sigurado sabi nun, mistula akong lukring dahil camera lang iniiyakan ko. Tumawag nga si Melay at ang boyfriend nyang si Papa Jesus kagabi. Nag-offer si Papa Jesus na tulungan ako sa camera ko, touch na touch nga ako at muntik nang maiyak. Pero siempre decline ako, kasalanan ko naman yon eh. Pahirapan ko pa ba sya tungkol dun? Pero touch pa rin ako sa offer nya. Yun lang gesture na yon, tama na sa akin yon. This weekend, maghahanap na lang ako ng gagawa ng camera ko. Mahal sa dealer magpagawa - halos para na akong bumili ng bago (na muntik ko nang gawin kagabi).

--------

Posted by atesienna at 09:16 AM | Comments (0)

July 30, 2002

Masyadong emotional ang weekend


Masyadong emotional ang weekend ko:


Tarsdey nayt, dumating si Andres ko. Siempre, ang saya-saya ko. Halos dalawang buwan ata kaming hindi nag-kita kaya naman, hafing-hafi akong makita si fafa. Dala-dala nya lahat ng bilin ko, Lord of the rings na libro nya na 1980s pa ata nya binili at ang maual camera nya na pahihiram nya sa akin. Nung gabi ring yon, tinuturuan na nya ako kung paanong gumamit ng manual na camera. Akong walang alam sa pagkuha ng litrato kung hindi automatic ang hawak ko.


Fraydey morning, namili muna kami ng kailangan pa namin para sa kasal ni Vicky kinabukasan - pantalon at sando ni Andres, mga anmensyonabels ko at ni inang, pambalot ng bible na gagamitin ni Vicky at kung ano-ano pa. Pagkatapos nun, nauna nang umuwi ni Inang at naglakad-lakad kami ni Andres sa Mall. Pinuntahan namin yung indoor garden ng mall at kumuha ako ng kumuha ng mga pictures sa digital camera ko. Tinuruan nya akong kumuha ng mataas at mabagal na speed shutter. Sa tutuo lang nag-improve ang pagkuha ko nung tinuruan nya ako. Nung kinahapunan, dineliver ko ang ginawa kong bible kay Jello at pagkatapos nag-renta kami ng mga video na pangako namin ni Andres sa isa't-isa eh panunuurin namin ng sabay. Nagluto si Itang ng barbecue steak panghapunan at nanuod kami ng nirenta naming pelikula bago kami natulog.


Saturdey, kasal ni Vicky. Bisi na ako umaga pa lang. Paayos ng buhok, namalantsa ng susuuting barong ni Andres ko (at bagay kay mokong, ha!) at lumarga na kami ng maaga papuntang simbahan. buong araw hanggang gabi panay iyakan, tawanan at sayawan. Na-tats ako kay Tatay (ama ni Vicky), kinausap ako sa isang tabi. Naiyak ako kasi usapang fatherly feelings. Para ko na ring tatay si Tatay atsaka malapit na kaibigan pa siya ni Itang. Feeling ko, siguro si Itang ko nung kinakasal ang mga kapatid kong sina Patring at Greta ganun din ang pakiramdam. Nag-iiyakan ang iba sa lobby ng hotel dahil sa ginawa naming souvenir program ni Vicky. Sabi ko sa kanila, galing lahat yong teksto nun kay Vicky at Jello. May open letter kasi sina Vicky sa souvenir program sa mga mahal nila sa buhay. Maganda raw yung ginawa naming yon, na-iiba. Nung magsalita sina Vicky at Jello para magpasalamat, tulo ng tulo ang luha ni Vicky sa sobrang touch at galak. Si Jello naiyak nung makita ang nasira nyang ina sa slideshow. Maya-maya, nag-tawanan naman lahat dahil sa speech ng bestman na si Elvis at ng kapatid ni Vicky na si Bongbong. Bago natapos ang program ng kasal, nagulat si Vicky at Jello dahil nag sayaw ang mga Tequila babes. Hindi nila akalain yon, kasama pa ang kaibigan ni Vicky na si Ina na galing sa Toronto. Tuwang-tuwa ang dalawa. Ang mga lalaki, parang namilipit sa kakasigaw. Wag niong tanungin sa akin kung bakit. Sabi lang sa akin yun ng boyfriend ni Mina na si Dani.


Nung kasalukuyang sayawan na, nagkukuha na ako ng mga litrato ng mga tao. Siguro sa sobrang saya ko, naisipan kong sumayaw sa taas ng silya habang kumukuha ng litrato. Ayun, sa hindi sinasadyang pangyayari, natabig ako ng isa sa mga kaibigan namin. Nakita kong tumalbog ang camera kong digital at gumulong-gulong sa sahig. Nagising ako... yung pulot ko ng camera ko at tumakbo sa labas para makita ang damage. Nanlata ako nung makita kong putol ang lens ko. Bigla akong nawalan ng gana nang gabing yon, gusto kong maiyak. Sabi ni Andres ko, wag ko na raw isipin at dadalhin namin bukas sa pagawaan.


Nung gabi tumuloy kami sandali ni Andres sa kwarto nila Jello sa hotel. Maya-maya mga bandang alas dos y media, umuwi na kami. Hindi ako makatulog nang gabing yon, naiisip ko ang camera ko...


Sandey, lumabas kami ni Andres... dapat dadalhin na namin ang camera ko sa pinagbilhan ko, pero hindi ko makita ang resibo ko kaya sabi ko hahanapin ko muna yung resibo at sa Martes ko na sya dadalhin sa tindahan. Naglibot-libot kami ni Andres sa may malaking park. Dala namin yung manual nyang camera. Kumuha kami ng mga litrato. Tinuturuan nya ako kung ano ang kukunan ko. Naglakad kami sa buong downtown. Nung hapon tumuloy kami sa isa pang park na may malaking wading pool, nahiga kami sa damo at na-idlip sandali. Nung medyo madilim na, umuwi na kami at nanghiram ulit ng mga video. Sabi ko sa kanya nung gabi, ang tahimik ng araw namin... Masaya ako kasi magkasama kaming dalawa. Kaming dalawa lang.. wala nang iba...


Mandey, nasa bahay lang kami... nanuod ng iba pa naming video. Hindi na kami umalis kasi nga maya-maya, uuwi na sya. Mga alas-tres umalis na kami papuntang eyrport. Malungkot na ako. Nung hinatid ko na sya sa may Immigration papuntang US, ayoko nang tumingin kasi tumulo na ang luha ko. Nun pa lang, na-miss ko na sya...


Nung gabi, habang nasa computer ako, napansin ko lahat ng picture files ko, hindi ko mabuksan. Kinabahan na ako.. sinabi na sa akin ni Andres kahapon pa lang na baka may virus ako kasi mabagal ang computer ko. Hindi ko alam kung paano ko nalaman, pero inopen ko yung isang file - Love Letter virus. Nanlumo ako nung makita ko kung ano ang damage: Lahat ng mga litrato nila popoy at mokong magmula pa nung bata sila, nawalang lahat... lahat ng mga litratong kinuha ko na kinonvert ko na sa JPEG na ilalagay ko na sa web, nawalang lahat... mga iba ko pang mga MP3's - lahat ginawa nyang VBS. Umiyak ako sa galit.. as in.. super iyak ako, nagising sina inang na natutulog kasalukuyan sa sofa bed namin. Akala nila may kung ano nang nangyari kay Andres kasi nga kalilipad lang. Naiyak rin kasi ako sa sobrang panlulumo - lahat ng mga litrato ng mga bata, nabura.. nawala lahat... Napansin ko na yon eh.. nung dumating si Andres, at nag-surf kami, nayayamot ako at may pinupuntahan syang skyinet na website na kahit na ilang beses naming palitan ang default, bumabalik sa skyinet kapag magbubukas kami ng explorer. Alam ko alam ni Itang ang I love you virus kaya hindi nagbubukas yon ng kung ano-ano. Pero recently kasi, maraming gumagamit ng pc ko. Kasalanan ko rin, hindi ko sila nasabihan na huwag magbubukas ng kung ano-ano galing sa email nila. Wala rin naman akong dapat pagbintangan at I'm sure, hindi naman nila alam kasi yon. Pero yun nga... nawala lahat... ano pa ba ang magagwa ko? hanggang alas dos, naglilinis ako ng mga files ko - 10,000+ na infected files. bukod pa sa mga nauna ko nang natanggal.


hay naku... very emotional weekend...

--------

Posted by atesienna at 09:15 AM | Comments (0)

July 24, 2002

I feel so tired


I feel so tired today. Hindi rin ako masyadong ganadong mag-trabaho magmula nung mag-conversion na kami. Wala na sigurong 'challenge'. Piano naman, puro na lang kami data fixes at reports. Nakaka-umay na, sa true lang... Pero, kung tutuusin, ayoko na rin kasi ng trabaho ko. Malaki ang sweldo pero parang wala nang personal satisfaction. Gusto ko na'ng mag-iba ng linya. Feel kong sabihin sa sarili ko "iba naman, tsong..."


Nung minsan pinaguusapan namin ni Mareng Lita sa ICQ ang mga gusto na naming gawin sa buhay. Matagal ko nang kaibigan si mare. Siya, si Portia, si Fina, si Socorro at si Jemima nakilala ko sa unang opisinang pinasukan ko nung gumradweyt ako ng koleyds nung 19-tralalalala (daming 'la' kasi sobrang tagal na!) Pare-pareho kaming bagong tapos ng kolehiyo, pare-parehong bagong sibol sa "korforeyt werld", ikanga ni Soccoro. Malaunan, nag-sipag-resign na kami isa-isa dun sa una naming pinasukan pero keep in touch pa rin kaming lahat. Magni-ninang at magku-kumare na kami sa mga anak-anak ng isa't isa. Si Soccoro nasa Jameyrika na ngayon at sobrang moral support ang binigay sa akin nung naghahanap ako ng trabaho nun. Si Portia, lima na ang anak nila ni Domingo at sales manager na. Si Fina, consultant na sa isang HR consulting company sa Te-maks (Makati) at si Jemima, HR manager na sa isang computer chip company naman - nag-uunahan ata sila ni Portia ng dami ng anak! At ang natira na lang sa dati naming kumpanya eh si Mareng Lita. 'Wag ka, mane-ger na yun dun. At service awardee pa sa sobrang loyalty.


So, ayun na nga. Nag-uusap kami ni mareng Lita. Sabi ko kay mare gusto ko nang mag-iba ng propesyon. Sya rin daw ganun na rin. Siguro nga nagsawa na kasi kami sa sobrang tagal na namin sa industriya. Pareho kasi kami ng propesyon ni mare kaya nararamdaman nya ang nararamdaman ko. Sya, dahil dalawa na ang anak, gusto na raw nyang mag-lalagi ng mas matagal na oras sa bahay para maasikaso ang dalawa nyang lalaking anak na pareho nang nag-aaral. Ako naman dahil bored na ako talaga. So siempre, rah-rah girl kami ng isa't-isa, sabi ko sa kanya, itaguyod na nya ang kanyang gustong mangyari at ako naman, sinabihan nya na "Tutal magaling ka naman dun, gawin mo na..." Yung "dun" nya eh yung sinabi ko sa kanyang gusto kong pasukan na negosyo.


Siguro nga, I nid a tseynj. Maiba naman... Kapag nagtagal na ako sa Jemyrika at nakahanap ng maraming contacts, siguro itutuloy ko ang pangarap kong negosyo. Konting panahon na lang siguro.. at konting pera pa...

--------

Posted by atesienna at 09:15 AM | Comments (0)

July 19, 2002

Nung minsan bumisita sina


Nung minsan bumisita sina Mina at Melay sa bahay para isukat yung mga gowns na susuotin nila sa kasal nila Vicky at Jello, binaggit sa akin ni Mina na inaabangan daw niya ang mga sinusulat ko sa pansitan. "Ate Sienna, ang tagal-tagal mo nang hindi nagsusulat ng bago sa blog mo, magsulat ka naman ulit!" So dedikeyted kay Minyang ang blog ko para sa araw na ito.


Ang dami-daming nangyari na magmula ng sumulat ako 6,000 days ago. (hehehe exaggeration lang...). Marami na rin akong nakukuhang litatro galing sa bago kong camera. Froud ako kasi hindi ako gumagamit ng automatic point and shoot settings ko, puro manual! Sus, ang bigat-bigat na nga ng bag ko lagi dahil mabigat ang ka-mera ko! Pero jokey lang yon. Sabi nga nila - it only happens once... kaya, any monument pag may nakita akong maganda, eh di i-klik ko na ng i-klik.


Nakikinig ako ngayon ng ginamit na soundtrack ng kapatid kong si Ringo sa MTV na ginawa niya ng kasal ni Patring. Akshully, all-time peyborit naming magkakapatid yung kanta na yon - Michael McDonald at David Pack's Our Love. Ang sarap-sarap pakinggan ng kantang yon. Paulit-ulit ko na syang pinakikinggan. (hindi kaya mamaos na si Michael?) Pero gandang-ganda ako sa melodiya, hindi nakakasawa. Atsaka very touching ang lyrics, hindi bubblegum, hindi ala-"oh baby, oh baby". May katuturan, tumatagos sa mga in-lab na mga puso.

Ispiking of Ringo... Hindi sa dahil kapatid ko si Ringo, pero proud ako sa mga achievements nya. Bata pa lang sya, alam na nya kung ano ang destiny nya sa buhay at masaya sya sa trabaho nya. Matagal na sya dun, haligi na'ng matatawag, marami na'ng naipundar, marami na'ng naipuhunan. Pati nga ang bahay namin sa may Quezon City, sya ang nagpatayo nun. Pero mabalik ako sa mga MTV nga niya, pangatlong self-made MTV na nya itong ginawa, Yung dalawa, MTV sa trabaho nya, pinakita pa nga nya sa mga "matataas" na tao at impress din sa kanya ang mga ito. Napag-usapan na nga namin nung minsan, kapag nag-permanente na ako sa Jameyrika at nakahanap na ako ng trabahong permanente dun, kukupkupin ko sya ng mga ilang buwan at pag-aaralin ko na ng film-making. Tutal, yun naman ang hilig na nya. At sayang kung hindi nya magagamit in full-blast ang talents nya. Magaling rin sa computer si Ringo.. hindi sya aral pero kuhang-kuha nyang pag-aralan yung mga SW na sa tutuo lang "way beyond me" na. Kaya nga yung mga MTV nya na ginagawa nya sa hindi-ko-na-ma-gets na Adobe Premiere eh hanggang ngayon, eh yun nga - hindi ko pa rin ma-gets!


Pero gagawin ko talaga yon.. pag-aaralin ko si Ringo. Sukli man lang sa lahat ng magagandang nagawa nya at pinagtiis nya para sa min.


Nakakapagod rin palang mag-asikaso ng kasal. Kung tutuusin nga, hindi ko pa kasal ito. Pero buhos na buhos talaga ang panahon ko sa okasyon sa susunod na Sabado. Siguro kasi gusto kong gumanda ang kasal ni Vicky. May "Transference" syndrome daw ako ngayon sabi ng mga kaibigan ko (ano daw, transference?!?!). Siguro nga... Yung mga gusto kong idea para sa kasal ko, ginagawa ko na sa kanya at sa dalawa kong kapatid na babaeng kinasal. Ewan ko, siguro kasi alam ko na ang gusto kong fairy tale wedding ko, hindi na ganun ang mangyayari. Tumatanda na ako, hindi na babagay sa akin yon kaya bigay ko na lang sa kanila. Ayoko na rin ng magarbong kasal, ayaw ko ng sobrang daming tao.. ang importanteng mga tao lang na gusto kong nanduon ay yung mga mahal ko sa buhay at siempre pa ang pinaka-importante sa lahat - ang groom ko - si Andres. Hindi kaya frustrated ang aking Lola bagets na si Lola Idad dahil ako pa naman ang pinakapaborito nyang apo, ako pa ang hindi nya nagagawan ng trahe de boda. The irony of it all...


O ayan, Mina, ang haba ng sinulat ko, ha... pangako, lagi na akong magsusulat sa blog ko para may bago ka laging mababasa... At para kay Andres ko...


OUR LOVE

(Michael McDonald/David Pack)


LOST AND LONELY LIVES / FLOATING LIKE WAVES AT SEA / WE MAKE IT DAY BY DAY / WATCHING THE WORLD GO BY

IN A MOMENT WHERE TIME STANDS STILL / FROM HERE WE LOOK OUT ON FOREVER

CHORUS

DARLING, OUR LOVE / ONE LOVE THAT NEVER FADES AWAY / OUR LOVE / THIS LOVE WILL LIGHT THE WORLD ON ITS WAY

SHATTERED, BROKEN DREAMS / SIFTING LIKE GRAINS OF SAND / WE CLAIM IT AND HERE WE STAY / WATCHING THE WORLD GO BY

WITH THE STRENGTH THAT WE SPEND IN THIS LIFE / IN THE HOPE THAT IT GOES ON FOREVER / WE BELIEVE AS WE PROMISE TO TRY, THAT (Chorus)

IN A MOMENT WHEN TIME STANDS STILL / FROM HERE WE LOOK OUT ON FOREVER / AND WE CAN SEE ALL THAT TIME WILL TELL

--------

Posted by atesienna at 09:14 PM | Comments (0)

July 14, 2002

Nag-birthday party si bespren


Nag-birthday party si bespren Remy kahapon. Nandun yung mga kaibigan ng nanay nya na galing sa kabilang syudad. Wala halos lahat ng mga girls, nagpuntahan silang lahat sa camping. Kaya ang nakarating lang kina Remy eh ako, si Vicky, si Jello, ang kapatid ni Remy na si Gerbo at si fafa Akong ni Remy. Nandun kami sa may backyard nila. May nakalatag na kumot sa damo sa may pond nila. Hindi namin namalayan alas dyes y media na pala dahil medyo palubog pa lang ang araw. Tumawag nga ako kay Andres muna at baka iniintay na nya ang tawag ko. Hanggang alas dos kami sa labas nila. Ang sarap-sarap ng hangin kasi. Pinag-uusapan namin ang bagong lab ni Gerbo. Masaya naman kami at mukhang masayang-masaya sya ngayon. Yun nga lang LDR - long distance relationship. Nasa Pinas kasi ang kanyang "lab op may layp".


Mahirap talaga ang LDR. I should know, ako ata ang sumulat ng libro tungkol dun. Ang pinayo ko lang sa kanya isang bagay lang - TRUST. Kung wala nun, walang kwenta na ang relasyon. Kung hindi mo mapagkakatiwalaan sya ng buong-buo, ano pa ang saysay ng relasyon ninyo? Ayan nga at hindi mo na sya nakikita, dahil nga sa distansya ninyong dalawa, kakainin ka pa ba ng sangkatutak na pag-imbudo sa sarili mo dahil afreyd ka na baka may kasama syang iba? Hindi na, diba? Tiwala - ang pinapundasyon ng pag-iibigan pagkatapos ng pag-ibig.


Para nga akong tanga na wala na akong binanggit kundi "Ang sarap-sarap.. sana laging ganito". Enjoy ako kagabi. Tahimik, konting kwentuhan, walang gulo sa utak. Simple... Payak...

--------

Posted by atesienna at 09:13 PM | Comments (0)

July 13, 2002

May nagpadala sa akin


May nagpadala sa akin ng link na kakatawa. Comedy skits ni Rex Navarrete sa Newsground.com at sinalin sa animeyshen ni Joey G. (hindi Generoso, ha) at yung isa naman sa Fractalcow.com. Tawang-tawa ako talaga! Enjoi nio na lang!

--------

Posted by atesienna at 09:13 PM | Comments (0)

Kumuha na naman ako


Kumuha na naman ako ng mga pictures kahapon. As usual, pinag-aaralan ko lang ang camera ko - yung mga iba-ibang settings, yung pagtimpla, tapos basa pa rin ako ng basa ng manual. Enjoi naman ako. Ang pinakamagandang parte - erase-erase lang ako pag hindi ko type! Kagaling, diba??


Maiba ako, si Vicky, malapit na ang kasal - 2 weeks na lang. Ang loka, hindi na nakakakain at makatulog. Sabi ko sa kanya baka hindi na nya madala ang gown nya atsaka baka hindi na makuha ng make-up kung saka-sakaling lumalim ang eyebags nya. Kagabi, go kami sa bahay ng 'Tita' namin na syang florist nya sa kasal. Pinakita na sa amin yung mga ilalagay sa aisle na dekoreyshen. Natuwa ako kasi simple lang sya pero elegante tingnan. Pinag-usapan na rin namin ang pag-distribute ng mga ibang mga gagamiting bulaklak atsaka kung sino-sino pa ang involved.


Birthday ni bespren Remy nung July 10. hehehe parang kelan lang eh bagets na bubwit yon nung magkakilala kami, ngayon dalagang-dalaga na. At hapi ako kasi hapi sya kay 'fafa' Akong nya. Finally, she's found her true love... Sana nga sila na talaga ang magkatuluyan.

--------

Posted by atesienna at 09:12 PM | Comments (0)

July 11, 2002

Ok.. kahapon bumili na


Ok.. kahapon bumili na ako ng digital camera. Scared pa nga ako at baka pagalitan ako ni Andres dahil pagkatapos ko pang mag-nga-ngak-ngak na sabay naming bibilhin yung camera ko, eh bumili na rin ako dito. Hindi ko na kasi maintay. Atsaka gusto ko nang simulan kasing matutong kumuha ng mga litrato. Buti na lang kagabi nung nangumpisal na ako sa kanya, hindi naman sya na-engri sa akin. Natawa lang at ang sabi, 'I'm learning...". Pero nung pinakita ko naman sa kanya yung website na nag-fityur nung aking camerang binili, eh ok naman sya at sinabing "Happy picture taking!" (Hayyyy.. mabuti na lang at mabait si labs... hehehe)


So pinag-aaralan ko na ang bago kong laruan. Nagsimula muna ako ngayon sa Automatic mode nya (pont lang ng point at shoot lang ng shoot), pero later on, pag nakagamayan ko na sya, mapaglalaruan ko na ang manual settings nya. Sinimulan ko nang kumuha ng mga litrato kaninang umaga (hindi ako pumasok sa work kasi pinagpahinga ako ng doktor ko). Kinunan ko yung labas ng apartment ko. Pagkatapos ininstall ko na yung mga software sa PC ko na kailangan para ma-download ko yung mga fikstyurs ko. Entonces... Shazammmm!!!!! I'm kliking!


Gumawa na ako ng isa pang homepage kasi alam ko, marami-rami ang lalakbayin ng ginagawa kong ito, Pasensya na kayo.. pag-aaralan ko pa rin kung paanong mag-display ng mga litrato ng hindi masyadong abala at may dating. Pero por naw... tingnan nio na muna ito...


Awtsayd da Windo

--------

Posted by atesienna at 09:12 PM | Comments (0)

July 10, 2002

Matagal na akong naghahanap


Matagal na akong naghahanap ng digital camera. Gustong-gusto ko nang mag-hobby ng photography. Simple lang naman ang gusto ko, makakuha ng magandang mga litrato, true-to-form ang mga kulay (yun bang hindi nagkukulay lumot ang tao), kumpleto ng accessories na para maka-hookup sa pc ko. Pero kompyusing pala kasi ang dami-daming iba't-ibang klase tapos may mga features na kool sana pero hindi mo sigurado kung magagamit mo. Kaya, eto.. nag-reresearch pa rin ako kung ano ang dapat kong bilhin. Pinag-usapan nga namin ni Andres ko ito kagabi. Mas may alam kasi yon kesa sa akin dahil kumuha pa sya ng subjects nito nung college (nineteen-tralala). Napagdesisyunan ko kagabi na iintayin ko na lang na makabalik ako sa Jameyrika bago ako bumili. Pero pag-gising ko kaninang umaga, parang feeling ko, hindi ko na maiintay pa ang Setyembre.. parang gusto ko nang bumili. Hehehe.. magkakamot na ng ulo yun pag sinabi kong nagbago na naman ang desisyon ko.


Pero speaking of photography at si Andres ko, pagpunta nya rito sa huling linggo ng July para nga sa kasal ni Vicky at Jello, dadalhin daw niya yung manual na camera nya. Tuturuan daw niya akong kumuha ng mga litrato. Tamang-tama, pagpa-praktisan namin ang kasal ni Vicky. Sabi ko, ngayon pa lang, habang wala pa sya. mag-pa-praktis na ako ng photo composition sa point-and-shoot na camera ko. Gusto ko black-and-white na mga litrato. Kaya ngayong araw na ito, bibilhan ko ng baterya ang camera ko at bibili ako ng black-and-white film. Teka.. Mahanap nga ang camera ko... Time-out...

--------

Posted by atesienna at 09:11 PM | Comments (0)

Hmpp... hindi maganda ito..


Hmpp... hindi maganda ito.. hindi ko makita ang camera ko!!! Senyales ba ito na pinabibili na ako ng digital camera? (hehehe)

--------

Posted by atesienna at 09:11 PM | Comments (0)

July 08, 2002

Nung Sabado nagkita-kita ang


Nung Sabado nagkita-kita ang halos lahat ng Tequila Babes (maliban kay Ana at Remy na parehong wala) sa bahay nila Melay at Mina dahil welcome party raw para sa bago nilang pamangkin. (Nanganak na kasi si Vera, hipag nila Melay sa kapatid nilang si Mikel - baby boy!). Nung gabi na at kami-kami na lang ang nanduon, nakaupo kaming lahat sa may porch nila. Ninanamnam namin ang hanging pang-summer, nag-iisip na sana naririnig namin ang hampas ng alon sa likod namin - parang sa Pilipinas kapag nag-babakasyon ka sa may tabing-dagat.


Habang nag-hihintay na maluto ang midnight snack na barbecue at pinagtatawanan sina Vicky at Nelly dahil kumakain ng kanin ng alas dos ng madaling araw, napag-usapan ang pag-ibig. Wala lang.. usapang lasing, kumbaga. (Naglabas kasi si Elvis ng dalawang naka-boteng lambanog na padala raw ng mga magulang ng hipag niyang si Vera sa kanya galing ng pilipinas). Mga "dapat ba" o "hindi ba dapat" na mga tanong tungkol sa relasyong babae at lalaki. Iba-ibang opinyon, iba-ibang punto de bista. Makakarinig ka ng mga sagot na "Oo nga ano..." o "Oy, hindi ah!" o "Eh bakit si...?" o "May point ka dyan...".


Iba-iba talaga ang tao... mas lalo na sa pag-ibig. Basta ako... mahal ko si Andres ko :)

--------

Posted by atesienna at 09:10 PM | Comments (0)

July 05, 2002

Yahooooo!!! Stampede na ulit.


Yahooooo!!! Stampede na ulit. Ang tinaguriang greatest outdoor show on earth. Maglilipana na naman ang mga cowboys (at mga feeling cowboys) sa lahat ng parte ng syudad. Actually ang gusto ko lang na parte ng stampede - makakapag-jeans ka ng one whole week. Niyaya nga ako ni Melay sa Stampede Grounds ngayong gabi. Makiki-usi sa mga rides at mga shows, pero isip ko, baka bukas na lang ako magpunta. Madala si Inang at Itang.

Ang isa pang maganda sa Stampede yung walang humpay na inuman! I'm sure mag-hahanap ang tequila babes ng gimik para uminom at maka-silay ng mga gwaping na cowboy (at feeling cowboy). Ang masama lang nito, sigurado ako na naman ang bangka..

--------

Posted by atesienna at 09:10 PM | Comments (0)

July 04, 2002

Nung sabado (June 30),


Nung sabado (June 30), nagpunta ang entourage ni Vicky at Jello sa Confederation Park. Type lang magpa-pictorial. Sabi ko kay Vicky, gagawan ko sya ng souvenir programme para sa kasal nia. (Yun pa, type kong gawin yon para sa kasal ko pero binigay ko na yung idea na yon sa kanya). Magaling kumuha si Richard "Calex" Cawaling ng Calexgear. Bagong photographer lang sya pero makikita mo na ang potentials nya. Ginawa na nga siyang official photographer nila Vicky kasi nga may angking galing. Eniweys, share ko lang sa madlang people ang ilan sa mga pictures na kinuha Richard.



--------

Posted by atesienna at 09:09 PM | Comments (0)

Ok.. ok na ako...


Ok.. ok na ako... sus, nahirapan akong simulan ang web log na ito, ah! Sana naman eh magustuhan ninyo. Kada-hanap ako ng mga magagandang blog template pero pag-aaralan ko muna kung paano ang blogger at medyo hindi ko pa sya masyadong kabisado. For the meantime, dito muna tayo...

Malapit na ang kasal ng kaibigan kong si Vicky. Bising-bisi na kami sa pag-asikaso. Sabagay tapos na namin halos lahat maliban lang sa mga maliliit na mga kung ano-ano - giveaways, missalette, etc. Nung minsan, habang umiikot, napag-usapan namin yung mga 'dream weddings'. I'm sure si Vicky, itong kasal nyang ito ang dream wedding nya. Ako, sabi ko sa kanya parang wala na ata akong dream wedding. Yung mga gusto kong mangyari sa kasal ko, napagawa ko na sa dalawa kong kapatid na babae atsaka sa kanya na rin. So nung ako ang nag-isip kung ano ang gusto ko parang wala na akong maisip. Sabi ko na lang.. "makasal sa lalaking mahal ko - si Andres ko". Yun na ata ang dream wedding ko.

Speaking of weddings, si Andres ang gusto sa bundok daw. Mag-hi-hiking pa, backpack and all, para lang makarating sa wedding site. Sabi ko sa sarili ko.. hehehe.. tingnan natin kung maka-akyat pa ng bundok ang nanay mo! Salbahe ako, no?

At speaking of Andres, ma-mi-miss ko ang lobyudoods ko kasi manunuod daw sya ng fireworks ngayon sa Berkeley kasama yung kaibigan nya. Naalala ko tuloy yung taon na nanuod kami ng sabay ng fireworks ng 4th of July sa may San Jose. hayyyy... miss ko na naman si Andres...

--------

Posted by atesienna at 08:34 PM | Comments (0)